I
"Yaya hindi ka pang karaniwang tao. Tingnan mo nga ang iyong sarili."
Ayan na naman si Babaylan Mana. Sinunod ko na lamang ang kaniyang sinabi. Agad ako tumingin sa tubig at nakita ko ang repleksyon ko. Halos nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
"Pula?"
Hindi ako makapaniwala. Pula ang mga mata ko. Kung minsan bulag ako sa hindi malaman dahilan.
"Ang mga mata mo Yaya ay mata ng demonyo!"
"Ano?" Napaatras ako pa layo sa kaniya. Huwag naman sana totoo ang kumalat na chismis na si Babaylan Mana ay pumapatay ng tulad ko na may kakaibang mata.
"Isa kang sinumpa Yaya. Binabalaan Kita huwag ka gumawa ng masama sa iyong kapwa sa oras na malaman ko. Hindi mo sinunod ang babala ko. Ako na mismo ang papatay sa'yo!"
Tumalikod si Babaylan Mana. Si Babaylan Mana ang mangagamot sa'min tribu. May espesyal siyang katangian na wala sa kahit kanino man. Pinag masdam ko lamang siya papalayo sa'kin hanggan sa hindi ko siya matanaw.
Isa ako sa tribu namin na tinuring na walang silbi o hindi kaya salot. Tumingin ako sa kalangitan kasabay na ngarap na balang araw maunawaan ko ang mga bagay-bagay tungkol sa pag ka tao ko.
"Yaya bilisan mo. Mag laro tayo!"
Hindi ko pinansin ang tumawag. Alam ko isa na naman kaluluwang ligaw ito na gusto makipag usap sa'kin. Hindi ko ginusto ang mabuhay na ganito ngunit wala na akong magagawa.
Napag pasyahan ko umalis. Muntik ko na nakalimutan ang tungkol sa pag diriwang ng masaganang ani.
Hindi pa ako nakarating sa bahay ng pinuno. Napahinto ako nang marinig ang mga walang kwetang kwento.
"Hay naku Babalo. Pwede natin pa alisin sa pamamahay si Yaya."
"Huwag ka naman ganon Balaka. Kahit kailan masama ang trato mo sa kaniya. May nagawa ba siya nakasalanan sa'yo?"
"Wala naman Pinuno Babalo. Pero kaya niya na mabuhay mag isa at nakakahiya sa ibang tribu nag alaga ka na hindi mo ka dugo."
Tama nga naman si Nana Balaka. Pag karating ko sa harap ng bahay. Sumalubong sa'kin si Nana Balaka na may ngising tagumpay.
"Yaya may pag usapan tayo," mahinahon wika ni Pinuno Babalo.
"Ano po yung?"
"Nasa hustong gulang ka na Yaya. Siguro pwede kana umalis sa pamamahay namin. Alam mo naman ang tungkol sa tradisyon."
"Naunawaan ko po. Maraming salamat po."
Nag madali ako pumasok sa bahay saka pinulot ang mga damit ko at nilagay sa tela bago ko tupiin.
"Ngayon na po ako aalis. Naka hanap po ako na pwede ko patayuan ng bahay."
Kita ko sa mga mata ni Nana ang labis na pag ka tuwa. Agad ako umalis na hindi lumingon. Habang naglalakad ako patungo sa puno ng mangga. Doon ko balak tumira.
"Tulungan niyo ako!"
"Mama! Papa! Nandito ako. Asan kayo?"
"Huwag parang awa niyo na...!"
Na bitawan ko ang hawak ko dahil ang sakit sa tenga parang sasabog sa subrang sakit ng ulo ko.
"Tumahimik kayo! Hindi ko na kaya!"
Biglaan tumahimik kasabay may kumalabit sa'kin. Agad ako humarap.
"Yaya ayos ka lang ba? Para kang baliw."
Ang sakit naman mag salita sayang ang gwapo pa naman kaso parang may kakaiba sa kaniya na hindi ko matukoy kung ano ito.
"Yaya?"
"Ayos lang ako maraming salamat. O nga pala pwede ba ako tulungan sa pag gawa ng bahay kung maaari?"
Agad naman ito pumayag. Kita ko sa kaniyang mga mata ang kasayahang.
"Ako nga pala si Araw ang anak ni Ba-"
"Ba?" Sabay taas ng mag kabilang kilay ko.
"Basta."
Parang ewan. Hindi ko na lang inisip kung kanino siya anak. Ang mahalaga tinulungan niya ako.
"Ako pala si Yaya."
Nakipag kamay ako sa kaniya ng saglit bago mag patuloy. Nang nakarating kami ay agad niya sinimulan. Mabuti na lamang may mga materyal ako itinago sa puno ng mangga.
Tamang-tama ang laki ng bahay ko sapat nasa dalawang tao. Pinag masdam ko lamang siya habang kasalukuyan inayos ang bahay ko. Kunti na lang matatapos na.
'Yaya narito ako!'
Napalunok ako ng tatlong beses na marinig ang pamilyar na boses. Hindi ako maaaring mag ka mali. Dahil sa kaniya nag bukas ang pangatlong mata ko.
'Yaya pansinin mo naman ako!'
Sumakit ang ulo ko kasabay ang pag dilim ng paningin ko. Sa tuwing narinig ko ang tinig niya ay hindi ko kaya.
Naalaala ko dati ang huli ko siya narinig.
(Flash Back)
Bandang ala sais ay oras ng pahinga ko. Abala ako sa pag tingin sa buwan. Ang ganda pag masdam lalo na kabilugan ng buwan at ang daming bituin. O kay sarap pag masdam habang umawit ng paborito ko awit.
"Lalala..."
Masaya ako umawit habang sumayaw ng mabagal. Pinakiramdaman ko ang hampas ng hangin.
Napahinto ako nang marinig ang ingay na mula sa hindi kalayuan. Hindi ko matukoy kung ano ito kaya binalewala ko na lamang at nag pa tuloy.
"Lalala..."
Muli na naman ako huminto. Biglaan ako kinabahan sa hindi ko malaman dahilan. Mina buti ko na umuwi na lamang upang mag pahinga.
Habang tinahak ko ang daan pauwi mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko na parang bang lalabas na ito.
"Awoo...!"
"Tahol ng aso? Pero bakit ang lakas? Mag madali na ako umuwi baka mapahamak pa ako kung magtatagal pa ako sa labas."
Nag madali ako tumakbo. Tumingala ako saglit sa kalangitan na tanaw ko isang usok na may anyong tao ngunit hindi ko marinig ang bawat lumabas sa bibig nito kung hindi usok.
"Ito na nga ba ang sinasabi sa'kin ng Babaylan? Ang alipin ng kadiliman nag simula lumaganap."
Tanaw ko na ang bahay ni Pinuno ngunit bago pa man ako muli maka hakbang ay may tumulak sa'kin.
"Ahhh!"
Bumagsak ako sa putikan kanina ay malakas ang ulan kaya pinahinto kami sa gawain.
'Tulungan mo ako! Tulungan mo ako parang awa muna!"
'Pakiusap tulungan mo ako. Hindi mag tatagal kailangan mo ang tulong ko!'
Dahan-dahan ko tinukod ang mag kabilang kamay ko saka tumayo.
Hinawakan ko ang ulo ko sabay sabunot sa sariling buhok. "Ang sakit hindi ko na kaya. Para ako nito mababaliw! Utang na loob layuan mo ako!" Mabuti na lamang naabutan ako ni Babaylan.
Pumayag na ako sa kaniyang nais na isara ang pangatlong mata ko.
(End Flash back)
May kumalabit sa'kin. "Yaya ayos ka lang? Mukhang may naalaala ka na hindi dapat," nag aalalang wika niya.
"Ayos lang ako."
"O alis na ako. Huwag mo kalimutan mag tungo mamaya!"
Pinag masdam ko na lamang ito habang nag lakad pa uwi hanggan sa hindi ko na siya matanaw.
Sumapit ang hapon ay naka handa na ako. Mabuti na lamang may kasuotan ako na maganda bigay ng taga labas.
Binuksan ko ang pinto bumungad sa'kin ang itim na usok ngunit hindi ko na lamang pinansin ang tinig mula sa usok.
Tuluyan ako lumabas saka sinara ang pinto. Pinag masdam ang buwan habang nag lakad patungo sa bahay ng pinuno. Lumipas ang sampung minuto nasa harapan na ako ng bahay ng Pinuno ngunit walang tao.
Siguro nasa sentro ito ng tribu ginanap ang kasayahan. Agad ako nag tungo ngunit hindi ko akalain iba ang aking matanaw. Ang tradisyon na ritwal na hindi ko gusto. Halos ang mga babaehan sumayaw na parang baliw kumilos. Ang kanilang tingin ay nakatuon sa lalaki na sinusubuan sila ng pag kain habang sumayaw na parang aswang.
Napailing na lamang ako. Nag dalawang isip kung itutuloy o hindi. Huminga ako ng malalim bago mag pasya na lumapit sa grupo tahimik lang sa tabi ng mga sumayaw.
Walang nakapansin sa pag dating ko. Habang tumagal ay hindi ako mapakali sa kinatayuan ko. Huli na pala ako dumating siguro kanina na ganap ang pag pasalamat nila sa anito.
Nagulat ako nang sumigaw ang katabi ko na babae. Agad ko sinundan ang kaniyang tinuro. Isang matangkad na lalaki na walang saplot na pang itaas. Nakatitig ito sa'min direksyon. Alam ko ang kaniyang susunod na gagawin.
Nag simula na ito sumayaw na hugyat na pipili na kaniyang maging kabiyak. Tumalikod na ako saka lumakad. Nag madali tumakbo nang marinig ang sigawan ng mga ka-tribu.
Naririnig ko na naman ang tinig ng ligaw na kaluluwa. Mukhang masaya sa kaniyang nalaman na tungkol sa'kin kahinaan.
Tama nga naman siya. Walang pumili sa'kin na maging asawa sa ka dahilanan isa lamang akong mababang uri at may sumpang dala.
Hindi ko mapigilan umiyak. Huminto ako saka umupo sa damuhan. Wala akong paki alam sa tawa ng ligaw na kaluluwa.
'Makinig ka sa'kin Yaya. Malapit na ang panganib nasisira sa buhay mo. Kailangan mong umalis sa tribu na kinabibilangan mo,' malungkot na saad ng ligaw na kaluluwa.
"Ano?"
Nagulat ako sa narinig ngunit hindi ako naniwala sa kagaya niya na sinungaling. Gagawin ang lahat upang mapansin ko at matulungan sa kanilang problema.
apatalon ako sa gulat nang marinig ang pag sabog mula sa sentro ng tribu. Halos nanginginig ang mga mata ko. Gusto ko kumilos ngunit na unahan ako ng takot.
Ang kabahayan ay nasusunog kasabay ang pag putok ng mga baril at sigawan ng mga ka tribu.
"Hindi...!"
Buong lakas ko pinakawalan ang boses ko na sanhi na dahan-dahan sumakit ang kanang mata ko. Tinakpan ko ang kanang mata gamit ang kaliwang kamay.
Pag tingin ko sa palad bumilis ang tibok ng puso ko na halos na parang lalabas na ito. "Dugo?" Bumagsak ako sa damuhan habang pa tuloy sa pag iyak.
Nag madali ako tumayo nang makita pa lapit sa direksyon ko ang lalaking may balot ng itim na tela ang mukha. Ito na siguro ang sinasabi ng mga sundalo na mga rebelde na walang iba ginawa kung hindi manira ng bahay, pumatay at higit sa lahat pag laruan ang babae.
Nakasuot ng itim na mahalintulad sa kasuotan ng kulto. Mabilis ako tumakbo at mabuti na lamang naka layo ako sa kaniya ngunit sa pag hakbang ko biglaan ako nahulog sa butas na balot ng mga halaman. Bumagsak ako sa bato na tumama ang ulo ko na dahilan na pag dilim ng paningin ko hanggan sa nawalang ako ng malay.
Nagising ako sa subrang lamig na dumanpi sa balat ko. Napatulala na lang ako habang nakatingala sa itaas habang nakanganga upang uminom ng tubig sa ulan. Naririnig ko ang sigaw mula sa itaas.
"Patay na ba ang lahat?" Tanong ng galit na lalaki.
"Patay na lahat. Wala ng natira maliban sa mga nakatakas. Ano ba gagawin ko sa takas?"
"Hanapin mo sila at patayin. Pagkatapos natin dito. Isusunod natin ang ibang tribu."
"Bakit ba kailangan pa natin sila patayin kung pwede naman tayo mabuhay ng mapayapa."
"Alam mo naman pinatay nila ang mga kasamahan natin na nag anyong baboy saka kinain. Huwag na masyadong maraming tanong. Sinasayan mo lang ang oras ko."
Narinig ko ang mga yapak na patungo sa kina hulugan ko. Nasilayan ko ang tao na mabalahibo na kulay itim. Ngunit bago pa man siya tumapak sa butas.
"Halika ka na!"
Mabilis hinila ng kasama nito saka lumipad.
Nakahinga ako ng maluwag. Paano kaya ako makaka alis. Nakakabaliw maraming inisip ako na malabong mangyari.
Hindi ko alam ilang oras na ako nanatili rito. Natatakot ako nang marinig ang iba't ibang ingay na gawa ng insekto. Ang ikinatakot ko lang baka may mahulog na ahas at mamamatay sa gutom.
Napayakap ako sa sarili na mag simula nanginig ang buong katawan ko. Sana huminto ang ulan hindi ko kaya manatili ng ganitong sitwasyon.
Napahiyaw ako sa sugat ng may kumagat na daga. hinampas ko gamit ang tipak na bato nasa gilid ko. Tumilapon ang daga na walang buhay habang sariwa umagos ang dugo sa ulo.
"Kainis ang sakit!"
Pinunit ko ang suot ko saka itinali sa balikat. Umaasang hihinto ang agos ng dugo. Umupo ako habang titig na titig sa matabang daga na medyo may kalakihan.
Napahawak ako sa tiyan ng tumunog ito. Hindi ako nag dalawang isip na damputin ang daga saka dahan-dahan inilapit sa ilong. Inamoy amoy ko ito, hindi na masama bago ako mag pasya kagatin ang tiyan. Napa pikit ako habang sumirit ang dugo na mula sa tiyan ng daga na kasalukuyan dumaloy sa leeg ko.
Nandidiri man ako sa lasa ngunit wala akong mapag pilian kung hindi lunukin ito. Hindi ko kinain ang ulo, hindi ko kaya hinagis sa itaas sabay tumingala.
Gusto ko sumuka pero pinigilan ko. Umatras ako nang maaninag ko ang ilaw mula sa itaas.
"Yaya!"
Hindi ako pamilyar sa tinig kaya hindi na lang ako sumagot. Mahirap na baka mapahamak lang ako.
"Hindi...!" Sigaw ng kung sino man.
Napasigaw ako nang biglaan may nahulog sa pinag bagsakan ko. Napailing iling ako habang tinakpan ang bibig. Nanlalaki ang mga mata ko nakatingin sa putol na kamay na kasalukuyan sumirit ng dugo.
"Huli ka!"
Nakatingala ako sa gulat. Mabilis ako hinawakan sa balikat na bumaon ang kuko nito. Ang mabalibo na tao, may pakpak ng paniki.
Kahit anong kilos ko hindi ako nito binitawan mas lalong bumaon ang kuko na ikinasigaw ko. Lumipad na ito palabas.
Bigla na lang ako hindi maka kilos sa subrang pagod. Hindi ko kaya igalaw ang mga kamay ko sa pagkat sasakit lamang ang mag kabilang balikat ko.
Nag kung wari na walang ng malay. Pinag masdam ko lang ang nasusunog na tribu na pinag mula ko. Sa iba't ibang panig ng kagubatan maraming mag habulan na mas lalong nag pa iyak sa'kin.
Malakas ang hangin na muntik na ako nabitawan nito. Ito na ba ang huling araw ko sa mundo? Maraming mga katanungan ang tumatakbo sa isipan ko.
"Hindi...!"
Nagalit ang aswang. Ngunit biglaan may narinig ako na pag sabog na mula sa ibaba. Napapikit ako nang may tumulo na kung anon man hanggan sa bibig ko. Napa mulat ako nang biglaan ako binitawan ng aswang.
Nakatitig ako sa aswang na butas ang tiyan. "Ayaw ko pa mamamatay!" Pumikit ako. Bumagsak ako sa tubig na halos hindi ako nakahinga na biglaan na inom ko ang tubig.
Lumangoy ako pataas. Nang makita ko sa itaas ang mga aswang na kasalukuyan pinag agawan ang bata. Mas pinili ko pa hindi umahon. Lumangoy ako pa lapit sa malaking bato saka humawak nito.
Napahawak ako sa ulo ng biglaan sumakit. Parang ma babaliw ako sa sakit kasabay nakita ko ang mga pangyayari lumamon sa'kin ka isipan.
Asan ako? Kadiliman ang nakikita ko. Ngunit napalitan ito ng lumitaw ang liwanag at dahan-dahan nag sulpotan ang mga tao sa paligid. Nasa kagubatan ako nakatayo. Lumingon ako nang makita ang mga babae may kakaibang wangis. May butas ang mag kabilang palad ng mga ito at may itim sa kanilang kalahating mukha na hugis bilog na sunod-sunod.
Sumunod ako sa kanila. Huminto ang mga ito saka pinalibutan ang kung ano man. Lumapit ako sa babae ngunit tumagos lamang ako. Sinundan ko ang tingin ng babae.
Ako? Hindi ako makapaniwala ako babaeng walang buhay may naliligo sa sariling dugo. Na mutla ang balat. Hinawakan ng babae ang pulso ko. Tumango ito habang tumingin sa kasama.
Itinuro ako at ituro ang kagubatan. Tumango ang matabang babae na may kalakihan. Hindi ito nag dalawang isip na bubatin ako.
Napa balik ako sa kamalayan nang narinig ako ang tinig ng aswang. Nakangiti ito habang nakatitig sa'kin. Mabilis na bumulogsok ito patungo sa'kin. Hindi ako nag dalawang isip na bumitaw. Lumangoy ako pa ilalim.
"Sayang!" Galit na sigaw nito.
Hindi ko na kaya pipikit na ang mga mata ko. Nanlabo na ang paningin ko hanggan sa nawalang ako ng malay.
Ang sakit ng ulo ko. Gusto ko imulat ang mga mata ko pero hindi ko kaya. Lumipas ang isang minuto naririnig ko ang tinig na hindi pamilyar sa'kin.
Nag panggap na lang ako na tulog upang malaman ang kanilang pinag-usapan at kung nasaan ako ngayon.
"Ilang nasakop na ba ng aswang na tribu?"
"Mali ka bulawan sa tanong. Ilang pina bagsak ng mga Aswang na tribu?"
"Hay naku Liwayway kahit kailan pa epal ka talaga pariha lang naman yon tanong. Hindi ba Dima?"
"Mag si tahimik kayo. Baka magising ang babae. Pero-"
Narinig ko ang mga yabag ng bagong dating na ikinatahimik ng tatlo.
"Kumusta ang niligtas mo?" Seryuso ang tinig nito.
"Mabuti na siya ngunit hindi parin nagising. Pang limang araw na niya ngayon." Kinakabahan sagot ng lalaki.
"Ano bang nangyari sa tribu ng Unakawa?"
"Pinatay ng mga Aswang sa hindi malaman dahilan. Sigurado ako may nag bigay alam sa mga aswang ng hindi maganda na ikinagalit nito," galit "
sagot ng lalaki.
"Nana Maraya anong gagawin natin ngayon?"
"Bulawan huwag kang mag alala. Huwag ka ng mag panggap na tulog alam kong gising ka."
Paano niya nalaman? Wala na akong kawala. Dahan-dahan binuka ko ang bibig.
"Maraming salamat. Ako pala si Yaya. Hindi ko makilos ang buong katawan ko kahit pag dilat ko hindi ko nagawa."
"Sa tingin ko kailangan mo pa matulog. Muntik ka na naubusan ng dugo kung hindi mo tinalian ang balikat mo at hindi ka namin nakita. Sa-"
Hindi ko narinig ang huling salita sa pagkat nawalang na naman ako ng malay.
Nagising ako na maingay ang paligid. Sa wakas nagawa ko nang imulat ang mga mata ngunit wala akong makita kung hindi puro dilim.
"Hindi...!" Kasabay sa pag bangon ko.
Nag silapitan sa'kin sila base sa kanilang ingay na nagawa. Sandali bumalik ang paningin ko sa normal. Sila ang mga babae nakita ko sa pangitain ko. Napa iyak na lang ako ng dumilim muli.
"Yaya anong nangyari?"
"Yaya humarap ka sa'min. Ako to si Nana Maraya."
"Wala akong makita."
"Ano?"
"Wala akong makita!" Hindi ko mapigilan pg tasman ng boses siya.
Dahan-dahan ako humarap sa kanila. Nakapikit ang mga mata ko.
"Subukan mo imulat ang mga mata. Tingnan ko anong problema?"
Katulad niya si Babaylan. Hindi ako nag dalawang isip na sundin siya.
"Diyos ko!" Sigaw ng lalaki. Sigurado ako si Dima yon.
"Nana Maraya?"
Hindi ko maiwasan matakot. Ayaw ko magkatotoo ang sinabi nila tungkol sa'kin.
"Yaya."
Matahimik ang paligid. Mukhang seryuso sila sa nakita.
"Bakit ho?"
"Ang iyong mga mata ay purong itim na kung titigan mabuti wala kang mata."
Hindi ako makagalaw sa pag ka bigla. Paano nangyari iyong. Ito na siguro ang sinabi nila na hangganan ng tulad ko.
"Isa ka bang isinumpa Yaya?"
Ayaw ko aminin sa kanila. Naalaala ko ang habilin sa'kin ng ligaw na multo. Ang tribu ng Alara ay mapanganib sa tulad ko. Mas mabuti huwag ko na lang sabihin.
"Hindi."
"Huwag ipag ka ila Yaya. Ikaw ay sinumpa dapat patay ka na."
"Hindi totoo yan!"
Nawala ako sa sarili. Naramdaman ko dahan-dahan ako lumutang sa eri. Parang may gustong sumanib sa katawan ko. Ngunit bago pa man ako tuluyan saniban. Dumanpi sa balat ko ang malamig na tubig na dahilan na biglaan pag bagsak ko.
"Matulog ka muna."
Huli kong narinig bago mawalang ng malay na naman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro