Didi/Budoy's Pov
Didi/Budoy's Pov,
"Makakatakas na siya!" Malakas na sigaw ng mga pulis mula sa likuran ko. Hindi. Hindi nila ako dapat mahuli.
Mabilis parin ang takbo ko na para bang wala ng bukas. Kailangan ng pamilya ko ng pera. Kailangan namin ng makakain. Muli, nag-nakaw ako. Mas malaki ito kumpara sa mga ninakaw ko noong mga nakaraang araw.
Oo. Isa akong mag-nanakaw. Halos isang taon na akong magnanakaw pero wala paring pulis ang nakakahuli saakin. Dahil magaling ako.
Ewan. Parang professional na ako sa larangan ng pan-durukot, pang-hoholdap, at pag-nanakaw. Dito din ako kumukuha ng pang load, at kapag sinuswerte ninanakawan ko na din ng cellphone ang mahohold-up ko.
"Dalian niyo!" Malakas na sigaw ng pulis.
Lumiko ako sa isang eskinita. Malalim na ang gabi pero hindi ako tinantanan ng manirism ko na magnakaw sa ganitong oras.
Kailangan ko ng pera. Oo, mahirap kami. Kaya nga nag-iipon na ako. Gusto ko na umalis sa nakakaimbyernang impyernong squater area na iyon! Nadadamay ang mga magulang ko at kapatid kapag may nang-babato sa lugar namin.
Nag-vibrate ang cellphone na ninakaw ko mga tatlong buwan na ang nakakaraan. Nag-text mula rito si Derrick.
Hays. Hanggang ngayon naniniwala siya na mabuti akong tao? Kung alam lang talaga niya kung anong klaseng tao ako. Siguro, at panigurado, hinding-hindi na niya babalakin pang makita ako.
Dahil kung totoo nga na mayaman siya, aba, pag-kakataon ko na para akitin siya't kuhain ang lahat ng meron siya.
"Teka!" Hingal na hingal na huminto ang mga pulis nang lingunin ko sila. Naka-hawak ang dalawang kamay nila sa mga tuhod nila.
Tsk. Pulis nga naman.
Tatlo na sila pero kahit isa manlang sa kanila hindi ako nahabol. Tsk. As I expected.
Dito na rin ako kumukuha ng pang-paaral saaming dalawang mag-kapatid. Kaya ako nakakapag-aral ay dahil sa mga perang nakukuha ko mula sa pag-nanakaw.
Kailangan ko ng pera. Kailangan ko ito.
May mga araw at oras na naiisip kong itigil na ito dahil alam kong mali at masama sa mata ng dyos. Pero sa mga araw at oras na 'yon kasi dumarating ang problema sa pera at pag-kain kaya hindi ko na ito naiwasan at naging araw-araw na routine na.
Huminto ako sa pag-lalakad nang wala na akong mapuntahan. Dead end. Pader na lamang ito. Nandito ako sa lugar kung saan maraming basurahan ang makikita.
Mabaho din dito.
Umuulan na at ang mga bituin sa langit ay nawala. Hindi. Hindi ako pwedeng mahuli. Kailangan ko munang mapag-tapos ng pag-aaral si Pepe, ang kapatid kong lalaki. Kailangan kong makapag-tapos ng pag-aaral.
Para mahinto na ang pag-nanakaw ko.
"Nasaan na ang isang 'yon!?" Rinig kong sigaw mula sa ibang eskinita. Alam kong malapit na sila.
No choice.
Agad kong binuksan ang isang basurahan at agad na pumasok doon. Pinili ko ang pinaka-malaki upang mag-kasya ako. Alam kong mabaho, pero ito nalang ang tangi kong pag-asa.
Hindi ako dapat mahuli.
Hindi sa ganitong paraan.
Tinikom ko ang bibig ko at nakiramdam. Naramdaman ko ang mga yabag nila na papunta na sa kinatataguan ko.
"Saan naman kaya lumusot ang isang 'yon?" Inis na sambit ng isa sa mga pulis.
"Tingin ko mali tayo ng eskinitang pinasukan," saad ng isa pa.
"Tsk. Pang ilang beses na ba nating hinabol ang most wanted na babaeng 'yon?" Saad ng leader nila. Napangisi ako.
Tama siya. Ilang beses na nila akong hinabol pero ni minsan hindi nila ako nahuli. Siguro tama nga sila, binibigyan ka pa ng pag-kakataon ng dyos. Kaya naman ang mga pag-kakataong iyon, lulubos lubusin ko na.
Naramdaman ko ang pag-alis ng mga pulis. Mga limang minuto akong nag-tago upang makasiguradong wala na nga sila. Iniangat ko ang takip ng basurahan at agad na lumabas mula sa nakaka-sulasok na lugar.
Tumingin-tingin ako sa kanan at kaliwa. Nang makasiguro na wala na sila, prenteng nag-lakad ako papunta sa kalye upang hindI mahalata at masabi bang walang nangyaring kahit ano.
Nilagay ko sa bulsa ng jacket ko ang dalawa kong kamay. Mula dito, nag-vibrate itong muli kaya huminto ako sa pag-lalakad.
< D3rr1cK
09--
Pupunta na ako!
Tsk. Hanggang ngayon pala naniniwala siya na nasa ospital ako? Akala niya ba gano'n kadali akong mag-kakasakit? Kahit nasa Squater lang ako wala akong kasakit-sakit kahit isa.
Ang asthma? Peke. Ayoko lang talaga siya minsan kausap kaya hindi ako nag-rereply. Ako na nga madalas ang nag-sisimula ng conversation para naman maging masaya at light ang mood.
< D3rr1ck
09--
Pupunta ako!
No need. I only have 2 days left.
Minsan, o madalas, ang sarap niyang asarin. Kasi pikon siya. Tsk. Ayoko na nga pag-usapan ang isang 'to. Masyadong baduy. Ang jejemon pa niya. Ngayon lang ata siya naging tao.
Nag-simula na akong mag-lakad papunta sa bahay namin.
Gaya ng dati, ambaho parin nito. Madami kasing tao ang nag-tatapon ng basura dito. Naalala ko tuloy noong bata ako, nalaglagan ako ng diaper sa ulo ko. And what the heck kasi punong-puno pa ng tae 'yon.
Hindi pa man ako nakaka-pasok sa bahay, tatlong beses na nag-vibrate ang cellphone ko.
< D3rr1cK
09--
Pupunta ako!
No need. I have only 2 days left.
Argh!
Fight please.
Fight for me.
Napangisi na lamang ako sa hangin. Tsk. Asa siya. Hindi ko naman siya tipo. Ang gusto ko milyonaryo para hindi na ako mahihirapan. Tuloy tuloy na akong pumasok sa bahay. Hays. Kapagod.
》Day Seventy Nine《
Agad akong tumingin sa cellphone. Pumunta ako sa inbox at nag-type ng message. Sasamantalahin ko na ang panloloko sa Derrick na ito. Tutal, hindi ko naman siya kilala.
< D3rr1ck
09--
I lose a lot of blood. I can't speak anymore. I just want to say. . .
I think this is stupid but. . .
Thank you.
And I love you
Tinodo ko na ang panloloko dahil alam ko naman na kakagat siya. Humiga akong muli sa higaan. Hindi na siya nag-reply. Ano naman kayang nang-yari sa Jeje na 'yon?
Hayst. Nakakatamad naman.
》Day Eighty 《
Lumabas na ako sa bahay. Nag-vibrate ang cellphone at tama nga ang hinala ko, galing iyon kay Derrick.
< D3rr1cK
09--
I love you more.
Muli, napangisi ako. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi dahil baka mapag-kamalan akong baliw. No way! Squater lang ako pero 'dI ako baliw.
Umakyat ako sa tulay. Nandito ako ngayon sa tabi ng kalye. Nanunuod sa mangilan-ngilang kotse at truck na dumadaan.
"Tama nga tayo Boss! Nandito siya!" Agad akong napalingon sa kaliwa ko at laking gulat ko nang makita ang mga pulis.
"Shit! Damn! Fuuuuuck!" Agad akong tumakbo ng mabilis. Dahil may dala silang sasakyan pang pulis, agad silang sumakay doon at sinundan ako. Nakakarinding Wang wang ang narinig ko.
Wala akong panama. Ang bilis nila.
Nakita ko ang isang lalaki na bumaba sa truck niya, iniwan niya ang susi at pintong nakabukas. Agad akong tumakbo doon at pinaandar ito.
Hindi nila ako pwedeng mahuli.
Hindi nila ako mahuhuli.
Mabilis ko itong minaneho. Kahit truck ang dala ko, I managed to drive it. Lumiko ako pero hindi ko inasahan ang mabilis na pang-yayari ay naging mabagal.
Bumangga ako.
Bumangga ako sa isang kotse.
Naramdaman ko nalang. . .may tumusok ang kung ano mula sa likuran ko.
--
An : Kumpleto na ang mga Pov nila! Yay! Proceed to Authors Note.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro