Chapter 10
Delivery
Jay-jay's POV
'Di ba do'n din si Calix, yung ex ni Mica?
Naalala ko kasi bigla yung sulat. Yung nakuha ko sa isa sa mga room sa second floor ng building ng Section E. Kilala nila yung Mica.
"Ineng!" sigaw ni ateng tindera. Agad akong lumapit sa kaniya. Katabi niya si ateng kahera.
"P1,445 lahat..." sabi ni ateng kahera.
Agad akong kumuha ng 2,000 sa perang binigay nila sa 'kin. At dahil hindi naman sa akin 'to...
"Keep the change na, Ate... Tip ko na lang diyan sa kasama mong kumuha ng order ko," sabi ko habang nakangiti.
Halatang natuwa si ateng tindera at agad na nag-thank you sa 'kin.
Inabot nila sa 'kin yung kahon. Hindi naman gano'n kalaki yung kahon. Kasinlaki lang ng kahon ng sitsirya. Akala ko 'yon na lahat pero napansin kong iaabot pa nila sa 'kin yung isa pang kahon.
"Teka... Bakit ang daming kahon?"
"Ineng... Ang dami mo kayang order."
Ay! Ano ba 'yan? Hindi ko kakayanin lahat 'to. Buset naman kasing Section E 'to!
"Ate, babalikan ko na lang po 'yan. Hindi ko po kakayanin lahat."
"S-sige," sagot sa 'kin ni Ate.
Agad kong binuhat yung kahon. Hindi naman mabigat pero ramdam mong may alanganing laman sa loob.
"Ang dami niyang dala.."
"Ano'ng meron?"
"Sa kaniya lahat 'yan?"
"Baka papakainin niya yung buong Section E."
"Baka nga... Kaya siguro hindi sinasaktan kasi sinusuhulan niya."
"Gano'n pala 'yon."
Ano raw? Anong suhol? Hindi, 'no! Bakit ko gagawin 'yon? Kaya ko naman kaya sila.
Kaya pala ako napasunod sa utos nila nang 'di oras.
Nakalabas na ako ng cafeteria. Lakad lang ako nang lakad kahit obvious naman na pinag-uusapan at pinagtitinginan ako ng students na nakakakita sa 'kin.
Sige lang... Push niyo 'yan!
Bakit ba ang layo ng room namin?
Nakakangawit, ah! Hayop kang Keifer ka. Ibabato ko sa 'yo 'to!
Nakarating na ako sa building namin. Nakita ko pa si Felix na nakaabang sa pinto at agad na pumasok nang makita niya ko.
"Nandiyan na siya!" sigaw nung isa sa kanila.
Pagpasok ko, sa halip na tulungan ako, binuksan na nila agad yung box para kunin mga pagkain nila. Mga animal!
Binaba ko yung box sa isa sa mga table. Nag-inat-inat na rin ako dahil nakakangalay talaga.
"Bakit wala yung akin?" tanong nung isa.
"Yung sa 'min din," dagdag pa nung isa.
"Teka lang. Meron pang isa, babalikan ko," sabi ko at mabilis na tumakbo pabalik sa cafeteria.
Nagugutom na ako! Kailan ba matatapos 'tong pahirap ng Section E na 'to? Pagbalik sa cafeteria, mahaba na naman ang pila.
Wala akong balak makipila. Meron na kong order at bayad na 'yon. Agad akong tumakbo sa may cashier at siniksik si Kuya na nasa unahan ng pila.
"Ano ba 'yan?!" galit na sita ni Kuya pero hindi ko siya pinansin.
"Ate, yung box po!" sabi ko at agad niyang kinuha yung box.
"Hoy! Ate, pumila ka!"
"Kanina pa kami dito!"
"'Wag kang singit!"
Aba! Mga pisting to! Tiningnan ko sila nang masama. Yung tipong nakakamatay, yung tagos sa laman at buto.
Kingina niyo! Makuha kayo sa tingin!
Inabot na sa 'kin ni Ateng Tindera ang dalawa pang kahon. Medyo maliit na 'yon nang kaunti sa nauna. Kinuha ko 'yon at sinimulang maglakad.
Nasa kalagitnaan na ako ng cafeteria nang my biglang humarang sa 'kin. Ngayon pa talaga?!
"Excuse po!" sabi ko at hindi pa rin siya gumagalaw. "Makikiraan—"
"What is that?" tanong nung humarang.
Shutanginames! Lagot na ako nito! Si Aries ang nasa harapan ko.
"Ano... Kasi..."
"Para sa Section E ba 'yan?"
Hindi ako nakasagot. Nagsimula na ring magbulungan ang mga tao rito.
"Pasensya na, Aries... Kailangan ko nang umalis." Dumaan ako sa tabi niya at nabangga ko pa yung braso niya.
Malapit na ako sa pinto ng bigla siyang nagsalita. "Put that thing down."
Taka ko siyang tiningnan. "Huh?!"
"Put. That. Thing. Down," mahinahon niyang sabi pero ma-awtoridad. "Do what I said now."
Aarrggghhh... Ano ba?
Kailangan ko na talagang umalis. Gusto ko man siyang sundin, hindi ko magawa.
"Sorry," 'yon na lang ang sinabi ko at mabilis na lumakad paalis.
Narinig ko pa siyang tinatawag ang pangalan ko. Kingina kasi 'tong mga Section E na 'to!
Pagbalik ko sa room, nakaupo na yung mga nakakuha ng order nila. Nag-aabang naman yung mga hindi pa. Nilapag ko ulit yung mga box sa table at hinayaan ko silang magkagulo ulit.
Bahala kayo!
Binato ko kay Keifer ang sukli niya. Bahala siyang mamulot.
Pabagsak akong naupo sa upuan ko at halos humilata na. Makakain pa kaya ako nito? Sobrang pagod na ng katawan ko. Wala man lang tumulong sa 'kin!
Umayos ako ng upo para tingnan ang ginagawa nila. Lahat sila kaharap na yung mga order nila pero... bakit hindi pa rin sila nagsisikain?
Niligin ko yung paningin ko at lahat sila gano'n, except kay Yuri. Walang pagkain sa harap niya. Hala! Nakalimutan ko yata!
Pero kung nakalimutan ko, magko-complain naman siguro siya. 'Di ba?
Bigla lumipat si Felix ng upuan malapit sa 'kin. Gano'n din ginawa ng iba sa kanila.
"Sabay-sabay tayong kakain," sabi ni Felix habang nakangiti.
Hinihintay ba nila ako kaya hindi pa sila nagsisikain? Wew! Touched ang tropa niyo!
Nilabas ko na yung baon ko at inikot ang upuan para makaharap ako kina Felix at iba pa.
"KAIN NA!" sabay-sabay na sigaw nila.
Medyo natawa pa ako; ang cute kasi nilang tingnan. Nagsimula na kaming kumain at para silang mga batang tuwang-tuwa sa kinakain. Ppfffttt.. Mga isip bata!
Wala pa ring pagkain si Yuri. Paano na kaya siya? Hindi naman siya binibigyan ng mga katabi niya. Bahagya akong nakaramdam ng awa sa kaniya. Nagkasalubong kami ng tingin at halatang nairita siya. Sungit!
Bigla siyang tumayo at lumakad palapit sa 'min... Ay, hindi pala! Palabas pala siya at sa side lang namin siya dumaan.
Sinubukan ko siyang pigilan. Hinawakan ko yung palapulsuhan niya.
"Uy... Kain, oh!" alok ko sa kaniya.
Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa kamay kong nakahawak sa kaniya. Ramdam kong naiinis siya sa ginawa ko kaya binitiwan ko agad.
"Kain ka na... Share na lang tayo," sabi ko.
Wala namang masama do'n, 'di ba? Nagsalo rin naman kami ni Keifer sa pagkain dati.
Hindi pa rin nagsasalita si Yuri at nakatingin pa rin sa 'kin. Mukang ayaw niya ng ulam ko. Kumuha ako ng chocolate sa bag.
"Ito na lang kung ayaw mo ng kanin," alok ko sa kaniya.
"Kunin mo na, Yuri... Kaysa naman hindi ka kumain," sabi ni Felix habang ngumunguya. Haist! Bata talaga!
Hindi pa rin nagsasalita si Yuri pero unti-unti niyang kinuha yung chocolate sa kamay ko. Walang kahit na anong reaksyon at tumingin siya sa 'kin. Nginitian ko naman at pinagpatuloy na ang pagkain. Umalis din siya agad kahit binigyan ko na siya ng makakain. Ayaw yata niya ng may kasalo?
Natapos ang pagkain namin ng pananghalian. Kaniya-kaniya ng linis ng pinagkainan ang mga loko. Akala ko itatapon nila sa maayos na basurahan ang mga kalat pero binato lang nila sa labas sa tapat ng room namin.
Hala! Ang kalat-kalat na nga, do'n pa tinapon.
Dahil meron nang tumpok ng mga lumang gamit sa labas, nagmukhang basurahan ang harap ng room namin. Ayos 'tong mga 'to!
"Diyan talaga tapunan?" tanong ko sa kanila.
"Hindi. Do'n pa, kaya lang malayo kaya diyan na lang," sagot ng isa sa kanila at umalis.
Aba, matindi! Gusgusin na nga yung building nila, ginawa pang basurahan yung harapan.
Tahimik akong naupo sa upuan ko. Napatingin ako sa kanang side ko. Talagang hindi na pumasok si Ci-N. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala.
"Felix!" tawag ko.
"Hmm?" sagot niya. May laman na naman kasi yung bibig niya. Takaw!
"May cellphone number ka ni Ci-N?"
Kinuha niya yung cellphone sa bulsa niya. "Meron. Bakit?"
Kinuha ko yung cellphone ko. "Kuhanin ko," sabi ko habang lumalapit sa kaniya.
Hinarap niya sa 'kin screen ng cellphone niya at... Wow! Latest model ng Samsung ang cellphone niya. Nanliit yung cellphone kong may keypad pa rin.
Kinopya ko na lang yung number ni Ci-N. Baka kasi inupakan na pala siya ng mga nakita kong lalaki na sumunod sa kaniya. Dapat yata sinundan ko rin sila para nakasigurado ako.
Babalik na sana ko sa upuan pero pinigilan ako ni Felix.
"Oh?" tanong ko.
"Yung cellphone number mo?" tanong niya habang nilalahad ang phone sa 'kin.
Nahiya talaga ako sa phone niya.
Nilagay ko na lang yung number ko sa phone niya. Bumalik na ako sa upuan at tinext ko na yung number ni Ci-N. Sana lang mag-reply.
To: Ci-N
Message: Jay-jay 2.. bkt hnd ka pumsok?
Hinintay kong mag-reply yung tinext kong number pero wala. Baka nagpapahinga na. Tinabi ko na lang yung phone ko; dumating na kasi yung teacher namin kasunod si Yuri.
Ano ba 'yan? Hindi mawala sa isip ko si Ci-N. Baka kung ano nang nangyari do'n, eh. Pati sa mga sumunod naming subject, siya pa rin nasa isip ko.
Wala akong gusto sa kaniya, ah! Nag-aalala lang ako. Ang bata niya pa kasi tapos baka napaaway siya nung hinatid niya ako. Asar naman!
Nasa huling subject na kami kay Ms. Smith at si Ci-N pa rin ang iniisip ko.
"Ms. Mariano?" tawag sa 'kin ni Ma'am.
"Po?"
"Ano'ng middle name mo?" tanong niya habang nakaharap sa class record niya.
"Fernandez po."
Biglang tumahimik ang buong klase. Para bang may nasabi akong masamang salita. Bigla rin silang nagtinginan at tumingin sa likod. Kusa na lang akong nangilabot kahit wala namang malamig na hangin.
Ano'ng meron?
Pati si Ma'am tumigil din sa ginagawa at tiningnan ako.
"Kaano-ano mo si Michael Aries Fernandez?"
"P-pinsan ko po.
Biglang bumigat yung awra sa room. Para bang may delubyo. Bakit?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro