Chapter 8
Kai's P.O.V
"Hoy letsugas na barako! Gumising ka na nga diyan! Buhusan kita ng tubig eh"Kuya sabay yugyug sa balikat ko. At dahil dinistorbo niya ang gwapong tulog ko, agad ko siyang sinipa sa omelette niya.
"Nak ng teteng!"Kuya. Psh, buti nga sayo eh. "Kung hindi ka pa din babangon diyan, ipapakita ko talaga tong mga nakakahiyang picture mo sa mga kaibigan mo, sige ka", pangblackmail ni Kuya sa'kin na ikinabangon ko kaagad ng di oras.
Aba malamang! Ka gwapo-gwapo mong tao tas gusto mo bang ipagkalat sa lintek mong Kuya ang mga nakakahiyang pictures? Malamang hindi!
"Letse ka talaga minsan palagi. Alis!", pagtaboy ko sa kaniya at agad naman siyang umalis. At talagang ngisihan niya pa ako.
Sus. Swerte siya naiwan ko yung gunting. Guguntingin ko talaga ngipin nun. Pwede ba yun?
Pagkatapos kong naligo ay agad kong sinuot yung P.E uniform ko at lumabas na. Saktong paglabas ko ay nabungad ko kaagad si Mama.
"Oh! Hi anak! Kain ka na", sabi ni Mama sa'kin pero ngitian ko lang siya.
"Wag na Ma. Wala kasi akong gana. Tsaka may pandesal at cheesewhiz naman din ako sa bag kaya ito nalang ang kakainin ko. Sige alis na po ako", sabi ko sabay halik sa pisngi ni Mama.
Actually, wala talaga akong ganang kumain. Ewan ko lang bakit. Malamang nawalan nga ng gana eh ulol. Hanudaw?
Nakita ko ang tipaklong na lumabas na sa pintuan kaya dali-dali ko namang hinabol siya sabay batok. Nagmamadali na naman ba ang matandang ito? Tss.
"Aray! Nambatok ka pa ah! Bilisan mo nga diyan! Naghihintay na girlfriend ko dun. Mamamatay na talaga ako kapag mainis yun", sabi ni Kuya sabay sama ng tingin sa'kin. Ahh sus! Landi talaga sa gagong ito. Galing lumandi pero akalain mo sagot niya sa 3+3 krismastri daw?
"Heh! Puro ka lang landi diyan! Pero tingnan mo yung grades mo, mas pula pa sa lipstick ni mama. Hahahaha", pangasar ko sa kanya na mas ikinasama pa niya ng tingin sa'kin.
"Tumahimik ka diyan! Kunin ko yang dila mo eh", sabi ni Kuya at sumakay na sa kotse kaya sumakay nalang din ako bago pa mainip ang unggoy na'to.
Habang nasa loob kami ng kotse, hindi ko mapigilan ang pagtawa ko.
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami kaya agad na akong bumaba sa kotse at sabay na kaming pumasok ni kuya sa campus. Malamang sa campus. Alangan namang sa mall, diba?
Mabilis lamang akong nakarating sa harapan ng room namin, nagtaka ako nung may lalakeng humarang sa pinto at talatang kinindatan pa ako sa bushit.
"Hi beautiful", sabi neto. Teka, ano? Beautiful? Yak.
"Gusto mo bang masipa ko yang ano mo diyan, pre?", agad na tanong ko na ikinagulat niya pero agad naman niya itong pinalitan ng ngisi. Tss, halatang natatakot na ang animal.
"Interesting. Jonel nga pala. Pinakagwapo at pinakamacho sa campus na'to", sabi niya.
"Share mo lang? Tumabi ka nga diyan!", inis kong bulyaw sa kaniya pero halatang di nakinig ang loko.
"Tumabi.Ka.Diyan", seryosong sambit ko at umusog naman siya ng kaunti pero nung nakapasok ako sa room ay agad niya akong hinila palabas ulit.
Bugbog o dignidad?
"Gusto mo yatang masipa ko yang itlog mo no?", gigil kong tanong pero tinawanan lang niya ako. Sige, tumawa ka lang diyan dahil mamaya, iiyak ka na.
"Kung kaya mong masipa", sabi niya. At dahil masunurin ako na bata, hindi na ako nagdadalawang isip pa kundi agad kong sinipa ang omelette niya. Kaya ayun, napahiga siya sa sahig sa kahapdi.
"Potaaa araaayyy!", pagmura niya.
"Oh ayan, nasipa ko na. Welcome", sabi ko sabay pasok na sa room at umupo na sa upuan.
"Oh? Anong ginawa mo sa lalakeng yun at talagang nakahiga pa siya sa sahig?"Tanong ni Jacob sabay turo sa lalakeng nakahiga sa sahig.
"Nag request kasi siya na sipain ko daw itlog niya. Kaya ayun", sabi ko na ikinahagalpak lang nila ng tawa.
Maya-maya palang ay nandito na si Sir kaya agad kaming napaayos ng upo.
"Okay good morning class, so today we'll having our quiz in AP so get 1/4 size of paper"Sabi ni sir sabay upo sa swivel chair niyang sira.
"Ano sir? Wamport?", tanong ni Jacob. Hanep ah? Kaaga-aga pa naging bingi na.
"Ask your seatmate, Jacob"Simpleng sabi ni sir. At dahil seatmate ko si Jacob, bigla siyang tumingin sa'kin sabay ngisi ng nakakaloko.
"Anong klaseng papel?", tanong niya.
"Yung papel na pwedeng masulatan ng ballpen", simpleng sagot ko na ikinasama lang ng tingin ni Jacob sa'kin.
"Ano nga!", inis niyang tanong.
"Yung papel na kulay puti"
"Gusto mo bang reypin kita diyan ha?", seryosong tanong ni Jacob kaya agad ko siyang tinapunan ng lapis.
"Wamport raw kasi! Tss. Makinig ka nga sa susunod! Kaaga-aga pa tas naging bingi ka na? Tss", sabi ko pero nakapout lang siya sa'kin. Ulol. Feeling cute ang buang.
After sa quiz ay snacks na kaya agad akong tumayo para isasauli sa locker 'tong mga librong tapos na. Then after that, dumiretso na kami sa canteen.
Nasa canteen na kami at nakita ko yung 3's Marias na papalapit sa'min. Ano na naman kaya ang gusto sa mga itlog nato?
"Hi Kai", bati nilang tatlo sa'kin. Himala yata? Na-exorcism na ba ang tatlong to? Charot.
"Low", simpleng bati ko sa kanila. Nagulat ako nung bigla akong hinila ni Gracel at wala akong alam mismo kung saan niya ako dadalhin.
Tulong! Rape! Sexual harassment! Child abuse!
Char. O.A lang.
^_^
"Bitiwan mo nga ako! Wag mo akong nakawin sa mga barkada ko! Letche", inis kong sabi pero hindi siya nakinig. Bingi din ba ito?
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa garden. Ano naman ang gagawin namin dito aber? Mandilig ng halaman, ganun? Lul.
Nagulat nalang ako nung biglang lumuhod si Gracel sa harapan ko. Ano naman ang plano sa butiki na'to?
Pero nung narealize ko na lumuhod siya, baka magpropose siya sa'kin?
Ay bongga. Ang galing talaga ng utak mo Kai no? Kanina rape, eh ngayon propose na naman. May babae bang mag propose sa isang gwapong nilalang na kagaya ko? Lul. Kung ganun man talaga yun, edi wow.
Nung lumuhod na siya ay agad niyang hinawakan ang kamay ko.
Hala shit! Di kaya'y totoohanin niya ang propose? Ampucha ayokong maasawa ang isang basura! Mayghad cassie!
"Kai, pasensya kana sa mga ginagawa ko ah? Sorry talaga, tsaka promise! Hindi ko na uulitin lahat yun. Please forgive me, please!", sabi niya. Take note, nakapout siya sa lagay na yan ah. Mukha siyang ewan. Kahapon pa siya sorry ng sorry sa'kin ah? Tss. Ang plastik sa animal. Style mo bulok uy.
"Hoy! Magsalita kang bruhang ka! Sorry na oh!", sabi niya. Oh, kita niyo yun? Nag-sorry pa nga siya, tatawagin pa niya ako ng bruha? Bitch please. Well, I'll show you bruha then. Bruha pala ah.
Tiningnan ko lang siya gamit at hindi ako nagsalita hanggang sa nag bell na.
*Bell rings*
At dahil nagbell na, akmang aalis na sana ako kaso bigla na naman niya akong hinila pabalik.
Pigilan niyo ko, isasalvage ko talaga ang ga kamay niyang mabaho.
"Sagutin mo muna yung tanong ko please. Apology accepted na ba?", tanong niya. Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon at tinuro ko yung upuan sa di malayo.
"See that chair over there? Sit there, relax and wait for me to care", sabi ko at umalis na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro