KABANATA 14 - Malabo
KONTENTO naman na ako sa paraan ng pag-uugnayan namin ni Jandrei. Masaya na ako sa pagpapalitan namin ng handwritten letters dahil I find it romantic. Mahirap ang long distance relationship, pero masaya naman ako kahit papaano dahil sa mga liham niya.
Every Tuesday ay hindi maipaliwanag ang saya ko dahil alam kong nandiyan na naman ang sulat niya. Subalit, noong nagdaang Martes, wala man lang siyang ipinadalang sulat, at hindi ko alam kung bakit.
"Jandrei..." bulong saka humikab.
Napatingin na lang ako sa glass wall, kung saan pumapasok ang mainit na sinag ng araw, habang pinaglalaruan ng mga kamay ko ang mga pahina ng sketchbook ni ibinigay ni Jandrei. Nang magsawa ako kakatingin sa sinag ng araw ay inilipat ko ang aking atensyon sa sketchbook.
Muli kong binuklat ang mga pahina at binalikan 'yong mga eksena kung saan magkasama pa kami ni Jandrei. Noong mga panahong iyon, kasama ko ang taong mahal ko, pero hindi ko naman siya nakikita. Ngayon naman, nakakakita na ako subalit hindi ko na kasama ang minamahal ko.
Bumuntong-hininga na lang ako at itinabi ito. Sunod kong kinuha ay 'yong textbook tungkol sa teaching. Habang nagbabasa ako ay pilit kong iniintindi ang mga nababasa ko, pero wala akong mapulot na aral. Hindi kasi ako makapag-focus dahil iba ang nasa isip ko.
"Magpapadala ba ng sulat ngayon si Rei o hindi na naman kagaya noong nakaraan?" tanong ko sa aking sarili.
Mag-a-alas tres na kasi, pero wala pa ring dumarating na mailman. Baka naman kasi wala na naman siyang ipinadalang sulat.
I get it, baka busy lang talaga siya. Maybe, I expected a lot na regular siyang magpapadala ng sulat every Tuesday. Masyado yata akong umasa. Siguro iintindihin ko na lang 'yong sitwasyon niya sa online class niya. Marami talaga siguro siyang ginagawa kaya hindi niya na maharap pang sumulat pa.
"Teaching as a profession means..."
Hindi ko na naituloy 'yong binabasa ko nang mapahikab ako. Pagkatapos n'on ay bumibigat pa ang talukap ng mga mata ko. Umubob na lang ako sa desk ko at pumikit.
"Five minutes lang," wika ko tapos ay humikab ulit, hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
"AIRYZA..." Napamulat na lang ako nang may marahang tumapik sa balikat ko.
"Nandito na 'yong sulat galing kay Jan-jan." Agad akong napabangon sa sinabi ni Tito Rafael.
Umayos ako ng umupo at pinunasan saglit ang aking mukha dahil baka may muta pa ako o kaya tumulong laway. Pagkatapos n'on ay kinuha ko na ang envelope kay tito.
"Akala ko wala na naman siyang ipapadala," nakasimangot na wika ko.
"Akala ko rin, eh. Pagpasensyahan mo na lang dahil baka busy," sabi naman ni Tito.
Tumango-tango na lang ako. "Thank you po sa pagdala rito."
Napakamot siya sa kaniyang batok. Magsasalita sana siya pero tanging pagbuntong-hininga ang ginawa niya.
"Wala bay problema (may problema ba), tito?" tanong ko.
"Gamin (kasi)..." Napatingin siya sa hawak kong envelope.
"Tungkol po ba kay Jandrei?" tanong ko pa.
Hindi muna siya nakaimik kaagad. Mukhang tungkol nga kay Jandrei dahil puwede niya namang sabihing 'hindi' kung iba ang pinoproblema niya. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. Nag-o-overthink na naman ako na baka may nangyaring masama.
Who knows kung may nangyari kay Jandrei kaya hindi siya nakapagpadala ng sulat last week?
"Basta, kahit ano'ng mangyari ay magtiwala ka kay Jandrei, okay?"
Mas lalo tuloy akong napaisip sa sinabi ni tito. Mukhang may itinatago siya sa akin; mukhang may nalalaman siyang ayaw niyang ipagsabi.
"M-May problema po ba sa kaniya? Please, tell me tito," pagmamakaawa ko. Umiling lang siya at ngumiti.
Hindi ako kumbinsido sa ngiti niya. Parang may itinatago talaga siya dahil nakangiti nga 'yong labi niya, subalit iba naman ang sinasabi ng mga mata niya. Parang may bahid ng lungkot at pag-aalala.
"Basahin mo na lang kung ano'ng nakalagay sa sulat niya," sabi niya na lang tapos ay umalis na siya.
Dali-dali kong binuksan ang envelope at binasa ang liham ni Jandrei.
My Beautiful Eray,
How have you been? Nakakakain ka ba nang maayos? Tuloy-tuloy na ba ang pagkakakita mo o may pagkakataong nanlalabo?
Pasensya ka na dahil ang dami kong tanong. Hindi kasi ako nakapagpadala ng sulat last week kaya I'm sorry din dahil doon. Masyado lang kasing ginagawa lately sa online classes. Sa totoo lang, hindi rin kasi ako okay noong mga nagdaang araw.
Ang daming problema lately, pero huwag kang mag-alala dahil bearable naman. Dahil sa kalungkutang nararamdaman ko, gusto tuloy kitang makita at yakapin. Kaya, ang ginagawa ko na lang ay paulit-ulit kong binabasa 'yong tulang isinulat mo noon para sa akin.
Sa aking pag-iisa, mas lalo akong nangungulila sa iyo. I know that these trials will end, at soon ay magkikita ulit tayo. I want to tell you about my longings and sadness dahil gusto kong maging honest sa iyo. Hindi ako naging open noon kaya babawi ako ngayon.
May problema kasi sa business nina mom and dad kaya hindi ako makapag-focus sa online class. Hindi rin kinakaya ng brain cells ko ang mga subjects namin, kaya may mga mababang grades ako. Kailangan kong bumawi sa finals ng first sem para hindi ako bumagsak.
However, don't worry about me dahil I have God who can help me. Tell me if you have problems too. Kung mayroon man, pasensya na dahil hindi kita madamayan diyan. The best thing that I could advice ay kumapit ka sa Kaniya.
Oo nga pala, how is your self-study? Sabi ni papa, bagong book daw ang pinag-aaralan mo ngayon. Tell me if you need more reference books. I'm also looking forward sa pagpasok mo sa university soon. I'm rooting for you, my future teacher.
I love you so much!
Love,
Rei
Hindi ko alam ang mararamdaman ko after reading his letter. Kaya pala gan'on ang sinabi ni tito kanina dahil may problema nga sina Jandrei. Hindi ko maiwasang maawa sa kaniya. I want to do something for him, pero alam ko namang wala akong magagawa dahil nandito lang naman ako.
Isa pa, tungkol sa business ng mga adoptive parents niya ang problema. Bukod pa riyan, subjects niya ang problema niya. Ano naman ang maitutulong ko roon? Wala akong kaalam-alam sa engineering.
Pray for him, Eray...
Gaya nga ng sabi niya, hindi ko kailangang mag-alala dahil may Diyos na tutulong sa kaniya. In fairness din sa kaniya dahil nag-o-open na siya sa akin ngayon.
Malapit na ang tuluyang paglubog ng araw kaya nagsulat na kaagad ako ng response sa kaniya. Pagkatapos kong magsulat ay itinupi ko na nang maayos 'yong coupon na pinagsulatan ko at ibinigay iyon kay tito.
I told him na okay lang ako, and he should not also worry about me. I also wrote how I long for him. Nag-sorry pa ako dahil wala man lang akong maitulong sa kaniya. Before I ended the letter, sinabi ko na I trust him a lot.
Yes, I have to trust him...
HABANG lumilipas ang mga araw, unti-unti ring lumalabo ang lahat sa amin, but I have to trust him. Unang araw na ng Disyembre, at ilang Martes na ring hindi nagpapadala ng liham si Rei. Ang huling sulat niya ay 'yong sinabi niya ang tungkol sa problema niya.
Ang dami tuloy pumapasok sa isip ko. Paano kung may iba pa siyang dinadalang problema? Paano kung may nangyari na? Paano kung nagsawa na siya sa akin? Paano kung tuluyan na siyang hindi magpaparamdam?
Puro na lang "paano".
Still, I waited for him every Tuesday. Habang nag-aaral ako sa library nila tuwing Martes, nag-aabang din ako sa pagdating ng liham niya, subalit wala akong nahihintay. Kapag nag-aaral din ako rito sa library nila tuwing Biyernes, umaasa ako na baka biglang may dumating na sulat niya, pero wala talaga.
Napaahon ako mula sa malalim na pagmumuni-muni nang bumukas ang pinto ng library. Pumasok si Tito Rafael na may hawak na isang puting monoblock chair. Inilapag niya iyon sa malapit sa tabi ko.
"Thank you dahil ang tiyaga mo sa paghihintay sa sulat niya," wika niya.
May lungkot sa mga mata ni tito. Hindi ko alam kung naaawa ba siya sa sitwasyon namin ni Jandrei o baka naman mas lumala 'yong problema nina Jandrei.
Hindi ako sumagot. Matipid lang na ngiti ang ipinukol ko dahil pakiramdam ko, kapag ibinuka ko ang bibig ko, ay tuluyan akong maiiyak.
Imbes na sumagot ay inabot ko na lang sa kaniya 'yong letter na isinulat ko kanina bago nagmuni-muni.
Kinuha niya naman iyon at marahan niyang tinapik ang balikat ko. "Lilipas din ito."
Pagkasabi niya n'on ay lumabas na ulit siya. Muli, mag-isa na naman ako rito sa loob ng library. Gustong bumagsak ng mga luha ko dahil hindi ko na alam kung ano ang iisipin o mararamdaman ko. Hindi ko man lang alam kung ano'ng nangyayari sa kaniya roon.
Lumumbaba na lang ako habang nakatitig sa textbook na binabasa ko kanina. Kahit na anong gawin ko, wala pa ring pumapasok na information sa utak ko.
Should I still wait for his letter? Uuwi na ba ako? May mapapala pa ba ako?
Kalahating oras pa siguro ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto ng library. Agad akong napatayo dahil sa excitement. Baka may dumating nang sulat si Jandrei!
"Oh, huwag ka nang magmukmok diyan, Airyza!" Malawak ang mga ngiti ni Tito Rafael pagpasok niya sa library. May dala-dala siyang large pouch na kulay puti.
"Kay Rei po galing iyan?" tanong ko.
Halos mapunit pa ang aking pisngi sa lawak ng ngiti ko tapos nagbabadiya ring tumulo ang aking mga luha dahil sa kagalakan.
Ipinatong niya 'yong parcel sa ibabaw ng study table, at mula sa kaniyang bulsa ay may inilabas siyang guting.
"Maiwan na kita dahil may bubuksan din akong parcel ko," pagpapaalam ni tito kaya napatango ako habang nakangiti pa rin. "Huwag nang sad, ah!"
Pagkaalis na pagkaalis ni tito ay kinuha ko 'yong gunting at binuksan 'yong parcel. Laman n'on ay ang makapala na libro yata na nabalutan ng bubble wrap, tapos nakadikit sa ibabaw n'on ang envelope.
Una kong binuksan 'yong envelope. Nanginginig pa 'yong mga kamay ko habang kinukuha ko 'yong laman nitong sulat. Nang mabuklat ko na ito ay maluha-luha koi tong binasa dahil pa rin sa kagalakan.
Airyza,
Kumusta na? I'm really really really sorry dahil ang tagal kong hindi nakapagpadala ng letter. I wasn't able to write because things became worse. I know, hindi ko dapat ito sinasabi sa iyo, pero alam ko ring mas mag-aalala ka kung wala kang kaalam-alam sa nangyari. Be that as it may, you should not worry too much about me. God is with me sa mga battles na ito, at alam kong victory ang result nito.
I trust you that you still trust me kahit na ganito ang nangyari. I want you to know also that I am still hopeful na ang relationship natin will not fail. Habang tumatagal at habang mas tumitindi ang trials na dinadaanan ng relasyon natin, mas lalo kitang minamahal.
Oo nga pala, I also sent you a gift. May ipinadala rin akong Bible para makapag-devotion ka na. May in-attach din akong note kung paano gumawa. Gusto ko kasi na hindi lang ang relasyon natin ang lumalago.
Gaya ng sabi ko noon, unexpected ang pagdating ng mga trials, gaya nitong trials na kinahaharap namin ngayon. Habang wala pang dumarating sa iyo, mas maiging maghanda ka na using the Word of God. Wala rin kasi ako riyan para damayan ka kung sakali.
Basta, ingat ka palagi at alagaan moa ng sarili mo. Mahal na mahal kita ngayon, bukas, sa susunod na araw, sa susunod na mga taon at dekada, at hanggang sa huling pagtibok na puso natin.
Love,
Rei
Napaupo na lang ako sa malambot na silya matapos kong basahin ang liham niya. Tila lahat ng mga tambak-tambak na katanungan ko ay biglang naglahong parang isang usok.
Gan'on pa man, hindi ko maiwasang mag-alala sa kung ano ang kalagayan niya ngayon. Pero, gaya ng palagi niyang sinasabi, I should not worry.
Napakagat na lang ako sa aking labi, habang tina-tap ng index finger ko 'yong table. Mag-alala man ako nang mag-alala ngayon, wala pa ring magagawa ito. I'm stuck on this island, tapos wala talaga akong kaalam-alam sa business problems nila.
Dumako ang aking tingin sa Bible na nababalutan pa ng bubble wrap. Para kahit papaano ay mawala itong pag-aalala ko, inalis ko na lang yung Bible mula sa pagkakabalot nito. It's a Tagalog Version na Bible at kulay pula ang pabalat nito.
My lips formed a curve as I scan the pages of the Bible. Agad ko rin iyong isinara at isinilid sa plastic pouch nang matanaw ko sa bintana na dumidilim na ang kalangitan.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagpaalam kay Tito Rafael.
"Salamat po ulit, tito! Babalik po ako rito sa Friday!"
Ngumiti lang naman siya at ihinatid niya na ako sa gate. Malamig ang simoy ng hangin, pero ang warm ng care ni tito sa akin.
"Ingat po kayo, tito," wika ko bago ako humakbang papalayo. Mga nasa sampung hakbang pa lang ako ng tawagin niya ang pangalan ko.
"Airyza!" tawag niya sa akin. Napahinto ako sa paghakbang at lumingon pabalik sa kaniya.
"Bakit po?" tanong ko habang nakangiti pa rin nang malawak.
"Ingat ka rin," tugon niya at kumaway pa sa akin. Malawak din ang ngiti niya subalit kahit na mula rito sa kinatatayuan ko ay kita kong nangingilid ang mga luha niya.
Nabura ang ngiti sa aking labi nang mapansin ko iyon. Hahakbang sana ako pabalik sa kaniya, subalit tumalikod na siya at isinara ang gate.
Ilang minuto muna akong nanatiling nakatayo nang mapagdesisyunan kong lumakad na ulit pauwi sa bahay.
Mas dumidilim na ang paligid, at mas lumalamig na ang simoy ng hangin. Habang humahaplos ang hangin sa buong katawan ko, tila may nararamdaman kong kaiba tungkol sa kalagayan ni Jandrei at ni Tito Rafael...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro