Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AKSD Vlll


Tumayo ako pilit umakyat pa itaas mabuti na lamang may ugat sa ngilid ng puno na pwede ko hawakan. Akmang hihilahin ko na ngunit nabitawan dahil sa matinding pananakit ng kaliwang kamay ko. Nag simula na naman dumugo ang palad ko na tinusok kanina ng lalaki, napailing naman saka pinunit ang damit na sapat lang itali sa palad, maingat ko itinali sa palad sabay kagat sa ibaba ng labi. Huminga ng malalim saka sumigaw ng saglit. Napatingala sa itaas habang nanliit ang tingin. Inisip paano maka akyat na hindi subrang mahirapan pero alam ko sa sarili ko na walang ng ibang paraan.

Bang!

Napaatras ako saka humawak sa ngilid ng bato sabay upo, kinakabahan ako sa pwede mangyari sa'kin kalagayan lalo na hindi ako malaya makalaban. Mahirap baka ikamatay ko pa. Palinga-linga ako sa itaas na pahinto ako na marinig ang ingay na mula sa itaas. Isiniksik ko ang aking sarili sa ngilid na mag simula makarinig ng sigaw. Parang hinabol. Sa tingin ko patungo sa direksyon ko ito. Sana wag naman baka makita ako, kung sakaling mahulog ito. Pinikit ko ang aking mga mata sabay dasal sa panginoon. Ito na lamang ang aking magagawa sa kasalukuyan kong sitwasyon.

"Hindi ako mamamatay sa kamay mo!"

"Tingnan natin, kung saan hanggan ang kaya mo tumakbo!"

"Wag kang mag alala hihinto ako sa oras na tanggap ko na ang kamatayan!"

"Masaya ang laro, habulan kong maabutan kita, tapos na!" patawang wika.

Sigawan ang narinig ko hanggan sa nag barilan, nanginig ako sa takot, dahan-dahan gumapang habang kinapa ang mga bato, nag baka sakaling mahanap ko ang palakol. Ang hapdi sa tuwing natamaan ang palad ko ng matutulis na bato lalo na kung madumihan ang sugat ko.

"hindi!" sigaw ng lalaki.

Napatingala ako, isang lalaking tumilapon patungo sa patay na puno mabuti na lamang hindi ito nahulog sa'kin kinalagyan, mukhang patay na ang lalaking yon basi na tumalsik ang dugo sa'kin. Bumalik ako sa paghahanap , hindi sapat ang sinag ng buwan na tumama sa'kin kinalagyan upang maaninag ang aking hinanap. Masyadong madilim, napahinto ako na marinig ang mga yabag, dahah-dahan bumalik sa ngiliran. Kung sino man siya, wag sana tumingin dito, ah, yon kabarilan ng lalaki , Pakiusap panginoon wag sana.

"Napatay ko siya, natamaan ko pala sa likuran, pero wala na silbi ang hawak ko na shotgun, may dalawang pang bala. Dito na lang nagtatapos ang buhay ko."

Napapikit ako ng mariin ng biglaan mahulog ang lalaki, dahan-dahan ko minulat ang mga mata saka pinag masdam ang flashlight naka tutok sa'kin mula sa walang buhay na lalaki, dahan-dahan ako lumapit saka hinila ang flashlight sa kaniyang kamay na kasalukuyan hawak niya, nakadapa ang lalaki, nang makuha ang flashlight ay napahinga ako ng malalim saka hinanap ang palakol.

Ang swerte ko naman may "Shotgun" agad ko naman pinulot saka maingat na hinawakan, itinapon ko pa itaas ang shotgun sunod ang palakol. Kinagat ko ang flashlight saka humawak ng mahiglit s mga ugat dahan-dahan umakyat hanggan sa makaakyat na ako pa itaas, maigi ako kumapit sa mga damo, "Isa, dalawa, tatlo" malakas na hila ko sabay pag ka dapa ko, tumama ang mukha ko sa damo.

Nagmadali ako tumayo habang hinawakan ang labi sa sakit, bigla nag off ang flashlight na ikinainis ko, kaya itinapon ko dahil wala ng silbi pa, pinulot ko ang palakol saka pinunit ang damit ng tuluyan hanggan sa walang natira maigi ko itinali sa palakol sa kamay kung ma ubos ang bala may resbak ako panlaban.

Pinulot ko ang shotgun sabay hawak ng mahigpit, naglakad ko patungo sa nag barilan hindi na ako natakot dahil may panlaban ako, maingat ako lumakad na hindi makagawa ng ingay.

Bang!

"Hindi ako mag kamatay sa'yo, ikaw uuna mag tungo imperno bago ako!"

Bang!

"Wag kang mayabang alay mapapatay din kita!" sabay pa putok nito ng shotgun basi sa ingay nito.

Napangiti ako dahil sa saya, huminto ako, makikinig muna ako at makiramdam kung saan pwesto sila naroon.

Bang!

"Kung mapapatay mo!"

Naiinis na ako sa mga ito, ang daldal, maingat ako sumapa saka gumapan habang nakatutok sa harap ang shotgun.

Nakikita ko na sila , mag kaharap ang dalawa, ang alay nag tago sa malaking bato habang ang matandang lalaki nakatago sa likod ng malaking puno. Ngumisi ako bago itutok sa kapwa alay ang shotgun, "Lagot ka ngayon, wala ng awa-awa." binaril ko ang alay na tumama sa kaniyang leeg, napasigaw ito sa sakit habang sumuka ng dugo.

"Hindi a-" hindi natuloy ang sasabihin nito, natumba siguro binawian ng buhay, na Alerto ang matanda bakit hindi sumagot muli ang alay sa sigaw niya, dahan-dahan ko itinutok sa matanda ang shotgun, lagot ka ngayon, isang bala ka lang.

"Mukhang natamaan ko ang hambog," patawang wika ng matanda, hindi niya napansin ang pag baril ko, sabagay sinabay ko sa pag baril niya. Ang talino ko talaga, palinga-linga ang matanda na walang kamalay-malay na malapit na siya mabubura sa mundo.

"Mapuntahan nga , ang hambog."

Dahan-dahan na lumabas ang matanda sa kaniyang pinag taguan habang nakatutok ang shotgun sa direksyon ng lalaki. Tama siguro ang na isip ko na plano, tiyak na hindi na siya makaligtas.

Napatawa ako ng mahina, na ako lang ang makarinig. Isa, dalawa, tatlo, huminga ako ng malalim saka pinikit ko ang kaliwang kamay ko.

"Paalam Matanda!"

Napahinto ang matanda sabay harap sa direksyon agad ko naman binaril, natumba ang matanda na gulat, hindi makapaniwala sa nangyari, tinamaan ko siya sa ulo, "Ba-" yon ang huling nasambit niya, bago bawian ng buhay.

Dahan-dahan ako tumayo, sabay takbo patungo sa matanda. Hinampas ko ang shotgun sa ulo nito, upang tuluyan mamamatay baka may kung anong orasyon ang alam nito, na siyang dahilan muling pag kabuhay. Tumalsik ang dugo sa buong katawan ko. Para na akong baliw sa'kin inasta, nag bago ang aking ugali, masasabi ko sa sarili ko, sino ako?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro