AKSD ll
Kinabukasan ay nanakit ang aking leeg, kapansin-pansin ang pasa sa’kin tiyan, medyo nahihilo pa ako, kahit ganon ay hindi dapat ako makita ni Baba baka naman dalhin ako sa babaklay na malakas mang pera, tag hirap pa naman kami, maingat ko isinuot ang bag ko, binuksan ang pinto at lumabas ng silid, napailing na naman ako, walang tao sa bahay maliban sa’kin, mukhang napaaga ata ang alis nila na ipinagtaka ko.
Lumabas ako ng bahay na walang dalang baon, bahala na, may pera pa naman ako, binigay ni Nana nu’ng isang araw, maingat ako nag lakad sa daan dahil sa maputik hindi pa ito na simulan ang project ng mayor, kainis ang mayor, puro pangako na sisimulan na niya ang project ngunit dalawang taon na ang lumipas nganga parin ang mga tao dito sa tuwing banggitin ang ngalan ng mayor, tsk, tumawid ako sa kabilang high way ngunit hindi ko namalayan may paparating sa’kin na hindi ko namalayan, mabuti na lamang ay nakapag break ang lalaki nasa 30+ ata ito.
Maingat na bumababa sa mamahalin niyang kotse, dahan-dahan lumapit sa’kin habang tinuro niya ako, “Hindi ka ba tumingin sa daan,” galit na wika nito, napatitig ako sa kaniyang mga mata, nakikita ko ang hindi dapat, napalunok ako ng dalawang beses bago sumagot nito, “Pasensya na po Sir, pero ikaw po ang hindi tumingin sa daan, kita mo ang tao na tumawid, subrang layo mo pa sa’kin ngunit mabilis ka mag patakbo na para bang pag may-ari mo ang high way.” umatras ako ng kaunti, nag baka sakali sa oras na magalit ito ng subra ay maiwasan ko ang kaniyang masamang balak gawin.
“Tsk, wala talagang utak ang mga taga bukid,” sabay dura nito sa harapan ko na parang nandidiri sa’kin, bumalik ito sa loob ng kotse sabay sigaw, “Tabi pangit!” galit na wika nito, agad naman ako tumakbo habang nakatingin sa kotse. Mabilis na umandar ang sasakyan, masama ako tumingin sabay bitaw ng salita, “Paalam sa gwapong mong mukha,” mala demonyong kung ngiti. Sa hindi kalayuan ay nag ka bunggo ito ng motor na labis kung ikinagulat.
Tumilapon ang motor habang pa gulong-gulong, ang kotse naman ay malaking pinsala, basag ang nasa harapan, umusok na ito. Tumalikod ako na kinakabahan habang pinawisan sa subrang takot.
(ll)(2/3)
Nakarating ako sa paaralan, agad nag tungo sa silid aralan, nadatnan ko si guro nagtatakang nakatingin, sinundan ko ang kaniyang tiningnan bumangad sa’kin ang kaaway ko kahapon, maputla ang kaniyang balat habang nakatingin sa’kin ng malungkot, nanliit ang aking tingin, doon ko napansin may mga pasa siya sa buong katawan, ngunit na agaw ang pansin ko sa kaniyang tiyan na tinakpan ng bag dahil siguro sa matinding panlalamig.
Maingat ako tumungo sa’kin upuan, sapag upo ko sabay yuko, mabuti na lamang ay hindi pa si guro nag simula baka hindi ako makapasok. Umalingawngaw ang boses ni guro sa loob ng silid. “Xander umuwi ka, mukhang hindi ka dapat pumasok sa ganyan kalagayan mo, baka kung anong mangyari sa’yo maisisi pa sa’min ang mangyayari sa’yo. Xander?” napatingin ako sa harap ng upuan, hindi kumibo ang kaaway ko kahapon, tulala habang nakatitig sa labas.
Dahan-dahan tumayo siya, “Guro wag po ka mag alala, ayos lang po ako, hindi ko alam kung bakit may mga pasa ako sa buong katawan sa pagkat dapat sa kamay lamang,” mahinang wika nito, kahit anong sinabi ng guro ayaw nito lumabas kaya hinayaan na lamang niya.
Nag simula na si guro mag paliwanag kung anong project namin, mabuti na lamang ay may kinalaman ito, sa pag recycle ng mga basura na pwede pang magamit, nakaramdam ako ng antok ngunit linabanan ko ito, napatingin ako sa harap ng mag simula na siya kausapin ang kaniyang sarili, “Hindi ba ako mahal ni daddy at Mommy? Sabagay nga naman pasaway ako, wala may gusto sa’kin , pag uwi ko palagi sasalubungin ako ng sermon ni Mommy,” naiiyak na wika nito ngunit pinigilan lamang, walang nakapansin sa kaniya maliban sa’kin at sa harap niya na dalaga.
Tumunog na ang bell kasabay pag katapos ng paliwanag ni guro, nag simula na mag sitayuan ang lahat, nag madali ako lumabas ng silid, nakakainggit naman sila may kaibigan, nag uusap tungkol sa project mabuti na lamang ay hindi by group, pag ganon mahihirapan ako mag hanap nito.
Malapit na kami sa susunod na subject ngunit tumunog ang bell ng tatlong beses na ikinahinto namin lahat, lumabas ang guro mula sa loob ng silid aralan, “Walang klase ngayon at mamayang hapon, may meeting kami, mag si uwian na agad.” humakbang si guro patalikod sa’min patungo sa meeting room.
Nag katinginan na kaming lahat, sisigaw na sana ako sa tuwa dahil makakatulong ako kay Ama, “A-” napahawak ako sa’kin leeg, hindi ko alam kung bakit subrang sakit parang may sumakal sa’kin, itinaas ko ang dalawang kamay ko upang mang hingi ng tulong, agad sila nag takbuhan patungo sa kaaway ko kahapon, nakahiga ito walang malay, sumuka ng dugo, sa subrang taranta nila ay binuhat nila ito at tumakbo patungo sa clinic.
Naiwan ako nag iisa habang nakaupo sa sahig, sa tuwing mag sasalita ako wala lumabas na boses, maging aking pandinig ay unti-unti humina, mabuti na lamang ay hindi nandilim ang aking paningin.
(ll)(3/3)
Dahan-daha ako tumayo kahit nanginginig ang buong katawan ko, sa pag ihip ng hangin ay napayakap ako sa sarili ko. Sa hindi kalayuan tanaw ko ang ibang estudyante masayang nag kwentuhan, nag madali ako lumakad dahil sa subrang kinakabahan ako, ayaw ko makarinig ng hindi maclini, bago ako tuluyan makalabas ng paaralan rinig ko ang sabi ng guard, “Patay na ang estundyante idinala sa clinic!” gulat na wika nito, labis na takot ang naramdaman ko, nagkatotoo ang binitawan Kong salita kahapon, hindi ako makapali sa’kin kinatayuan kaya nag madali ako lumakad habang nakayuko, kinoyom ko ang kaliwang kamao ko, dahil sa matinding galit sa sarili, ano bang meron sa’kin? Hindi ko naman na mana ang paging manbabarang ni Lala, mas lalong hindi ko na mana ang kayayahan ni Nana na albolaryo. Ang tanong bakit ganito ang nangyayari sa tuwing nagagalit ako sa binitawan kong salita ay nagkatotoo?
Huminto ako nang marinig ang ingay ng sasakyan, kailangan ko na naman tumawid ng high way, napahinto ako sa mga inisip ko nang may narinig ako na yabag sa likuran ko, ramdam ko may masamang mangyari hindi maganda, nagulat ako biglaan nang may umakbay sa’kin balikat, may medyo kabigatan ito, dahan-dahan ko inangat ang tingin ko sa harap, “Musta boy?” dahan-dahan ako lumingon, mas lalo ako kinabahan na makita ang hawak niyang palakol na may kaunting dugo sa dulo, nakasuot ito ng pambukid na para bang magsasaka pero alam ko sa sarili ko na hindi siya tunay na magsasaka base sa kaniyang tayo,pananalita at galaw.
Hindi ako makasagot, nag simula na manginig ang aking tuhod, hindi ko maiwasan maisip ang buhay ko ay malapit na ang kamatayan ko. Dahan-dahan lumapit ang matabang lalaki, “Sasama ka o mamatay ka dito?” bulong nito sa’kin, napahawak ako ng mahigpit sa bulsa ko, hindi naman matao ang high way dahil halos sasakyan ang nandito na mabilis na dumaan kaya hindi siguro takot ang lalaking ito.
May huminto na kulay itim na kotse sa harapan ko, agad naman ako tinulak ng mahina ng lalaki, ibig niyang iparating sa’kin na pumasok, wala na akong nagawa kung hindi ang pumasok, katabi ko ang matabang lalaki habang ang driver ay hindi ko maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod at nakakasilaw na liwanag nakatutok sa'kin mukha.
Napalingon ako sa katabi ko, may hawak siya na maliit na glass na may laman subrang pino, inilahad nito ang kaliwang palad paharap sa’kin saka maingat nag lagay sa palad nito ng kaunting, ngumiti muna ito na para bang wala ng bukas, “ tingnan natin kung makapag ngiti ka pa ng ganyan, huli mo na ‘to,” mahinang wika ko, tinapunan ako nito ng masamang tingin bago ihipan ang palad.
“Aray ko,” napapikit ako ng mariin, subrang hapdi ng mga mata ko, nag simula ako mahirapan huminga na halos hinabol ko na sa kamatayan, pag dilat ko halos umikot na ang aking paningin, isang malakas na sampal ang aking natanggap bago ako mawalang ng malay.
Nasaan ako? Bakit ang daming ahas ang narito? Nasa panaginip siguro ako, napatingin ako sa kinatayuan ko, isang paikot na manipis na pilak habang sa ngilid nito ang maliliit na tusok-tusok, nasa loob na naman ako ng panaginip, nakita ko na naman ang lalaking nakangiti mula sa hindi kalayuan, nakaupo ito sa putol na puno , nasa likuran nito ang mga walang buhay na mga halaman, puno at hayop.
Sumigaw ako ngunit hindi ako napansin nito, sa oras na mahulog ako sa kinatayuan ko, hindi na ako magigising, ang lalaking iyong siguro ang pinaniwalaan ng aming ninuno na ang paghila ng kaluluwa sa panaginip.
Dahan-dahan dumulas ang aking tinapakan, “Mamamatay ka din!” sigaw ng lalaking iyon na hindi ka tingin sa'kin na lubos ko ikinalito. Isang malakas na suntok ang nag pagising sa’kin , medyo malabo pa ang aking paninigin ngunit rinig ko ang usapan ng nasa paligid.
“Sino ba yan pre?”
“Ang binatang iyan ang sinabi ng aking anak namatay kanina, ang binatang iyang isang manbabarang !” galit na wika nito, muli na naman ako nakatanggap ng malakas na suntok na tumama sa’kin tiyan, na ikinasuka ko ng dugo.
Kasalukuyan ako nakaluhod. Namimilipit sa sakit, subrang sakit ng ulo ko, gusto ko sabunutan o hawakan ngunit hindi ko magawa dahil nakatali ang kadena sa mag kabilang Kong kamay at binti, sa pag buhos ng tubig, napakagat ako sa labi ng ibaba. Ang sakit ng leeg ko.
“Tamang-tama hindi nakahanap ang ating pinuno.”
“Sang ayon ako pre , gawin alay ang binatang ito,” naaninag ko may paparating na kamao na agad ko naman na iwasan ngunit nawalang na naman ako ng malay dahil sa subrang panghihina ng katawan ko.
Next?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro