AKSD X
Nakarating kami sa muting kubo na gawa sa kawayan, kapasin-pansin butas na mga bubong. Nagulat na lamang kami nakaupo ang matandang manubo. Masama nakatingin sa'kin. Napahinto ako habang si sir patuloy lamang sa pag takbo. Hindi ko namalayan na sa harapan ko na siya. Ngumiti at tumitigtig sa'kin mula paa hanggan ulo. Napailing pa ito ng tatlong beses.
"Ikaw ay muli mabubuhay sa ibang katauhan na salungat sa iyong kalooban, hindi mo gugutushin ang kakayahan ng krus, ngunit wala ka ng magagawa, tandaan mo. Wag na wag mo sa-"
Hindi natuloy ang sasabihin ng matanda na may tumama sa kaniya na punong kahoy na pinatulis, labis ako nakaramdam ng matinding takot, nilibot ang tingin at na patingala sa kalangitan, libong-libo mga pana na gawa sa punong kahoy. Akmang tatakbo na ako, biglang hinawakan ang binti ko ng matandang manubo. Napatingin ako sa kaawang-awa na sinapit nito, sa bandang puso nakatusok ang punong kahoy, mabilis umagos ang dugo na mula sa sugat. Nanginig ang buong katawan kasabay pilit na mag salita.
"Wag mo s-salungatin a-ang i-yong b-buhay s-sa... katauhang isang... manubo."
Sa pag bitaw ng kamay niya sa'kin. Tumakbo na ako patungo sa kampo, tumama sa iba't ibang parte ng paligid, mabuti na lamang may bumato ng bomba sa pinag mulan ng atake.
Habol hininga ako nakarating sa kampo saka dumapa, dahil nag pag ulan ng bala ang kalaban. Siguro kinuha nila ang mga armas ng sundalong namatay.
Napalingon ako sa matanda na binawian ng buhay, nanlaki ang aking mga mata na sa kaniya nahulog ang tinapon na bomba ng kauri niya. Bumilis ang tibok ng puso na para bang lalabas na ito , natauhan na lamang ako mula sa pagkatulala ng sumabog ang bomba sa matanda.
Nagkalat ang dugo sa paligid kasabay sa pag kurap ko. Mabilis ako gumapang patungo kay sir. Gusto tumayo ngunit ayaw makisama ng katawan ko. Siguro ito ang nakaraan o sina unang buhay. Hindi ko makontrol ang isipan at kilos sa katauhan kong ito.
"Tumawag ka kay Heneral Luna. Kailangan natin ng back up. Hindi natin kakayanin ang pwersa ng mga manunubong cannibal. Nag madali kayo pumunta rito dahil malapit na kami maubos. Ma-" naputol ang sasabihin nito. Na may sumabog na malapit sa pwesto namin. Hindi na ako nag dalawang isip na kunin ang mga bomba nasa box na kahoy.
"Zack!"
Nanlaki ang aking mga mata nang tumilapon si Sir. Dahil sa pag ka taranta ko ay tinapon ko ang mga bomba sa kung saan-saan. Napatakip ako ng dalawang tenga dahil sa nakakabinging ingay.
Dahil sa magkasunod na pag sabog ay natabunan ako ng buhangin at bangkay. Hindi ako gumalaw nang marinig ko ang sigaw ng isang manubo.
"Patay na lahat!"
Naramdaman kong may humawak sa mag kabilang paa ko saka hinila ngunit hindi nag tagumpay dahil humawak ako sa bangkay kaya tumigil ito na may inis.
"Tumigil kana riyan! Tayo ay nag kasala sa mahal natin Anito dahil pumatay tayo!" galit na wika ng matanda base sa kaniyang boses.
"Sunungin!"
Naramdaman kong may bumuhos ng kung ano man ngunit nang ma amoy ko ito agad ko tinakpan ang bibig ko.
"Tumigil ka!"
"Wag mo ako pigilan. Ayaw ko makakita ng bagkay nang mga sundalo," galit na wika niya.
"Ngunit mali ang iyong nagawa sa kapwa tao. Dahil sa ama mong hambong kaya nag simula ang gera. Isang masayang usapan ang naganap noong huling buwan na uwi sa suntokan. Kung hindi sana ang iyong ama ang unang sumulong at gumawa ng katangahan na pasya hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Kung ako pa sa'yo wag mo na ituloy. Karapat dapat namatay ang iyong ama. Maraming inosente ang nadamay maging ang boung tribo natin ay napahamak. Itutuloy mo pa ba?" Malungkot na wika nito.
Bumagsak ang hawak nitong base sa kanyang ingay na nagawa. Pumadyak sa lupa sabay pumalakpak ng apat na beses saka sumigaw.
Nanginginig ako sa subrang ginaw at hapdi. Hindi ko maunawaan, kung anong nangyari sa'kin? Hindi ko mapigilan ang aking galaw.
"Maka alis na nga!"
Ilang minuto ang lumipas ang nakakabingin katahimikan ngunit nabasag ito nang biglaan ako sumigaw kahit nahihirapan.
"May buhay?" wika ng matanda.
"May buhay! Orakolo buhatin mo ang mga patay na bangkay at pag katapos hukayin mo ang buhangin! Ngayon din!" umiba ang boses ng matanda na tila parang sinaniban.
Kung hindi na ipit ang aking ulo sa mga bangkay baka sakaling namatay na ako dahil nahihirapan na ako huminga. May kumagat na mga lamggam sa'kin sugat sa bandang likuran. Hindi ko matiis na hindi sumigaw ulit.
Nakahinga ako ng maluwag nang binuhat ng lalaki ang mga bangkay. Kahit labis natakot ay hindi ko na naisip ang mga bagay na lumaban pa.
Tumanbad sa'kin ang lalaking may mahabang buhok na kulay itim. Maraming mga tattoo nag kalat sa buong katawan maliban sa kaniyang mukha.
Nanlaki ang mga mata ko nang binuhat ako ng lalaki. Hindi ako makagalaw labis sa takot, gusto ko mag salita ngunit walang boses na lumabas sa'kin bibig.
"Orakolo ilapit mo siya sa'kin," masayang wika niya.
Mabilis na lumakad ang lalaki saka huminto sa matanda. Hindi ako makapaniwala sa'kin harapan nakatingin ang itim na mga mata, wala kang makikita na puti kundi itim. Parang siyang kampon ng demonyo. Nakakatakot siyang pag masdam dahil sa matulis niyang pangil at mahabang buhok na tinali, sa dulo nito ay patlim.
Hindi ito nag salita habang nakatitig sa'kin mga mata. Sinubukan kong titigan pabalik ngunit ako'y bumaling ng tingin sa kabilang banda dahil labis sumakit ang ulo ko nang tumitig ako sa mga mata niya.
"Orakolo wala ka bang napansin sa kanya?" makahulugan wika niya.
"Sandali lang," mahinang sagot nito.
Biglaan ako binitawan na ikinasigaw ko. Natahimik ako nang mag salita ang matanda.
"krus?" napaatras ito saka tumingala sa kalangitan parang bang nag dadasal.
Hindi ko maunawaan kung ano ang tinukoy niya, sa pagkat wala akong alam patungkol sa krus.
"Orakolo!" sabay tinapunan ako ng masamang tingin.
"Mabuti na lamang ay hindi tinuloy ang balak gawin ni Akaw. Kung hindi malaking problema ang ating kakaharapin. Naunawaan mo ba?" hindi niya inalis ang tingin sa'kin.
Napalunok ako saka napayuko, nag dalawang isip ako, kung mag salita.
"Hindi ko maunawaan kung ano ang ibig mong iparating sa'kin?" kinakabahan wika ko.
Kahit hindi ako tinanong niya, kailangan ko malaman ang patungkol sa krus na tinutukoy niya.
"Orakolo, ikaw na ang sumagot sa kanyang katanungan."
"Ako din Pinunong Amabo. Hindi ko rin maunawaan ang ibig mong iparating."
Napabuntong hininga ang matanda bago mag salita. "May krus siya sa dila." Tumalikod ito sa'kin at tumingala sa kalangitan.
"Anong meron sa krus Pinunong Amabo? takang wika nito.
"Malubhang siyang mapanganib. Ang bawat salitang bibitawan niya pag galit ay mabubura sa mundo."
Dahan-dahan ako umupo saka itinukod ang dalawang kamay ko sa lupa. Tinapunan ko ng tingin ang matanda.
Binasag ang katahimikan ng lalaking tinawag na Orakolo. " Imposible!" hindi makapaniwalang wika niya.
Nag blanko ang isip ko. Parang wala lang sa'kin ang narinig ko ngunit 'di rin nag tagal ay natulala ako sa gulat.
Author note: dalawang chapter na lang para matapos, salamat sa pagbabasa, wag mahiyang mag comment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro