Chapter 14
Notice
Jay-jay's POV
Lunch time. Hatak-hatak ko si Ci-N sa kwelyo niya. Kailangan ko lang makausap ang bata na 'to.
"Bitawan mo na ako..." Parang batang pitong taon na nagmamaktol itong si Ci-N.
Binitiwan ko siya sa kwelyo pero agad kong pinaikot ang braso ko sa leeg niya.
"Aray!" sigaw niya.
"Gago ka kasi... Ipapahamak mo pa ako kanina."
"S-sorry na... A-aray."
Binitiwan ko rin siya agad pero malakas na kutos muna ang ibinigay ko. Loko kasi.
"Masakit 'yon, ah," sambit niya habang hinihimas ang ulo niya.
"Talaga?! Hindi ako aware," sarkastiko kong sagot.
Nag-pout naman siya agad na parang napahiya. Medyo naawa naman ako. Pasalamat siya cute siya.
"Papabili ka ba sa cafeteria?" tanong ko.
Nabuhayan siya sa sinabi ko at agad na ngumiti. The usual smile.
"Sige..." sagot niya habang nagna-nod.
Lumakad na kami papuntang cafeteria. Walang tigil sa pagha-hum si Ci-N habang naglalakad. Tss! Bata talaga!
"Ci-N, ilang taon ka na?" tanong ko.
"Uhmm... 14 na," sagot niya habang nakangiti. Napahinto naman ako bigla. Eh dapat pala first year pa lang siya. Bata nga talaga siya, bata sa 'kin ng tatlong taon.
"Eh paano ka naging fourth year?"
"Ano... Paano nga ba? Nanguha lang ako ng exam nung grade 4 tapos nilagay na nila ako sa first year high school," paliwanag niya.
Accelerated?
"Eh paano ka napunta sa Section E?"
"Ahh... Hinalikan ko yung classmate kong maganda," sagot niya habang nakangiti na naman.
Hokage pala ito, eh!
"'Yon lang?!"
"Tapos sinuntok niya ako tapos nagkagulo na... Sa 'kin nagsimula kaya ako yung napunta sa Section E."
"'Yan... Ninja moves ka kasi."
Napakamot na lang siya sa ulo pero nakangiti pa rin. Pati ako, napangiti na lang din. Nakakahawa kasi minsan.
Tinuloy na namin ang paglalakad. Pagdating sa pinto ng cafeteria, napahinto kami dahil sa notice na naka-dikit sa pinto.
"ALL of Section E is not allowed inside!
P.S. Kasama ka do'n, babae!"
All of Section E?! At kasama na ako ro'n! Putcha! Kung kailan hindi ako nagbaon, ngayon pa nangyari 'to.
"Paano 'yan, Jay? Pati ikaw hindi na pwede sa loob," sabi ni Ci-N.
Ano ba 'yan?! Baka naman nanakot lang yung mga tao sa loob. Baka hindi pa ako kasali sa rule na 'to. Hinawakan ko yung pinto para buksan pero pinigilan ako ni Ci-N.
"'Wag mo nang tangkain. Baka kung ano'ng gawin sa 'yong parusa kapag lumabag ka diyan."
"Tsk! Malay mo naman hindi pa nag-a-apply sa 'kin ang rules na 'yan."
"Applied na 'yan... from the start na pumasok ka dito. Hindi ka lang nila binawalan kasi transferee ka at hindi mo pa alam issue ng Section E sa cafeteria."
Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. "Paano mo nalaman 'yon?"
Napahimas siya sa batok. "Narinig ko sa Section A nung nakaraan."
Confirm! Tsismoso talaga 'to.
Hindi ka tsismosa, Jay?
Para kaming natalo sa laban nang umalis kami sa harap ng cafeteria. Napunta kami sa harap ng malaking building at naupo sa bench.
Huminga ako nang malalim at pinatong ang siko sa tuhod para pumangalumbaba.
"Nagugutom na ako, Jay."
"Ako din, Ci. Next time talaga, magbabaon na ako."
"Ay... Ako din ipagbaon mo."
Tinignan ko siya. "Ano?! Swerte mo. May taga-baon ka pa."
Nag-pout siya sa 'kin. "Sige na... Wala naman kasing mag-aasikaso sa 'min ng babaunin ko."
"Bakit? Nasaan ang parents mo?"
Umiwas siya ng tingin. "P-parehong nasa trabaho..."
"Wala ka bang kapatid?"
"Meron. Pero busy sila, eh."
Parang ayaw niya pag-usapan yung family niya. Hindi siya makatingin sa 'kin nang maayos at halos humina na yung boses niya sa pagsagot.
"Sige... Ako na lang maghahanda ng baon mo." Para siyang nabuhayan at muling ngumiti sa 'kin. Ganiyan dapat..
"Sabi mo 'yan, ah." Nag-nod naman ako at ngumiti rin sa kaniya. Pero nawala rin 'yon nang parehong kumulo sa gutom ang sikmura namin.
Food! Bumuhos ka mula sa langit!
"Ano'ng ginagawa niyong dalawa diyan?" May nagsalita mula sa likod namin.
Lumingon ako para tingnan 'yon. Si Rakki at nakangiti siya sa 'kin habang hinahawi ang mahaba niyang buhok pero nawala yung ngiti niya nang makita si Ci-N sa tabi.
"Hi, Rakki!" bati ni Ci-N nang buong sigla.
Hmm? Parang nag-iba bigla si Ci-N. Ano 'yon? Buhay na buhay kahit pareho kaming gutom.
"Hmpf!" pagtataray ni Rakki sa kaniya. Lumapit siya sa 'min at naupo sa tabi ko. "Kumusta, Jay?"
"Ito gutuman... ikaw?" bored na sagot ko.
"Bakit hindi—"
Ci-N cut Rakki. "Ako hindi mo kukumustahin?"
Agad siyang tiningnan nang masama ni Rakki. "Hindi na! Obvious namang nakipag-away ka!"
Parang babaeng kinilig si Ci-N. Ano 'yon? Bakit may gano'n? Question Mark na tuloy sa 'kin 'tong si Ci-N. Pareho pa kami ni Rakki ng reaksyon.
"Baliw..." bulong ni Rakki at muli akong hinarap. "Hindi pa ba kayo kumakain?"
"Hindi pa, eh... Bawal na ako sa cafeteria kagaya nila..." sabi ko sabay turo kay Ci-N na todo smile kay Rakki.
"Gano'n?" Tumingin siya sa entrance ng cafeteria. "Akin na pera niyo. Gagawan ko ng paraan problema niyo," saad niya habang nakalahad ang kamay sa 'min.
Kahit medyo naguguluhan, nagbigay na rin ako ng pera. Si Ci-N, no doubt na nag-abot. Nakakapagtaka lang yung pag-abot niya ng pera. Nilapat niya kasi nang husto yung palad niya sa palad ni Rakki.
"Ahihihi..." sabi nito habang kinikilig
"Sasabakan kita," banta ni Rakki sa kaniya pero hindi naman siya nagpatinag. "Ano palang gusto mong bilhin?"
"Kanin sa 'kin tapos sa ulam baka menudo na lang. Ikaw, Ci-N?"
"Special order sa 'kin. Rakki tawag do'n," Sagot niya habang nakangiti nang nakakaloko.
Agad siyang tiningnan nang masama ni Rakki. "Tsk! Ayaw ayusin!"
Bahagyang tumawa si Ci-N. "Kapareho na lang nung kay Jay-jay."
Tumango lang si Rakki at mabilis na naglakad papunta sa cafeteria. Pagkakataon ko na. Pagkakataon ko nang maki-tsismis.
"Hoy, Ci-N! Ano 'yon?!"
"Anong 'ano' 'yon'?"
"Yung kay Rakki!" iritable kong tanong sa kaniya.
"Ano... Classmate ko siya dati. Siya yung ano... Yung... hinalikan ko," paliwanag niya habang namumula ang pisngi.
Ikaw na ang tunay na hokage!
Naningkit ang mata ko sa kaniya. "Crush mo si Rakki, 'no?"
Bigla na lang itong kinilig at parang sinisilihan ang pwet sa upuan. Hindi na kailangan ng sagot, kitang-kita naman na. Daig pa ang babae kung kiligin.
"Umayos ka nga!" sita ko sa kaniya. Pinagtitinginan na kasi kami.
"Ikaw kasi..." sabi nito sa 'kin.
Hinampas ko siya nang malakas sa braso at halos mahulog siya sa kinauupuan.
"Masakit!" reklamo niya sa 'kin habang hinihimas ang braso niya. Inirapan ko lang siya.
Nakita kong lumabas na si Rakki ng cafeteria dala yung mga pinabili namin.
"Ito na..." Inabot niya sa 'min yung hawak niya.
Nginitian ko siya. "Salamat..."
"Thank you, Rakki babe," sabi ni Ci-N.
Biglang ngsalubong ang kilay ni Rakki at bago pa man siya makapagsalita, hinatak na ako ni Ci-N paalis. Halos madapa pa ako sa paghatak niya.
Huminto kami malapit sa building ng Section E.
"Gago ka ay..." sabi ko habang naghahabol ng hangin pero ang Ci-N na walang hiya, nakangiti pa rin at halatang masaya sa pinaggagawa.
Naghanap kami ng mapupwestuhan para kainin yung pinabili namin. Baka kasi tangayin ng foodnatcher yung pagkain namin.
Nagtago kami sa likod ng mga tambak na gamit. Kumuha lang kami ng bangko at lamesa. Kasabay ng pagnguya namin ay ang pagkagat ng mga LINTIK NA LAMOK sa 'min! Ang sakit at ang kati!
Si Ci-N naman kasi! Pipili lang ng pwesto, yung malamok pa. Matapos kumain, bumalik na kami sa room at agad kong inalcoholan yung mga kagat sa 'kin.
Umiiwas pa rin ng tingin sa 'kin yung buong klase. Tiningnan ko si Felix pero umiwas din siya ng tingin. May masama kayang ginawa si Aries sa kaniya?
Tumunog na yung bell at ilang sandali bago dumating ang teacher. Hindi rin naman gano'n katagal ang naging klase namin. PE na kasi ang sunod naming klase at binigyan kami ng 30 minutes na vacant para makapaghanda.
Tumayo na ako para lumabas at magbihis pero laking gulat ko nang biglang nghubad ng polo yung buong klase.
Pinilit kong magmadali baka kung ano'ng makita ko sa pagbibihis nila. Kaya lang, huli na. Hinubad na nila mga t-shirt or sando nila.
Hala! Hala! Teka lang.
Sanay naman akong nakakakita ng topless na lalaki pero ang dami kaya nila.
Lumabas ako agad at tumakbo sa pinakamalapit na CR. Nagbihis na rin ako. Jogging pants at t-shirt lang ang PE uniform namin pero short at T-shirt naman sa lalaki.
Pagbalik ko sa room para itabi yung uniform ko, napahinto ako nang makitang nakahubad pa rin yung iba sa kanila.
"Hala..." bulong ko.
Okay lang sana kung topless lang, eh. Kayalang naka-boxer lang yung iba. Kagaya ni Keifer, ang puti niya. Dinaig pa yung puti ko, at mala-adonis din ang katawan niya. Machete diet!
Halos pareho lang sila ni Yuri ng katawan pero kung may kapansin-pansin sa kaniya, 'yon yung mga peklat niya sa katawan. Hindi rin siya gano'n kaputi kagaya ni Keifer.
"Hinay-hinay sa pagtitig." May bumulong sa 'kin kaya halos mapaiktad ako sa gulat.
Si Ci-N lang pala. Nakabihis na siya at nakangiti na naman sa 'kin. Inirapan ko lang siya at nilagay na sa bag ko yung uniform.
"Tara na..." aya niya sa 'kin. Tumango naman ako at sumunod sa kaniya.
Ngayon pa lang ako makakapunta sa gymnasium. Sana naman maging matiwasay ang lintik na PE na 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro