Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

ZEPH knew something was wrong the moment he got out of the hospital. Noon pa lamang ay napansin na niyang tila nanlamig sa kanya si Flor. Hindi lamang niya maunawaan kung bakit. Ilang ulit na kasi siyang nakahingi ng dispensa rito na nagmatigas siyang magtrabaho kahit masama na ang pakiramdam niya.

Ilang araw siya sa ospital. Ngayon ay nakabalik na sila sa bahay nila. May isang linggo na sila roon at damang-dama niyang iba na ang pagtingin nito sa kanya. It was as if something happened to her while he was being operated on or while he was sedated. And he wanted to know what it was.

Ilang ulit na niyang tinanong ito kung ano ang problema subalit wala itong sinasabi sa kanya. Karaniwang naiinis pa ito at sasabihing kung anu-ano ang iniisip niya.

Wala na ang TV nila sa bahay, ganundin ang ilang kagamitan doon. Ang kanyang taxi na binabayaran ay kasalukuyang nakasangla. May labis pang pera sa lahat ng iyon at iyon ang panggastos nila sa kasalukuyan. Nauunawaan niyang malaki ang gastos nila sa pagpapaospital sa kanya, isama pa ang mga gamot niya ngayon. Ang hindi niya maunawaan ay kung bakit dinala pa siya nito sa Saint Luke's. It was an ordinary operation, for God's sake.

Ang sabi nito ay kailangan daw muna niyang magpahinga. Iyon naman ang kanyang ginagawa dahil alam niyang hindi pa rin niya kayang magtrabaho. Panay naman ang pangako niya ritong pansamantala lamang ang lahat ng iyon.

Sa pagkakataong iyon ay buo na ang desisyon niyang kausapin si Narciso kapag bumuti-buti na ang lagay niya. Nais niyang kapag kinausap niya ito ay handa na siyang sumabak sa trabahong gamay niya. He was a fool to think his parents would give him what he wanted. And he was an idiot to go through all that. Dapat ay noon pa niya tinanggap ang alok ni Narciso. Pero kaunting panahon na lamang ang kanyang hihintayin.

He wanted to surprise Flor. Kapag naayos na niya ang lahat ay saka niya iyon sasabihin dito. Tiyak na matutuwa ito. Naiinip na rin siyang maghintay kung kailan lilinaw sa isip ng kanyang mga magulang na tama ang kanyang ginawang desisyon. Isa pa ay naiisip na rin niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin sila naikakasal ni Flor.

Umalis si Flor. Ang sabi nito ay may aasikasuhin daw ito. Nagpasya siyang magluto na para sa kanila. Nang dumating ito ay gaya pa rin ng ipinapakita nito nang mga nakarang huling araw ay malamig ito sa kanya. Ni hindi ito humalik sa kanyang pisngi.

"Wala man lang kiss?" nakangiting sabi niya rito.

"Mainit ang ulo ko, Zeph." Iyon lang at nagtuloy na ito sa silid. Sumunod kaagad siya rito. Niyakap niya ito at hinagkan sa likod ng tainga. She loved being kissed there. But she moved away from him, as if she was very irritated. "Puwede ba? Sinabi nang mainit ang ulo ko!"

"Whoa! What's the matter?"

"Wala ako sa mood makipag-usap sa 'yo."

He was taken aback. Oo at malamig ang samahan nila nitong mga nakaraang araw subalit kahit kailan ay hindi pa sila nagkaroon ng ganoong uri ng usapan. Parang kulang na lang ay magpakalayu-layo ito sa kanya. He was about to turn his back when he thought about something and then smiled.

"Are you pregnant?"

"Hah!" Tila nasusuyang ngumiti ito. "Hindi. Meron ako. At mabuti na lang din. Kung tayong dalawa nga, wala nang makain, ano pa kung magiging tatlo tayo? Ang hirap-hirap ng buhay ngayon."

He was stunned. He was hurt. And he never thought she would say something like that. Pinagmasdan lamang niya ito. May notebook itong tinitingnan habang may calculator na pinipindot.

For a while, he wanted to yell at her that he was sorry if he got sick. He wanted to tell her he was going to get better sooner than she thought. And when that happened, he was going to marry her, send her to school, and then make her live like a princess. Pero inunawa na lang niyang marahil ay hirap ito sa sitwasyon.

"Things will get better, I promise you that, Flor." Hindi ito umimik, patuloy lamang sa ginagawa. "Tara na, kumain na tayo."

Noon siya nilingon nito at bahagyang tumango. Lumabas na sila ng silid at dumulog na sa hapag. Pagkasubung-pagkasubo nito ng canned tuna na nilagyan niya ng itlog ay iniluwa nito iyon sa plato nito. Again, he was stunned. Although he knew she was not educated, she never behaved that way before.

"Ano ba 'to?" Tiningnan nito ang plato ng tuna at saka marahas na inilayo iyon. "Ang alat-alat. Nagsayang ka lang ng pagkain. Alam mo ba kung magkano 'yang pagkaing sinayang mo? Alam mo ba kung gaano kahirap kumita ng pera ngayon, ha?"

Oh, he was mad. And he just found himself raising his voice at her. "Alam ko! Alam na alam ko dahil naghirap din akong magtrabaho! You've always told me money is not that important to you, so why the hell have you turned very calculating all of a sudden? And for what? A fuckin' can of tuna."

Tumayo ito at nagtuloy sa silid. Pabalabag na isinara nito ang pinto.

"Goddammit!" Tumayo siya at nasipa ang silya.

Palakad-lakad lamang siya roon, galit na galit pa rin. He couldn't believe their argument. Hanggang sa ang galit niya ay unti-unti nang humupa. Napaupo na lamang siya at napabuntong-hininga. Maybe she was just tired. I have to understand. This is as hard for her as it is for me.

Nasapo niya ang kanyang noo at pumasok na rin sa silid. Nakahiga na ito sa kama. Tinabihan niya ito.

"I'm sorry," he said. Hindi ito umimik. "Everything's going to be fine. All you have to do is wait a little longer. Maybe a week, two weeks. Believe me, please."

Hindi pa rin ito umimik. He sighed. He thought maybe she was already asleep. Niyakap niya ito. And hugging her still felt so right.

Are you enjoying this book? Like my page to show support:

www.facebook.com/vanessachubby

www.facebook.com/theromancetribe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro