Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 12 - Linaw

TANGING ang buhos ng ulan ang naririnig ko. Malakas ang ugong ng ulan, subalit hindi naman nakabibingi. Kahit pa nakasara ang bintana ng aking kuwarto ay matindi pa rin ang pagyakap ng malamig na hangin sa akin.


Kinuha ko ang lamparang nakapatong sa maliit na mesang katabi ng aking kama, at pagkatapos ay lumapit ako sa salamin ng aking aparador. Napatitig ako sa aking repleksyon habang hawak ko ang lampara.


Simula noong bumalik 'yong paningin ko kaninang umaga, patuloy kong tinitignan sa harap ng salamin ang aking repleksyon. Hanggang ngayon, sa tuwing tinitignan ko ang sarili ko ay naluluha pa rin ako. Akala ko ay hindi ko na makikita pa ang sarili ko.


Kitang-kita ko na ulit ang kulay kayumanggi kong balat, ang maalong buhok ko na lumagpas na sa aking balikat, at ang aking round-shaped na mga mata. Ngayon ay nakita ko na rin ang guhit na peklat sa aking pisngi.


Ang peklat na iyon ay ang markang nakuha ko noong nabulag ako. Hindi ko alam kung maaalis pa ba ang peklat na ito sa paglipas ng panahon. Tila nagniningning naman ang maluluha kong mga mata habang tinititigan ko ang aking sarili sa salamin.


Kaninang tanghali, noong dumating si itay, nasa pinto pa lang siya ay agad na akong tumakbo papunta sa kaniya at agad siyang niyakap. Noong una ay inawat niya ako dahil daw baka madapa ako, subalit gayon na lamang ang paghagulgol niya nang mapagtanto niyang nakakikita na ako.


Naluha pa ako nang makita ko na muli ang mukha ni itay. Pumayat nang kaunti ang mukha niya tapos ay mas dumami na ang kaniyang puting buhok. Pati 'yong mga balbas niya ay namuti na rin.


Bumalik na ako sa aking kama at naupo roon. Ipinatong ko naman sa aking tabi ang lampara, at kinuha ang nakaipit na pulang hardbound sketchbook sa ilalim ng aking unan. Ito 'yong iniwan ni Jandrei para sa akin.


Simula noong bumalik 'yong paningin ko kanina, hindi ko pa binuklat ito. Abala kasi ako sa pagtingin sa sarili ko at sa pakikipag-bonding kay itay. Ni hindi na nga pumunta kanina si itay para magbenta sa palengke. Tapos ay walang humpay rin ang nagpapasalamat kay God kanina dahil nakakakita na akong muli.


Sayang nga kasi wala 'yong mga bagong kapitbahay namin. Na-ospital kasi 'yong kambal kanina dahil sa diarrhea, kaya hindi ko sila nakita.


Sayang din dahil dalawang tao ang wala sa tabi ko para i-celebrate ang muli kong pagkakakita.


Pagkabuklat ko n'ong sketchbook ay bumungad sa akin ang first page, kung saan naka-calligraphy ang "My Beautiful Eray." Sa ibaba noon ay nakasulat din ang "Para sa aking pinakamamahal na Airyza".


Bagamat malamig ay naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko. Umukit din ang ngiti sa aking labi.


Paglipat ka sa susunod na page ay nakita ko ang colored portrait ko. Kamukhang-kamukha ko talaga 'yong nasa portrait tapos ay detalyadong-detalyado rin. Pati 'yong peklat ko ay nalagay niya rin. Sa baba ng drawing ay nakasulat ang mga katagang "My beautiful Eray".


Sa mga sumunod pang pages ay mga drawing na nagpapakita noong mga panahong magkasama kami. Naka-drawing din 'yong eksena kung saan nagpapalamon na ako sa dagat. Sunod ay 'yong sinagip niya ako, at kasunod pa n'on ay noong nagpakilala siya sa akin.


Napangiti ako nang makita ko ang hitsura ni Jandrei sa drawing niya. Higit na mas matangkad siya sa akin. Mas maputi ang kulay ng balat niya kumpara sa kulay n'ong balat ko. Ewan ko lang kung ganito nga ang hitsura niya dahil drawing lang naman ito.


Nakaguhit din 'yong eksena tuwing nasa gilid kami ng dagat at hinihintay ang pagsikat ng araw. Sampung gan'ong eksena ang naka-drawing; pare-parehong view, subalit magkakaibang kulay ng damit.


Mayroon din 'yong mga drawings habang nasa silong kami ng mangga, tapos ay tumutugtog siya ng gospel song, at saka 'yong nagshe-share siya sa akin ng word of God. Halos lahat talaga ng mga eksena noong magkasama kami ay iginuhit niya.


Ang nasa last two pages naman ay ang eksena noong sinabi ko sa kaniyang umalis na siya, at ang eksena noong tuluyan na siyang umalis.


Hindi ko alam na may talent pala siya sa pagdo-drawing. Akala ko kasi ay sa music lang siya inclined—sa visual arts din pala.


Basta, makulay na makulay ang bawat drawing niya, na tila ba sinasabi niyang makulay na makulay rin ang bawat sandaling magkasama kami.


Napagtanto kong napakakulay nga ng pag-ibig. Dumadagdag ang kulay ng mga romantic views na pinuntahan namin, at mas lalong nagpaliliwanag ang kislap ng aming mga mata't ngiti sa tuwing magkasama kami.


Itiniklop ko na ang sketchbook at napangiti nang mapait. "Jandrei, I miss you so much..."


Bubuntong-hininga sana ako, subalit may naalala ako. "Oo nga pala! 'Yong mga pictures namin ni Jandrei!"


Agad akong tumayo at saka tinungo ang aparador ko. Hinila ko 'yong drawer at doon ay kinuha ko 'yong anim na mga pictures. Dito ko kasi itinago ang mga ito noon.


Pagkakuha ko n'ong mga larawan ay umupo na ulit ako sa kama ko. Ang unang picture na tinignan ko ay 'yong picture namin ni Jandrei habang nakaakbay siya sa akin, tapos 'yong right arm ko naman ay nakayakap sa beywang niya.


Dito ay mas nakita ko nang maayos si Jandrei. Nakasuot siya ng pale blue na polo kaya mas lumitaw ang kaputian niya. Matangkad nga siya dahil hanggang balikat niya lang ako. May kapayatan siya, pero hindi naman gan'on kapayat. Makapal ang kaniyang mga kilay at mayroon siyang round-shaped eyes, gaya ko. Basta, ang amo ng mukha niya.


Inilapag ko na ang picture na hawak ko, at sunod kong tinignan 'yong susunod na picture. Dito ay medyo malayo kami sa isa't isa. Baka ito 'yong dahilan kung bakit sinabihan kaming "closer" dapat.


'Yong isa pang picture ay 'yong nakaakbay si Jandrei sa akin. Parang naulit lang 'yong shot, pero dito ay nakalabas ang aking mga ngipin habang nakangiti. Sa naunang picture kasi ay labi ko lang ang nakangiti.


Sa pagkuha ko roon sa pang-apat na picture ay muntik na akong napatili. Hindi kasi nakatingin sa camera si Rei, bagkus ay sa akin siya nakatingin. Kahit picture lang ito, kitang-kita ko sa mga mata niya na parang malulusaw ako dahil sa pagkakatitig niya. Kung makatitig siya, parang in love na in love siya sa akin.


Pagktapos kong titigan ang mga pictures namin ni Jandrei ay 'yong dalawang group photos naman ang tinignan ko. Halos magkakahawig sina Ate Karen, King, at Ivan dahil nga they share the same blood. Mukha silang mga mestizo at mestiza.


Sayang, wala nga palang picture na kasama namin si Karen. Hindi ko tuloy alam kung ano ang itsura niya.


Finally, 'yong sa last group photo ay picture namin nina Tito Rafael at Rei. Nasa gitna nila akong dalawa.


"Parang older version ni Rei si tito, ah!" manghang-manghang wika ko.


Magkamukhang-magkamukha nga kasi talaga sila. May bigote at balbas lang si Tito Rafael tapos kayumanggi ang balat niya. Siguro ay kay Tita Tanya namana ni Jandrei ang kaputian niya o kaya naman ay laking city si Jandrei kaya maputi siya.


Pagkatapos kong tignan ang mga pictures ay napahikab ako. Lumalalim na rin kasi ang gabi at mas lumalamig pa dahil malakas pa rin ang ulan.


Inipit ko na sa sketchbook 'yong mga pictures, except doon sa isang picture namin ni Rei, at humiga na ako sa kama.


Titinitigan ko na lang ulit si Rei sa larawan habang pabigat nang pabigat ang talukap ng mga mata ko.


"Sayang, sa picture na lang kita nakita."


Sana, masilayan na kita nang harapan at maranasan ang pag-ibig mo habang magkasama tayo. Ito na ang pinakaaasam kong hiraya ngayon...


***


"ERAY! Nakakakita ka na!!!" Patakbong sigaw ni Tito Rafael mula sa pinto ng rest house patungo rito sa labas ng nakabukas na gate na itim.


Sinabi kasi ni itay kanina na ipaalam daw namin kay tito na hindi na ako bulag. Kaya naman nagpunta kami rito sa rest house para sorpresahin siya. Hindi niya kaagad napansin ang pagdating namin ni itay.


Noong napadpad ang tingin niya sa gawi namin, nagtama ang mga tingin namin tapos kinawayan ko pa siya habang nakangiti ako. Ipinakita ko pa ngang wala na akong hawak na tungkod tapos umikot-ikot pa ako.


"Sa wakas, nakita ko na rin kung gaano kayo kaguwapo!" biro ko sa kaniya pagkalapit niya sa amin.


"Kailan ka pa nakakakita? Paano nangyari?" sunud-sunod na tanong niya. Hindi niya naman maiwasang mapangiti nang abot hanggang sa kaniyang tainga.


"Kahapon lang po ng umaga bumalik ang paningin ko by the grace of God," tugon ko naman tapos pumalakpak pa.


"Ang galing naman!"


"Oh, nayari kamin unloob (puwede ba kamingpumasok)?" entrada ni itay kaya pare-pareho kaming natawa sa kaniya.


Ang ganda pala rito sa rest house nila. Sa harap pa lang kasi ng dalawang palapag na rest house ay mga samut-saring mga bulaklak. Sa labas naman ng pader, sa magkabilaang gilid ng rest house, ay puro mga puno na.


Pagkapasok namin sa loob ay namilog ang mga mata ko sa pagkamangha. Minimalist kasi 'yong interior design, pero napakalawak. Kakaunti lamang ang mga palamuti sa loob, pero ang kabuuan ay napakalinis na tignan.


"Oh, upo muna kayo," wika ni tito. Umupo naman kami ni itay sa pastel green na sofa na nasa sala.


Gaya ng inaasahan ko, pero kami kumsutahan at kuwentuhan nina Tito Rafael. Sinabi pa niyang masayang-masaya siya dahil nakakakita na ako. Asahan ko raw na ipaparating niya kay Jandrei ang tungkol sa akin.


On-going na rin daw ang first semester nina Jandrei through online class dahil wala pa ring face-to-face classes dala nitong pandemic. Tinanong ako ni tito kung anong plano ko sa pagpapatuloy ko sa pag-aaral ko, pero sinabi kong wala pa.


Hindi rin naman ako makakapag-online class dito, at saka hindi pa ako nakakapagpa-enroll. Malayo rin ang university rito.


Noong malapit nang sumapit ang tanghali, nagpaalam na kami kay tito. Pupunta pa kasi mamaya si 'tay sa palengke after lunch.


"Alagar (saglit lang), Eray.May kukunin lang ako saglit," sabi ni tito bago kami umalis ni itay.


Nagtungo sa second floor si tito, at pagkabalik niya ay may hawak na siyang short envelope. Inabot niya naman sa akin iyon.


"Ano po ito, tito?" tanong ko at napatingin sa hawak kong envelope.


"Basta! Sa bahay ninyo na lang iyang buksan," tugon niya.


"Ah, sige po. Thank you po ulit! Pakumusta na lang po kay Rei," saad ko na lamang bago kami tuluyang umalis ni itay.


Sinamahan ko na sa pagluluto ng lunch si itay. Siya ang nagsaing ng kanin tapos ako naman ang nagluto sa adobong tilapia. Masaya ako dahil bumalik na sa dati ang buhay ko. Nakakapagluto na ako at nakapaglinis na rin ako nang maayos kanina. Hindi na ako nangangapa.


Mabilis na lumipas ang oras. Tapos na kaming mananghalian ni itay, at tapos na rin ako sa paghuhugas ng mga pinggan. Nagpunta na sa palengke si itay, habang ako naman ay nagtungo na sa aking kuwarto.


Kinuha ko na sa kama ang nakalapag na envelope na binigay ni tito. Bubuksan ko sana ito kanina, pero may iba pa akong ginawa kanina.


Pagkabukas ko nito ay bumungad sa akin ang mga maraming pictures. Sampu lahat iyon noong binilang ko—puro mga pictures ni Jandrei. Awtomatiko naman akong napangiti.


Kinuha ko ang mga iyon at pinagmasdan. Lahat ng iyon ay pictures ni Jandrei habang nag-o-online class siya. Nakasuot pa siya ng wireless earphone, tapos mayroon naman 'yong picture na seryoso siyang nagta-type sa kaniyang laptop.


May isa pang picture na habang nagsusulat siya sa notebook niya at na-photobomb siya ni Ate Nechole sa likod.


"Mag-aral kang mabuti riyan, my future chemical engineer," bulong ko sa hangin at isinilid na ulit sa envelope 'yong mga pictures.


Kinakahpunan, pagkatapos kong magluto ng hapunan, ay nagtungo ako sa tabi ng dagat dala ang aking notebook at ballpen.


Naupo ako sa buhanginan at pinagmasdan ang kalangitang kulay kahel. Pati nga 'yong dagat ay nagiging kulay kahel na rin. Ngayon ko na lang ulit mapapanood ang eksenang ito. Sayang nga lang dahil hindi ko kasama si Jandrei habang pinapanood itong npakaromantikong eksena.


Sabay nga naming inaabangan ang paglubog ng araw noon, pero wala naman akong nakikita. Ngayon namang nakakakita na ako, wala naman siya sa tabi ko para sabay naming panoorin ito.


Bukas, panonoorin ko rin ang pagsikat ng araw; ang pag-aagawan ng dilim at liwanag; at ang unti-unting paglamon ng liwanag sa mga bituin, ngunit mag-isa kong gagawin iyon. Dahil wala na nga si Jandrei sa tabi ko.


Habang maliwanag pa ay nagsulat na lang ako ng tula. Isa sa mga na-miss ko ay ang pagsusulat nang walang balakid. Ngayon, ay makapagsulat na ako nang maayos. Makakapaghabi na ulit ako ng mga salita.


Maliwanag na...

Nasisilayan na ang paglubog ng araw,

At ang kahel na kalangitan,

Subalit hindi ka pa rin makita.

Lumulubog na nga ang araw,

Ngunit hindi ka pa rin masilayan.


Maliwanag na,

Subalit gumuguhit ang sakit sa puso.

Nalalasahan na ang mapait kong luha,

Ngunit wala ka pa rin sa tabi ko.

Lubos na akong nangungulila,

Kailan ka ba ulit makikita, aking sinta?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro