Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 11 - Araw

MAG-ISA na naman ako. Limang araw pa lang na naghiwalay ang landas namin ni Jandrei, pero pakiramdam ko ay isang taon na ang nakalipas. Nangungulila ako sa kaniya gaya n'ong kung gaano ako mangulilala sa pagkawala ni inay.


Unexpected ang pagdating ni Jandrei sa buhay ko, at hindi sumagi sa isip ko noon na mabilis ding maghihiwalay ang mga landas namin. Gan'on pa man, mahal na mahal pa rin namin ang isa't isa. Oo, may tiwala akong mahal pa rin ako ni Rei kahit malayo na ako sa kaniya.


Malamig ang simoy ng hanging yumayakap sa akin. Sigurado akong hindi pa sumisikat ang araw dahil nga hindi ko pa nararamdaman ang init nito. Pumikit na lang ako habang pinakikinggan ang ugong ng dagat.


Heto ako ngayon, mag-isang inaabangan ang pagsikat ng araw habang nakaupo sa buhanginan. Nakakapanibago dahil walang Jandrei na nagde-describe kung gaano kaganda ang pag-aagaw ng dilim at liwanag. Walang nagsasabi kung gaano kaganda ang kalangitang puno ng mga bituin.


Napangiti na lang ako at saka nilanghap ang sariwang hangin. Wala na akong nalalanghap na halimuyak ng lavender...


"Magkikita pa tayo soon," bulong ko sa hangin.


I am hopeful na tutuparin ni Rei ang pangako niyang magkikita pa kami. Sayang nga lang dahil hindi ko man lang siya nasilayan bago siya umalis. Subalit, I am also hopeful na God will open my eyes again.


Ito na siguro 'yong pinakamagandang iniwan sa akin Rei: ang magkaroon ng pananampalataya sa Diyos kahit na anong mangyari. Thankful ako sa kaniya dahil tinulungan pa niya akong makabalik sa Diyos.


Habang tumatagal ay mas umiinit na ang paligid. Halos hindi ko na maramaman ang malamig na simoy ng hangin. Kaya naman kinuha ko na ang tungkod ko at tumayo na, saka humakbang na ako patungo sa aming bahay.


Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso ako sa aking kuwarto. Kinuha ko sa ibabaw ng aking kama ang iniwang regalo sa akin Jandrei bago siya umalis. Hindi ko alam kung notebook ba ito o libro. Nang haplusin ko ang kabuuan nito, masasabi kong hardbound ito dahil sa tigas at kapal ng pabalat. Hindi rin naman kasi sinasabi ni itay kung ano ito dahil hindi ko rin naman tinatanong.


Hindi ko rin lang makita kung ano ang nakalagay sa notebook o librong ito, kaya marahan ko na lang itong ipinatong ulit sa ibabaw ng aking kama.


Nang wala na akong magawa ay kumuha na lang ako ng walis at basahan. Kakapa-kapa kong nilinisan ang bahay namin. Sa loob ng pitong buwan kong hindi pagkakakita, nasanay na rin ako. Kabisadong-kabisado ko na rin ang bawat sulok ng bahay namin.


Pagsapit ng tanghali ay narinig ko na ang boses ni itay—pati ang boses ni Tito Rafael! Mula sa pagkakaupo sa mahabang upuan namin ay tumayo ako para salubungin sila.


"Eray, kumusta ka la ëy (kumusta ka na)?" bati sa akin ni Tito Rafael pagkapasok niya sa aming bahay.


"Ayos ak met labat (ayos lang po ako)," tugon ko. "Buti ay nakapasyal po kayo rito."


Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "May nagpapakumusta kasi sa iyo. Miss ka niya na raw, eh."


Si Jandrei iyon for sure!


"Sino po?" tanong ko naman kahit na alam kong si Jandrei naman ang tinutukoy niya.


Habang nag-uusap kami ni Tito Rafael ay naghahanda naman si itay ng tanghalian namin.


"Si King, 'yong pinsan ni Jan-jan," tugon ni Tito Rafael kaya awtomatiko akong napasimangot.


Mayamaya'y humagalpak siya ng tawa. "Joke lang! HAHAHA! Halos hindi na maipinta 'yong mukha mo ngayon, ah!"


"Tito naman, eh. Miss ko na nga po 'yong anak ninyo tapos binibiro ninyo pa ako," biro ko rin sa kaniya.


"Oo na, pinapakumusta ka ni Jandrei. Miss na miss ka na rin daw niya, at gusto niyang malaman mo na mahal ka pa rin niya ngayon at hanggang sa hinaharap," pagsasalaysay ni Tito Rafael na para bang si Jandrei ang nagsasalita.


Kusang nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi ni Tito Rafael. Nakakainis si Jandrei! Pinapakilig ako kahit ang layo niya!


"Pasabi rin po kay Jandrei na sobrang nami-miss ko na siya kahit five days pa lang noong umalis siya," saad ko naman.


Nakuwento pa ni tito na nakapag-enroll na raw si Rei for this semester. Nagkakaroon daw sila ng communication ni Rei minsan kapag nagpupunta si tito sa bayan. Doon kasi ang may signal, so doon sila nagtatawagan.


"Oh, balik ulit ako rito next week, ha? Susubaybayan kita para sa anak ko," saad ni Tito Rafael pagkatapos naming kumain.


"Naks, suportado mo talaga ang anak mo, ah," biro naman ni itay.


"Syempre, kahit sa pamamaraang ito eh makabawi ako sa anak ko," tugon niya at bumuntong-hininga. "Nag-iisang anak ko iyon, eh. Isa pa, siya na lang natitira sa akin."


Hindi ko maiwasang malungkot para kay Tito Rafael. Matagal na ngang nawalay sa kanila si Jandrei, tapos sa batas ay hindi na sila ni Tita Tanya ang legal parents. Tuluyan namang naiwang mag-isa si Tito Rafael noong namatay si Tita Tanya.


"Nandito pa rin naman po kami ni itay, eh." Sana ma-comfort siya sa sinabi ko.


"Kaya every week akong pupunta rito! Isa pa, Eray, parang anak na rin ang turing ko sa iyo the moment na ipinakilala ka ni Jan-jan sa akin," saad ni Tito Rafael. Awtomatiko akong napangiti sa sinabi niya; ngiting may halong kilig.


"Talaga po?"


"Oo naman, gustung-gusto kaya kita para kay Jan-jan!"


Mas lalo namang lumawak ang ngiti ko. Tila mapupunit na ang pisngi ko sa lawak ng aking ngiti.


Mas napahaba pa ang kuwentuahn naming ni Tito Rafael, kaya si itay ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Saka lang siya nag-decide na umuwi no'ng pupunta na rin si itay sa palengke.


"See you po next week!" pahabol ko kay tito noong nakalabas na sila ni itay sa bahay.


Kampante naman na akong iwan ni itay mag-isa rito simula noong umalis si Rei dahil nakapag-cope up na ako. Bukod pa riya, mayroon na kaming kalapit na kapitbahay soon. Patapos na nga 'yong bahay na ipinapatayo n'ong new neighbor.


Baka bukas ay matapos na dahil hindi naman daw kalakihan 'yong bahay at parang bahay-kubo rin gaya sa amin. Actually, nagpunta nga roon 'yong mga titira sa bahay: mag-asawang nasa singkuwenta anyos at dalawang babaeng kambal na anak nila na nasa nine years old.


Pumunta rin sila rito sa bahay at sinabi nilang kung sakaling kailangan ko raw ng tulong, magsabi lang daw ako. Limang metro lang kasi 'yong layo ng bahay nila sa amin. Ang first impression ko sa kanila ay mabait sila.


Nagtungo na lang ako sa kuwarto ko at nahiga sa aking kama. Kinapa ko 'yong binigay ni Jandrei at niyakap iyon. Sa aking pag-iisa, muli kong nadarama ang pangungulila sa kaniya...


***


NILANGHAP ko ang sariwang simoy ng hangin. Dinama ng aking mga paa ang pinong mga buhagin habang nakaupo ako sa buhanginan. Wala akong ibang naririnig kundi ang huni ng mga ibon at ang ugong ng dagat.


Gaya ng dati, mag-isa pa rin ako rito. Noon, tuwing umaga ay madalas kami ni Jandrei dito sa gilid ng dagat: naglalakad habang magkahawak ang mga kamay, o kaya ay nakaupo sa buhanginan habang nagkakaroon ng malalim na pag-uusap.


Ngayon, hindi ko na iyon nararanasan. Wala nang kahawak pa ang aking kamay bukod sa tungkod kong kawayan.


Oktubre na. Dalawang buwan na ang nakalilipas simula noong umuwi na sa kanila si Jandrei. Tandang-tanda ko pa ang araw ng pag-alis niya—August 4. Walang araw na hindi ako nangungulila sa kanya gaya ng kung gaano ako nangungulila kay inay.


Speaking of inay, noong death anniversary niya noong September, balde-baldeng luha na naman ang iniyak ko. Wala si Rei para damayan ako, pero thankful ako dahil si itay at ang Diyos ang nag-comfort sa akin.


Wala kaming komunikasyon ni Jandrei dahil wala naman kaming contact sa isa't isa. Gaya ng dati, ipinapakumusta niya na lang ako kay Tito Rafael. Kahit na ikinukumusta niya ako, iba pa rin 'yong nandito siya sa tabi ko. Iba pa rin kung 'yong presensya niya mismo ang narito.


"Miss na miss na kita, Jandrei..." bulong ko sa hangin.


Naniniwala akong babalikan niya rin ako rito balang araw...


Mas lalong nangilid ang mga luha ko nang maalala ko si inay. "Nay, sobra na rin kitang nami-miss!"


Nangingilid na ang luha sa sulok ng mga mata ko, kaya tumingala na ako. Himalang naluluha ako ngayon.


Sa pagtingala ko, hindi ko pa rin nakikita ang kalangitan; wala pa rin akong nakikita. Dati kasi ay puro pangungulilang walang kasamang luha ang nararamdaman ko. Ngayon, may kasama nang luha.


Noong mga nagdaang mga buwan, nilibang ko ang sarili ko sa paglilinis ng bahay, at pakikipagkuwentuhan doon sa kambal na anak n'ong kapitbahay namin. Ikinukuwento ko nga si Jandrei sa kanila. Hindi ko hinayaan ang sarili kong malugmok dahil sa pagkaka-miss sa kaniya, pero ngayon, gusto ko talagang umiyak.


Napayuko na lang ulit ako habang hinahaplos ang hardbound na notebook na iniwan ni Jandrei sa akin. Mapait na tawa na lang ang lumabas sa aking bibig at napailing-iling.


"Gusto ko nang makakita... gustung-gusto ko nang makita ang paligid ko!" sigaw ko at tuluyan akong napaluha.


Hindi ako nag-alinlangan isigaw ang nararamdaman ko. Nasapawan naman kasi iyon ng ugong ng dagat dahil sa paghampas ng mga alon. Isa pa, medyo malayo naman ako sa bahay at kapitbahay namin.


Kung nakakikita lang sana ako, sana ay nakita ko pa si Jandrei bago nagkahiwalay ang mga landas namin. Yes, dahil sa kaniya, I regained hope and faith, pero hindi ko maiwasang maluha. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako nakakakita, kahit mraming gabi ko nang ipinapanalangin ang pagbabalik ng paningin ko.


Gan'on pa man, I still have faith na balang araw ay makakakita rin ako. Hindi man ngayon, pero soon.


Kahit na gusto akong ipa-check up ni itay, hindi niya magawa dahil nga mas naging kakaunti ang kita niya dahil sa pandemya. Sa Diyos na lang talaga kami kumakapit. Milagro Niya na lang ang hinihintay ko.


Kaya naman wala akong ginawa kundi magdasal at magtiwala, gaya ng palaging payo sa akin noon ni Jandrei.


Naalala ko rin 'yong sinabi ni itay noong nakaraang buwan. "Tayong mga walang-wala na, sa Panginoon na lang tayo dapat umasa. Manalig na lang tayo dahil walang imposible sa Kanya."


"Panginoon! Panginoon ko, hinding-hindi ako mapapagal na manalig sa Inyo. Kayo na lamang ang pag-asa ko..." pag-iyak ko sa Maykapal.


Tuluyan na akong napahagulgol habang nagdarasal at naghihintay sa Kaniyang himala. Sunod ko na lang namalayan ay unti-unti na akong nahiga sa buhanginan. Dahil na rin siguro sa pag-iyak ko, naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata, hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.


UNTI-UNTI kong iminulat ang aking mga mata dahil nagising ako ng malakas na ihip ng hangin. Nakapapaso na rin sa balat ang sikat ng araw, tapos ay nakasisilaw pa ang asul na kalangitan kahit na malabo ang paningin ko. Kumurap-kurap na lang ulit ako.


Teka? Bakit nakikita ko nang malabo ang kalangitan?


Agad akong napabangon dahil sa napagtanto ko. May nababanaag na akong liwanag!


Kinusot-kusot ko ang talukap ng aking mga mata, pagkatapos ay pumikit-pikit pa ako. Nakikita ko ang umaalong dagat sa harapan ko, subalit malabo pa rin ang aking paningin.


"N-Nakakikita na ba ako?" Kumurap pa ulit ako nang ilang beses.


Napapikit pa ako nang mariin dahil nasisilaw ako sa liwanag. Pumikit-pikit pa ulit ako, hanggang sa unti-unting nag-adjust ang paningin ko; unti-unti ko na ring nakikita nang malinaw ang dagat!


Dahil sa tuwa ay napatayo ako. "Nakakikita na ako! Nakikita ko na ulit ang dagat!"


Nagtatatalon ako habang rumaragasa ang aking mga luha dahil sa labis na kagalakan. Agad ko ring pinunasan ang mga luha ko upang mas malinaw kong makita ang paligid ko.


Napatingala rin ako habang suot ang malawak na ngiti. "Nasisilayan ko na ulit ang asul na kalangitan!"


Muli akong napaluha. Sunod naman napadako ang aking tingin sa paanan ko. Doon ay nakita ko ang hawak ko kaninang ibinigay ni Jandrei para sa akin. Isa nga itong hardbound na sketchbook dahil naka-print sa cover ang salitang "sketchbook".


Dahan-dahan ko iyong pinulot, at kasabay no'n ay nag-flashback sa aking isipan ang mga alaala ko noong kasama ko pa si Jandrei. Dahil doon ay mas lalo kong naramdaman ang pangungulila sa kaniya.


Masaya ako dahil naibalik na ang aking paningin. Ngunit, saka naman ako muling nakakikita noong wala na sa aking tabi ang taong nagpadama sa aking ng pagsinta. Kaya, masisilayan ko pa ba talaga ang kulay ng pagmamahal?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro