Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AKSD Xl


"Ako? Pano?" nalilito na wika ko.

Walang sumagot, nakakabinging katahimikan ngunit binasag ito ng babae kakarating lamang.

"Nandito lamang pala kayo Pinunong Amabo, kanina ka pa hinanap ng ating ka tribu. P-"

Napabaling ang tingin nito sa'kin.

"Pinunong Amabo, Anong dahilan bakit hindi pa yan pinatay?!" Sabay turo sa'kin.

"Dahan-dahan ka sa pag salita mo cellia, lubhang mapanganib siya para sa'tin. Ang mabuti natin gawin ay pabayaan siya. Upang maiwasan natin ang dulot ng sumpa," walang gana wika nito.

Dahan-dahan  lumapit sa'kin ang babae saka hinawakan ang aking labi  nang sandali. Ngunit sinampal ako nito ng dalawang beses.

Hindi na ako pumalag. Kung totoo ang sinabi nila sa sumpa. Ngunit bigla ako tumayo at tinulak ang babae.

Hindi ko kontrol ang katauhan ito kahit pilitin ko pa, ang nakaraan ay nakaraan. Hindi ko na magbabago pa.

"Hayaan niyo ako maka alis sa isla. Kung ayaw niyo mamamatay!"

Hindi nag pakita ng kahit anong emosyon ang matanda. Samatala ang dalawa pigil sa sarili na sumagot sa'kin.

"Pasensya kana binibini." Matipid na wika ko.

Lumapit ang lalaki saka inalalayan tumayo ang babae.

"Kita niyo na." Sabay turo sa'kin ng matanda na aking ipinag taka.

"Ang alin Pinunong Amabo? Hindi namin lubos maunawaan kung ano ang tinutokoy mo," inis na sagot ng babae.

"Ang kanyang ugali ipinakita sa'tin ngayon. Pag masdam niyo maigi ang kanyang mga mata saka niyo na masilayan ang kadiliman nakabalot sa kanyang katauhan."

Sinunod ng dalawa ang sinabi ng matanda. Bigla nanlaki ang mga mata ng dalawa saka umatras ng tatlong beses bago huminto.

"Imposeble! Isa siyang banta sa buhay ng lahat!" Natatakot na wika ng babae.

"Mauna na kami Pinunong Amabo!" Hindi mapalagay ang lalaki sa kanyang kinatayuan.

Hinila ang babae patungo sa kung saan. Akmang sasagot ang babae ay tinakpan lamang iyong ng lalaki.

Tumawa ang matanda bago muli mag salita.

"Wag kang mag alala, malaya kana lumisan. Hindi na ako magtataka kung may mamamatay sa tribu na kasama sumulong sa inyong kampo. Kusang bumabalik at gumanti ang sumpa kahit hindi gustuhin ng may-ari nito."

Napahawak ako sa buhok sabay hila nito saka huminto nang mag salita muli ang matanda.

"Bago ka lumisang sa isla na ito. Tandaan mo, wag na wag mong saktan ang iyong sarili sa kahit anong paraan, maging sa emosyonal o spiritwal. Iwasan mo makipag sagutan kung ayaw mo pumatay."

Napabuntong hininga ako. Hindi ko lubos maunawaan. Paano ako nag karoon nito? Pumikit at dumilat saka tumitig sa kanyang mga mata na purong itim.

Bigla ako napa sigaw sa ka dahilanan  sumakit ang dila ko. Parang bang inukit gamit ang patalim sa naramdaman kong sakit.

Subrang bigat ang naramdaman ko, hindi ko mapigilan ang luha ko na dahan-dahan lumabas sa mga mata ko.

"Bakit ganito naramdaman ko nang tumitig ako sa mata mo? Para bang may kakaiba sa'yo. Hindi ko lubos ma isip na isa ka rin sinumpa."

Tumawa nang malakas ang matanda na para bang wala ng bukas. Huminto saka nag salita na hindi ko maunawaan.

Nang ipikit niya ang mga mata saka ko pa na intindihan ang kanyang sinabi.

" May katanungan ako sa'yo na gumugulo sa isip ko. Mabait naman ako, halos lahat nang huminge ng tulong sa'kin binigyan ko. Wala akong ginagawa na masama. Bakit na punta sa'kin ang sumpang ito? Sana na lang biyaya ang binigay sa'kin."

Napahagulgo ako. Wala na akong paki kung baba ang tingin niya sa'kin. Isa ako sundalo na hindi marunong umiyak para sa'kin ang kalungkutan ay daan sa tagumpay at tatag ng kalooban.

"Ang sumpa ay walang pinili. Mabait o masama man ang isang tao, sadyan naka takda ang kapalaran ng bawat isa sa'tin. Ang sumpa ay kasama sa pag luwal ng sanggol. Kahit pilitin ng isang taong sinumpa mamuhay ng normal ay kusang mag simula ang daan patungo sa pag gising ng sumpa hanggan sa hindi ma kontrol nito. Ang mas mabuting gawin ay tanggapin ng buong puso at ituring na biyaya. Upang maiwasan kontrolin ng galit."

"Biyaya?" Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi.

"Paano naging biyaya ang sumpa?"

Ngumiti ng malapad ang matanda saka dumilat kasabay sa pag ihip ng hangin at pag ingay ng ibon.

"Bata ka pa. Hindi mo pa masyadong maunawaan ang mga bagay-bagay. Sabi pa nga nila ang malas ay swerte. Ang malas ang siyang nag bigay ng daam upang matuto iwasan ang pagkakamali at sumuko muli. Ang swerte ang siyang nag turo sa pagkakamali. Paalam!"

Tumalikod ang matanda saka nag simula mag lakad na hindi lumingon sa'kin kahit sandali.

Kung kaya niya kontrolin ang sumpa niya. Siguro kakayanin ko pero hindi ko alam kung saan ako mag simula.

Napangiti ng malapad at gumaan ang pakiramdam. Dahan-dahan ako tumungo sa wasak na munting kubo. Pinag masdam maigi. Ipinag dasal ko na sana may buhay pa.

"Tulungan niyo ako," mahinang wika sa hindi kalayuan sa pwesto ko.

Nag madali ako tumakbo, bumangad sa'kin ang lalaking sugatan sa bandang ngiliran. Naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Hindi ako nag dalawang isip na hawakan ang sando niya saka pinunit at itinali sa tiyan patungo sa ngiliran upang maiwasan ang agos ng dugo.

"Alis na t-tayo," mahinang wika niya.

"Wag ka na mag salita upang hindi ka mahirapan."

Dahan-dahan pinikit ang mga mata habang nakangiti at umagos sa ngilid ng labi ang dugo.

Tumingin ako sa paligid nag baka sakaling may buhay pa. Napa iling ako.

Dahan-dahan ko binuhat ang lalaki kahit hirap ako sa pag hakbang. Nilibot ko ang tingin ko halos lahat makalat at sira-sira.

Sa punong iyong pa samantala muna kami mag pag hinga. Pag kataraing, dahan-dahan ko pina upo.

Hindi ko na kanyang pigilan ang pag pikit ng mga mata ko sa subrang pagod hanggan sa tuluyan na ako makatulog sabay bagsak sa lupa.

-

Nanginig ako sa subrang lamig. Dahan-dahan minulat ang mga mata saka tinapunan ng tingin ang lalaki nakasandal sa puno.

Tumingala ako sa kalangitan. Kadiliman ang aking nakita at agaw pansin ang bituin na makinang.

Napabaling ang tingin ko nang mag simula manginig ang lalaki. Yinakap ang sarili habang umiyak. Hindi na ako nag dalawang isip na yakapin siya.

Pinag masdam ko maigi ang kanyang mukha na maputla. Kaawa-awa ang sinapit niya.

Na alerto ako nang marinig ko ang sigaw. Makalipas ang dalawang minuto  sa bandang kabatuhan. Na aninag ko ang apoy at limang tao patungo sa direksyon namin.

Humiwalay ako sa yakap saka binuhat ang lalaki. Nag simula na ako humakbang patungo sa kung saan.

Madilim ang paligid. Mahirap mag lakad baka mabangga ng kung ano man.

'Kailangan namin maka baba. Pag na abutan kami baka hindi ko maiwasan magalit.'

"Pinuno Asam! May tao doon," masayang wika nito, parang bang nanabik na madakip ako.

'Pinuno Asam? Parang pamilyar sa'kin ang ngalan at maging boses nang sumigaw.'

Nag madali ako lumakad. Naalaala ko na kung sino sila. Isa silang kanibal na manunubo. Kumain ng hilaw na kahit anong karne. Pero hindi ko matandaan ang ngalan ng tribu nila.

Lubos na ako nang hina. Gusto ko na mag pahinga at tanggapin ang panganib na humabol. Pero hindi parin nakisama ang aking katawan. Anong kalabasan ng pag takas ko mula sa kaaway.

"Anong nangyari?" Walang ka buhay-buhay na wika nito.

"Tumahimik ka Ayem. Baka marinig nila tayo," kinabahan sagot ko.

Napahinto ako nang may natapakan ako na malagkit. Huminga ng malalim bago yumuko at na amoy ko ang malansang dugo.

Nag patuloy ako muli. Mabuti bumalik sa pag tulog si Ayem. Kailangan ko lang hindi maka gawa ng ingay na agaw pansin.

'Isa, dalawa, tatlo. Malapit na ako makalabas sa kagubatan'

Biglaan bumilis ng doble ang tibok ng puso ko kasabay habol hininga.

Lumingon ako sa likuran nang sandali bago bumalik sa harap ngunit bumangad sa'kin ang matandang lalaki. May suot na manipis na tela ang nakabalot sa kanyang katawan hanggan binti. May mahabang buhok na kulay itim  hanggan beywang.

Nanliit ako nang mapansin ko ang hawak niya na patalim na hugis letrang C. Makinang na bato ngunit manipis sapat na upang sugatan at patayin ang kaaway.

"Pinuno Asam?" Gulat na wika ko.

Hindi umimik ang matanda sa halip ngumiti ito. Napa lunok ako ng isang beses.

'Anong balak niya sa'kin.'

"Nakalimutan mo Harold  ang kasunduan natin. Wala ka na bang balak na tuparin iyon?"

Dahan-dahan nilapit niya sa kanyang dila ang patalim habang naka pikit. Minulat ang mga mata ng akmang mag salita na sana ako.

"Kasunduan?  Pasensya na Asam. Wala tayong kasunduan na ganap noong nakaraan araw. Hindi ba?"

Tumango bilang tungon nito.  Nag simula na siya magalit base sa kanyang tingin sa'kin.

"Minsan ko na sinabi sa'yo. Isa lang ang makaka alis ng isla," patawang wika niya.

"Hindi patas yan! Paki-usap wag ka humarang sa daanan ko. Kundi baka h-"

"Kundi ano? Kung ako pa sa'yo Harold  iwan mo na yan kasama mo. Ipaubaya mo na yan sa'kin.",

"Kundi mapilitan ako kalabanin ka. Wag na wag kang umasa na iwan ko siya.  Hindi ka ba kontento sa rami ng bihag niyo? Hindi pa ba sapat ang karne nasa kulungan niyo?" Galit na wika ko.

Napalingon ako sa likuran nang maramdaman may paparating. Hindi nga ako nag ka mali. Isang lalaki na walang saplot na pang itaas. Kapansin-pansin ang mga marka sa kanyang katawan.

"Pinuno Asam pasensya na ako'y nahuli pero ang mahalaga hindi makatakas siya." Sabay turo sa'kin.

"Pinun-" hindi niya natuloy dahil sumigaw ang pinuno niya.

" Sapat pero..."

Biglaan sumulong ang dalawa na mag kasabay mabuti na lamang ay agad ko na iwasan ang patalim at kamao na muntik na ako matamaan.

"Magaling Harold!"

Hindi ko na mapigilan magalit kasabay sa pag dilim ng paningin ko. Tanging sila lamang ang nakita ko.

Nanginig ang buong katawan ko ng subra na labis ko ikinahiyaw dahil ang uminit ang dila ko.

Napa atras ang dalawa na masaksihan ang nangyari sa'kin. Gigil na gigil ako pumatay.

Hindi ko naramdaman ang pagod, hapdi at ibang pang pananakit dahil siguro sa galit.

"Harold anong nangyari sa'yo?" Takang wika ng lalaki.

"Kailangan natin maka alis!" Takot na wika niya sabay hila sa kasamahan at tumakbo.

"Mamamatay kayo ngayon din!"

Nakakatakot na boses ang lumabas sa'kin. Hindi ko alam kung paano nag iba ang boses ko.

Napatitig ako sa lumitaw na kulay itim na usok. Saan ito nag mula? Pero napag tanto ko na galing iyong sa'kin.

"Harold?" Mahinang wika.

Gumaan ang pakiramdam ko at bumalik sa normal ang paningin ko.

"Tumahimik ka Ayem," na iiyak na wika ko.

Muli ako nag patuloy sa pag lakad hanggan sa nakalabas na ako ng kagubatan nang ligtas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro