Chapter 40
"AND, HIJO, about Flor—"
"What about her?" agaw ni Zeph sa sasabihin ni Trinidad.
"I heard she's staying in your house in Forbes?"
"She's my maid. I already told you, you're right about her. What I do to her now—with all due respect—I believe is my business alone."
"Of c-course."
Tumango ito, hinagkan siya sa pisngi, saka umalis na. May nakakapa siyang kung anong pagsisisi. Nagbalik na ang kanyang anak sa dati, tila higit pang arogante, higit na dominante. Even his business decisions now were far more ruthless than before.
She was starting to get worried about him and she thought maybe she was partly to blame for that.
Was she right in what she did before? Tumupad sa usapan nila si Flor, subalit malaking palaisipan sa kanya kung bakit kay tagal na ay hindi pa rin nito ipinapasok ang tseke gayong sigurado siyang nakarating iyon dito.
Alam niyang gumawa ito ng paraan upang iwasan si Zeph. Wala siyang ideya kung ano ang ginawa nito subalit nang magbalik ang kanyang anak ay para bang galit ito sa mundo. Maski ang ngiting noon ay parating ipinapakita nito sa kanya ay hindi na niya nasilayan pang muli.
Parati pa rin siyang nagtatanong sa lagay nito sa mga taong nakapaligid dito. Alam niyang bagaman nagbalik na ito sa dati ay nawala na nang tuluyan ang ugali nitong pag-eestima sa mga babaeng bisita nito. Of course she knew even before that those women were her son's playmates.
Si Greg ang madalas na natatanong niya tungkol sa kanyang anak kahit alam niyang loyal ito kay Zeph. Ganunpaman, alam niyang ang pagtatanong niya rito ay hindi nakakarating sa kanyang anak. At noong huling naitanong niya rito kung ano ang ginagawa ni Zeph kapag nagtatapos na ang araw nito, ang sabi ni Greg ay wala itong ideya sapagkat naroon lamang daw ito sa unit nito.
That bothered her a lot. Zeph was never the type who would lock himself inside when he could do so much more. Kaya ang kailanman ay hindi niya in-encourage na pag-estima ng mga babaeng bisita nito ay parang mas gusto niyang maibalik, kaysa sa ganoong wala siyang ideya kung ano ang nangyayari sa kanyang anak.
Should she have told him what Flor told her?
She was still undecided. Although sometimes she wanted to talk to her again. There was something about her that she failed to spot, something that she didn't quite understand.
Siyempre ay dumaan na sa isip niyang baka may unawaan na naman ang dalawa subalit agad din niyang naalalang hindi niya pinalaki nang ganoon si Zeph. Hinding-hindi ito magsisinungaling, pagtatakpan ang katotohanan para lamang maibalik dito ang lahat. That was mainly why he spent those months driving a taxicab, for God's sake.
Kung ano man ang ginawa ni Flor upang mapalayo si Zeph ay inani nito ang galit ng kanyang anak. She honestly felt sorry for the girl. She knew how ruthless Zeph could be when he was mad.
Oh, well, maybe this was the perfect time for her to once again ask Zeph to go out with Sophie. After all, Flor was still but a housekeeper.
Like my page: www.facebook.com/vanessachubby or www.facebook.com/theromancetribe (writers collab page)
BUY THIS BOOK: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/4963/Ang-Lalaking-Nagmahal-sa-Akin-1---2
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro