Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AKSD Vl

"Mukhang may tao sa paligid.”

Kinabahan ako sa narinig ko. Mas lalo tuloy ako nag ingat na gumalaw rinig ko ang mga yabag nito na palapit pero napahinto.

“Ayaw ko pa mamamatay!”

Dahil sa sigaw na iyong. Mabilis na tumakbo palayo ang lalaki. Mabuti... Hindi ko na kaya lumaban pa. Pag hindi ako makakain o uminon ng tubig. Tuyo na ang lalamunan ko, sa tingin ko sa’kin kalagayan hindi na ako magtatagal pa.

Akmang hahabang ako ngunit napahinto ako. Isang katawan ng bata na walang ulo. Nakaupo sa malapad na bato. Kapansin-pansin ang mga tahi nito sa kamay na muntik na ako masuka dahil may uoduod na ito.

Nasa likuran nito ang kahoy na krus. Sa pag tingala ko sa krus nasa tuktok nito ang ulo na walang mga mata. Napailing ako sa inisip ko habang nakatingin sa ulo.

Palinga-linga ako sa paligid bago tumakbo patungo sa kung saan. Sa subrang kaba ay kung minsan hihinto ako dahil nahihirapan ako huminga. Wala pa rin ako mahanap na prutas, lubos nanakit ang tiyan sa gutom. Napatingala ako sa kalangitan na marinig ang sunod-sunod na pag putok.  Nasa tatahakin Kong landas galing ang pa putok.

Umiba ako ng daan ngunit napaatras ako na maaninag na mula sa hindi kalayuan may isang tao naglalakad habang may hila-hila na hindi ko matukoy kung ano ito. Napalunok ako. Kailangan ko bumalik sa pinag daanan ko.

May biglaan na hulog na sanga na tumama sa balikat ko na mula sa patay na puno. Napakagat ako sa ibaba ng labi sabay pikit. Pinigilan sumigaw. Hindi na ako nag dalawamg isip na humiga. Wala ng sapat na oras para tumakbo.

Pagulong-gulong ako patungo sa mga patay na dahon na malapit sa mga bato na matulis. Huminto nang makarating sa harap ng mga bato saka dahan-dahan tinakpan ang sarili ng mga patay na dahon habang nakatingin sa kalangitan.

Pigil hininga ako. Nang marinig ang ingay ng kadena. “Pakawalan mo ako. Paki-usap maawa ka sa’kin. A-” naputol ang sasabihin nito na pinagtaka ko.

“Wag kang maingay... Parang may naamoy ako na dugo na mula sa tao.”

Wag naman sana, hindi ko pa kaya lumaban. ‘Paki-usap panginoon dinggin mo ang aking tinig. Kahit ngayon lang...sanay marinig mo ang panghihinakit ng puso at isipan ko.’ palagi ko inisip ang salitang iyang.

Narinig ko ang yabag na patungo sa'kin. Huminto sa harap mismo ko. Wag sana yumuko. Mabuti na lamang ay may tumalon sa’kin na hayop na sugatan na kina atras nito. “Kuneho lang pala. Maraming nag ka mali sa maling akala.” muli lumakad ang lalaki kasabay nagsisigaw ang biktima.

Mabuti na pinakinggan ng panginoon ang aking hiling sa unang pagkakataon. Na ala-ala ko na naman ang dating nangyari sa pag alay ng prutas sa’min diyos.

                                       (Flash Back)

Nakatayo sa ngiliran ng lawa. Ang lawa na ito ang kinikilala ng aming ninuno na paglilitis sa kasalanan o ipinapakita kung mabait o masama ang isang tao sa pamamamgitan ng pag tapon ng prutas na bagong pitas sa lawa.

“Zack gawin mo. nanabik na ako malamang iyong kapalaran sa unang bahagi ng buhay mo,” masayang wika ni Aralandio.

Ang matandang mangbabarang sa’min tribu. Hindi naman siya masama maliban kung makagawa ka ng kasalanan na lubos niya ikakagalit tiyak na hindi ka na maabutan ng bukas.

Huminga ako ng malalim bago tinapon ang apat na mansanas sa lawa. Napalingon ako Aralandio dahil sa sinabi nito. “Nakikita ko biglaan umitim ang tubig sa lawa. Ang ibig sabihin nito. Ikaw ay isinumpa. Makakapatay ka na hindi sinadya dahil sa matinding galit. Ang kasunod nangyari... Nag kulay pula ang tubig sa lawa na parang dugo,” gulat na wika niya.

Napatingin ako sa lawa ngunit wala naman nangyari. Nanatili lamang itong normal.

“Ang kasunod... May naghintay sa’yo na panganib na dulot ang sakit. Muling lilitaw ang apoy na mula sa ilalim ng karagatan. Ang ibig kong iparating sa'yo. Ang kamatayan.”

                                  (End Flashback)

“Hindi na ako makakita!” sigaw mula sa hindi kalayuan. Siguro ang biktimang hila-hila ng lalaking iyong.

Tumalon ang kuneho paalis kasabay sa pag bangon ko. Nakita ko ang kuneho na patungo sa buhay na puno ngunit hindi na ito nakarating nang binato ko ang palakol na tumama sa katawan ng kuneho.

Nag madali ako lumapit. Agad ko sinungaban ang walang buhay na kuneho. Sinipsip ang dugo. Wala na akong paki alam. Hindi ko na kaya ang uhaw at gutom. Dahan-dahan ko hinila ang ulo kasabay tumalsik ang dugo sa balikat ko.

Kinagat ko  habang nakapikit naluluha, hindi ko mapigilan ma iyak sa subrang awa ko sa sarili ko.
Para akong gutom na ligaw na hayop na walang kain.

Bang!

Habang kumain ay nabitawan ko ang hawak ko na karne. Napalingon habang nanliit ang tingin ko.

Bang!

Agad ko hinawakan ng mahigpit ang palakol saka ang baril. Gusto ko mag wala dahil na abala ako sa pag kain ko. Para akong baliw kung gumalaw. Tumakbo patungo sa paliko na direksyon.

Bang!

Mas binilisan ko ang takbo kahit masakit sa binti. Napahinto ako na. “Wag...!” umalingawngaw ang boses ng babae.

Napalingon ako sabay baril. Muntik na matamaan ang lalaking naka maskara. Tumakbo na ako habang nag tago pa ang lalaking naka maskara.

Bang!

Muntik na ako matamaan Kong hindi ako lumiko. Palinga-linga ako sa paligid pero wala na akong oras na pumili.

Bang!

Napatalon ako sa gulat kasabay sa pag sigaw na malakas. Muli na naman ako tumakbo ngunit nahulog ako sa butas na ikina iyak ko.

Dahan-dahan ako tumungo sa ngilid. Naaninag ko ang lalaki na sumilip akmang I open niya ang flashlight.

Bang!

Tumama ang bala sa mata ng lalaking naka maskara na ikinatalon nito hababg sumigaw sa sakit.  Muli ko naman binaril na tumama sa likuran nito. Gusto ko pa sana ulit barilin kaso ubos na pala ang bala.

Itinapon ko ito. Sa subrang galit. Napahagulgol sa iyak. Para na akong mababaliw nito. Sinabutan ang sariling buhok habang pabulong-bulong.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro