Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AKSD V

Nilapag ko ang palakol saka ako dumapa upang takpan ang palakol. Nag kung waring patay, nang marinig ko ang boses paparating sa direksyon ko.  Kinakabahan ako nang marinig ko ang yabag na papalapit sa pwesto ko. “Ang hina mo pre, ang dapat sa’yo tadyakan,” rinig ko ang sunod-sunod na sipa ng bagong dating.

Napatigil ang pag sipa nito. “Aba nakapatay din ang lasinggero na 'to. Ah.” naramdaman ko may tumusok sa kaliwang kamay ko na kutsilyo basi sa malamig ito at matulis.

“Patay na nga, magaling, saan naman ako nito maghahanap?”

Tiniis ko lamang ang sakit, biglaan niya hinila pataas ang kutsilyo habang ako nagpipigil sa sarili na ibuka ang bibig upang hindi makagawa ng ingay. Hindi na ako gumalaw para maniwala siya. Tinapakan ang aking likuran saka nag patuloy sa pag lakad ngunit napahinto ito.

“Ang saya ng laro na ito, papatay lang ako magkapera na ako,” patawang wika niya.

Palinga-linga sa paligid. Mabilis ko kinuha ang palakol saka pinutol ang dalawang binti niya na ikinatumba nito habang sumisigaw sa sakit. Muntik na ako matamaan ng bala, mabuti na lamang ay nag pagulong-gulong ako palayo sa kaniya.

Binato ko ang salamin sa kaniyang kamay ngunit dumaplis  lamang ito nang ikinabitaw nito dahil sa matinding sakit mula sa naputol na binti. Dahan-dahan ako tumayo habang hawak ng mahigpit ang palakol, pa ika ako nag lakad palapit sa kaniya. Nakapikit ang mga mata nito habang sumisigaw. “Ayaw ko pa mamamatay!” nang makarating ako, pinag masdam ko ng maigi ang kaniyang mukha bago hampasin ng palakol. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan nito bago bawian ng buhay.

Maraming dugo ang tulmaksik na dugo sa’kin, ngayon ko lamang napansin ang sako  suot ko ay punit-punit na. Maingat ko ito tinanggal saka nilagay sa wasak na ulo ng mayaban na lalaki. Napatitig ako sa baril sa tabi nito, pinulot ko ito sabay palinga-linga sa paligid.

Bang!

Nag pasya na ako lumakad pa alis, mukhang sa kabilang banda ang putok na iyong galing. Mabuti kung ganon.  Mabagal ang pag lakad ko sa ka dahilanan subrang panghihina at maraming dugo ang nawala sa'kin.

Parang pakiramdam ko nakalutang ako sa hangin na tila na para bang sumabay sa alon. Medyo madilim ang paningin na aking ikinabahala baka hindi na ako makalaban ay Patay na ako.

Sumakit ang tiyan ko, sabagay hindi pa ako kumain mula kaninang umaga. Napahinto ako ng may ahas sa tatahakin Kong daan. May hinabol pala ito na daga. Napatawa ako saglit.

Umiba ako ng direksyon na tatahakin. Sa hindi kalayuan na aninag ko isang babae naka dress. Kasalukuyan naka upo sa sanga ng puno hindi ko matukoy kung anong ginawa niya roon. Wala naman akong ibang tatahakin na direksyon kung hindi doon.

Habang palapit ako nag simulan umihip ng malakas na hindi ko maunawaan, sa pag lapat ng malamig na hangin sa’kin balat tila may naramdaman ako na nakakakilabot na mula sa paligid.

Pag karating ko sa puno na patay, labis ako nagulat na makita ang kandilang itim nakapalibot sa puno habang biglaan na lamang ito nag karoon ng apoy. Ang bawat isa na kadilang itim sa ngilid may tatlong tusok ng karayom ang nakapalibot. Dahan-dahan ako tumingala sa puno. Napalunok ako ng dalawang beses na makita ko ang dalagang nakaupo sa sanga, nakasuot ng puti na dress na may dugo, kapansin-pansin ang tahi sa bibig ng babae, walang mga mata. Ang mag kabilang kamay ay may tali ng kadena na mula sa ibaba.

Napaatras ako nang napansin ko ang nawawalang mata ng babae at nasa isang malapad na bato nakalapag habang may tusok ng karayom. Biglaan ako nanginig, ito na siguro ang alay nila , sa palagay ko ang katawan ng babae ay isang linggo patay na ito.

Napalingon ako na marinig ang ang tahol sa hindi kalayuan, sa subrang taranta ay maingat ako nag tungo sa puno kung saan ang babae nakaupo sa sanga. Sa likod ako nag tago mabuti na lamang malapad ang katawan ng puno

“Ang huling hindi mapatay na alay ay makalaya at pabayaan na tumakas, habang ang mga bangkay ng mga namatay ay isabit sa ritual tree para pag bigay galang sa paninoong ng puot at galit. Upang mapanatili natin ang lakas, kakayahan at kakaibang anyo sa tuwing sasapit ang katahimikan ng dilim.”

Nakakatakot ang kaniyang boses, hindi siya. Kasali sa papatay sa’min. Mukhang malapit ito sa pinuno o siya mismo ang pinuno. Maraming katanungan at mangyayari ang naglalaro sa’kin isipan na hindi ko mapigilan.

“Magandang idea ang iyong sinabi. O kay ganda pag masdam ang babaeng ito nakaupo sa sanga. Kung hindi lang sana siya humiwalay sa grupo at nag sumbong. Buhay pa sana siya. Sayang ang ganda pa naman niya at magaling sa itim na wica.”

Wica? Ano yon? Siguro masama gawain yon. Nanatiling ako nakatayo habang pinipigilan makagawa ng ingay. May mga insekto  na kumagat ngunit hindi ko pinansin.

“Tama na yan pag banggit kay Asula. Ang mabuti pa ay lumakad na tayo.”

“Wag na tumayo dumaan sa walang silbi na utusan. Ang mabuti pa ay mag tungo tayo sa sentro ng lungsod. Tiyak na marami tayong mabibiktima.”

Dahan-dahan ako sumilip nakita ng dalawang mata ko ang pag laho ng dalawang taong sa dilim.  Nakahinga ako ng maluwag. Akmang lalabas na sana ako sa pinag taguan na marinig ko sigaw.

“Ayaw ko mamamatay!"

Isang lalaki may suot na sako sa ulo habang tumakbo patungo sa direksyon ko. Nang makarating ay natumba ito sa subrang pananakit ng kaniyang likod. Umagos ang dugo. May lalaki hawak ang shotgun nag lalakad habang nakatingin sa nakadapa na biktima na kagaya ko na alay.

Tumakbo ang lalaki. Pag karating sa harap ng lalaking nakadapa ay agad niya hinampas ang shotgun sa kawawang katawan. Napatakip ako ng tenga.  Tinutok ng lalaki ang shotgun sa ulo. “Parang awa  mo na. Wag mo ako patayin. Naghihintay ang pamilya k-” hindi natuloy ang sasabihin nito na pumutok ang shotgun.

Natumba ang walang buhay na lalaki na wasak ang ulo. Nilibot ng tingin ng mamamatay tao. Hindi na ako sumilip. Baka mahalata niya, may tao sa likod ng puno.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro