Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 1 - Alon

[Trigger Warning: There are scenes that show self-harm. Read at your own risk.]


NILALAMON ako ng tila walang hanggang kadiliman. Para akong nasa isang mahaba't madilim na tunnel. Ngunit, kahit ilang beses kong ihakbang ang aking mga paa, hindi ko mahanap ang liwanag—tila walang dulo.


Dinama ng kanang kamay ko ang katigasan ng kahoy kong tungkod, at nagpatuloy ako sa paghakbang. Kasing init ng aking mga luha ang pinong buhanginang inaapakan ko. Kahit tila may mabigat na nakapatong sa aking dibdib, at nakadagan sa aking mga balikat, patuloy kong ihinakbang nang dahan-dahan ang aking mga paa.


Hindi malamig ang simoy ng hangin, at medyo nakapapaso rin ang init ng araw. Dinig na dinig ko ang alon ng dagat at ang huni ng mga ibon.


"Thirty-seven..." bulong ko at muling humakbang. Pinakiramdaman ng aking mga paa ang pinong mga buhangin.


Mayamaya'y bumugso ang malakas na hangin. Kasabay n'on ang ugong ng dumaang helicopter. Awtomatikong napapikit ang aking mga mata nang pasukan ito ng buhangin. Nabitawan ko ang aking tungkod at tinakpan ang aking mukha.


Tila tintusok ng buhanging pumasok sa aking mga mata ang lumuluha kong mga mata.


"Ano ba iyan? Lagi na lang ganito!" iyak ko at pinunasan ang aking mga luha dulot ng aking pagkapuwing.


Itinuloy ko ang aking paghakbang kasabay ng pagbuhos ng aking mga luha. Kailan ko ba tuluyang matatakasan ang kadilimang ito? Napapagod na ako, at alam kong napapagod na rin si itay sa akin.


"Forty-five..."


Naramdaman ng aking mga paa ang basang buhanginan. Higit na mas malamig na kumpara sa tinatapakan ko kanina.


"Panginoon, iahon mo kami, lalo na ang aking anak na si Eray; nakakapagod na po."


Iyan ang narinig kong iyak kahapon ni itay noong nagdadasal siya. Kung gaano ako napapagod, mas napapagod na siya. Ilang beses ko na rin siyang naririnig na humihikbi mula sa kaniyang kuwarto.


Saktong pagkabigkas ko ng limampu ay naramdaman ko ang hampas ng tubig-dagat sa aking mga paa. Ihinakbang ko pa ang aking mga paa't naramdaman ko ang tubig sa aking beywang; palalim na ako nang palalim.


Umabot na sa leeg ko ang tubig at nakainom na rin ako nito. Mas maalat pa ang tubig ng dagat kesa sa aking mga luha. Ilang saglit pa ay tumama na ang malakas na hampas ng alon sa mukha ko.


Nakasinghot na ako ng tubig na nagdulot ng paghapdi ng aking ilong at mga mata. Mas bumilis rin ang pagragasa ng mga luha ko. Ito na ang huling pagkakataong makaiiyak ako dahil nalalapit na ang katapusan ko. Ito na lang din ang paraan upang mawakasan na ang paghihirap namin ni itay.


"Hindi! Hindi ito totoo, 'nay! Bangon ka la (Gumising ka na)!"


Muli na namang humampas ang alon sa aking mukha, at sa pagkakataong iyon ay tuluyan akong nilamon ng dagat, nanikip na rin ang aking dibdib, at nawalan na ako ng ulirat.



NAPAUBO ako at lumabas ang tubig mula sa aking bibig. Hinahabol ko rin ang aking hininga, kaya napahawak ako naninikip ko pa ring dibdib.


Muli akong napaubo at mayamaya'y umayos na ang aking paghinga. Ngayon ay napansin kong nakahiga na ako dahil ramdam ng aking katawan ang pinong mga buhangin. Hindi ko na rin nararamdaman ang dagat na kanina'y lumamon sa akin.


Siguradong nababalutan na rin ng buhangin ang kaninang puting-puti kong bestida. Napasinghot naman ako ng tatlong beses, habang nakahiga pa rin, nang makalanghap ako ng amoy lavender na humahalo sa sariwang hangin.


"Miss, are you okay now?"


Panlalaki ang boses na iyon, na may bahid ng pag-aalala!


"W-Wait... bakit tulala ka lang? Kailangan mong madala sa ospital!" Hinawakan niya ako sa aking braso at inalalayan ako sa pag-upo.


Sa paglapit niya sa akin ay mas lalong lumakas ang bangong dulot ng lavender scent. Siguro ay sa lalaking ito nagmumula ang amoy na iyon.


Aalalayan niya pa sana ako sa pagtayo, subalit agad akong umiling. "Bulag ako kaya ganito."


"Pasensya na. Nag-alala kasi ako dahil akala ko na-shock ka pa rin," tugon niya't umupo rin siya sa aking tabi.


Dinig na dinig ko pa rin ang alon ng dagat, subalit tuyong buhangin na ang nararamdaman ng aking mga paa. Marahil ay medyo malayo na kami sa gilid ng dagat. Malamig na ang ihip ng hangin, kaya nangangatog na ang buong katawan ko. Nagsisitaasan din ang mga balahibo ko.


I clenched my jaw when a chill went down to my spine. Pinagkiskisan ko rin ang mga palad ko.


Hanggang sa pakiramdam at pakikinig na lamang ako. Wala akong nakikita; hindi ko na nasisilayan pa kung gaano kaganda ang mundo. Ano pa ang saysay ng buhay ko kung ganito na lamang ako?


"I'm sorry dahil wala akong suot na jacket na maibibigay sa 'yo. If you want, I can walk you home na—"


"Sana hindi mo na ako iniligtas. Magpapatuloy na naman ako sa paghihirap," pamumutol ko sa sinasabi niya.


"You mean, you tried to end your life dahil bulag ka? Tingin mo ba ay tama iyon?" Litanya niya na animo'y concern na concern talaga siya sa akin.


"Wala ka na r'on. Hindi mo naman kasi alam ang sitwasyon ko kaya nasasabi mo iyan," sumbat ko. Muli namang pumatak ang luha ko.


"Pero, kasi, mas lalo ka lang magdurusa kapag ginawa mo iyon. Mabuti na lang talaga sakto ang pagdating ko."


Sino nga ba siya parang maging concern sa akin? Hindi niya naman ako kaano-ano at wala rin naman kaming koneksyon sa isa't isa.


"Sana hindi ka dumating. I was ready to be at peace, but you ruined my plan," pagrereklamo ko sabay punas sa aking luha.


"Wow, nag-e-english ka rin pala," biro niya sa akin.


I smirked. "Hindi porket sa isla ako nakatira ay hindi na ako marunog niyan. Nakapag-aral din naman ako hanggang Grade 12. With High Honors pa nga ako noong first sem ng Grade 12."


"Binibiro lang naman kita, eh. Ang seryoso mo kasi masyado; kaya ka tinatabunan ng problema dahil pinapasan mo ang bigat ng mundo."


Puro siya pangaral sa akin. Parang ang dami niya nang nalalaman sa buhay.


"Hindi ko ginustong buhatin ang burden ng mundo. Ang mundo ang nagpabuhat nito sa akin kahit na ayaw ko. Matatakasan ko na sana ang pahirap, pero naudlot dahil sa iyo."


Totoo naman, gustong-gusto ko nang magpahinga mula sa pang-aalipin sa akin ng mundo. Mangyayari lamang iyon kapag natapos na ang aking buhay. Kahit kasi ano'ng gawin ko, patuloy pa rin akong nasasadlak sa kadiliman.


Gaya ngayon, ni hindi ko makita kung lumubog na baa ng araw o hindi pa. Pati 'yong kagandahang dulot ng dagat ay hindi ko makita. Puro itim lang ang nasisilayan ko, and this is frustrating!


"Magi-guilty ang maiiwan mo. Tatanungin niya sa kaniyang sarili kung ano'ng ginawa niya't bigla mo na lang siya iniwan. Mamumuhay siya sa guilt dahil pakiramdam niya'y wala siyang nagawa para sa iyo."


Sa sinabi niyang iyon ay bigla kong naalala si itay. Nai-imagine ko kung paano siya umiyak at magalit sa kaniyang sarili kung sakaling itinuloy ko ang pagtapos sa aking buhay. Iniisip ko pa lang ay naluluha na ako.


"Duga ak, awa? (Tama ako, 'di ba?)" tanong pa niya sa akin pero hindi ako umimik. Pinunasan ko na lang ang tumulong luha ko.


"Gusto ko lang namang matapos itong paghihirap ko dahil hindi lang ako ang nahihirapan," sagot ko, sabay bumuntong-hininga.


"Papalubog na ang araw; kulay orange na ang langit at saka 'yong dagat." Iyan ang winika niya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi iyon.


Mema lang ba iyon? Memasabi lang?


"Bakit mo naman naisingit iyang kulay ng langit at dagat?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.


"Ang ibig kong sabihin ay tutulungan kita. Ako ang magiging mata mo sa mga bagay na hindi mo nakikita.


Bahagya akong natawa. "Bakit? Sino ka ba para gawin iyan sa akin?"


"Aba! Ako si Jandrei Evangelista, ang magiging mga mata mo at maglalayo sa iyo sa kapahamakan..."


TATLONG araw na ang nakalilipas simula noong sagipin ako ni Jandrei. Hanggang ngayon, palaisipan sa akin kung bakit ba siya nag-decide na tulungan ako. I'm just a complete stranger to him.


Napabuntong-hininga ako dahil dumagdag pa siya sa iisipin ko. Don't get me wrong. Iniisip ko siya dahil naguguluhan ako sa biglang pag-volunteer niyang tulungan ako.


Ayaw ko rin namang mag-assume na may gusto siya sa akin. Hindi naman kasi ibig sabihing mabait sa akin ang tao ay may gusto na ito kaagad sa akin. May mga taong likas talaga sa kanila ang pagiging matulungin o mabait.


Muli na naman akong napabuntong-hininga at napasapo sa noo ko.


"Oh, Eray, may problema ka ba? Kanina ka pa kasi bumubuntong-hininga riyan," sita sa akin ni itay.


Agad akong napailing. "Ah, wala po. May naalala lang ako bigla."


"Oh, ekstaktong alas kuwatro na pala ng madaling araw. Maiwan na ulit kita rito dahil papalaot na kami ng mga kasama ko," pagpapaalam ni itay.


Narinig ko ang pagkalansing ng lamparang dinadala niya sa pagpalaot. Kinapa ko ang aking tungkod, at agad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa mahabang upuang gawa sa kawayan.


"Sasama po ako hanggang sa dalampasigan!" wika ko habang suot ang malawak na ngiti sa aking labi.


Three days ago, para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ngunit, heto ako ngayon, pinipilit na ngumiti. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni itay ang pagtangka kong pagtapos sa aking buhay.


Wala akong balak sabihin sa kaniya ang nangyari. Alam ko kasing mag-aalala siya. Baka nga hindi na siya papalaot para lang mabantayan ako. Ngayon ay na-realize kong tama nga si Jandrei; hindi tamang tapusin ko ang buhay ko.


Pero gustong-gusto ko na talagang matapos ang paghihirap ko!


Noong inuwi ako ni Jandrei dito sa bahay, hindi namin nadatnan si itay. Mabuti nga iyon dahil kung nakita niya akong basang-basa, tiyak na mahuhulaan niyang tinangka kong magpakalunod.


Pagkarating namin sa pinto ng aming bahay ay kinapa ng aking kanang paa ang sahig upang hanapin ang akin tsinelas. Nang makapa iyon ng aking mga paa ay marahan kong sinuot ang mga iyon.


Noong nakalabas na kami sa bahay ay sumalubong sa akin ang katamtamang lamig ng simoy ng hangin. Inililipad naman ng hangin ang buhok kong hanggang ibaba ng balikat ko. Napapanatili ko ang sukat ng aking maalong buhok dahil si itay na ang gumugupit sa buhok ko.


Mabuti na lang ay makapal ang suot kong jogging pants tapos ay may suot din akong sweater.


Habang papalapit kami sa dagat ay palakas din nang palakas ang ugong nito. Malamig pa rin ang simoy ng hanging tila niyayakap ako. Nilanghap ko ang sariwang simoy ng hangin at huminga nang malalim.


Pagkaalis nina itay at ang mga kasama niyang mga mangingisda, umupo na ako sa buhanginan sa tabi ng dagat. Noong hindi pa ako nabubulag, parati kong inaabangan ang pagsikat ng araw.


Subalit, noong nabulag na ako, hindi ko na inabangan pang muli ang bukang-liwayway. Paano ko pa panonoorin ulit ang pagsikat ng araw; ang pag-aagaw ng dilim at liwanag; ang unti-unting paglalaho ng mga bituin, kung wala na akong nakikita.


Simula noong nabulag ako, ngayon ko na lang ulit hihintayin ang pagsikat ni haring araw—kahit na hindi ko nakikita.


Nagbabadiya ulit ang pagtulo ng aking luha dahil sa pagtingala ko ay hindi ko nakikita ang nagniningning na mga bituin. It feels like I'm in an endless void. Napayuko na lang ako at napakagat sa aking labi.


I want to hit myself upang mawala itong frustrations ko. Kahit malamig ang ihip ng hanging, inaapoy naman ng galit ang puso ko. I really abhor this situation!


Muli akong lumanghap nang may maamoy akong halimuyak ng lavender. Kaparehong halimuyak iyon noong unang magkrus ang mga landas namin ni Jandrei.


"Nawawala na 'yong mga stars, tapos bahagya nang nagliliwanag sa silangan. Unti-unti na kasing sumisikat ang araw."


Pamilyar sa akin ang boses na iyon—mas banayad pa ang boses niya kumpara sa tunog ng dagat.


"Jandrei?"


"Ang galing! Natandaan mo kaagad ang boses ko!" Narinig ko pa ang pagbungisngis niya't mayamaya'y umupo siya sa tabi ko. Mas lalo kong naamoy ang halimuyak ng lavender.


"Na-miss mo ba ako?" pabiro niyang tanong.


"Hindi naman. Bakit kita mami-miss?" pambabara ko pero agad akong ngumiti.


"This is a miracle! You are already smiling!" he exclaimed. "Hindi ko pa pala natanong ang pangalan mo."


Mas lalo akong napangiti dahil kahit hindi ko nakikita ang facial expression niya ay alam kong nakangiti siya.


Ano ba, Eray? Kanina ay inaapoy ng galit ang puso mo, tapos ngayon ay nakangiti ka na? ano ba'ng nangyayari sa iyo?


"Ako nga pala si Airyza Garcia, and thank you nga pala sa pagsagip sa akin, at sa pagpapa-realize na hindi tama ang naisip kong solusyon," pagpapasalamat ko sabay langhap pa sa fresh air na nahahaluan ng lavender scent; mas gumagaan ang feelings ko.


"Nice name, Airyza! Masaya akong natulungan at nakilala kita. Passion ko na talaga ang pagtulong sa mga tao," tugon niya.


"Kung hindi dahil sa iyo, malamang ay isa na akong malamig na bangkay ngayon. Sigurado rin akong parang isang talón na rin ang pagragasa ng luha ni itay ngayon," saad ko pa.


"Wow! That's deep! You talk metaphorically," manghang saad niya. "Are you a poet or a novelist? Parang gan'on kasi ang dating mo, eh."


"Both. I was a poet and a novelist." Pagkasabi ko n'on ay may kung ano'ng kirot na gumuhit sa aking puso.


Nawala rin ang ngiti sa aking labi, at unti-unti na naman tinutupok ng apoy ang puso ko.


"Grabe! Gifted ka manaya (Gifted ka pala)!"


"Noon lang iyon. D-Dahil sa kondisyon ko... I gave up my passion. Hindi ko na magagawang magsulat pa ulit ngayon," naluluhang wika ko. Ilang saglit lang ay tumulo na nga ang luha ko, na agad kong pinunasan.


"Makakapagsulat ka pa rin naman kahit ganiyan ka," saad niya. Sa sinabi niyang iyon ay napatawa na lang ako nang mapait.


"That's impossible. Para lang akong nagsusulat sa hangin niyan."


"You know the famous classical musician na deaf?" tanong niya na lamang sa akin.

"Ah, si Beethoven? Oo, kilala ko siya. Bakit mo naman siya naisingit dito?" tanong ko naman pabalik.


"Ang ibig kong sabihin, hindi naging hadlang sa kaniyang pagtatagumpay ang pagiging bingi niya. Gaya niya, 'you can still continue your passion kahit na bulag ka," paliwanag niya.


"How?" tanong ko. Hindi pa rin talaga ako kumbinsido sa paliwanag niya.


"I told you, ako ang magiging mga mata mo."


After that, naghari na ang katahimikan sa aming dalawa.



MARAMING mga araw pa ang lumipas. Nagiging masaya at meaningful din ang bawat nagdadaang araw ko dahil kay Jandrei. Kilala na rin siya ni itay dahil ipinakilala ko siya bilang kaibigan ko.


Lagi niya akong sinasamahang maglakad sa gilid ng dagat, damhin ang simoy ng hangin sa silong ng mangga, at magtampisaw sa mababang bahagi ng dagat. Higit sa lahat, lagi niya akong binabahaginan ng words of wisdom; ng Word of God.


Tinotoo niya ang sinabi niyang tutulungan niya ako at siya ang magiging mga mata ko. Subalit, habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kanya.


Ngayon naman, araw ng Sabado, isang buwan matapos niya akong sagipin, ay nagpapahinga kami sa ilalim ng puno ng mangga habang hinihintay ang pagsapit ng gabi. Malamig din ang may kalakasang ihip ng hangin.


"Ano na nga ba iyong sinasabi mo kanina, na sasabihin mo ngayon?" tanong ko kay Jandrei habang nakaupo kaming dalawa sa ugat ng puno ng mangga.


Naramdaman ko ang pagtayo niya at pumunta sa harapan ko.


"Eray, noong una, sinabi kong ikaw ang magiging mga mata mo dahil gusto kong makatulong sa iyo." Bahagya siyang huminto. "Pero, habang lumilipas ang mga araw, I realized na gusto kong maging mga mata mo ako dahil... dahil you mean a lot to me."


Bigla na lamang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko rin ay pinagbubuhol ang mga bituka ko. Nag-iinit din ang magkabilaang pisngi ko kahit na malamig naman ang ihip ng hangin.


"Airyza, umiibig ako sa iyo..."


Bago pa man ako makapag-react ay narinig ko ang pag-ugong ng kalangitan, hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan at pareho kaming nabasá.


Dumadaloy man ang malamig na ulan sa buong katawan ko ay hindi naman nito matangay ang nararamdaman kong... pag-ibig. Hindi tama ito... hindi ito puwede!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro