Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1: Graduation Day

“RING…! RING…! RING…! RING…!”

 Isang maligayang umaga para tapusin ang highschool life at bagong simula para sa college life… Hay…. Nakaka excite naman, ang aga ko pang nag set ng alarm. (masayang bumangon si Jace)

4 am palang pala… siguro naman okay na ang 3 hours para mag ayos at magpaganda.

(makalipas ang tatlong oras)

Jace!! Baba na! bka malate tayo sa graduation mo at baka wala ng ma-parkingan ang papa mo… bilis na!! (sigaw ng mama ni Jace)

Opo ma! Bababa na po! 

Ang ganda naman ng anak ko! Papicture naman…(pabolang sinabi ng mama nya, sabay agbay sa balikat)

Ma, kilalang kilala ko na yang style mo… hehehe… (pabirong sagot ni Jace) Hay! feel na feel ko naman mag pag papa-picture sainyo! Osha! Tara na… sa school na tayo mag tuloy ng pictorial…

(sa school entrance)

Jace!! JC!! Jean!! Claire!! Jace!! (sigaw ng mga kaibigan nya)

Ma puntahan ko muna sila… hanap muna kayo ng upuan sa loob… cge anak.

Hi! Ayos ah… lahat ng nickname ko sinabi nyo na! hay naku!! Mamimiss ko tlga kayong lahat… kung bakit pa kasi pinili pa nating mag hiwa hiwalay ng papasukan sa college… tsk..(madramang sinabi ni Jace sa mga kaibigan nya)

Asus.. nag drama ka nanaman Jace! Para naming hindi na tayo magkikita ulit…(biglang sabi ni Leah)

tama si Leah, kung mag salita ka parang mag aabroad ka ah…(singit ni Maye)

Speaking of abroad, buti nabangit mo Maye, si Alice aalis na! pina aabot nya ito sainyo, baka malate daw siya kaya binigay na nya yan sakin nung last day ng graduation practice, umuwi kasi kayo agad eh..

Hmmm… kasalanan pa tuloy namin?! Ano ba yan? (reklamo ni Ana)

Galit ka na nyan? Lagi nalang Ana… tanong ka ng tanong… oh ayan basahin mo nalang! (sabay bigay ng invitation card)

Oh eto! Therelle… Leah… Maye… Ken… Joseph… and lastly Johnjo…(inabot ni Jace ang mga invitation cards)

Ilang minuto nalang mag sisimula na ung pag marcha! Wala parin si Alice! Wala parin din tayong group pic na naka toga!(pangambang sigaw ni Ana)

Ana… nag hihisterikal ka nanaman… ayan na sya sa likod mo…(mabagal na sinabi ni Jace)

Hi alice! (bati ni Jace)

Jace nabigay mo na? (tanong ni Alice at tumungo lang si Jace) salamat…basta guys punta kayo ah, pafarewell ko yan sanyo…(sagot ni alice at mabilis na paalala sa mag babarkada)

picture time! (sigaw ni Maye)

Okay guys! Ready na… mabilis na picturan lang to…(pa-bossy na sinabi ni Maye)

oh! Ken, ikaw muna kumuha ng picture namin… all girls muna…(mahinahon na utos ni Jace)

hindi! Ako nalang kukuha ng picture nyo, di ba babae din si Ken? Hahaha!(pabirong singit ni Johnjo)

Shhhh!! Johnjo, ayan ka nanaman. Kagraduate na nga tayo ng aasar ka pa!(medyong inis na sinabi ni Therelle)

eto naman, Therelle di ka mabiro…(hinawakan ni Johnjo sa balikat si Therelle) ken peace tayo ah...(habang naka peace na pose siya)

Okay ready! 1,2,3… 1,2,3… 1,2,3… boys naman!(hirit ni Johnjo) Jace oh(binigay ni Johnjo ung camera kay Jace)… Osige ayos na! 1,2,3… 1,2,3… 1,2,3... oh group naman! wait! Sino kukuha?! (natataranta at nangangambang sigawa ni Jace)

Jace ako na bahala..( singit ni Ana) 

Alvin! Yes ma’am! Picturan mo kami… Yes ma’am…(sagot ng C.O.C.C)

Ayos Ana… nasulit mo ung pagiging officer mo hanggang ngayon…(magiliw na may halong pang aasar)

syempre…ako pa!( with confidence)

Okay ready! 1,2,3… 1,2,3… 1,2,3… (Sigaw ni Alvin)

Thanks Alvin! Hay naku! Eto na talaga… kagraduate na tayo… seryoso to ah, mamimiss ko talaga kayo… (seryosong sinabi ni Jace sa barkada)

Jace! Kami lang ba mamimiss mo? Ayun si  Raz sa tapat ng Chapel… (tanong na may konting halong pangaasar)

Bago pa kung saan mapunta yang usapan nyo, pupunta muna kami sa faculty room... pinapa punta kami ni Sir Sta. Cruz...(sabi ni Leah kasama sila Therelle, Johnjo at Alice)

(humiwalay na din sila Ken at Joseph)

(tumungo at kumaway lang sila Ana at Jace)

Ayan ka nanaman Ana… pinag titripan mo ba ko? (mabilis na sakot ni Jace pag alis ng iba nilang kaibigan)

Asus… ngayon ka pa naging in denial, puntahan mo na kaya siya! (pilit ni Ana)

Wag na! malapit na mag simula… at nakakahiya, ang daming makakakita, babae pa ung pumupunta sa lalake…

Maria Clara lang ang peg? Hoy! Sayang yung oras at baka mag sisi ka… baka eto na yung last chance mo para umamin… dali na! (pangungulit ni Ana)

Eeeeeiiiihhh!!! Nakakahiya!!

Hay naku! Raz!!! Raz!! May sasabihin daw sayo si Jace!! (biglang sigaw ni Ana)

(nahampas ni Jace si Ana sa braso)

Uy! Ana! (tinapik ni Raz si Ana sa balikat) Walang kupas ah, ang lakas parin ng boses mo… hahaha…. Hi Jace! (naka ngiti na kumaway sa harap)

.......Hi …. Raz…. (nakangiti na halos manigas sa hiya at tuwa)

Hoy! (ginulat ni Ana si Jace) baka mahipan ka ng masamang hangin… umayos ka ah.. last chance mo na to…

Last chance? (singit ni Raz)

Hehehe… sige Raz iwan ko muna kayo… ilaline up ko muna ung mga C.O.C.C (umalis bigla si Ana patungo ng entrance 2 ng gym)

Jace? Anu ung sinasabi nyang Last chance?(tanong ni Raz)

ha? ahmm.... wala yun... wag mo ng pansinin...

sige na! sabihin mo na... (pinipilit ni Raz)

ahmm... kasi ano eh... ah eh... gusto kong sabihin sayo na... may GUSTO AKO SA IYO... (pero di nya ito narinig dahil may biglang tumawag sakanya at medyo pabulong na sinabi ni Jace)

*Raz! Raz! Raz! (may tumawag sakanya sa bandang likod ni Jace)

(sumenyas lang si Raz)

Jace ano ulit iyon? ano ulit yung gusto mong sabihin? pasensya na di ko narinig... (paulit na tanong ni Raz)

(ngumiti lang si Jace) gusto ko lang sabihin sayo na, kahit hindi tayo masyadong naka pag bonding... friends parin tayo ah... mag text ka parin... alam mo namang isa ka sa mga naging una kong kakilala dito... (sagot ni Jace na medyo dismayado pero hindi nya pinahalata kay Raz)

Asus... yun lang pala... oo naman, walang problema yun.. text mo lang ako kung may problema ka pero kung hindi ako makakapag reply.. wala lang akong load... hehehe... at ikaw din naman sa akin... mga naging classmate ko nung 1st year.. ayun komportable ako sainyo... (mahinahon na sinabi ni Raz)

“RING…! RING…! RING…! RING…!”

nag bell na.. tara pila na tayo! (paanyaya ni Raz)

Sige! tara na...( naka ngiting sagot ni Jace)

(Marcha na)

School hymn “the school we love…”

*Ceremonies/speech

*class picture/ batch picture

*batch graduation song

“seconds, hours, so many days… you know what you want but how long can you wait… every moment last forever….”

(end of graduation)

Masayahin at palakaibigan si Jace… sa pagkakataon naiyon, na ilalabas nya ang nararamdaman nya dahil sa mga kaibigan nya… ngunit kung minsan natatakot syang ipaalam sa iba…

Ito ang simula ng kwento ni Jace, ang babaeng nag tatago sa likod ng maskara… Abangan sa susunod na kabanata ang mga haharapin nyang pag subok..

---------------------------------------------------------------------------------------- 

PS. Pasensya na super late ung kasunod… at madaming mali… 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro