Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGO

Jandrei


MARAHANG lumulubog ang araw, at para bang magtatago na ito sa ilalim ng dagat mamaya. Tila maghahalo na rin ang maliwanag na kulay kahel at asul sa kalangitan. Ang mga kulay na iyon sa kalangitan ay naging kakulay ng dagat; mas nagniningning nga lang ang dagat.


"It's good to be back here. Napaka-divinely talaga ng sunset dito sa Isla ng Hiraya," saad ko sabay tingin kay Airyza. Hindi naman siya umimik. Nakangiti lamang siya habang nagsusulat sa kaniyang notebook.


Sa pag-ihip ng malamig na hangin ay ihinahangin din ang kaniyang mahabang buhok. Hinding-hindi ako magsasawang panoorin siya habang nagsusulat. God, I really love her a lot!


Actually, madalang na nga lang siyang makapagsulat dahil busy na rin siya sa pagtuturo sa school. Sobrang dami nilang paperworks. Ako naman ay isa na ring chemical engineer matagal na.


Ngayon na nga lang kami makakapagbakasyon pa ulit ni Eray dito sa isla. Kasama namin ang papa niya, si mom and dad, at si Papa Rafael.


Inalis ko ang rubber band na nakasuot sa wrist ko. Gamit ang aking mga daliri ay sinuklay ko ang kaniyang buhok, pagkatapos ay itinali ko na ang rubber band sa buhok niya.


Sa wakas ay tumingin na siya sa akin. "Thank you, Rei! Next time magpapagupit na talaga ako."


Tumitig naman ako sa mga mata niya. "Kahit ano pa ang hairstyle mo, you are still the most beautiful in my eyes."


"Pinapakilig mo na naman ako, eh." Napakagat siya sa kaniyang labi tapos ibinalik niya ang tingin sa kaniyang notebook. "Panoorin mo na lang ulit ang sunset!"


Umiling ako. "Nah, I would rather watch you writing. Higit kasi na mas maganda ka kumpara sa sunset."


Napatili naman siya nang mahina, tapos niyakap niya ako habang hawak niya ang kaniyang notebook at ballpen. Nakasuot naman sa right shoulder ang kaniyang pulang sling bag.


Kilig na kilig siya without knowing na mas kinikilig ako sa tuwing niyayakap niya ako. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.


Lord, thank you for giving this great lady to me.


Ang dami na naming pagsubok na pinagdaanan together, at lahat nang iyon ay nalampasan namin through God's grace. Ang mga pagsubok din na iyon ang mas nagpatatag sa aming dalawa. Habang nagpapatuloy ang relasyon namin ay nagkakaroon din ng trials, pero lahat nang iyon ay temporary lang.


Katulad ng sunset at tuluyang pagdidilim ng paligid, trials are temporary dahil sasapit din ulit ang sunrise. Isa pa, kagaya ulit ng sunset and darkness, may kagandahang itinatago ang pagsubok dahil we learned to trust God more, at mas lalo pa kaming nagmamahalan.


Noon, akala ko rin ay hindi na ulit kami magkikita pa ni Airyza. That time, I told God na Siya na lang ang bahala sa amin; I surrendered everything to Him. If we are really meant for each other, alam kong pagtatagpuin Niya ulit kami kahit gaano pa katagal.


Iyon na nga, nagtagpo ulit ang mga landas namin, at ipinagpatuloy pa namin ang aming pag-iibigan. However, noong college na siya, nag-lie low kami sa relationship namin, pero hindi kami naghiwalay. We both agreed na mas pagtuunan ng pansin ang pag-aaral.


That time rin kasi ay pareho na kaming nag-serve sa church where we attend until now. Mas naging priority namin ang pagse-serve for God.


Ipinagpatuloy na ni Eray ang pagsusulat niya kaya hindi ko na siya ginambala pa. I really love how her eyes glimmer sa tuwing nagsusulat siya.


"Matutunaw na ako niyan," sambit niya. Abala pa rin siya sa pagsusulat ng tula.


"How did you know na nakatitig ako sa iyo?"


"As usual, lagi ka naman kasing nakatitig sa akin habang nagsusulat ako," tugon niya.


Ngumisi naman ako. Mayamaya'y itiniklop niya na 'yong notebook tapos ay inilagay niya na iyon sa kaniyang sling bag, pati na rin 'yong ballpen. Hinarap niya naman na ako.


Napatitig ako sa pisngi niya na may peklat at hinaplos koi yon. "It's been a decade already pero nandito pa rin ang peklat na ito."


"Pero mas nag-fade na. Isa pa ay hindi naman masakit, eh." Hinawakan niya naman ang kamay kong humahaplos sa kaniyang pisngi.


"Okay lang dahil you are still beautiful kahit na mayroon ito," puri ko ulit sa kaniya.


"Rei, thank you nga pala for saving me that day. I'm so grateful na nakilala kita 10 years ago," saad niya.


Binitawan niya na ang kamay ko kaya inilayo ko na rin ang kamay ko sa pisngi niya. Ngayon ay siya naman ang humaplos sa pisngi ko.


"Thank you for loving me kahit na gan'on ang sitwasyon ko noon. Salamat sa unconditional love mo," sabi pa niya.


"Because I love you for who you are. Ikaw si Airyza kaya mahal kita. Hindi mahalaga sa akin kung nakikita mo man ako o hindi. Everyone deserves real love kahit ano pa mang imperfection ang makita."


"God really taught you how to love." Mas lalo pa siyang ngumiti.


"Oo naman. Mahal na mahal Niya ako kahit na hindi naman ako matuwid. He's a God of unconditional love."


Ibinaba niya na ang kaniyang kamay tapos ay isinandal niya ang kaniyang ulo sa balikat ko. Pinagmamasdan niya ang unti-unting paglubog ng araw. Niyakap ko naman siya dahil mas lumalamig na ang ihip ng hangin.


"Grabe, marami pa ring bumibili sa volume one no'ng poetry book mo, samantalang mayroon nang bagong volume na nilabas four years ago," sabi ko habang pinapanood din ang sunset.


Nine years ago noong ni-launch 'yong "JANDREI: Pag-ibig at Paghihintay (Vol. 1)", tapos four years ago ay 'yong "JANDREI: Muling Pagtatagpo (Vol. 2). Kahit na matagal nang nai-launch 'yong mga books niya, hanggang ngayon ay patok pa rin!


"Kaya nga, eh," bulong niya. "Maraming taon na pala ang nakalipas."


"Oo nga! Parang kahapon lang nangyari ang lahat," pagsang-ayon ko. "Today is also our 10th year anniversary as lovers."


"At ngayon ay fourth year anniversary ng marriage natin." Muli niya namang inilabas 'yong notebook na pinagsusulatan niya ng mga tula niya. Ibinigay niya iyon sa akin.


"Why are you giving this to me?" tanong ko.


"Read it later bago tayo matulog. That's the third volume ng poetry book ko. Gusto ko ay ikaw ang unang makabasa niyan."


Nag-init naman ang aking mga pisngi. Mas lumawak ang aking ngiti habang mabilis na pumipintig ang puso ko. Kinikilig ako!!!


Binuklat ko sa fist page 'yong notebook. "JANDREI: Pinagbuklod ng Langit (Vol. 3)" ang nakalagay na title.


"Wow! May third volume na!"


Kinikilig talaga ako sa mga tula niya para sa akin!


"That's my gift for you ngayong anniversary natin," wika niya at niyakap ako.


"Happy 4th anniversary, my beautiful Eray," bati ko naman sa kaniya.


"Happy 4th year din, and many more years to come," tugon niya. Mas humigpit pa ang yakap niya sa akin.


"Three years old na si James. Kailan ba natin siya bibigyan ng kapatid?" biro ko sa kaniya.


Humalakhak lang naman siya tapos ay humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Marahan ko namang pinisil ang pisngi niya.


Ang cute niya talaga! Namana ni James ang kayumangging balat ni Eray, pati na rin 'yong manipis niyang labi. Pareho naman kami ni Eray na round-shaped ang mga matang kulay kape kaya gan'on din ang kay James.


Napakalambing na bata ni James at lumalaking lolo's boy. Sobrang lambing niya sa tatlong lolo niya: sina 'Tay Ariel, Papa Rafael, at Daddy Harold. Madalas nga siyang bisitahin ng mga lolo niya sa bahay. Napapadalas din ang pagdalaw namin sa puntod ni Mama Tanya at mama ni Eray—nilipat na rin sa Manaoag 'yong labí ng mama niya.


"Ano naman ang regalo mo sa akin?" pabirong tanong niya.


Ibinulong ko naman sa tainga niya ang tugon ko. Naitulak niya naman ako tapos ay kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mga pisngi. Napahalakhak tuloy ako sa reaksyon niya. Sinabi ko lang naman na another baby ang regalo ko, eh.


"T-Tara na nga! Baka hinahanap na tayo ni James!" Nag-iwas siya ng tingin pero namumula pa rin siya.


"Busy iyon sa mga lolo niya. Isa pa, nandoon sina Ate Yan at Yen niya," sabi ko naman.


"Dumidilim na, tara na!" pagpupumilit niya. Kinuha niya na sa akin 'yong notebook tapos ay inilagay niya na iyon ulit sa sling bag niya.


Pagtayo naming dalawa ay marahan ko siyang hinila papalapit sa akin. Muli kaming nagkatitigan. Sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko!


"Masaya ako dahil natupad na ang mga hiraya ko. Dahil sa iyo, nasisilayan ko na kung gaano kakulay ang pag-ibig kahit na ipikit ko ang mga mata ko. Napagtanto kong nagiging makulay ang pag-ibig kapag kasama ko ang taong nagpapadama sa akin ng totoong pagmamahal," pagwawari niya.


"You deserve it all, my beautiful Eray. Deserve nating lahat na masaksihan kung gaano kakulay ang pag-ibig sa iba't ibang paraan, ano pa man ang ating kondisyon, dahil makapangyarihan naman ang pag-ibig."


Ngumiti naman siya at napakagat sa kaniyang labi. Napatitig ako sa kaniyang labi. Hindi ko namamalayang unti-unti nang nagkakadikit ang mga labi naman. Nararamdaman ko na ang paghinga niya.


"I love you so much, Airyza Evangelista," bulong ko.


At sa tuluyang paglubog ng araw at pagsikat ng bilog na buwan, tuluyang naglapat ang mga labi namin. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto iyon tumagal.


Alam kong sa pagpapatuloy ng pagiging isa naming dalawa ay may mga pagsubok pa kaming kahaharapin. Sabay namin iyong haharapin at malalampasan namin iyon dahil sa Kaniya.


We will keep on loving each other until the last beat of our heart. At gaya noong ipinangako ko sa aming pag-iisang dibdib, sa hirap at ginhawa, magiging parte ako sa pag-abot ng mga hiraya ni Eray...


- WAKAS -

---

Thank you for reading this story. God bless you all!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro