Epilogue (Fart 3)
An : Salamat kung nandito ka pa din Dedicated to : serendipitygomezii, jilannemarie, DarkDeathDevilQueen, imaginarygirl04, Sofie_Ferrer, DianaMarieBeceril, and athenabelara. Salamat sa pag-hihintay :)
***
Saphira's Pov,
I can't stop crying in his grave.
Hanggang ngayon, hindi ko parin makalimutan ang nangyari. Feeling ko, isang dosenang nuclear bomb ang binagsak saakin. He helped me. Pero hindi ko manlang siya nagawang tulungan.
"Ayos ka lang ba?" Tanong saakin ni Jane.
Tango na lamang ang sinagot ko sa kaniya.
"Jane. Wala na siya," pabulong at naiiyak kong sambit. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang tulong na ginawa niya saakin," dagdag ko pa.
"I know Miss Saphira. He helped you from Sha. The number one criminal in Muntinlupa. Buti na nga lang at na-trace niya ang kinaroroonan mo. Don't cry. I mean, stop crying na. Ilang araw ka ng umiiyak," pagtatahan ni Jane.
Hinihimas parin niya ang likuran ko. Sa totoo lang, hindi nga niya alam kung anong hihimasin sakin dahil dalawa ang likod ko, but let's not talk about that dahil drama ako ngayon. I'm very sad.
Hindi ko na alam kung paano sasabihin sa kaniya ang lahat ng gusto kong sabihin. Halos dalawang oras na akong nakatambay dito sa puntod niya pero hindi parin ako tumitigil sa pagtangis.
I know. Hindi na dapat pa akong umiiyak. Isang linggo na siyang wala. Isang linggo na siyang nakabaon sa lupa. Hindi ko talaga maintindihan. Normal lang naman siguro na umiyak ng pitong araw dahil nawala na 'yung taong tumulong sa'yo 'di ba?
Nasa kulungan na ngayon si Sha. Kabi-kabilang kaso ang meron siya. Attempted murder. Attemted Homicide. Frustrated Murder. Child abuse. At napag-alaman ko rin na meron na pala siyang sakit sa ulo kaya kahit bata kinukuha niya.
Gaya nga ng sinabi ni Jane, si Sha ang number one on list ng mga criminals-to-chase sa Muntinlupa.
"Let's go Miss Saphira. May mga interview ka pang dapat puntahan. May guest ka pa sa Umagang kay Dilim. Gusto ka ding makausap ni Mr. Bhan Tot tungkol sa new Magazine na illaunch mo. Saan mo gusto mauna?"
Tahimik akong nakinig sa lahat ng daldal niya. Like, ghad. Isang buong araw niya akong kinakausap at dinadaldal. Pero bihira ko lang siya sagutin. Med'yo naiistress na ako sa boses niya.
"Miss Saphira?"
Tiningnan ko siya. "Let's go to Mr. Bhan Tot first. Alam mo naman 'yun. Sobrang mainipin," saad ko.
Tinanguan naman niya ako. May hawak siyang payong. Yes. Pinapayungan niya ako. Nakasuot nga ako ngayon ng itim na dress, itim na shades, itim na earings at itim na sumbrero na pang-outing. Buti nalang maputi ang skin ko.
'Di tulad ng eyebags ko. Sobrang itim na.
Pitong linggo na rin kasi ako hindi makatulog ng maayos. Sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa kaniya. Nabaril siya ng isang baliw na si Sha. At wala man lang akong nagawa para ipagtanggol siya.
Sumakay na kami sa kotse. Sa ngayon, careful na kami sa driver. Dahil nga noong huli, nakidnap ako dahil hindi ko naman pala talagang driver 'yung sinakyan ko.
Araw-araw ko na ring kasama si Jane. Para kapag nakidnap ako damay siya. Damayan na 'to. Tutal personal Stylist ko naman siya at binabayaran ko siya ng 40k kada buwan. Sapat naman na siguro 'yon para samahan niya ako hanggang kamatayan.
"Kuya, hatid mo kami sa Abcd Inc.," agad na sabi ni Jane sa driver. Agad namang tumango ang driver at nagsimula ng paandarin ang kotse.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Dahil tinted ang kotse, walang nakakakita saakin mula sa labas. Dahil nga wala naman akong magawa at para naman may magawa ako, lahat ng makikita ko sa daanan dinidilaan ko.
After all, hindi naman nila ako nakikita.
Halos twenty minutes ang byahe papunta sa Abcd inc. Kaya naman lawit na lawit na ang dila ko. Bumaba na kami ng sasakyan at dumaretso sa office ni Mr. Bhan Tot. Ang pinakasikat na Magazine Director sa Pilipinas sabi niya.
"Good Morning Miss Saphira," bati ng secretary ni Mr. Bhan Tot, if I'm not Mistaken, Sia C. Tuvol ang pangalan niya. Yes. Kabisado ko ang whole name niya.
Binuksan niya ang pintuan ng office ng boss niya. Tumambad saamin ang kahindik hindik na ubod ng bantot na mukha ni Mr. Bhan Tot. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang pangalan niya.
And. Privelege daw namin na makita ang mukha niya. Wala pa kasing nakakakita---if meron man sobrang rare gaya ng secretary niya. As if naman na gugustuhin makita ng buong kalawakan ang mukha niya. Hays. Dapat talaga drama ako e. Pero mukhang maiistress ako ngayong araw.
Ang aga-aga. Mukha agad niya ang makikita ko.
Bakit ba kasi ako pumunta dito?
"Take a seat," sabi niya saamin ni Jane.
Umupo naman kami. Mediyo nilayo ko ang upuan sa kaniya para kung mabaho man ang hininga niya, hindi ako maaabot.
"Alam ko ang nangyari sa iyo last week. At alam kong wala na siya, gusto ko sana itanong kung kaya mo pa bang ipagpatuloy ang iyong new project kahit wala na siya,"panimula ni Mr. Bhan Tot.
Bigla tuloy bumalik ang lahat ng ala-ala ko saakin. Sa mga nangyari last week. At sa pagkamatay niya.
Flashback
"Derrick!" Malakas na sigaw ko. Tumulo na ang mga luha't uhog ko na kanina ko pa pinipigilan. "'Wag kang bibitaw! Kailangan mong lumaban. 'Wag kang susuko. Hindi kita kayang dalhin sa ospital!" Sigaw ko.
"Haha! Sorry Derrick, pero tatanga-tanga ka kasi e. Harang-harang ka pa diyan," sabi ni Sha habang tumatawa at nakahawak sa tiyan niya.
Gustuhin ko man lumaban. Hindi ko kaya dahil sobrang nanghihina ako. Dinagdagan pa dahil dinaganan ako ni Derrick. Shet. Itong jejemon na 'to ang bigat-bigat.
"Ibaba niyo 'yang hawak niyong baril!"
Napatingin kaming lahat sa nag-salita. Mga pulis. Tama. Marami sila. At kasama nila si Raven. Ang manager ko.
"Saphira!" Agad na lumapit saakin si Raven para tulungan ako. Binaba naman ni Sha at ng mga tauhan niya ang mga armas nila. Hinuli sila ng mga pulis. "Ayos ka lang ba?"tanong nito saakin.
Tango na lamang ang binigay ko sa kaniya. Tiningan ko si Derrick na ngayon ay nakangitit nag-aagaw hininga.
"Don't dare to lose or I'll kick your ass to hell," madiin na sambit ko kay Derrick.
Inalalayan namin siya ni Raven makatayo. Palabas na kami ng mabahong gusali ng makarinig kami ng putok ng baril. Pero this time. Hindi na tumama kay Derrick iyon. Tumama ito kay. . .
"RAVEN!"
End of Flashback
Kung hindi lang talaga tanga ang mga pulis. Hindi makukuha ni Sha ang baril sa kanila at mababaril si Raven. Naiinis ako dahil wala akong nagawa para iligtas si Raven. Samantalang siya, naligtas niya kami ni Derrick.
After kong dalhin si Derrick sa ospital, wala na akong ibang lead. Tinransfer kasi siya sa ibang ospital at hindi ko na alam kung saan dahil abala ako sa paglilibing kay Raven.
"K-kakayanin ko po," saad ko.
Huminga naman siya ng malalim.
"Oh well. Okay. May kapartner ka pala sa gaganapin na photo shoot bukas," sabi niya.
Kumunot naman ang noo ko. "Sino?"
Bumukas ang pintuan. Niluwa nito ang isang lalaki.
I can't believe it. Bumalik na siya sa dati. Ang gwapo niya tingan sa Polo na suot niya. Hindi niya din binutones ang dalawang butones sa polo kaya ang gwapo talaga. Maayos na nakawax ang buhok niya. At pinagyayabang ang maputing ngipin niya.
Insecure ako bes.
Napatayo na lamang ako sa kinauupuan ko.
Hindi ko namalayan, napayakap na ako sa kaniya.
"Na-miss kita," sabi nito sa malambing na tono. Kinilig ako sobra. Ang manly pa ng boses niya. He hugged me back.
"Na-miss din kita, Derrick."
--
An : Last fart na ito. Awtsu. HAHAHA. Bitin? Wawa naman kayo. Kayo na bahala gumawa ng Ending nila. Well. Ending naman na ito. Atleast nga binuhay ko pa si Derrick lol. Yieee. Haha. Tag niyo nalang ako kung gagawa kayo ng ending nito xD. Kahit one shot lang lol.
P.S. alam ko naman na walang gagawa. Katamad is layf guys.
Proceed to Authors Note.
Special Thanks to : BinibiniMariang kung hindi dahil sa iyo, hindi ko matatapos ang istorya na ito. Also, Felixismine sa flood votes :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro