Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AKSD lll

Nagising ako sa subrang ingay at init, naririnig ko ang mga boses na nagdasal na mag kasunod na para bang sila nag sagutan sa tanong. Hindi ko ginalaw ang aking katawan maliban sa mata na dahan-dahan ko minulat ngunit hindi ko tinuloy upang hindi mahalata na gising, pinilit ko hindi makagawa ng ingay. ‘Bakit parang nasa isang bakal   ako? pakiramdam ko nasa loob ako nito. Minulat ko ang aking mga mata, bumangad sa’kin ang munting kulungan ko na tinakpan ng tila upang siguro hindi ko makita ang nasa labas.  Napatingin ako sa kamay at binti ko, may kadena pa rin, pinikit ko muli ang aking mga mata. Nakinig ako ng mabuti sa mga dasal nila at nakiramdam sa labas, mukhang nasa gubat basi sa ingay ng mga insekto   at ibon.

Huminto ang pag dasal kasabay muntik na ako mabungo sa harap ng rehas, mabuti na lamang ay itinukod ko ang kaliwang kamay ko. Maingat ko binaba ang kaliwang kamay upang maiwasan ng makaagaw ng atensyon. Pinilit ko hindi umubo, napalunok na lamang ako ng dahan-dahan. Naaninag ko may palapit sa’kin na tatlong ngunit mabuti na lamang ay tumigil ito nang tawagin sila.

“Nag iba ang pasya ni pinuno tungkol sa mga alay!”

Na ikinalaki ng dalawang kong mata, hindi pala ako nag iisa ang dinampot nila, ano naman kaya naisip ng pinuno nila? Kolto siguro ang grupo na ’to.  Sana naman hindi agad patayin. Sana may maganap na paligsahan maganap nang tumagal ang buhay ko ng ilang oras.

Tinaas ng tatlong tao ang dalawang kamay basi sa nakikita ko na anino. “Anong magaganap sa alay?” sabay na wika ng tatlo.

“Magaganap ang pag patay sa alay sa takdang oras na lumitaw ang kabuong ng buwan, sa ngayon nakikita niyo naman , natakpan ang buwan ng ulap. Ang buwan ang mag silbing hugyat na simula laro at pustahan.”

Muli na naman nag salita ang bagong dating na lalaki. “Ang laro ay pakawalan ang mga alay sa kagubatan, at sampung  manlalaro ang hahabol sa kanila upang patayin. O hindi ba masaya?” wala na akong narinig na tugon ng tatlo, unti-unti dumilim ang paligid kasabay sa pag laho ng mga anino na aninag ko.

Hindi ako mapalagay sa nakakabinging katahimikan. Sinubukan ko igalaw ang aking kamay ngunit napahiyaw lamang ako sa sakit, subrang higpit ng tali ng kadena kahit maingat na igalaw ko ay mas lalo hihigpit pa ito.

Diyos ko, bakit nangyari sa’kin ito? Hindi ko mapigilan maiyak kasabay inaalaala ang mga masasayang araw ko. Napatigil ako sa pag iyak na marinig ko ang pa putok ng baril ng tatlong beses.

Naaninag ko may papalapit sa’kin. Napaatras ako sabay pikit na hinila nito ang takip. Nag kungwari ako tulog. Mas lalo ako kinabahan ng dahan-dahan binuksan ang pinto ng kulungan ko na rinig ko ang ingay na biglaan padabog na binuksan.

Huminga ako ng malalim, binuhat ako ng lalaki, hindi ko alam kung saan kami patungo. Hindi ko sinubukan idilat ang mga mata ko. Alam ko, alam niya nagising ako. Makalipas ang ilang minuto ay biglaan ako binitawan nito. Bumagsak ako sa lupa na una ang pwet, “Aray ko.” napatingin ako sa harap maraming tao ang nakasuot ng ritual clock na kulay itim habang nakatitig sa apoy. May sumasayaw habang paikot sa apoy na tila para bang tumawag ng masamang eapirito.

“Oyy bata tumayo ka na, kung ayaw mo masaktan. Mag tungo ka doon.” Sabay turo sa dalawampu’t tao nakaluhod habang tinakpan ang ulo ng sako.

Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Sa bawat hakbang ko ay nakatingin ang lahat maliban sa dalawampu’t nakaluhod. Pag karating ko ay agad ako tumabi saka lumuhod.

May tumakbo na isang lalaki na may suot ng maskara ng pusa, may bitbit ito na sako, huminto sa harap ko sabay ngisi. “Good luck boy, galingan mo, sa’yo ako pumusta.” biglaan sinuot ng marahas. Napakagat ako sa ibaba ng labi ko sa sakit.

“Bago muna ako aalis, kailangan mo ng sandata. Oh hito ang palakol, hawakan mo ng mabuti, kung ayaw mo mamamatay sa kamay nila.”

Agad ko naman tinanggap sabay bitaw nito sa palakol, rinig ko ang yabag na papalayo. Napabuntong hininga ako  bago yumuko.

“Lumitaw ang kabuong ng buwan, opisyal na magsisimula ang laro!" Tatlong mag kasunod na pa putok ng baril ang aking narinig.

“Ngunit bago iyong. Mag bigay muna tayo ng dugo ng hayop sa’tin panginoon.”

Narinig ko ang ingay ng isang baboy na pinatay nila, sa pag tahimik muli na naman nag salita. “Buhusan ng dugo ang mga alay!” ramdam ko nanginig ang aking katabi.

Naramdaman ko may lumapat sa’kin balat na malaput na dugo. Nandiri ako, gusto ko tumayo at tanggalin iyong ngunit hindi ko magawa.

“Tumayo ang mga alay, bago pakawalan ang mga iyan, tanggalin ang kadena sa kamay at binti!”

Marahas na tinanggal ang kadena na ikinasigaw ko nang saglit. Hindi ko maigalaw ang kamay ko sa subrang sakit ng pulso ko.

“Maaari patayin ng alay ang manlalaro, Pakawalan ang mga alay.”

Dalawang mag kasunod na pa putok ng baril. Ang hirap makita ang daan, mabuti na lamang may butas  ang sako na sapat lang makita ko.

Mabilis ako tumakbo kahit minsan ako nadapa, tiyak ko pag pa putok ulit. Ibig sabihin ay oras na kami para habulin. Palinga-linga ako sa paligid, wala akong makita na pwede taguan ng pasamantala.

Bang!

Nataranta ako, saan ba ako nito tutungo? Mabilis ako tumakbo sa direksyon ng kadiliman ng parte ng kagubatan na hindi na na sinagan ng buwan dahil sa surang malaking puno at malapad na dahon.

Bang!

Ang ikalawang pag putok na ibig sabihin nakahanda na ang sampu na patayin kami. Habang tumakbo ako ay hindi ko na malayan may nakaharang na sanga sa’kin daanan.

Bang!

Nadapa ako sabay pagulong-gulong sa ibaba, hanggan sa tumama ako sa bato una ang balikat ko. “Ahh!” dahan-dahan ako lumayo sa bato, napahiyaw na naman ako sa sakit na tuluyan ng na tanggal ang nakatusok na bato sa balikat ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro