Chapter 30
Kai's P.O.V
Maya-maya pa lamang ay nakaabot na kami sa destinasyon namin kaya agad naman kaming bumaba sa van at tiningnan ang paligid.
Nalasap ko kaagad ang malamig na hangin at ito ay nakakapagbigay kalma sa mga dugo ko. Not until I saw Hailey na nakikipag-usap na naman sa kay Aldrin habang todo taboy naman si Aldrin sa kaniya.
Hindi muna kami nagpapansinan ni Aldrin pagkatapos sa tragic na nangyari kanina sa van. Si Samantha lamang ang kasama ko ngayon. Habang si Jacob naman ang kasama ni Aldrin.
"Okay listen. May dorm tayong lahat para makakapagpahinga tayo. Dorm for girls, and dorm for boys. Magka-iba ang dorm nila. Hindi pwedeng makakapasok ang boys sa dorm ng mga babae, same goes for girls. Understand?", sabi ni sir na ikinatango naman namin. Buti nalang at makakapagpahinga na ako ng maluwag.
"Good. Now, pick a partner at kumuha kayo ng isang papel sa fish bowl.", sabi ni sir. Partner ko si Samantha syempre. Wala naman akong ibang ka-close dito eh.
"Ako na kukuha.", sabi ni Samantha sabay ngiti sa'kin. Tinanguan ko na lamang siya dahil tinatamad din naman akong magsalita.
"Now, sa papel na 'yan ay may number na nakasulat and that serves as your room number. And also, keep that paper, please. Attendance niyo 'yan, pag nawala niyo, consider na kayo as absent.", sabi ni sir.
"Sana all kine-keep.", sabi ng isang kaklase namin na ikinahagalpak naman nila ng tawa. Napatingin ako sa kay Aldrin na ngayon ay nakatingin din pala sa'kin kaya agad na lamang akong umiwas ng tingin.
"Kayo talaga ang landi niyo.", sabat ni sir na ikinatawa lang nila. "Punta na kayo sa rooms niyo and you may now rest. Mag-a-announce lang ako mamaya.", dagdag ni sir na ikinagalaw naman namin.
"Anong room number natin?", tanong ko kay Samantha.
"1-11", matipid na sagot niya na ikinatango ko lamang. Madali naman namin itong nahanap dahil nasa centro din naman ito sa second-floor. Agad naman namin iyong binuksan at nilagay kaagad ang mga gamit sa sahig.
"Whoa! Ang ganda naman sa dorm na ito!", manghang sabi ni Samantha sabay upo sa sofa. Napangiti lamang ako at umupo na din. "Omg! Ang ganda ng chandelier, ack!", pagpatuloy nito.
"Paki-bantay lang muna sa mga gamit dito, Sam ah? Maliligo lang ako.", sabi ko na ikinatango lamang ni Samantha.
Kinuha ko na ang mga gamit ko para banyo at pumasok na doon. Namangha naman ako sa banyo nila ng dahil sa kalinisan nito. At talagang may bath-tub pa!
Hinubad ko na ang aking mga damit at nag bath-tub na lamang dahil gusto kong marelax ang aking katawan. Totoong nakakapagod ang byahe kaya kailangan ko muna ng tahimik na oras.
Sa gitna ng ginagawa ko dito ay bigla ko lamang naisip si Aldrin. Kumusta na kaya siya? Ewan ko bang iniisip ko siya eh kakasama lang namin kanina sa van. Pero wala eh, parang namiss ko na siya.
Napapikit na lamang ako sa mga mata ko habang ninamnam ang preskong tubig na nakabalot sa katawan ko. Pero ba't ganun? Pinikit ko nga lamang ang mga mata ko tas pagmulat ko, may luha na namang tumulo nito.
Aldrin's P.O.V
"Kape muna pare o, pampa-chill.", sabi ni Jacob sabay lahad sa'kin ng tasa na ang laman ay kape.
Tinanggap ko naman ito at tinanguan siya. "Salamat.", sabi ko sabay sipsip sa kapeng ginawa ni Jacob. Nalalasap ko ang pait at mainit na likidong dumalo sa lalamunan ko habang nakatulala lamang ako dito sa bubong.
"Aha!", biglang sabat ni Jacob sabay turo pa talaga sa'kin. "Alam ko ang tingin na 'yan!", dagdag nito na ikinakunot lamang sa noo ko. "Hmm, let's see..", sabi nito na tila'y nag-iisip pa talaga eh wala naman iyang isip. Di, biro lang. Then he snapped his fingers na tila'y may ideya siyang naisip. "Miss mo si Kai no?", dagdag nito.
Sumipsip muna ako ng kape at tinaasan siya ng kilay. "Seryoso Jacob, tinatanong mo pa 'yan? Kahit na palagi kaming magkakasama eh mami-miss ko pa din naman siya.", sabi ko. Nag-pout lamang si Jacob habang tinitingnan ako. Tsk, inaasar na naman ako sa peste.
"Kalungkot naman sa pinagdadaaan mo, pre.", sabi ni Jacob tsaka ngumisi sa'kin. "Matatalo niyo na yata ang storyang Romeo and Juliet.", dagdag nito sabay hagalpak ng tawa. Inis ko naman siyang binatukan na ikinatigil naman niya.
"Alam mo putang-ina mo. Kitang nag-e-emote tayo dito tas ikaw naman diyan puro kalokohan lamang. Umalis ka nga diyan! Ang pangit mo.", sabi ko na ikinalaki naman sa mata at ilong niya.
"Damn, bro.", sabi nito sabay tingin sa'kin ng nakakaloka. "Hindi uso sa'kin ang pangit dre! I mean, sa mukha kong ito? Pati mga lalake nga naging crush ako, eh.", mayabang na sabi nito kaya sinamaan ko lamang siya ng tingin dahil hindi talaga siya nakakatulong sa pag-e-emote ko dito.
"Alam mo? Umalis ka nalang, seryoso. Pina-emote mo ako lalo eh.", sabi ko na ikina-ismid naman niya.
"Joke lang naman kasi! Ang harsh mo talaga!", sabi niya na ikina-irap ko lang. Pero 'di ako bakla, ah? Peste. "Isipin mo nga ng maayos ang mga nagawa mong mali baka di mo lang napansin.", sabi niya.
"'Yun na nga ang ginawa ko kanina eh! Pero, wala! Wala talaga!", sabi ko ngunit tinaasan lamang ako ng kilay sa hinayupak.
"Seryoso? Wala talaga?"
"Oo. Seryoso. Wala talaga. Wala akong maalala.", sagot ko na ikinasapo niya lamang sa noo niya.
"Tang-ina mo. Isipin mo! Bahala ng magka-ugat 'yang ulo mo sa kakaisip!", sabi niya. Aba'y gago 'to. Murahin pa naman ako?
"'Wala nga akong maalala!", ang sabi ko nalang na ikinahilamos niya lamang sa mukha niya.
"Did you ask her what's wrong?", tanong nito na ikinatango ko lang.
"Oo."
"Tas ano sabi?"
"Di ako pinansin.", sagot ko na ikinakati niya lamang sa batok niya.
"Nag-sorry ka ba?",tanong niya. Orayt nag q-question and answer portion na kami dito.
"Yes. A hundred times!", sabi ko na ikinakunot noo niya lamang.
"Bakit hundred times lang? Sana ini-thousand mo nalang!", sabi niya na ikinakunot lamang sa noo ko. "Just kidding. Ano ang last na tinext mo sa kaniya?", tanong nito.
"Yung inupdate ko siya na malapit na ako.", sagot ko na ikinatulala niya lamang sa'kin. "And I didn't receive any replies anymore dahil doon na ako nagtaka mismo kung bakit siya nagalit sa'kin even though I did the right thing.", sabi ko.
"Are you even sure that you really did the right thing?", tanong nito na ikinakunot naman sa noo ko.
"Yes! And of course--
"Wala ka bang ibang ka text?", tanong ni Jacob.
"Aside from families?", tanong ko sabay iling-iling. "I don't have."
"I'll change my question. Wala bang nag-text sa'yo?", tanong nito.
"Meron. Si Hailey---
"O edi 'yan naman pala eh! Syempre nagseselos 'yon!", agad na sabat nito kahit di ko pa naman talaga natapos ang sasabihin ko.
Kaya agad ko naman siyang binatukan na ikinatigil naman niya. "Patapusin mo muna ako, pwede?", serysong tanong ko na ikina-ismid niya lamang. Guminhawa naman ako ng malalim at tiningnan si Jacob. "Nag-text si Hailey sa'kin pero kaagad ko naman iyong binura dahil si Kai lang din naman ang iniisip ko.", pag-explain ko ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay.
"At sigurado ka bang nabura mo 'yon?", tanong nito.
"Hell, yes! A hundred and a one percent sure!", confident na sagot ko. Sure naman talaga ako na nabura ko 'yon eh!
"Well then, hand me your phone.", sabi nito. Naikinakunot lamang sa noo ko.
"Wait, bakit? Totoo---
"If you want me to help that coward ass of yours to that bitch then hand it to me now your fucking phone.", sabi nito. Medyo nagulat din ako sa sinabi niya dahil straight english talaga 'yon. Hanep na kaibigan 'to.
Nakasimangot naman akong binigay sa kaniya ang cellphone at seryoso naman niya itong inobserva.
Napakunot naman ang noo ko nung napansin ko siyang ngumisi. Takte baka kung ano-ano lamang ang tinitingnan nito sa cellphone ko!
"Jacob, I tell you in advance, dinelete ko na ang mga porn diyan sa cellphone ko.", sabi ko na ikinasama niya lamang ng tingin sa'kin.
"Shame on you! Hindi naman porn ang habol ko!", sabi nito at nagpatuloy sa pagoobserva sa phone ko. "Atsaka kung may porn ka man dito sa phone mo, don't worry, di ko 'yun panonoorin dahil alam ko mismo na pangit ang mga lasa mo sa videos.", dagdag nito. Tingnan mo na! Napakayabang!
Maya-maya pa lamang ay natapos na siya sa kaniyang pagoobserva at tiningnan ako ng nakakaloka. "Sucks on you, bro. Review your messages.", utos nito na ikinakunot naman sa noo ko.
Nireview ko naman ang mga message ko and I saw nothing.
"Tapos?", tanong ko.
"Anong tapos? Tapos ko ng mag review?", tanong nito.
"Yeah. Tapos?", nagtaka ako kung bakit napasapo siya sa noo niya.
"Wala ka bang napansin sa mga message?", tanong nito and I looked again pero wala talaga akong napansin. Eh paano ba ito? Nababaliw na ata ko sa kay Kai eh!
"Wala?"
Nagulat ako nung biglang tumayo si Jacob at talagang tumabi pa sa'kin. Kinuha niya ang cellphone ko at nilapat sa mga mata ko.
"There. Napansin mo na? Na wrong sent ka! Instead sa kay Kai yung message, napunta ito sa kay Hailey! At instead na ibubura mo 'yung message sa hinayupak na Hailey na'yan, ang nabura mo mismo ang kay Kai!", pag-explain nito.
Gulat ko namang tiningnan muli ang message at tama nga si Jacob. Na sent ko ito sa kay Hailey. And worse, I even putted 'I love you' in the end.
And I am so doomed. So fucking doomed.
"Kaloka ka, pare. Ini-stress mo bulbol ko.", sabi nito na ikinasama ko ng tingin sa kaniya pero agad namang nawala 'yun dahil biglang nag announce 'yung megaphone.
[To all students, at exactly 7:30 P.M, labas muna kayo. Again, to all students, at exactly 7:30 P.M, labas muna kayo. Thank you!]
Tiningnan ko si Jacob na ngayon ay tiningnan din ako.
"Pare, tulong. Ano dapat ang gagawin ko?", tanong ko ngunit ngisihan lamang ako sa loko.
"You need a lots of freaking cartolina and marker, my friend.", sabi nito na ikinakunot-noo ko lamang. "Wag kang mag-alala, bibili tayo mamaya. But first, let's have a rest muna, shall we?", tanong nito.
It's already 7, and we still have 30 minutes to rest. And I guess sasang-ayon lamang ako kay Jacob cause we need to do something later on.
Something that can make my girl tears of joy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro