Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 9 - Palayain

NOONG mga nagdaang araw, walang oras yata akong hindi nakangiti. Hindi ko maitago ang aking kagalakan dahil pareho na kami ni Jandrei na masaya. Wala pang dumarating na unos, subalit pinaghahandaan na namin ito.


"Tay, madilim na ba sa labas?" tanong ko nang marinig ko ang boses ni itay na kagagaling lamang mula sa palengke.


Sinabi ko na sa kanya noong mga nakaraang linggo na sasama ako sa pagbebenta, pero hindi niya ako pinayagan. Nakapag-adjust na rin naman kasi ako, at sa tingin ko ay kaya ko rin namang magbenta. Nakapaglilinis na nga ako ng bahay namin. Ako na rin ang naghuhugas ng mga pinagkainan at naglalaba ng mga damit.


Pero, sinabi ni itay na dito na lang daw ako. Sapat na raw 'yong ako ang gumagawa ng gawaing bahay. Kung maaari nga ay ayaw niya akong paglabahin dahil baka hindi ko raw kaya, pero iginiit ko naman na kaya ko na.


"Alas kuwatro ni labat katon maliliwawa ni (alas kuwatro pa lang kaya maliwanag pa)," tugon niya. Mula sa kinauupuan ko rito sa sala ay narinig kong may ipinatong sa mesa ng kusina si itay. "Bakit mo naman natanong?"


"Ano... k-kasi po..."


Gusto ko kasing sorpresahin si Jandrei sa rest house nila. Gusto ko ay siya rin ang pupuntahan ko. Palagi na lang kasing siya ang pumupunta sa amin.


"Hay, Eray, sabihin mo na kasi. Huwag ka nang mahiya."


"Gusto ko po sanang puntahan si Rei sa kanila. Palagi kasing siya na lang ang bumibisita rito," sagot ko. Medyo nahihiya pa nga ako kay itay dahil idadawit ko pa siya sa love life ko.


Hindi ko rin naman kasi kayang pumuntang mag-isa roon.


"Ngayon na ba? Eksakto dahil gusto ko ring makita si Pareng Rafael. Matagal na kaming hindi nagkakausap," pagsang-ayon ni itay.


Napatango na lamang ako. Kaya pala noong unang ipinakilala ako ni Jandrei kay Tito Rafael ay alam niya kaagad na anak ako ni itay.


"Sasamahan na kita," aniya. Ihinawak niya na ang kamay ko sa braso niya.


Agad na kaming lumakad para hindi kami gabihin. Hindi na rin naman ako naiilang pa sa mga pinsan ni Rei. Okay na kami ni King tapos ay mabait naman sa akin si Ate Nechole. Wala rin namang sinasabi sa akin si Ivan. Si Karen naman, wala akong pakialam sa sasabihin niya.


Mabuti na rin itong ako ang pupunta kay Rei dahil lagi na lang na siya ang pumupunta sa amin. Buti na lang din, alam ni itay ang daan papunta sa rest house dahil minsan na raw siyang nakarating doon.


Mayamaya'y tumigil na kami sa paglalakad. "Nandito na tayo sa tapat ng gate nila. Kakatok na ba ako?"


Tutugon na sana ako sa sinabi ni itay, subalit may narinig akong mga usapan. Boses iyon nina Jandrei at mga pinsan niya. Nasa labas lang yata sila ng rest house nila.


"T-Teka lang po."


Pinakinggan ko pang mabuti kung ano'ng pinag-uusapan nila. Mukhang gan'on din si itay dahil pati siya ay tahimik lang.


"Be honest, Jandrei, napapagod ka rin ba sa sitwasyon ninyo ni Airyza? Biruin mo, ikaw ang nag-aalaga sa kaniya kapag wala ang tatay niya." Boses iyon ni Ivan.


Napalunok naman ako sa maaaring isagot ni Jandrei. Hindi ako handa sa sasabihin niya...


"Oo," tugon niya kaya napakagat na lang ako sa aking labi. "Totoong nakakaramdam ako ng pagod, pero mas nag-e-enjoy ako kapag inaalagaan ko siya. Masaya ako kapag kasama ko siya, kaya balewala iyang pagod."


Totoo ngang napapagod ka rin. I'm so sorry, Rei...


"Isa pa, dati lang naman iyon dahil hindi pa nakapag-adjust si Eray. Ngayon, kayang-kaya naman na niya ang sarili niya, at kailanman ay hindi siya naging pabigat sa tuwing wala ang tatay niya," dugtong pa niya.


"Mahal na mahal ka talaga ni Jandrei," saad naman ni itay.


Hindi ako nakaimik sa sinabi ni itay. Aayain ko na sana siya para umuwi na lang, subalit narinig ko pang nagsalita si Karen.


"How about your studies? Magkakaroon na ng online classes next month, at alam mong hindi puwedeng mag-online classes dito dahil halos walang signal."


"Gusto ko rin namang ipagpatuloy ang pag-aaral ko, pero paano si Airyza? Ayaw ko siyang iwanan." Iyan ang tugon ni Jandrei.


Sa sinabi niyang iyon ay mas lalo akong nilalamon ng guilt. Bakit ba kapakanan ko na lang palagi ang iniisip niya? Hindi puwedeng hindi niya ituloy ang pag-aaral dahil lang sa akin. Hindi ako papayag doon.


"T-Tara na po," pag-aaya ko kay itay.


Ayaw ko nang marinig pa ang mga susunod nilang pag-uusapan. Hindi na kami tumuloy ni itay sa pagbisita kina Jandrei.


Kinagabihan, pagkatapos naming kumain ni itay ng hapunan ay hindi niya muna ako pinapasok sa kuwarto ko. Kakausapin niya muna raw ako.


"Narinig mo naman siguro 'yong tungkol sa usapan nila sa pag-aaral ni Jandrei," panimula niya kaya tumango ako.


"Ayaw ko pong maging hadlang sa pag-aaral niya," sabi ko naman.


"Tama iyan, anak. Kahit na gaano ninyo kamahal ang isa't isa, dapat ay isaalang-alang ninyo rin ang mga pangarap ninyo."


May punto naman si itay, at alam ko namang isasaalang-alang din ni Jandrei ang mga pangarap niya. Iyon nga lang, sa tingin ko ay nahahadlangan ko siya.


"Ano na ang plano mo?"


"Kukumibinsihin ko pa siyang i-puruse muna ang pag-aaral niya. Papapayagin ko siya kahit ano'ng mangyari."


Base naman sa ipinakita niyang character niya, siya 'yong taong pipiliin ko ano ang nararapat.


"Kapag napapayag mo siya, matagal na hindi ulit kayo magkikita," saad ni itay.


Bumuntong-hininga muna ako. "Mukhang gan'on na nga po."


"Hindi bale, kung talagang kayo ang itinakda ng Diyos para sa isa't isa, kahit anong mangyari ay kayo pa rin ang magkakatuluyan. Magsasama ulit kayo sa itinakda Niyang panahon."


Napalunok ako sa sinabi ni itay. Paano kung hindi nga talaga kami ni Jandrei ang nakatakda para sa isa't isa? Ang daming rason para magkalayo kaming dalawa. Paano kung sa pag-alis niya, hindi na ulit magtagpo pa ang mga landas namin?


Hindi naman ako puwedeng maging makasarili para lang manatili siya sa tabi ko. Jandrei needs to study. Isa pa, may naiwan siyang life group na kailangan niyang balikan. Mabuti nga ay hindi siya 'yong lg leader, dahil kung hindi ay 'yong mga members niya naman ang napabayaan niya.


Pero, kahit na hindi siya 'yong leader, kailangan ko siyang i-let go. Mas marami siyang magagawa for God doon kumpara dito sa Isla ng Hiraya na remote island.


Nang matapos akong kausapin ni itay ay nag-toothbrush na ako at inayos ang aking sarili para sa pagtulog. As I lay my back on my bed, I talked solemnly to God.


Panginoon ko, handa naman po akong i-let go si Jandrei, pero hayaan Ninyo po sanang makita ko siya bago siya umalis. Please, ibalik Ninyo na po ang paningin ko. Gustong-gusto ko po siyang masilayan... nagmamakaawa po ako.



***


TILA nagagalit ang kalangitan. Malakas ang bugso ng hangin, at sinasabayan din ito ng malakas na buhos ng ulan. Kahit pa makapal ang suot kong jacket at pajama ay gumagapang pa rin ang lamig sa lahat ng bahagi ng balat ko.


Parang tatangayin na ng hangin ang buong bahay namin. Nagpunta rito sa area namin 'yong mga tanod ng barangay. Pinalilikas kami dahil ngayong araw daw darating 'yong bagyo. Ito na nga, medyo malakas na ang hangin, siguro ay paparating na 'yong bagyo.


Itinali na ni itay kahapon itong bahay, at i-s-in-ecure ang mga mahahalagang gamit at mga dokumento. Dalawang araw na ang nakalilipas simula noong narinig ko 'yong pag-uusap ni Jandrei at mga pinsan niya.


Pangalawang araw na ring hindi ako pinupuntahan ni Jandrei dahil nga rito sa masamang panahon. Mabuti ngang hindi kami nagkikita. Kino-compose ko pa kasi sa isip ko 'yong gusto kong sabihin sa kanya.


"Eray, tara doon sa kusina dahil pagkatapos nating mag-umagahan ay lilikas na tayo papunta sa evacuation center." Mula rito sa aking kuwarto ay inalalayan ako ni itay sa paglalakad papunta sa kusina.


Mainit na kape at nilagang kamote ang umagahan namin. Eksaktong natapos kong hugasan ang aming mga pinagkainan nang may kumatok sa pinto ng aming bahay.


"Tao po! Eray, Tito Ariel, nandiyan po ba kayo? Si Jandrei po ito!" Nanigas ako sa aking kinatatayuan, sa tabi ng lababo, nang marinig ko ang sigaw ni Jandrei. Hindi ako handang harapin siya!


Pinagbuksan naman siya ni itay. Nanatili naman akong nakatayo sa tabi ng lababo.


"Oh, nandito ka ring pala Pareng Rafael!" Narinig kong usal ni itay.


"Ililikas namin kayo!" saad ni tito.


"Doon na po kayo sa rest house tumuloy. Safe po roon dahil medyo malayo sa dagat at dalawang palapag 'yong bahay." Si Jandrei naman ang nagsalita.


Sumang-ayon na kaagad si itay dahil habang tumatagal ay mas lumalakas ang hangin. Kinuha na ni itay ang mga gamit naming naimpake niya. Bago kami umalis ay sinuutan ako ni Jandrei ng kapote. May ibinigay ring kapote si Tito Rafael kay itay.


"Ang taas na ng alon!" sigaw ni itay pagkalabas namin. Kahit bumabagyo ay wala pa rin talaga akong makita; hindi ko makita kung gaano kataas ang alon.


Sumalubong sa amin ang malakas na bugso ng hangin. Dahil si Jandrei ang umaalalay sa akin sa paglalakad, napayakap ako sa kaniya dahil feeling ko ay tatangayin ako nang hangin. Napatigil pa ako sa paglalakad.


"Okay lang iyan, Eray, hindi kita hahayang tangayin ng hangin!" usal ni Jandrei.


Puro pasigaw ang pagsasalita nila dahil malakas ang ugong sa tuwing umiihip ang hangin at malakas din ang tunog ng bumubuhos na hangin.


Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad habang nakakapit kay Jandrei. Mabuti na lang ay nakakapote kami dahil tiyak na sisirain lang ng hangin ang payong na gagamitin namin. Tumatama rin sa mukha ko 'yong ulan.


Pagkarating namin sa rest house nina Jandrei ay sinalubong kami ng mga pinsan niya. Nagpalit naman ako kaagad ng damit nang maihatid na kami ni Jandrei sa magiging kuwarto namin.


Sa kuwarto na ng first floor kami dinala dahil baka madisgrasya raw ako sa hagdan kapag doon sa second floor. Noong nakapagpalit na ako, sinubukan kong humiga sa kama. Napakalambot at napakakomportable sa likod.


E-enjoy-in ko pa sana ang paghiga subalit sinamahan na ako ni itay sa paglabas papunta sa sala. Naroon kasi silang lahat.


Noong pagkaupo ko sa sofa ay tumabi sa akin si Rei. Alam kong siya 'yong tumabi sa akin dahil kinausap niya pa ako. Tinanong niya kung giniginaw raw ba ako, pero sinabi kong okay lang ako.


Habang nasa sala kami ay nag-uusap-usap sila, lalo na sina itay at Tito Rafael. 'Yong mga pinsan naman ni Jandrei, ayun, nakikipagchismisan kay Karen. Nag-uusap sila tungkol sa upcoming online classes nila.


Tahimik naman ako kahit na katabi ko si Jandrei. Sa tuwing tinatanong niya ako, puro tango o kaya matitipid lang na sago tang sinasabi ko.


Naaalala ko kasi 'yong narinig kong pinag-uusapan nila, at nagi-guilty ako. Pakiramdam ko kasi ay ako ang hadlang sa pag-alis niya.


God, please, let me see him before You part our ways. Labis-labis po akong nagmamakaawa sa Inyo...


"May problema ka ba, Eray?" tanong ni Jandrei. Siguro ay nahalata niya ang kakaibang ikinikilos ko.


Wala naman talagang problema. Hindi ko lang kasi masabi sa kaniya ang gusto kong sabihin; tila umurong ang dila ko.


O baka naman ayaw mo lang sabihin sa kaniyang bumalik na siya sa kanila dahil natatakot kang mawalay sa kaniya?


Napailing na lang ako sa naisip ko. Hindi ko kailangang matakot kapag pinalaya ko na siya.


"Gan'on ba? Ang tahimik mo kasi." Akala ni Rei ay umiling ako bilang sagot sa tanong niya.


Panginoon, willing naman po akong i-let go siya, pero gusto kong makita siya bago siya umalis.


Pagsapit ng gabi, gaya noong lunch, ay sabay-sabay kaming kumain. Sina itay at Tito Rafael ang nagluto sa pagkain namin. Sinigang na bangus ang inulam namin.


Sina King at Jandrei naman ang naghuhugas ngayon ng mga pinagkainan namin. Umakyat naman na sa itaas sina Ate Nechole, Karen, at Ivan, kaya ako na ang nag-volunteer na magpunas ng table na pinagkainan namin.


Habang abala ako sa pagpupunas n'ong glass table ay narining ko ang pag-uusap nina Jandrei at King habang naghuhugas sila ng mga plato.


Dinig na dinid ko hanggang dito ang halos pabulong na usapan nila dahil hindi masyadong malakas ang ugong ng hangin at ulan dito sa loob ng rest house nila.


Si King ang nagtanong kay Jandrei. "Nag-away ba kayo ni Airyza?"


"Hindi naman. Bakit mo natanong?"


"Ang tahimik ninyo kasing dalawa," sagot ni King.


Ipinagpatuloy ko ang dahan-dahang pagpupunas ko habang pinakikinggan ko sila.


"Oo nga pala, next two weeks ay babalik na kami sa Urdaneta. Mag-decide ka na kung sasama ka sa amin sa pag-uwi."


Napatigil ako sa pagpupunas nang marinig ko ang sinabi ni King. Sa next two weeks na kaagad sila aalis? May gumuhit na kirot sa aking puso. Kung sasama na si Jandrei sa kanila, ibig sabihin ay malapit na pala kaming magkalayo.


"Hindi ko nga alam kung sasama ako. Iniisip ko kasi si Eray," tugon naman ni Jandrei.


Napakagat ako sa aking labi. Kailangan niyang umalis. Hindi puwedeng maiwan siya rito para lang sa akin.


"Pero paano 'yong pag-o-online class mo? Ayaw mo na bang mag-aral?"


"Gusto ko naman. Hindi naman puwedeng hihinto na ako. Tatlong taon na lang ay ga-graduate na ako bilang engineer."


Engineering pala ang kurso ni Jandrei? Hindi niya nabanggit sa akin iyon. Kaya ba hindi siya nagkukuwento tungkol sa pag-aaral niya dahil alam niyang aabot kami sa ganito? Pero, dapat sana ay binanggit niya sa akin kahit papaano. Hindi rin naman kasi ako nagtanong sa kaniya.


Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Masyado kasing komplikado.


Binilisan ko na ang pagpupunas para matapos na ako. Pagkatapos nito, kailangan ko nang ayusin ang dapat kong sabihin kay Jandrei.


I'm sorry, Jandrei, pero this time kapakanan mo rin ang iisipin ko. Kahit na ang ibig sabihin n'on ay ang palayain ka at magkahiwalay tayo...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro