Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AKSD Xll

Hindi muna ako gumalaw sa'kin kinatayuan. Pinakiramdaman ang paligid at nakinig.

Ingay ng alon ng dagat. Napatingala ako nang marinig ko ang ingay ng ibon. Nanliit ang tingin ko dahil wala akong makita sa kalangitan na bituin kahit isa, ibig sabihin kay paparating na ulan.

Paano na kami nito? Sana magising 'tong si Ayem. Ang bigat na.

"Ayem gumising ka," mahinang wika ko.

Mabuti naman nagising siya ngunit ramdam ko subrang pagod. Dahan-dahan ko siya binaba sa buhangin.

Maayos itong naka upo habang ako nakatayo na habol hininga. Uhaw na uhaw na ako. Gusto ko ng tubig.

"Ayem dito ka muna. Pupunta lang ako sa dagat."

"Mag inga ka Harold."

Ngumiti ako sa kanya bago tumakbo patungo sa ngilid ng dagat. Pag karating ko agad ako napayakap sa sarili ko dahil dumanpi sa'kin balat ang malamig na tubig dagat.

Agad ako uminom gamit ang dalawang palad ko saka bumalik sa kay Harold.

Nanlaki ang mga mata ko na walang Ayem. Asan kaya yon? Hindi pwede itong na isip ko.

Nilibot ko ang tingin sa paligid medyo malinaw ang paningin ko, siguro nasanay sa kadiliman.

"Harold!" Nasasaktan wika nito.

Agad ko sinundan ang pinag mulan ng sigaw. Nakarating ako sa kabilang banda maraming nag kalat na buto sa buhangin.

Napatigil ako sa pag lakad nang may naramdaman ako mula sa likuran agad ako yumuko. Kita-kita ng dalawang mata ko ang sibat na tumama sa buhangin.

Muli na naman may parating na sibat agad ako nag pa gulong-gulong hindi ko na pinansin ang hapdi.

Huminto ako malapit sa punong buko. Agad ako bumangon mula sa pag ka higa. Narinig ko ang tawanan ng mga manubo.

"Mamamatay kayo ngayon din!"

Sunod-sunod na hiyaw ang narinig ko mula sa pwesto ko kanina. Labis ako nagalit sa kanilang ginawa.

Kung hindi sana nangyari ang digmaan. Walang mamamatay .

"Aray ko ang sakit!"

"Tulungan niyo ako, ayaw ko pa mamamatay!"

"Paalam!"

Hindi ko na sila pinansin, dumapa ako upang maiwasan matanaw at malalaman na may paparatimg.

Gumapang ng dahan-dahan makalipas ang ilang minuto. Narinig ko ang tawanan mula sa hindi kalayuan na malaking puno.

"Magaling Abel," masayang wika ng kung sino man.

Na alaala ko na. Ang isla ay may apat na tribu. Pag karating ko sa puno ay sumilip ako. Nagulat ako sa nakita. Ang babaeng iyong?

'Biniya ang pinuno ng ika-apat na tribu. Ang tribu na 'to ay may kaalaman sa espiritwal.'

Kasalukuyan naka upo si Ayem habang pinalilibutan ng panggatong.

'Hindi 'to maaari matuloy, gawin alay si Ayem. Hindi ako makakapayag.'

Tumayo ako saka lumakad pa lapit. Natahimik si Biniya sa pag salita, humarap sa'kin na may ngiti sa labi.

Nag simula na naman dumilim ang paningin ko, nanginginig, nakakikita ko na naman ang kulay itim na usok na galing sa'kin.

Ang ngiti ni Biniya ay napalitan ng ngisi ngunit...

"Harold anong sadya mo?"

"Ano sa tingin mo!"

Umatras si Biniya maging ang kanyang ka tribu ay nag si pasukan sa munting kubo. Samantala ang mga mandirigma ay lumapit sa kanya.

"Kalma ka lang Harold. Pakawalan ang bihag ngayon din!"

Nag madali sinunod ng dalawang lalaki saka inalalayan nito makatayo..

"O kay sarap mo gawin alay Harold kung hindi ka lang sana malakas."

Akmang ibuka ko ang bibig pero.

"Anong kahibangan ito Biniya?" Galit na wika ng bagong dating.

"Wala naman Amabo."

"Sabagay hindi mo alam ang kanyang gawin ni Harold. Isa siyang sinumpa!"

Nanlaki ang mga mata ni Biniya pero wala akong pake alam. Agad ako lumapit sa dalawang lalaki at ma ingat nila binitawan si Ayem kasabay sa pag buhat ko.

"Paumanhin Amabo. Mabuti na lamang ay hindi ko na tuloy ang balak kong gawin sa kasamahan niya."

Hindi ko pinansin sila. Kailangan ko na makalayo sa kanila bago mag bago ang isip ni Biniya.

Napabuntong hininga ako. Nakarating na ako sa malawak na buhangin.

"Pagsisihan niyo."

Nabitawan ko si Ayem nang biglaan bumigat ang pakiramdam ko at sumakit ang ulo ko.

'Anong nangyayari sa'kin.'

Hindi ko mapigilan sumuka ng dugo kasabay sa pag iyak ng dugo.

"Harold anong nangyari sa iyo?" Takot na wika niya.

Hindi ako makapag salita dahil sa matinding sakit na dumaloy sa ka ugatan ko.

"Hindi...!"

Bumagsak ako sa buhangin kasabay linamon ako ng kadiliman.

-

"Harold gumising ka."

Dahan-dahan ko iminulat ang mga mata ko. Bumangad sa'kin ang puting kesame.

Napatingin ako sa harapan ko. Nakatayo ang lalaki may hawak na baril.

"Ang swerte ko naman. Hindi ako makakapayag na mabuhay ka."

Gusto ko umalis sa kinahigaan ngunit hindi ko kaya igalaw ang katawan ko.

"Ayem?"

Muli nag salita ito ngunit ibang boses na.

"Paalam Harold."

Dahan-dahan niya itinutok sa'kin.

Bang

Nakangaga ako dahil hindi ako maka paniwala. Ganito pala ang kamatayan ni Harold Zack.

Mismong kaibigan ang pumatay sa kanya. Walang utang na loob. Kung hindi niya sana niligtas si Ayem baka buhay pa siya.

Kusang lumabas ako sa katawan ni Harold saka lumitaw muli ang lagusan at lalaki.

"Paalam," huling wika ko, bago ako higupin ng lagusan.

Wakas

Maraming salamat sa pag basa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro