Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 16 - Taludtod

GABI-GABI kong inaaalala kung nakatutulog at nakakakain ka ba nang maayos. May tiwala akong kahit ano'ng mangyari ay hindi ka susuko dahil malakas ang pananampalataya mo sa Kaniya. Gan'on kasi ang pagkakakilala ko sa iyo. Gan'on pa man, ipagdarasal pa rin kita rito. Muli, patawad dahil hindi kita magawang yakapin diyan. Kapag nagkita na tayo ulit, yayakapin na kita nang mahigpit! Mahal na mahal kita!


Mabilis kong idinampi ang aking labi sa papel na pinagsusulatan ko matapos kong isulat ang huling talata ng liham ko para kay Jandrei. Marahan kong itinupi ang papel at inipit iyon sa journal upang hindi tangayin ng hangin.


"Huwag kayong masyadong lumapit sa dagat baka tangayin kayo ng alon!" saway ko kina Yen at Yan.


Patakbo naman silang lumapit sa gawi ko at umupo sa aking tabi. Ngayon, pare-pareho na kaming nakaupo sa buhanginan habang pinagigitnaan nila ako.


Tahimik lang kaming tatlo habang pinapanood ang mga alon sa dagat at pinakikinggan ang ugong nito. Kasisikat pa lang ng araw kaya hindi pa mainit sa balat ang sinag nito. Bukod pa riyan, ikalawang araw pa lang ng Enero—kasagsagan ng malamig na panahon.


Enero na subalit wala pa rin akong balita kay Jandrei o kaya kahit kay Tito Rafael man lang...


Malapit na rin ang buwan ng Pebrero. Nabanggit sa akin ni Rei noon na ipinanganak siya noong Araw ng mga Puso. Sayang, mukhang hindi rin namin iyon maipagdiriwang nang magkasama kagaya noong birthday ko.


"Ate, hindi mo pa rin ba nakikita si Kuya Jandrei kahit minsan?" tanong ni Yan.


Nanatili akong nakatitig sa dagat. Ngumiti naman ako, pero this time ay ngiting walang halong kapaitan. "Hindi pa, pero soon magkikita na ulit kami!"


"Yehey! Excited na kami para sa 'yo, ate!" Sabay pa silang dawala na pumalakpak. Mas lalo tuloy akong napangiti.


May dalawa lang naman akong pagpipilian, eh. Iyon ay kung iiyak na lang ba ako nang iiyak, o hahayaang malungkot ang sarili minsan at ang pagngiti ay dadalasan. Syempre, I choose the latter.


Kahit na isang balde pa ang iluha ko, hindi nito mababago ang sitwasyon, at kahit na umiyak pa ako nang umiyak, hindi ito makatutulong para sa amin ni Jandrei. Mabuti na lang 'yong ngumiti ako't ipagdasal siya. Kahit papaano ay nakakangiti pa rin naman ako dahil alam kong hindi naman pababayaan ng Diyos si Rei.


Isa pa, kahit paano ay gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nagde-devotion ako. Sinunod ko talaga 'yong suhestiyon ni Rei na mag-devotion ako, and thankful ako roon. He brought me closer and closer to God.


"Oh, maglaro muna kayo at magsusulat lang si ate," wika ko sa dalawang batang kasama ko. Sabay ulit silang tumango tapos ay medyo lumayo sila nang kaunti sa akin.


"Ate, narasan kami la (gutom na kami). Mauna na po kaming uuwi sa bahay," pagpapaalam ni Yen habang hinahaplos niya 'yong tiyan niya.


Kung sabagay, dapat nga ay kumakain na sila nang umagahan ngayon. Mapilit kasi silang sumama sa akin kanina noong nakita nila akong papunta ako rito.


"Samahan ko na kayo." Akma akong tatayo pero pinigilan ako ni Yen.


"Hindi na ate, kaya naman po naming umuwi mag-isa, eh," pagtutol naman ni Yen.


Sabagay, gusto ko munang mapag-isa rito. "Sige, mag-ingat kayo, ah!"


Sabay ulit silang tumango tapos ay patakbo na silang umuwi sa kanilang bahay. Tanaw na tanaw pa naman dito 'yong bahay namin at bahay nila, kaya tinalikuran ko muna ang dagat, at pinanood ko muna sina Yan at Yean hanggang sa tuluyan na silang nakapasok sa bahay nila.


Pagpasok nila ay humarap na ulit ako sa dagat at binuklat na ang journal na iniregalo sa akin ni Tito Rafael noong birthday ko. Dito na ako nagsusulat ng mga tula. Simula noong Pasko, araw-araw na akong nagsusulat ng mga tula tungkol sa aming dalawa ni Jandrei.


Napatulala muna ako sa mga alon habang nag-iisip ako kung anong isusulat ko. Pinakinggan ko na lang ulit ang ugong ng dagat at sinasabayan ito ng tila pagbulong ng hangin sa aking tainga.


"Bumubulong ang malamig na hangin sa aking tainga..." sambit ko saka isinulat iyon sa extra paper na kalakip n'ong journal. "Oh kay ganda kung ito'y tinig mo sana."


Ipinagpatuloy ko pa ang pagsusulat. Ilang beses na rin akong nagbura ng isinulat ko nang sa tingin ko ay hindi bagay ang linya sa tula. Ilang sandali pa ay tirik na tirik na ang araw. Kumakalam na rin ang aking sikmura—hindi pa pala ako nag-aalmusal.


Itinupi ko na lang 'yong papel at inipit iyon sa journal. Lumanghap muna ako ng sariwang hangin saka ako tumayo at bumalik sa bahay.


"Alas otso na pala!" bulalas ko pagkatingin ko sa orasan sa sala.


Minadali ko na lang ang pagkain; limang minuto lang yata ay naubos ko na ang kanin ko at ang ulam kong inihaw na tuyo. Hinugasan ko na ang pinagkainan ko tapos ay naglinis ng bahay, kasabay ng pagsasaing ko ng kanin. Huli kong iniluto 'yong ulam naming sarsiyadong tilapia.


Alas dies nang matapos ko lahat ng gagawin ko rito sa bahay. Kahit papaano ay nalilibang ko ang aking sarili sa paglilinis at pagluluto. Para na tuloy akong isang nanay.


"Inay..."


I frowned when I again remembered my inay. Tutulo na sana ang luha ko, pero tumingala na lang ako para mapigilan ito.


Paminsan-minsan ay naaalala ko pa rin si inay at naluluha sa tuwing nami-miss ko siya. Tapos, dumagdag pa 'yong pangungulila ko kay Jandrei...


Kinuha ko na lang ulit 'yong journal ko at sunod ko namang tinungo ay 'yong silong ng puno ng manggang madalas naming tambayan ni Rei noon. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko 'yong mga sandaling magkasama kami rito.


"Kailan kaya iyon mauulit?" tanong ko na lang sa kawalan tapos ay umupo na ako sa isa sa mga ugat.


Itinuloy ko na lang 'yong isinusulat kong tula habang idinuduyan ng hangin ang mga sanga ng puno ng mangga. Naglalaglagan ang mga dahon, at mayroon pang tuyong dahong bumagsak sa pinagsusulatan ko. Sariwa ang simoy ng hangin, pero mas maganda sana kung malalanghap ko ang amoy ng lavender...


Pagkalipas ng siguro ay dalawampung minuto ay natapos ko ang isinusulat ko at binasa ko na ito.


"Bumubulong ang malamig na hangin sa aking tainga

Oh kay ganda kung ito'y tinig mo sana,

Subalit hindi pa iyon mangyayari

Dahil wala ka pa sa aking tabi.

Niyayakap pa ako nitong hangin kanina pa,

Ngunit mas nanaiisin ko kung ito'y mga braso mo sana.


Ang ugong na lang ng maalong dagat

Ang sa aki'y patuloy na nakikipag-usap;

Mas gugustuhin kong marinig

Ang malumanay mong tinig.

Hindi pa makakamit itong aking inaasam,

Sapagkat hanggang ngayo'y 'di ka pa maramdaman.


Nawa'y lumakad ka na ulit papalapit sa akin,

Kahit na abutin pa ng dapithapon.

Handa naman akong ikaw ay hintayin,

Basta't makasama ka lang ulit gaya noon.

Sa dati nating tagpuan, ako'y iyong masisilayan,

Sapagkat nandito ako, naghihintay lang..."



NOONG sumunod na araw, himalang hindi pumalaot si itay. Nagising ako kaninang madaling-araw, pero siya himbing lang sa pagtulog. Akala ko ay may sakit na naman siya, pero noong ginising ko siya, sinabi niya na lang na matulog na lang daw ulit ako dahil may sasabihin siya mamaya.


At heto na nga, mag-aalmusal na kami, subalit hindi man lang niya ako kinakakusap. Inaalala ko tuloy kung may kasalanan ba ako sa kaniya, pero wala naman akong naaalalang ginawa kong kalokohan.


"Tay naman, ih. Bakit kanina pa po kayo tahimik?" tanong ko sa kaniya habang ihinahain ko 'yong umagahan naming kanin at pritong itlog.


"Sige na nga, umupo ka na dahil sasabihin ko na 'yong dapat kong sasabihin." Ngumisi pa siya.


Feeling ko may pa-surprise siya, though sa pagkakakilala ko kay itay ay hindi naman siya mahilig mag-surprise.


Umupo na ako sa tabi niya tapos ay sinimulan ko na ang pagkain. "Ano po ba 'yong sasabihin niyo?"


"Aalis na tayo sa islang ito," panimula niya.


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya tapos ay napatayo pa ako. "Talaga po?!"


Natawa naman siya sa reaksyon, at maging ako ay hindi inaasahang gan'on ang aking response. Hindi ko naman kasi inaasahang aalis kami sa islang ito. Buong akala ko nga ay dito na kami forever.


Umupo na lang ulit ako tapos ay nakinig sa sasabihin ni itay, habang patuloy kami sa pagkain.


Lilipat na raw kami sa Manaoag, town pa rin ng Pangasinan, sa susunod na linggo. Kahapon daw kasi, tumawag si itay sa kay Tita Celestina, kapatid niyang taga-Manaoag, para mangumusta. Sinabi ni tita na puwede kaming makitira sa kanila roon dahil tapos na 'yong pinapagawa niyang bahay nila ng pamilya niya.


Medyo malaki naman daw 'yong bahay nila, at may naghihintay rin daw na trabaho roon para kay itay. Mas makakapag-ipon din daw si itay roon ng sapat na pera para makapagpagawa rin kami ng bahay.


Super thankful nga raw si itay dahil may kapatid siyang napakabait. Sabi pa raw ni tita, may extra space pa raw sa likod ng bahay nila na puwede pang patayuan ng kahit maliit na bahay.


Pumayag naman si itay, kaya next week ay aalis na raw kami. Doon ko na rin daw itutuloy ang pag-aaral ko. Dahil hindi ko natapos ang second semester noong Grade 12 ako, uulitin ko na lang ang second sem sa Manaoag.


"Excite ka na ba, Eray?" tanong ni itay.


Tumango naman ako nang may ngiti sa labi, subalit agad nabura ang ngiti ko dahil sa ideyang pumasok sa aking isipan.


Napasimangot na lang ako dahil baka talagang hindi na kami makakapagkita pa ulit ni Jandrei. Kung sakali kasing balikan niya ako rito, hindi niya na ako madadatnan pa. Hindi ko na alam ang address niya dahil ibinenta na rin 'yong bahay nila, tapos ay hindi niya rin alam ang address ko sa Manaoag.


"Iniisip mo ba na hindi na kayo makakapagkita pa ulit ni Jandrei?" tanong ni itay.


"Paano niyo po alam?" tanong ko pabalik.


Ngumiti siya. "Kahit na hindi mo sabihin ay alam ko kung may problema ka base sa facial expression mo."


"Pakiramdam ko po kasi ay tuluyan nang mabubura ang daan patungo sa landas namin ni Jandrei sa isa't isa." Nag-iinit na ang mga sulok ng mata ko nang sabihin ko iyon.


"Baka talagang hindi kami ang itinakda ng Diyos para sa isa't isa," sabi ko pa.


Umiling naman si itay. "Huwag kang mag-aalala, anak, dahil naniniwala akong pagku-krusin ulit ang mga landas niyo sa tamang panahon."


"Sana nga po..."


"Eray, huwag ka nang malungkot. Isipin mo, kapag nasa Manaoag na tayo, mayroon nang internet connection. Madali mo na lang mahahanap si Jandrei sa internet."


Natigilan ako sa pag-e-emote nang sabihin iyon ni itay. Bakit nga ba hindi ko iyon naisip kaagad. Kapag nasa Manaoag na kami, mas malaking privilege ko na iyon para matunton namin ni Jandrei ang isa't isa.


"Ang galing mo talaga 'tay! Hindi ko po naisip iyon!"


"Oh, ituloy na nating kumain, ha?" Pinipigilan pa ni itay ang kaniyang pagtawa dahil ulit sa rekasyon ko.


Ipinagpatuloy na nga namin ang pagkain. Pagkatapos naming kumain ay sinabi ko kay itay na mag-chill na lang siya't pumasyal-pasyal dahil ako na ang bahala rito sa bahay.


"Mag-emote rin po kayo sa gilid ng dagat at sa silong ng mangga. Promise, maganda po roon," suhestiyon ko kay itay,


Kahit na palagi na kasi siya sa dagat, ni minsan ay hindi niya pa naranasang magliwaliw. Ni hindi niya pa nga siguro na-enjoy 'yong magandang ambiance sa gilid ng dagat habang lumalanghap siya ng sariwang hangin.


Noong makaalis na si itay ay ginawa ko na ang daily routine ko rito sa bahay. Hinugasan ko na 'yong mga pinagkainan namin; nilinis ko na rin 'yong loob at labas ng bahay; nagluto na rin ako ng para sa tanghalian namin.


Pagkatapos kong gawin lahat-lahat ng dapat kong gawin ay pumasok na ako sa kuwarto ko at kinuha 'yong aking journal.


"Time to write for Jandrei!"


Sa kama ko na ako nagsulat ng tula habang pasilip-silip ako sa labas ng bintana. Natanaw ko pa nga si itay na naliligo na sa dagat.


Ilang paglubog at pagsikat ng araw na lang

Ay magkakatagpo na muli ang dalawang nilalang;

Mga landas ay malapit na ulit mag-krus—

Ikaw at akong pinagtagpo ng Diyos.


"Sana mabasa mo rin ito," saad ko matapos kong isulat ang huling saknong ng aking tula.


Mabilis na lumipas ang oras kaya't sumapit na naman ang hapon. Habang nasa palengke pa si itay (nagbenta pa kasi siya sa palengke after lunch), ay isinagawa ko na ang aking plano.


Hinanap ko sa silong ng kama ko 'yong tungkod na ginagamit ko noon. Nang mahanap ko na ito ay dinala ko na ito sa pinto ng aming bahay. Pagkalabas ko ay pumikit na ako habang may ngiti sa aking labi.


"One... two..." Habang bumibilang ako ay humahakbang din ako, kagaya noong hindi ako nakakakita.


"Fifty." Eksaktong pagkabigkas ko n'on ay nararamdaman ko na ang paghampas ng alon sa aking paa.


Iminulat ko na ang aking mga mata at ihinagis ko ang aking tungkod sa buhanginan. Ipinagpatuloy ko naman ang aking paghakbang, hanggang sa umabot na ang tubig sa aking beywang.


Palalim ako nang palalim. Ganitong-ganito 'yong eksena noong unang nagkrus ang mga landas namin ni Jandrei. Sino nga bang mag-aakalang sa araw na iyon, natagpuan ko ang kabiyak ng aking puso.


"See you soon, Jandrei..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro