Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13


Fight

Jay-jay's POV

May sapi talaga 'tong si Aries. Hindi sinabi sa 'kin na nasa bahay pala si Kuya Angelo. Kaya pala sinundo niya ako sa room. Buti na lang hindi na nagtanong si Kuya.

Papasok na ako sa school at sinabay ulit ako ni Aries sa kotse niya. As usual, hindi na naman siya nagsasalita. Nakatingin ako sa bintana nang makita ko si Ci-N na naglalakad. Nakapamulsa pa siya at naka-headset.

"IHINTO M—ARAY!" Hindi ko pa nabubuo yung sasabihin ko pero tinapakan na niya yung preno. Hindi pa naman ako naka-seatbelt kaya nasubsob ako.

"What the fuck?! Kailangan talaga sumisigaw?!" galit na sita niya sa 'kin.

Buti na lang walang sasakyan na nakasunod sa 'min.

"Dito na lang ako," sabi ko at bumaba ng kotse.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Agad akong tumakbo palapit kay Ci-N.

"Hoy, Ci-N!" sabi ko sabay hampas sa braso niya.

Tiningnan niya ko nang masama pero agad din siyang ngumiti ng makilala ako.

Tinanggal niya yung headset niya. "Good morning!" bati niya habang nakangiti.

Ngiti na naman?!

Handa na sana akong sigawan at sermunan siya kung bakit hindi siya pumasok pero agad na napunta yung attention ko sa mukha niya.

"Hala... Ci! Bakit puro sugat ang mukha mo?" tanong ko sa kaniya.

May sugat ang labi niya na medyo namamaga pa. May maliit na pasa sa gilid ng labi sa right side at sa gilid ng kaliwang mata. May gasgas din sa kaliwang pisngi.

"Ano... Ttumambling sa bike," sagot niya sa 'kin habang naghihimas ng batok.

Tumambling?! Seryoso ba siya? Halata namang napaaway siya.

"Talaga lang, ah..." 'yon na lang ang sinagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. Gano'n din ang ginawa niya.

"Kumusta pala sa room?" tanong niya sa 'kin.

Ayos lang... Mas lalo lang silang naaning.

"Gano'n pa din... Except sa one week na nila kong hindi pinapansin."

"Huh?!"

"I-explain ko para sa 'yo..." sabi ko at umubo para ihanda ang boses ko. "...Fernandez ang middle name ko." 'Yon lang ang sinabi ko at hinintay kung makakakuha siya ng hint. Kaya lang, slow rin pala siya.

Explain mo kaya nang maayos, Jay?

"Tapos?"

Ay mukhang hindi siya aware na Fernandez din si Aries. Ano ba 'yan?

"Pinsan ko si Aries!" mabilis na sagot ko sa kaniya.

"Ahh—" Bigla siyang huminto at nag-isip. Parang alam ko na yung mangyayari.

"Ano? Iiwas ka na rin? Hindi mo na rin ako papansinin?"

Bigla siyang ngumiti. "Siyempre hindi ko gagawin 'yon. Kuwari hindi ako aware sa issue na 'yan."

Nakakahawa yung ngiti ni Ci-N. Napangiti na rin ako nang 'di oras.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa school. Nakita ko pa si Aries na nakasandal sa kotse niya. Naka-cross arm siya at masama ang tingin sa 'kin. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko naman siya masisisi kasi agad akong bumaba sa kotse kanina.

Malapit na kami sa building namin nang biglang huminto si Ci-N. Nakatingin siya sa isang lalaki na nakaupo sa sanga ng puno.

"Sino 'yon?" tanong ko.

"Si Calix... Classmate natin 'yan, ano ka ba?" sagot niya sa 'kin.

Hindi ko naman kaya kita yung mukha nung lalaki at hindi ko rin alam ang pangalan niya. Baka nakatalikod sa 'min. Pero pinagmasdan ko pa rin.

Ay, oo nga... Classmate nga namin.

"Walang kadala-dala... Parang hindi siya napilayan nung nakaraan dahil sa pagtambay niya diyan," dagdag ni Ci-N.

"Bakit? Ano'ng nangyari?" tanong ko. Pasensya naman... Naintriga ang lola niyo.

"Nagmadali daw sa pagbaba... Ayun, dere-deretsong bumagsak tapos tumama yung paa sa malaking ugat ng puno."

"Ahh... Eh umaano ba kasi siya diyan?"

"Ewan ba... Tara na," aya ni Ci-N. Naglakad na kami ulit. Parang pamilyar sa 'kin 'tong Calix na 'to. Hindi nga lang ako sigurado.

Hindi pa ko nakakalayo nang may marinig akong pangalan dahilan para masagot ang nasa isip ko kung bakit parang pamilyar 'tong Calix.

"Mica! Hintay sandali!"

Yung sulat! Yung love letter na nakuha ko sa second floor ng building namin. Sila kaya 'yon? Ano kaya—Stop!

Ang dami mo nang isipin sa Section E. 'Wag mo nang idamay pati love life nila!

Ay, tama ang bulate ko sa utak! Hindi na dapat ako makialam sa kanila. Buhay nila 'yan... Mind your own business, kung may business ka.

"Huy, Jay-jay!" tawag sa 'kin ni Ci-N dahilan para bumalik ako sa reyalidad.

"B-bakit?" tanong ko.

"Tulaley ka kasi. Anyare sa 'yo?" tanong niya sa 'kin.

"W-wala... May naalala lang ako."

Nagkibit-balikat lang si Ci-N. Malapit na kami sa mismong room nang makita naming nagkakagulo ang mga classmate namin sa tapat ng room.

Mukang may nag-aaway. Lumapit pa kami ni Ci-N para makita nang maayos. Si Keifer at isa pang lalaki. Nakahawak si Keifer sa kwelyo nung lalaki. Kita ko yung panggagalaiti niya pero yung kaaway niya, hindi ko makita ng maayos.

"Uy p're... Ano'ng nangyayari?" tanong ni Ci-N sa isa sa mga classmate namin.

"Si David bumalik na... Gusto niya siya pa rin ang class president pero siyempre, hindi papayag si Keifer," sagot nung classmate naming mukhang excited sa away.

May away na, excited pa. Nice!

Hinatak ko yung dulo ng manggas ni Ci-N. "Siya ba yung David?" tanong ko.

"Oo," maikling sagot ni Ci-N.

Hindi ko makita nang maayos yung mukha niya dahil sa mga talipandas na classmate namin.

"Kay Keifer ako."

"Solid David 'to!"

"500 Keifer 'yan."

"1000 ako!"

Aba! Sa halip na awatin, nagpustahan pa. Galing naman!

Hinatak ko ulit yung dulo ng manggas ni Ci-N at sumenyas na papasok na sa room. Wala akong balak makigulo.

Tama 'yan! Umiwas ka!

Naupo na ako sa upuan ko. Dahil lahat sila ay nasa labas, solo ko ang kwarto. Napansin kong binalik nila yung mga harang na karton, yero, at plywood sa likod. Tinakpan na naman nila yung mga gamit sa likod.

Tss. Arte!

Naramdaman kong may pumasok na sa loob kaya binalik ko na yung tingin ko sa harap.

Pfftt! Si Yuri lang pala. Dumeretso lang siya sa upuan niya sa likod. May ilang minuto rin siguro kaming nakaupo nang sa hindi ko malamang dahilan, napunta yung nagsusuntukan sa loob ng room.

Pati mga classmate naming abnormal, napunta rin sa loob. Suntok dito, suntok doon ang nagyayari. Paulit-ulit babagsak at tatayo. Hanggang sa pagtumba ni Keifer, sa 'kin siya bumagsak kaya dere-deretso din ako sa sahig.

"Aarrgghhh... Aray!"

Tumayo si Keifer at bumalik sa kasuntukan. Samantalang ako, nahirapang tumayo at may tumapak pa sa kamay ko. Bwisit!

"Aray! Ano ba?!" sigaw ko.

Pinilit kong makatayo agad dahil feeling ko magkaka-stampede. Hinimas ko yung kamay kong natapakan ng kung sino.

Nakatumba na yung ibang lamesa at bangko. Ewan ba... Nakaramdam ako ng inis. Ang gulo-gulo nila, ang sakit sa ulo. At mas lalo pa akong nainis nang makita ko yung bag ko na nagmukang basahan. Kingina!

"TUMIGIL NA NGA KAYO!" sigaw ko pero walang pumansin sa 'kin.

Ano ba?! Nakakagigil na kayo!

Parang may sariling isip ang kamay kong kumuha ng bangko at binato sa nag-aaway.

Ay teka!

Ano yung ginawa ko?! Tumigil ang away at lahat sila sa 'kin na nakatingin. Tang'na! Lagot ka!

Masama ang tingin sa 'kin ni Keifer at nung David. Putakte! Pati mga classmate naming mukhang nabitin sa away, masama na rin ang tingin sa 'kin.

Narinig kong may tumawa nang mahina. Mukhang si Yuri 'yon dahil sa pagtaas-baba ng balikat niya, isama pa yung pilit niyang pagtakip sa bibig niya at pag-iwas ng tingin.

Nagpilit ako ng ngiti sabay peace sign sa daliri.

"Puta! Bakit may babae dito?!" galit na sita nung David.

Bunganga naman nito. Matangkad siya kay Keifer pero medyo payat. Merong peklat sa panga at medyo maputi. Ordinaryo lang ang itsura niya.

"Ikaw ba yung bumato ng bangko?!" galit na tanong ni Keifer.

Bubuka pa lang sana yung bibig ko para magsalita nang unahan ako ni Ci-N.

"Oo siya 'yon..." sabi ni Ci-N habang nakangiti.

Naningkit ang mata ko sa kaniya. Ang bait nitong bata na 'to! Sana kunin na ni Lord.

Agad na lumapit sa 'kin si Keifer at kinwelyuhan ako. Nanlilisik ang mata niya sa 'kin.

"Ara—"

"Pakialamera ka!" sigaw niya sa 'kin.

Ang lapit lang ng bibig niya sa mukha ko. Amoy mint yung hininga niya. Ay! Bakit ko ba pinapansin 'yon?

Sinubukan kong alisin yung kamay niya. Pero hinigpitan lang niya. Pati iba naming kaklase, nakialam na rin.

"Uy Keifer babae 'yan—"

"Wala akong pake!" sigaw ni Keifer.

"Ano ba?! Yung laway mo tumatalsik sa mukha ko!" reklamo ko sa kaniya.

"Aba, talagang ginagalit—"

"Keifer! Ibaba mo na 'yan!" sabi ni Yuri.

"Babae pa rin 'yan, uy!" sabi naman ni Felix.

"Bitiwan mo nga ako! Ano ba?!" sigaw ko.

"Ako kaya kalaban mo!" singit ni David.

"Sakalin mo pa," natatawang sabi naman ni Ci-N.

"Bitiwan mo na... Balikan mo na si David," sabi ng iba pa naming kaklase.

Halos lahat sila nakikiusap na bitiwan ako. Wala namang nagawa si Keifer dahil buong klase na yung nagsasabi. Labag man sa loob niya pero binitiwan niya ako. Matalim ang tingin niya sa 'kin at muling humarap kay David.

Nakaamba pa lang sana siya ng suntok nang biglang magsalita si Yuri.

"Re-election na lang tayo sa Monday para matapos na 'to!"

Nagbulungan ang buong klase at parang nag-isip ang Keifer sandali. Tiningnan niya si David.

"Payag ako..." sagot ni David kay Yuri.

"Sige... Pagkatapos ng klase," dagdag ni Keifer.

May mag nanghinayang at may sumang-ayon, meron din namang ako yung sinisi at baka meron din akong mapatay nang maaga. Babalatan ko na lang nang buhay para masaya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro