Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AKSD l

Ang kwentong ay kathang isip ko lamang, kung may ka hawig ang kwentong ito ay hindi sinadya.
Wag mahiya mag comment para ganahan naman ako mag sulat joke lang hehe, thanks for reads.
Pwede mo gawan ng book cover if gusto mo haha.



Nakaupo ang lahat ng estudyante habang nakatingin sa’kin lahat. Kasalukuyan ako narito sa loob ng silid aralan kaharap ang guro na babae, “Zack Bago ka umupo mag pakilala muna,” ngiting wika ni guro, humarap ako sa mga estudyante na maging kaklase ko na, “Ako pala si Zack Lander, 15 year old,” masayang wika ko, tumingin ako kay guro tumango lamang, agad naman ako nag tungo sa bakante na upuan, pag kaupo ko pa lamang ay rinig ko ang bulong-bulongan ng mga kaklase ko, labis ako nainis na marinig ang katagang, “Manubo, dapat hindi nagpapasok ang paaralan na’to ng taong taga bukid, wag na natin awayin baka isusumbong tayo nito sa ka tribu niya," napayuko lamang ako.

“Ang pag aaralan natin ngayon ay patungtukol  sa kasaysayan ng atin bansa,” malakas na wika ni guro.

Nawala na ako ng gana makinig, ang tangin nasa isip ko, bakit sila ganong sa’min?  Dahan-dahan ko inangat ang tingin sa harap bumangad sa’kin ang mukha ng lalaking mapanuksong tumingin, mukhang hinahamon ako nito ng away, hindi ko lang siya pinansin. Ayaw ko mapagalitan ni Ama dahil sa walang kabuluhan na dahilan.

Makalipas ang ilang oras ay tapos na  ang lahat ng subject, malungkot ako lumabas sa paaralan habang nakayuko patungo sa kabilang high way, akmang hahakbang ako nang may humila ng bag ko sa likuran nang ikinabagsak ko sa lupa, napa upo ako habang nakapikit, nagpipigil sa galit, “Ang lampa ng taong taga bukid.” sabay sipa sa’kin balikat, dahan-dahan ako humarap, bumangad sa’kin ang kaklaseng Kong lalaki, tama nga hinala ko kanina, pa epal.

“Oh uupo ka lang ba jan,” patawamg wika nito habang nakaturo ang kaliwang kamay sa pag mumukha ko. “Mukhang hindi ka naman naligo. Ito ang bagay sa’yo.” binato ako ng itlog na tumama sa’kin ulo at dinuraan pa ako mabuti na lamang nakailag ako, “Bukas ulit lampa wahaha...” bago siya tuluyan maka alis ay tumayo ako buong lakas ko isinigaw, “Mamamatay ka bukas nang walang sagabal sa pag aaral ko,” ngumiti lamang ito nang nakakaloko.

(2/3)

Biglaan ko tinakpan ang aking bibig. “Lagot.”Nag madali ako tumakbo patawid sa kabilang high way.

Nakarating ako ng alas sinko ng hapon, nasa harapan na ako ng bahay namin. Nakaluhod si ate habang nakayuko na umiyak. Nasa ngilid si Ama habang nakatingin na galit kay ate. Nanginignig ang kaliwang kamay ni Ama, napatitig ako sa hawak nito na mahabang latigo.

“Baba hindi ko sinadya mag kasala,” hagulgol ni ate,  Baba ang tawag sa Ama sa’min tribu, nag taka lang ako nakatingin kay ate kung anong nagawa na lubos na galit si Ama. Ayaw ko lumapit sa pwesto nila, kapag lumapit ako ay hindi ko ginalang si Ama baka madamay pa ako.

“Hindi mo ginalang ang iyong sarili, bakit nag pahawak ka sa buhok ng lalaking iyon?!” Itinaas ang kaliwang kamay sabay hampas ng latigo sa likuran ni ate na ikinasigaw nito ng labis na sakit.

Isa bahagi ng kultura ng ini ingatan ng amin ninuno pag  sa babae ay ipanag bawal hawakan sa kahit anong parte ng katawan ng isang lalaki. Pag linabag mo iyong isa itong kahihiyan sa iyong sarili at sa Baba.

“Mahal ko siya Baba!” boung lakas na pasigaw na sagot ni ate na ikinagalit ni  ama lalo.

Ang babae ay dadalhin sa gitna ng pabulwagan kung saan hahanap ng kapares sa pamamangitan sa talento sa spiritual, pag hindi kapareho ang  spiritual na mag kasalungat na kasarian ay maaari bumaba ang tingin sa kapares o katakutan.

“Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo na linabag mo. Hindi ka ba makapag hintay ng kapareha? Naku naman Wawa ipag dasal mo lang yan sinabi mo na mahal... Sana kapareho kayo ng talento sa spiritual a-” hindi na tuloy ni Ama ang sasabihin niya, biglaan siya hinila ni Nana palayo kay ate. “Baba hindi ka ba naawa sa’tin ang anak na babae? Sinaktan mo pa siya, tama na ang isang hampas ng latigo baka hindi mo makontrol ang iyong sarili sa galit,” mahinahong paliwanag ni Ina.

Ang tawag sa ina ay Nana sa’min tribu, iningatan ang ngalan na ito bawat ina, ipinag bawal sa loob ng tiritoryu na tawagin ina dahil isa pag kasala sa’min mahal na diyos.

Napatalon ako sa gulat na tawagin ako ni Ina, “Zack tulungan mo iyong kapatid na tumayo riyan, malapit na mag simula ang pagbabasa ng ritual,” ngumiti lamang ako bilang tugon gumanti si Ina ng ngiti bago tumalikod sila.

Pag alas sais sa gabi ay nagdadasal kami upang maiwasan ang masasamang espirito. Isa ito sa amin paniniwala.

Maingat ko inalalayan si ate tumayo, nanlaki ang mga mata nito nakatingin sa’kin labi, “Ate?” pikit dilat mata nito ng paulit-ulit bago sumagot, “umitim ang iyong labi,” bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni ate, lagot hindi pwede ito makita ni Ama malilintikan ako nito.

(3/3)

Agad kami tumungo sa silid ni ate upang manhiram ako ng lipstick, “Ako na mag lagay, ano ba kasi ang pinag gagawa mo sa paaralan? Mag ingat ka naman, hirap tayo sa gamot dahil pinawalang bisa ni Pinuno Anawo ang pag pasok sa taniman ng mga halaman gamot, mabuti na lamang ay nakakuha ako ng mga buto, hindi ko alam  kung anong dahilan, mainit ang ulo ni Baba dahil pinagalitan siya ni Babalo habang si Nana ay hirap makisiksikan sa pag sulat sa balat ng puno ng ritual,” malungkot na paliwanag sa’kin ni ate habang maingat na nilagyan ako ng lipstick.

“Ate may gamot ka ba sugat natamo mo Kay Baba?” nag aalang wika ko, lumayo ako ng dahan-dahan kay ate habang nakatitig sa bintana, napansin ko may dumaan na nilalang na hindi ko malinaw kung anong uri nito.

Ngumiti ng mapait si ate, “dalawa na lang ang natira. Wag kang mag alala kapatid pangako magagamot din malubhang saki ni Lala. Pakiusap ko sa’yo wag kang gumawa nang ikinagalit ni Baba. Umalis kana mag malapit na ala sais." Nag madali ako lumabas at tumungo sa’kin silid, hinubad ko ang aking bag mula sa likuran, maingat na lumapit sa munting altar ,  inilatad ko ang itim na tila, dahan-dahan na lumuhod nito sabay tingin sa munting apoy na lumutang na kakalitaw lamang nito.

Ang munting apoy na pinaniniwalaan ng amin tribu na tangin gabay at pangontra sa masamang kaluluwa. Akmang mag simula na ako pag dasal ngunit walang lumabas na boses sa’kin bibig na aking ikinagulat.

Nahihirapan ako huminga kasabay nakita ko ang itim na usok sa palid na pumalibot sa’kin.  “Ahhh...!” isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan na ikinabigla ng mga natutulog sa dilim na kaluluwa, hindi ko matikom ang aking bibig nanatiling nakanganga habang  sumuka ng itim na dugo na lubos na sumakit ang aking dila na parang may gumihit dito gamit ang patalim.

Walang tutulong sa’kin kalagayan dahil ang bawat isa sa’min ay abala sa pagdadasal hindi maaaring maputol hanggan hindi matapos ang isang ritual na pagdadasal. Napaida ako sa sakit, tiniis ko ito, may nagawa akong kasalanan kaya ako nag ka ganito.

Nilibot ko ang aking paningin ngunit napahinto ako ng biglaan wala akong makita kundi puro dilim at naririnig ang nakakatakot na boses na  galing sa ikalaliman ng lupa. Hindi ko maigalaw ang aking katawan parang may yumakap sa’kin ng mahigpit. Sa pag sakit ng ulo ko kasabay ang nakakabingin tunog na hindi kinaya na siyang dahilan ng pag kahimatay ko .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro