Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

-KINUMAGAHAN-

Kai's P.O.V

"Hoy! Ulam ko 'yan!", inis na sabi ni Kuya tsaka ako sinamaan ng tingin.

"Ulam mo ay magiging ulam ko din. Wag kang buraot kasi mukha mo mabantot.", sabi ko tsaka ko siya binelatan. Maagang-maaga pa ngunit umuusok na ang pwet niya.

"Pati ba naman ngayong umaga nag-bangayan kayo? Kailan niyo ba ako tatantanan ha?", agad na sabi ni mama na ikinatingin naman naming dalawa ni Kuya sa kaniya.

"'Tong tboom naman kasi eh. Napaka-buang.", sabi ni Kuya na ikinatingin ko naman kaagad sa kaniya. Sinong buang ulit?

"Ansabe mo?", tanong ko.

"Utak mo may ubo.", sagot naman niya sabay kumaripas ng takbo. Aba't tinakasan ako!

"Aba hoy!", inis kong bulyaw at akmang susundin na sana siya kaso mabilis akong hinila ni mama na ikinahinto ko kaagad.

"Tama na. Ang liit-liit mo masyado para habulin ang isang impakto.", sabi ni mama na ikinabulyaw ko naman sa pagtawa. May kakampi pala ako.

"Rinig ko yun, ma!", bulyaw ni Kuya galing banyo. Laptrip ampota.

"Alam ko dahil may tenga ka!", sigaw din ni mama pabalik. Aba't nag-sigawan pa nga.

Maya-maya pa lamang ay tapos na kami sa mga morning routines at oras na naming pumunta sa school kaya nagpaalam naman kami sa aming magandang ina bago sumakay sa kotse sa halimparot kong kuya.

"Tara na. Bilisan mong mag drive.", asar ko kay Kuya. Ewan ko ba pero parang sumasaya ang mood ko kapag nababad-mood siya. Demonyo talaga ako eh buset.

"Aba'y napaka-hayahay naman ng life mo. Ano tingin mo sa'kin? Driver? Mahiya ka naman sa gwapong 'to, Kai!", seryoso niyang sabi na ikinakunot lamang sa noo ko. Ang hangin ng putik!

"Ulol! Ang hangin mo uy. Mag drive ka na kasi upang makarating tayo ng mabilis sa school!", sabi ko ngunit di ako pinansin sa diablo. Edi wao. Famous ka? Ha? Hatdog. "Tsaka wala nga kasing makakapantay sa kagwapuhan ko, Kuya! Mahirap bang intindihin 'yun?", dagdag ko.

"Secret.", ang tanging sabi lamang ni kuya tsaka niya pinaharurot ang sasakyan. Buang talaga 'to eh. "Kilala mo si Aldrin, diba?", biglaang tanong ni Kuya sa'kin sa gitna ng pagbi-biyahe namin.

"Oo. Matalik na kaibigan ko yan. Ba't mo naman natanong? Inlove ka sa kaniya no?", pasunod-sunod kong tanong. Napangisi naman ako nung nakita ko ang mukha niyang nainis.

"Pwet mo inlove. Babae tirada ko tol. Ulol.", sabi ni Kuya. Ay weh? Babae tirada ngunit ang mga galawan niya malapit na din maging babae. Charot.

"Bakit mo naman natanong?", ako naman ulit ang nagtanong sa kaniya.

"Sus. Wala ka na dun."

"Ano nga, Kuya?"

"Wala lang kasi."

"Ano nga kasi!"

Bahala ka diyan. Di kita uurungan.

Napaginhawa na lamang siya ng malalim tsaka ako tiningnan sa rear view mirror. "Wala. Nga. Kasi."

"Ano nga?"

"Sabing wala eh."

"Sabing ano eh!"

"Kai naman, ang kulit!"

"Pwet mo may racket. Ano kasi!"

"Ikaw din naman pwet ko."

"Ang gwapo ko masyado para maging pwet mo."

"Hangin."

Bigla kaming natahimik. Ngunit di talaga ako titigil sa pagtatanong hangga't sa malaman ko 'yung pesteng rason.

"Hoy, di pa tayo tapos! Bakit mo nga kasi natanong tungkol kay Aldrin?", sabi ko sa kaniya.

Sinamaan niya lamang ako ng tingin sa rear view mirror tsaka ibinaling na niya ulit ito sa harapan. "Curious lang ako. Yun lang."

Yun lang? Ng dahil sa curious?

"Utot mo rainbow. Lumalaki ilong mo, kuya. Halatang nagsisinungaling. Ano nga?", pangungulit ko sa kaniya.

"Curious nga! Ano pa ba gusto mong malaman?", naiinis na din na buyaw ni Kuya. Eto, nararamdaman ko na naiinis na talaga siya.

Pero di pa din kita tatantanan!

"Ewan ko sa'yo. Di naman kasi kapani-paniwalaan na natanong mo lang dahil 'curious' ka. Alam kong may rason pa 'yan eh.", bigkas ko.

Pagkatapos kong sinabi yun ay inirapan lamang ako sa gunggo. Putek. May something talaga eh.

"Ano kasi 'yun, Kuya?", pangungulit ko pa din sa kaniya. Tiningnan niya lamang ako tsaka siya guminhawa ng malalim.

"Pag sinabi ko sa'yo ang totoo alam ko din namang hindi ka maniniwala.", sabi niya.

"Ito na maniniwala na nga eh! Sabihin mo na kasi, kuya!", sabi ko sa kaniya. Eh sa nabitin ako eh!

Nananatili pa ding tahimik si kuya ng ilang segundo hanggang sa nakarating na lamang kami sa paaralan. Kabadtrip naman!

Pagkatapos ini-parking ni Kuya ang sasakyan, kaagad na lamang siyang lumabas. Aba'y gago 'to. Parang walang kausap lang eh no?

"Kuya!", tawag ko sa kaniya. "Kuya naman kasi!", habol ko na.

Ano ba! May dalawang tenga naman siya eh! Nabingi na ba 'to?

"Kuya---

"Oy! Gudmurneng Kai!", bati kaagad ni Aldrin sa likod na ikinagulat ko naman ng di oras.

"Oy gagu good morning din.", bati ko pabalik. Napangisi naman ako ng nakita ko ang kaniyang hairstyle. "Angas ng hairstyle mo ah? Nagmumukha kang flappy bird.", sabi ko sabay hagalpak ng tawa.

Hinampas naman ako ni Aldrin sa balikat ngunit kaagad naman akong napatigil nung naalala ko ang sasabihin ni Kuya. "Teka lang ah? Kailangan ko pa kasing kausapin ang diponggol kong Kuya.", anya ko. "Mamaya ulit! Babooh!", huling sabi ko tsaka nauna na ngunit di ko na nakita ang kuya kong yawa.

Putek. Kuya naman kasi! Nasan kaya yun.

"Ha? Bakit? Anyare?", biglaang sulpot ni Aldrin na ngayon ay naghahabol sa kaniyang hininga dahil sinundan niya pala ako.

Guminhawa na lamang ako ng malalim at hindi na pinansin ang tanong ni Aldrin. Mababatrip na naman ako kapag maalala ko yung diponggol na'yun.

"Kai? Yuhoo!", sabat ni Aldrin at talagang iniwagay-way pa niya ang kaniyang mga kamay sa harapan ko kung saan ako nakatulala.

"Wala. Pasok na nga tayo sa room! Kaaga-aga nabu-bwesit na naman ako!", inis kong sabi at padabog na lumakad patungo sa room. Narinig ko ang tawa ng impaktong Aldrin sa likod ko na ikina-inis ko naman lalo. Isa din to! Ano ang nakakatawa? Letse.

"Hahahaha bakit ganon? Ang cute mo mabadtrip. Ahahahahah!", sabat nito.

Putek 'to! Naiinis ako lalo! Pigilan niyo ko baka masipa ko to papuntang jupiter na walang ticket!

"Tigilan mo'ko kung ayaw mong ma-ready to rambol diyan.", seryosong sabi ko sa kaniya na ikinahinto naman niya. Inirapan ko siya at tumalikod na.

Ngunit bigla na namang natawa si Aldrin kaya inis naman akong tumalikod at bago pa ako makapagsalita ay nakita ko na si Jacob na nadapa kaya tawang-tawa naman ang dalawang demonyo naming espirito ni Aldrin.

Dali-dali namang tumayo si Jacob sabay pinagpagan niya ang kaniyang uniform at tumakbo ito papunta sa'min.

At binatukan kami ng malakas. Gago ang sakit!

"Aray! Para saan yun?", tanong ni Aldrin na nakakamot sa kaniyang ulo.

"Para sa kaletsugas niyo. Tawang-tawa pa kayo sa pagkakadapa ko eh pwede niyo naman akong tulungang tumayo! Kaibigan ko ba talaga kayo?", ma-dramang sabi ni Jacob sabay punas pa talaga sa kaniyang invisible luha. Parang tanga.

"Drama mo uy! Tutulungan ka naman talaga namin eh.", sabi ni Aldrin sabay akbay sa kay Jacob.

"Pero syempre tatawa muna kami bago ka namin tutulungan. Sayang ang memories eh.", dagdag ko na sabay hagalpak ng tawa. At dahil diyan ay nakatanggap na naman ako ng isang malakas na batok.

"Ewan ko sa inyo. Friendship over na tayo! Di naman kayo helpful. Tularan niyo nga ako! Mabuti pa ako, helpful.", high-confidence na sabi ni Jacob sabay iling-iling pa talaga.

Sakto din na may nadapang lalake sa hallway at akala namin na tutulungan ni Jacob ngunit tinawanan lang pala ito sa polokoy.

"Akala ko ba helpful ka? Bat tinawanan mo? hahahaha!", tawang-tawa naman si Aldrin sabay hampas sa kay Jacob.

"Puro satsat ka lang pala eh hahahaha sarap mong ibalibag!", sabat ko na tawang-tawa din ng dahil kay Jacob. Gago talaga ang letsugas na yun.

Nag-umpisa na lamang kaming lumakad papunta sa classroom namin habang tawang-tawa pa din sa nangyari. Gagong Jacob kasi 'yun!

Pero mabuti nalang at kaagad ng napalitan ang aking pagkakabadtrip kanina. Pasalamat talaga ako kay kumpareng Jacob. Tatanga-tanga eh kaya nadapa tuloy.

Nang nakapasok na kami sa room ay kaagad na kaming umupo at sakto din na dumating na ang aming so very hot teacher na English teacher.

"Good morning class!", bati nito sa amin.

"Good morning babe--I mean...Good morning din po ma'am.", sabat ni Jacob kaya hindi namang mapigilan ang pagtawa naming lahat.

"Hmm, ikaw Jacob ah? Mga guro pala ang tirada mo. Tsk, tsk. What a naughty boy you are.", sabi naman ng English teacher namin kaya palong-palo naman ang hiyawan namin dito dahil namumula na din ang tipaklong na si Jacob.

"Anyways, get your english book and turn it to page 69.", sabi ng guro namin.

"69 daw. HAHAHAHAHAHAHA.", tawang-tawa naman si Aldrin kaya inis ko naman siyang binatukan para tumahimik. Demonyo 'to.

Fast forward na nga!

---

"Okay, since it's already time, you may now take your snacks. Class dismiss!",

Ayos! Favorite subject ko!

"Gago sakit ng tiyan ko.", angal ni Aldrin atsaka niya hinimas-himas ang kaniyang tiyan.

"Pano yung sakit?", tanong naman ni Jacob na ikinabatok lamang ni Aldrin sa kaniyang ulo.

"Mas masakit ang walang tiyan.", angal ko din na ikinasama niya lamang ng tingin sa'kin.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro