Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ANG MUNTING ENTABLADO [R18+]

Habang ako'y naglalakad patungong duluhan upang makasakay sa huling biyahe ng dyip ay nadaanan kong muli ang isang batang babae sa may gilid ng daanan. Hindi ko maiwasang malungkot sa nakikita ko nang dahil sa kanyang kalagayan.

Punit ang kanyang damit at halatang pinagtagpi-tagpi ang mga ito, marumi ang buong katawan at mukhang hindi pa naliligo ng ilang araw, nakaupo ito sa isang karton na sakto lamang para sa kaniya, at may latang hawak na handang mahulugan ng barya. Lagi ko siyang nakikita rito sa tuwing ako'y papasok sa aking trabaho. Hindi ko maiwasan na balikan-tanawin ang aking sarili sa batang iyon.

Noong ako ay labing isang gulang pa lamang ay natutuhan ko ng mamalimos sapagkat kailangan ko mapakain ang nanay at kapatid ko. Ang tatay ko ay namatay sa sakit dahil sa hindi kinayanang magtrabaho sa isang pabrika ng mga tsinelas. Si nanay naman ay laging nagiinom sa aming tahanan at walang ginawa kung hindi magpakalasing.

Labis ang hinagpis ko at tinatanong ang aking sarili kung bakit ganito ang aming buhay. Nais kong makapag-aral upang makahanap ng magandang trabaho at magkaroon ng sarili ng bahay ngunit pinagkait sa akin iyon. Nakatira lang kami sa isang eskwater na kung saan magugulo at maingay ang mga tao roon.

Pakatapos ko mamalimos at bumili ng pagkain ay umuwi agad ako. Nadatnan ko ang aking nanay na may kausap na dalawang lalaki at nabaling ang tingin nila sa akin.

"Siya ba?"

"Oo, siya ang panganay kong si Lena."

Hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila pero sa tagpong iyon ay hindi ko inaasahan na magbabago ang aking buhay. Nais ko man takasan ang kapalaran ngunit hindi na ako makaakawala sa mga kamay nila. Mas nais ko na lang mawala sa mundong ito kaysa magkaroon magkaroon ng gan'tong klaseng buhay.

Ibinenta ako ng sarili kong ina sa mga lalaking iyon kapalit sa malaking halaga. Gusto kong makawala sa bangugungot na iyon na kailan man ay hindi na ako magigising muli.

"Oh, sige! Paano mapapakain 'yang mga kapatid mo! Gamit 'yang panlilimos mo!" Sigaw ni mama no'ng nagwawala ako dahil sa hindi ko gusto maging bayarin.

Sa puntong 'yon ay napagtanto ang isang katanungan sa isip ko, ano nga bang magagawa sa mundong ito? Mahalaga sa akin ang pamilya ko lalo na ang mga kapatid ko ngunit wala na akong magagawa kasi sa aking sarili iyon na lamang ang paraan upang masalba ang aming buhay.

Biglang bumalik ang aking ulirat nang magsalita ang bata at nanglilimos sa akin. Hindi ko namalayang umaagos na ang aking mga luha mula sa mata ko, kaya naman agad ko itong pinunasan ng panyo. Mabuti na lamang ay hindi pa ako nakakapagkolorete, kung hindi paniguradong sira na ito.

"Huwag kana pong umiyak, ate ganda," sabi sa akin nang nanlilimos.

Ngumiti lamang ako sa kanya at kumuha ako ng isang daan sa aking pitaka at agad na inilagay sa kanyang lata. Napatingin ako sa langit at ang araw ay pababa na, hudyat na maggagabi na. Dali-dali akong lumakad patungo sa dulo upang makasakay na. Sa mundong kinakaharap ko ay hindi ko na matakasan sapagkat ang entablado na lamang ang aking lugar.

"Magandang gabi sa inyong lahat!" Rinig kong bati ni Vina sa mga tao.

"Handa na ba kayo sa performance ni Miss L!"

"OO! ILABAS NIYO NA SI MISS L!"

"MISS L! MISS L! MISS L!"

Rinig ko rito sa likod ng entablado ang sigaw ng mga kalalakihan na animo'y sabik na sabik sa paglabas ko. Agad kong inayos ang suot kong manipis na tela sa katawan ko at isinuot ang maskara, na kung saan bibig ko lamang ang nakikita.

"LET'S WELCOME! MISS L!"

Narinig kong nagsimula na ang kantang Versace on the floor ni Bruno Mars. Sumabay ako sa ritmo at dinamdam ang bawat letra ng kanta. Tinignan ko isa-isa ang mga kalalakihang nakaupo habang tinititigan ang aking katawan. Kita ko sa mga mata nila ang pagnanais nilang mahawakan ako.

"10,000!" Sigaw na narinig ko at naglaglag ang isang lalake sa paanan ko.

Kaya naman hinubad ko ang damit na parang kulambo sa katawan ko. Mas lalong nakita na ngayon ang kulay ng balat ko.

"WHOAAAA!!" Hiyaw ng mga lalake.

Sanay na ako sa ganitong trabaho at ang entabladong ito ang naging silbi kong hanapbuhay. Malaki ang hirap na dinanas ko bago ako makarating dito. Hindi naman maipagkakaila na may angking ganda ako kaya naman inalagaan akong maigi ng mga bumili sa akin.

"25,000!"

Sa narinig kong 'yon ay dahan-dahan kong tinanggal ang bra ko, tulala ko lamang ginagawa 'yon na para bang hinahayaan ko lamang ang sarili ko.

"500,000!"

Bigla akong napatigil sa narinig ko. May mga tao talagang iwawaldas ang malaking pera para lamang sa tawag ng laman. Hinanap ng paningin ko ang lalake at para akong nawalan ng gana. Isang matandang lalake na sa tingin ko ay nasa 50's na at matabang lalake. Siya ba ang makakasama ko ngayong gabi? Nakakapanlumo pero ayos lang, basta sa malaking halagang ibibigay niya.

"Wala na bang itataas sa 500,000!" Tanong ni Vina.

Nakikita kong ngumingisi ang lalake sa akin at halatang masaya ito dahil siya ang makakasama ko ngayon. Pakiramdam ko ay mapapagod ako ngayong gabi.

"1 Million."

Bigla akong ginapangan ng kaba nang marinig ko ang halaga na nabanggit. Seryoso ba siya? Tinignan ko ang lalake na nakaformal ito at sa tingin ko'y hindi pa siya gano'n katanda. Inobserbahan ko ang kanyang mukha at masasabi kong may hitsura siya, gwapo. Halata sa kanya ang karangyaan kung paano ito tumindig.

"Naka-Jackpot ka ngayong gabi, Lena! Iba ka talagang klase at hindi na kataka-taka na paborito ka ng ating boss," sabi sa akin ni Vina no'ng nasa likod na ako ng entablado.

Si Vina ay naging kaibigan ko na rin at nakilala ko na siya noong simula akong pumasok sa ganitong trabaho ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay isa siyang kabet ng sikat na mayor ng aming bayan.

"Sige na, mauuna na ako at siguradong naghihintay na ang kliyente ko," sabi ko sa kanya at kinindatan siya.

"Galingan mo! Baka bigyan ka ng tip," bilin niya habang tumatawa at natawa na rin ako.

Lumabas na ako ng bar at nakita ko siyang nakasandal sa kanyang magarang sasakyan. Napataas ang isa kong kilay dahil mukha ngang mayaman talaga ito kahit ang kotse niya ay isa sa mga nakikita kong sikat na sasakyan sa mundo. Naka-jackpot nga ako ngayon.

"Hi," malambing kong paninula sa kanya.

Bumaling siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa, kaya naman bigla ako nakaramdam ng hiya sa ginawa niya. Tinanggal niya ang suot niyang suit at agad inilagay sa likod ko upang matakpan ang balat ko. Sobrang lapit namin sa isa't isa at naamoy ko ang pabangong panlalake at hindi ko maiwasang mapapikit para naamoy 'yon maigi.

Pinagbuksan niya na ako ng pintuan nang sasakyan niyang mamahalin at agad ako inayang pumasok sa loob. Agad kong naamoy ang mabangong pabango sa loob ng sasakyan niya at pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa ganitong sasakyan, masiyado akong marumi para rito.

"Good evening, ma'am and sir. Welcome to our Fench Hotel, how many room will you occupy?" Bati at tanong no'ng nasa counter ng hotel.

"One room, please, here's my credit card," sabi ng gwapo kong kasama. Oo inaadmit kong gwapo siya at mayaman pa!

"This is your card, Mr. Furento and your room number is 313, thank you for choosing our hotel," at nagbow sila sa amin.

Pagkatapos no'n ay agad na kaming tumungo sa elevator, nagiisip ako kung ano una kong gagawin. Sanay naman ako sa ganito pero ngayon ay kinakabahan ako sa presensya ng lalakeng ito.

ROOM 313

Dumiretso siya sa kama at ako naman ay sumunod sa kanya. Tinanggal ko ang suit na isinuot niya sa akin at agad ko siyang itinulak sa kama at pinatungan.

"What are you doing?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko sa tanong niya sa akin. Nasisira na ba siya ng ulo? Ito naman talaga ang sadya niya di'ba? Ang maikama ako.

"We're do a sex, right?" Sabi ko, "this is you want," dugtong ko at hindi sigurado kung tama ang grammar ko, 'di ko sigurado kung Filipino siya dahil English siya ng English.

Hinawakan niya pareho ang balikat ko upang maging kadahilanang napatayo ako at napaupo na siya ngayon sa kama.

"Hindi mo ba ako naaalala?" Tanong niya. Marunong naman palang magtagalog.

Tinitigan ko siya ng hindi ko naiintindihan ang sinabi niya. Paano ko siya maaalala? Wala akong maalala na ganyang kagwapo sa mga nagiging kliyente ko.

"I see."

Tumayo siya at agad pumunta sa may intercom.

"Please, bring us a food. Here in room 313.--Thank you," rinig kong utos niya.

Naiinis ako sa ginagawa niya. Ano ba ang gusto niya? Kumain muna kami bago magtalik? Pwede naman kaming magkainang dalawa at siguradong mabubusog siya sa gagawin ko. Kaya naman ay agad ko siyang nilapitan habang nakaupo ito sa sofa. Umupo ako sa mga hita niya paharap at agad siyang tinitigan ng may pagnanasa ngunit kita ko sa mga mata niya ang pagpipigil niya sa ginagawa ko.

"Please, stop, Lena!" Diin niyang sabi.

Gulat ang rumihistro sa mukha ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"P-Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Matagal na kitang hinahanap, Lena. Ako 'yung batang nagbigay sayo ng isang libo no'ng panahong nanlilimos kapa sa tabing kalye," sabi niya.

Agad akong umalis sa pagkakandong sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. At iniisip ang mga sinasabi niya.

"Alam kong hindi ito kapani-paniwala, na-love at first sight ako sa'yo kahit ang dumi mong tignan noon."

"Marumi pa rin ako hanggang ngayon," malamig kong sabi agad ngunit hindi niya pinansin 'yon.

"Hindi kana maalis sa isipan ko no'ng araw na 'yon at kahit maliit pa ako no'n ay sinubukan kong hanapin ka kung saan kita huling nakita. Napag-alaman ko rin kung saan ka nakatira ngunit ang sabi ay lumipat na raw kayo."

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya, umaasa pa rin ako na may tatanggap sa akin ngunit sa ngayon ay natatakot ako. Paano niya ako matatanggap?

"Mahal kita, Lena, mahal kita, at ngayon nakita na kitang muli ay hindi na kita hahayaang bumalik sa gano'ng trabaho."

"Paano mo matatanggap o mamahalin ang isang katulad ko? Isa akong bayarin na babae at marami na akong nai-kamang lalake," diretsong sabi ko.

Napatigil siya sa sinabi ko at ngumiti.

"Mahal kita at wala akong pakealam kung saan ka nagmula ang mahalaga sa akin ay nandito kana."

Dahil sa sinabi niyan 'yon ay lumapit ako sa kanya at hindi ako nagdalawang isip na halikan siya sa labi. Ramdam ko pa rin ang pagpipigil niya sa bawat halik na ginagawa ko sa kanya.

"Tumigil ka, wala akong balak makipagtalik sa'yo, sapat na sa akin na nakapagtapat ako sa'yo at nakausap kita," sabi niya.

"Kung mahal mo talaga ako ay gagawin pa rin natin, kagustuhan ko 'to."

Hinalikan ko muli siya at ramdam ko pa rin ang pagtanggi niya sa ginagawa ko ngunit kalauna'y naging magaan na siya at sumabay sa mga balik ko. Naging mapusok ang aming labi na para bang uhaw na uhaw. Inaamin ko siya palang ang hinahalikan ko sa labi na ako mismo ang nauna kahit papaano ay maipagmamalaki ako. Ngayon ko lang naranasan na masabihang mahal ako ng hindi dahil sa katawan ko.

Ang mga kamay niya ay nasa likod ko na, kandong niya ako at patuloy pa rin kami sa paghahalikan ramdam kong tumayo siya habang buhat niya ako nang hindi humihiwalay ang aming mga labi.

Naramdaman ko ang malambot na kama sa likod ko at nagsimula na niyang hubarin ang pang itaas ko at gano'n din ang ginagawa ko sa kanya. Ang mga halik niya ay napunta na sa aking leeg at ang isang kamay niya ay hinihimas ang hinaharap ko. Pakiramdam ko ay saktong sakto iyon sa palad niya at hindi ko maiwasang mapadaing sa sarap.

Naramdaman kong gumapang na ang halik niya sa hinaharap ko at nang matagpuan niya 'yon ay hindi ko maiwasang mapahawak sa buhok niya at napadaing sa sarap. Ang isa niyang kamay ay ramdam ko ring ipinapasok niya sa loob ng short ko.

Hindi ko makakalimutan ang mga sandaling ito, kahit ngayon lang ay nagawa kong maging masaya sa isang lalake, hindi ko inaakala na kahit sa ganitong pagkatao ay may tatanggap sa akin.

"Mama!" Rinig kong tawag sa akin ng  batang lalake.

"Yes, baby?" Sabi ko habang pinipilit na bumabangon sa pagkakahiga.

"Sabi mo po pupunta tayo ngayon sa amusement park!" Sabi niya habang nakanguso ito.

Agad kong pinisil ang mataba niyang pisngi, kamukhang kamukha niya talaga ang ama niya. Hindi ako nagkakamaling siya talaga, dahil maingat ako para hindi mabuntis ngunit sa pagkakataong 'yun wala kaming proteksyon.

"Ang cute, cute talaga ng anak ko," sabi ko.

"Mama naman, eh."

"Oo na, sige na. Doon kana muna kay tita Cecilia mo at mag-aayos lang si mama. Magpaayos kana rin," sabi ko at masaya itong lumabas.

Limang taon na rin pala ang lumipas simula no'ng may mangyari sa amin ni--hayy, sa totoo lang ay hindi ko alam ang pangalan niya, ang alam ko ay Furento ang apelyido niya. 'Yon pa rin ang sinunod kong last name sa anak naming si Froilan dahil ayoko isipin ng anak ko ay wala na siyang ama at umaasa ako na balang-araw ay magtatagpo ang landas nila.

No'ng gabing 'yon ay iniwan ko siyang natutulog kasama ang isang letra na nagsasabing huwag niya na akong hanapin pa. Napagtanto ko na kahit anong gawin ko ay walang tatanggap sa akin, kahit sinabi niyang mahal niya ako. Na kahit kailan ay hindi mababago ang pagkatao ko na isa akong maruming babae.

No'ng bumalik ako sa bar ay sinabing umalis na raw ako dahil wala na sa akin pakealam ang boss namin dahil tinanggal na ako. Nalaman kong dahil sa kliyente ko no'ng gabing 'yon ay binayaran sila ng malaking halaga at wag na raw ako bumalik doon.

Napagtanto kong lumayo na kami ng mga kapatid ko ngunit ang nanay namin ay ayaw dahil may kasintahan ito. Kaya wala akong nagawa kun'di iwan sila ngunit sumama sa akin ang bunso kong kapatid na si Cecilia. Kailangan kong umalis dahil panigurado ay hahanapin niya ako, kaya naman nagpakalayo-layo ako kasama si Cecilia.

Nalaman kong na buntis ako noong mga panahong nagttrabaho ako bilang isang waitress, tumigil na ako sa mundong kinagisnan ko.

"Ate, nabihisan ko na si Froilan."

"Salamat, kamusta naman ang pag-aaral mo sa buong linggo?" Tanong ko.

Habang tinitignan ang sarili sa salamin.

"Ano ba 'yan, ate lagi mo na lang tinatanong sa akin yan," reklamo niya.

"Aba, syempre! Kailangan ko mamonitor hindi dahil wala akong tiwala, gusto ko lang alamin dahil na rin wala akong karanasan sa ganyan."

"Ma! Tita Cecilia! Tara na!" Sigaw ni Froilan habang nasa pintuan na.

Ang mahalaga na sa akin ngayon ay si Froilan at Cecilia. Hindi na ako naghanap ng lalakeng makakasama ko pagtanda dahil sa kanila palang ay sapat na para sa akin. Kaya ko silang buhayin sa ngayon gamit ang entablado.

Ngunit hindi na entabladong kinalakihan ko, kun'di isa nang entabladong nagbibigay himig upang mahaplos ang kanilang mga puso gamit ang aking tinig.

•••••

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro