Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue (Fart 2)

An : Maraming salamat sa mga nag-hintay. Sorry talaga kung ngayon ko lang ito na-post dahil sa katamaran. I prefer you na mag-dala ng tissue. Haha. Or brief/panty nalang para makamura xD.

***

Saphira's Pov,

"Mga 'tol, kayo na muna magbantay sa isang 'to. Grabe. Kanina pa ako naiihi," saad ng lalaking bungal. Ang sarap talaga sungalngalin. Ang baho pa ng hininga.

"Kadiri ka 'tol! Aalis din muna ako, Oy Damulag, ikaw muna dito magbantay. Alis lang kami, bibili kaming pulutan," sabi naman ng lalaking nakajumper na akala mo bonjing.

Sabay-sabay na umalis sila Bungal, Bonjing, Kokey at E.T. Parang feeling ko talaga nasa isa akong action movie na merong touch of horror and humor. Like, eww, kaderder shila.

Nakita ko naman ang tuloy-tuloy na pag-lagok ni One-haired boy ng alak. Si Panot naman kasama ni Sha kanina. Siguro ginawang stress reliever. Kukuha na nga lang sila ng leader, wala pa sa ingrone ko.

Kita ko ang unti-unting pag-tulog ni One-haired boy. 'Yun lamang ang hinhintay kong senyales para makagawa ng paraan upang makatakas dito. Tuluyang nalasing ang mokong kaya naman nag-karoon na ako ng pagkakataon upang kuhain ang cellphone ko na kanina ko pa nakakapa saaking bulsa.

'Yung totoo? Hinayaan ba talaga nilang nandito lang ang cellphone ko para magawa ko ang binabalak ko? Shet lang talaga ang mga kabobohan nila. But I need to be careful tho. Baka mamaya isa ito sa mga plano nila.

Kahit ganiyan kabantot ang mga pagmumukha nila, hindi ko sila pwedeng baliwalain. Baka mamaya sa likod ang atake nila. I better keep myself safe kung ayaw kong maging headline sa balita.

Mapapamura ka talaga ng pakshet malutong. Akalain mong nylon lang ang pinangtali saakin? Seriously?

Walang kahirap-hirap kong natanggal ang tali saakin. Dahan-dahan akong kumilos dahil baka magising si Upin---or Ipin. Basta. 'Yung isa lang ang buhok.

Wala pang isang minuto natanggal ko na ang pagkakatali saakin. Kaagad kong binuksan ang cellphone ko at tiningnan kung sinong pwedeng I-text. Nakaupo parin ako dito sa upuan. Patingin-tingin dahil baka mamaya biglang may pumasok na alagad ni Sha.

Kung tutuusin, pwede na akong tumakas. Pero baka kasi mamaya paglabas ko ng mabahong silid na ito, mas marami pa akong Dame tu Cosita na makita sa labas. Shet lang talaga't hindi ko kakayanin.

Unang-una sa messages ko si Derrick. I'm really not sure kung siya nga iyon, pero sinasabi ng isipan ko na siya talaga 'yon e. Basta. Bahala na nga.

Agad akong nag-type ng message. Hindi na ako nag-abala pang mag-back read dahil ang dami na niyang message saakin. I don't have time for back reading. Alam ko naman na na tungkol sa pagkawala ko ang itinext niya.

< Zhou Phot

Derrick. Tulungan mo ako. Please.

Nandito ako sa

Tumingin ako sa paligid. May nakita akong isang bintana. May kataasan ito kaya agad akong kumuha ng upuan. Hinatak ko 'yung upuan na inuupuan ko kanina. Tumungtong ako doon upang maabot ang bintana, tiningnan ko ang lugar kung nasaan ako.

Maraming basura, may maduming ilog, truck ng basura---dump side.

I was about to text where exactly where I am pero narinig ko ang mga kalampag ng mga paa ng mga paparating na Tauhan ni Sha. Binuksan ko nalang ang GPS ko at agad na nilagay muli sa bulsa ko ang cellphone.

"Damn Bro! Bakit nakatakas si Saphira!?" Galit na saad ni Bonjing. "Itali niyo ulit 'yan! Baka makatakas pa!" Saad niya sa mga kasama niya.

Agad naman akong hinawakan ni kokey at E.T. Alien Force ba ang tawag dito?

Tinali ulit nila ako. Si Bungal naman ginigising ang natutulog na One haired boy ngayon. Hindi naman na ako nanlaban. Umaasa nalang ako na matrace ako ni Derrick sa tulong ng GPS, bago ako dalhin ni Kokey at ET sa planeta nila.

Jusko lord.

Zhou's Pov,

Hindi ako mapakali. May kung anong kanina pang kumikirot sa ulo ko. Hindi ko maintindihan pero sa tuwing naaalala ko 'yung napanaginipan kong Truck at kotse na nagbanggaan, sumasakit ang ulo ko.

Wala akong kasama dito sa bahay. Kaya kahit magsisisigaw ako sa sakit, walang nakakarinig saakin. Wala ang kumupkop saakin.

Sobrang sakit. Para bang mamatay na ako. Hindi ko na kaya. Pinilit kong tumayo, nakahawak lang ako sa upuang gawa sa kahoy. Pinilit kong itayo ang sarili ko. Pero mukhang maling galaw iyon.

Mas lalong sumakit ang ulo ko.

Budoy.

Truck.

Jejemon.

Kotse.

500,000.

Iba't ibang larawan, pero mas paulit-ulit sa utak ko ang pagbangga ng truck sa kotse.

Sa kotse. Sa kotse na ako ang nakasakay.

"Budoy," mahinang saad ko. Hindi parin humuhupa ang sakit ng ulo ko. Pero sapat na ang dahilan ko para piliting bumalik sa kung saan ko siya huling nakita. Kailangan kong malaman kung nasaan na si Budoy.

Kung nasaan na si Didi.

Kailangan ko siyang puntahan sa Ospital. Sana nandoon pa siya. Bago ako maaksidente, doon naman na talaga ako papunta. Kaya kailangan ko siyang puntahan. Kailangan kong masabi sa kaniya ang nararamdaman ko.

Agad akong lumabas ng bahay. Hindi na ako nag-abala pang sabihin sa kumupkop saakin na aalis na ako, kahit na kailangan ko iyong gawin at kailangan kong magpasalamat sa ginawa nila saaking pag-aalaga.

Pumunta na ako sa pangpang. Sumakay kaagad ako sa isang bangka at agad iyong pinaandar. Sa halos dalawang buwan kong pananatili dito, marunong na akong magpagana nito. Sapat na ang kaalaman ko para makabalik sa kung saan naganap ang banggaan.

Sana sapat na nga.

Binilisan ko pa ang takbo ng bangka na sinasakyan ko. Kailangan kong bumalik sa kung nasaan si Didi.

Kumunot ang noo ko nang may maalala.

Saphira.

Tama! Kailangan din ni Saphira ng tulong. Nang basahin ko kanina ang message niya saakin, humihingi siya ng tulong. Pero paano ko malalaman kung nasaan siya? Fvck this life. Kailangan kong puntahan pareho ang dalawang babaeng 'yon.

Sinong uunahin ko?

Agad kong nilabas ang cellphone ko. Buti nalang dala ko ito. Sa tulong ng GPS, na-trace ko si Saphira. Hindi ko ineexpect na gagawin ko ito. Kung tutuusin, dapat sa pulis ko na ito ipasa. Hindi ako ang tamang tao para iligtas si Saphira.

Pero kailangan niya ng tulong ko.

Halos thirty minutes akong sakay ng bangka bago ako mapunta sa isang maduming ilog. Malapit lang rito si Saphira ayon sa track ko. Agad akong bumaba sa pangpang. Ang baho. Ang daming kalat dito.

Sa loob ng gusali, which is nasa harapan ko ngayon, ayon sa track nandoon si Saphira. Wala na akong sinayang na oras. Pinasok ko na ang lugar. Without being careful, agad akong napaligiran ng grupo ng mga kalalakihan.

May malalaki silang pangangatawan at, maliliit na ulo?

"What do we have here?" Tanong ng isang pamilyar na boses ng babae. "Oh. Hello there Derrick," saad ni Sha.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Don't tell me ikaw si Saphira?" Natatawang saad ko.

"Oh dear. Hindi ako kasing cheap ni Saphira. Ikaw ang dapat tanungin ko kung bakit ka nandito. Oops. Si Saphira slash Didi ba ang pinunta mo dito?" Tanong nito habang iniikutan ako.

Kumunot naman ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Boys. Ibaba ninyo dito si Saphira slash Ualla Didi," sabi nito. Tumango naman ang mga tauhan niya. Ilang minuto lang, may kasama na itong isang babae. Madumi na ang suot niya pero maganda parin siya.

Tama. Si Saph---

"Didi?"/"Derrick!?" Sabay naming sabi.

"It seems like, nagulat kayong pareho. Yes dear ex-boyfie. Si Saphira at si Budoy or Derrick ay iisa," mapang-asar na sambit ni Sha.

Hindi ko ineexpect na si Saphira ay si Budoy. Hindi ko naman siya namumukhaan kapag iniinterview siya sa TV. O baka dahil hindi ko pa siya naaalala noong mga oras na iyon.

"Ngayong magkasama na kayo, pwede ko na kayong pahirapan," saad ni Sha. Tinulak niya saakin si Didi. Bago mawalan ng balanse, nasambot ko na siya. Nakita ko ang paglunok niya ng laway. Mukhang pati siya hindi inaasahan ang pag-kikita namin.

". . .matagal na akong naiinis dito kay Didi magmula nang palagi mo siyang puntahan sa skwater area," saad ni Sha. Kung gano'n lagi siyang nandoon kapag pumupunta ako? "Dahil siguro sa kaniya kaya ka nakipag-break saakin. Pinagpalit mo ang beauty ko sa feslak niyang mabantot!"

"Hoy! FYI mas maban---"

"MANAHIMIK KA! MOMENT KO 'TO!" Sigaw ni Sha. Agad niyang kinuha sa tauhan niya ang baril na hawak niya. "Isang nong isang sagot Derrick, makikipagbalikan ka pa ba saakin?" Tanong nito.

Anong binabalak niya? Akala ba niya matatakot niya ako sa hawak niyang baril?

"Para lang kay Budoy ang puso ko. Sha, hindi kita mahal," sabi ko.

Huminga siya ng malalim. "Kung gano'n. You left me no other choice Derrick," sabi nito bago mabilis na kumilos.

Sa puntong ito.

Bumagal ang lahat.

Agad nitong tinutok kay Budoy ang baril.

Isang malakas na putok ng baril ang narinig ko.

Namalayan ko nalang na. . .

Agad kong nilagay sa likuran ko si Budoy,

At ako ang natamaan.

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro