Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Kai's P.O.V

"Gising na ba si Kuya?", tanong ko ni mama ng nakalabas siya sa room ni Kuya.

"Tulog pa eh. Baka mamaya gising na 'yun. Don't worry, i-u-update kita kaagad sa kuya mo.", sabi ni mama sabay ngiti sa'kin. Ngitian ko din siya atsaka umalis muna para magpapahangin sa baba.

Pero bago 'yan ay pumunta muna akong tindahan para bibili ng pagkain. Aba'y syempre wala pang laman tiyan ko no! Skl.

Ng matapos na akong bumili ay umupo muna ako sa gilid na kung saan, mag-isa lamang ako ditong kumain, nakatulala, iniisip si Kuya, iniisip si Aldrin--

Teka, ba't ko naman iisipin ang pesteng 'yon? Tss. Kainis talaga ang kalabaw na 'yon.

"Kai."

"Ay kalabaw!", inis kong sampit sabay tingin ng masama sa nanggulat sa'kin. Nagulat naman ako nung nandito si Aldrin. Oo, as in nandito siya. Sa harapan ko mismo.

"Tsk. Umalis ka nga diyan sa harapan ko!", inis kong sabi at inirapan siya ngunit naka-pout lamang ito. Sa tingin niya madadala ako sa kakyutan niya eh hindi naman kyut!

"Sorry na kasi.", malumanay na sabi niya. Tiningnan ko siya sa mata as in straight to the eye talaga.

"Umalis ka sabi eh. Di ko kailangan ang sorry mo.", sabi ko ngunit di pa din siya umalis. Aba pare, matigas.

"Pero kailangan ko mismong mabalik ang dating tayo.", sabi niya. Napatulala naman ako sa sinabi niya. Seryosong-seryoso ang mga mukha nito at aaminin ko na ang gwapo niya talaga.

"Tsk. Bahala ka nga diyan. Kung ayaw mong umalis edi ako ang aalis!", sabi ko at inis ng tumayo. Isang step pa lamang ang nagalaw ko ngunit bigla akong hinila ni Aldrin sa wrist ko at saktong pagkaharap ko ay nagkatagpo ang aming labi.

Gulat na gulat naman ako sa ginawa niya ngunit di ko alam kung bakit ako nanginginig and at the same time, lumambot kaagad ang pusong bato ko sa kaniya. And damn! Nalasing yata ako sa mga halik niya. Parang nagbigay yata ng ibang kakaibang nararamdaman. Pero seryoso, nalasing yata ako sa mga halik niya.

Seryoso namang tumingin si Aldrin sa mga mata ko pagkatapos naming naghahalikan dito. Agad ko namang hinabol ang aking hininga para kukuha ng hangin dahil para na akong mawawalan ng hangin kanina ng dahil sa kalalim humalik sa lalakeng 'to!

"Sorry Kai Duazo, pinagsisihan ko talaga ang ginawa ko kanina. At hindi talaga ako mapakali kung tayo mismong dalawa ay hindi magkabati.", seryosong sambit niya. Inirapan ko lamang siya tsaka sinuntok ang dibdib niya. Putek ang tigas!

"Heh! Magkabati your face.", sabi ko tsaka umupo na lamang muli. "Okay lang. Mabilis lang din naman akong nainip doon dahil nagkamenstruation ako tss.", dagdag ko tsaka tiningnan siya. "Sorry din."

Ngitian niya lamang ako sabay sa paggulo ng buhok ko. "Okay lang, Kai. Ginawa ko lang naman ito dahil ayokong mawala ka sa'kin.", sabi niya at hinalikan ang noo ko. Lumaki naman ang mata ko sa ginawa niya dahil hindi ko inexpect 'yun kaya kumabog na naman ng mabilis ang puso ko.

Sus, Aldrin kung alam mo lang, ayoko ding mawala ka sa'kin. Ang hirap na yatang maghanap ng lalakeng kagaya mo.

"Kumusta na kuya mo?", tanong nito sa'kin. Akmang sasagot na sana ako kaso napatigil ako nung biglang may tumawag sa cellphone ko. At si mama yon.

"Hello---

"Anak! Punta kana dito dali! Gising na kuya mo! Hinanap ka!", sabi nito na ikinatulala ko lamang sa sahig. Agad ko naman itong inend call at hinila na si Aldrin papunta sa room ni kuya.

Puta ang saya ko! Mapapamura talaga sa kasaya! Jusko po, salamat Lord! Buhay ang kuya ko!

Ng nasa harapan na kami sa pintuan ay sabay naman naming binuksan 'yon ni Aldrin at nasalubong kaagad namin si Kuya na kumakain ng apple.

"Yo.", simpleng bati nito sa'min na ikinakunot lamang sa noo ko.
"Seryoso? Pagkatapos naming mag-alala sayo ng lubos na akala namin hindi kana mabubuhay at talagang 'yo' lang ang ibabati mo sa'min?", agad na sabi ni Aldrin na ikinapigil ko lamang sa tawa. May point din naman eh.

"Eh ano ba gusto mo? 'Yo wazzap gwapong kaibigan, surprise! I'm alive!', ganiyan?", pilosopong sabi ni Kuya na ikinairap lamang ni Aldrin. "Joke lang. Seryoso, salamat sa Diyos at buhay ako!", dagdag ni Kuya na ikinagroup-hug naman namin sa kaniya.

"Yawa ka kinabahan kaming lahat ng dahil sa'yo.", sabi ni mama na ikinahawak lang sa batok ni Kuya. "Pero wag na nating pag-usapan ang tapos na. Ang importante, buhay ka, anak ko.", malumanay na sabi ni mama na ikinangiti lang ni Kuya.

Nagulat kami sa pagbiglang bukas ng pintuan at nasalubong ang dalawang kumag na si Jacob at Samantha.

"Are we late?", tanong ni Jacob na nakabitbit pa talaga ng mga puting bulaklak.

"Tapos na ba kayong umiyak?", tanong naman ni Samantha na may dalang banner na 'Condolence Kyle Duazo, JOKE LANG!'. at talagang ngumunguya pa ito ng biscuit.

"Gusto niyo bang sumunod sa'kin?", tanong ni Kuya sa kanila na ikinailing-iling naman nila ng dahan-dahan.

"Tae sabi ko na nga ba late na tayo eh.", sabi ni Jacob sa kay Samantha.

"Aba't ako pa sinisisi mo! Si Aldrin kaya ang nag text sa'kin na mamayang alas 8 ang libing!", sabi ni Samantha sabay turo pa talaga sa kay Aldrin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy wala akong tinext na libing! Atsaka bakit naman ako magtetext sa inyo eh ubos na load ko!", sabi ni Aldrin.

"Alam niyo mga putang-ina kayo. May pagkain ba kayo diyan?", tanong ni Kuya.

"Meron, biscuit. Tsaka may kape din.", sabat ni Jacob na ikinahagalpak lamang ng tawa ni Aldrin.

"Ano ba! Excited ba kayo na mamatay na ako? Mga ulol. Mauna kayo!", sabi ni Kuya. "Tsaka pahingi biscuit. Gutom na ako.", dagdag nito na ikinatawa lang namin.

"Ako din.", sabat ko.

"Tsaka ako din.", sabat naman ni Aldrin.

"Pahingi din!", sabat ni Perley.

"Mga peste, kayo kumuha dito! May kamay kayo at masasayang lamang iyan kung hindi niyo gagamitin!", inis na sabi ni Jacob na ikinahagalpak lang namin ng tawa.

Kaya kumuha na lamang kami ng pagkain and we snack happily ever after!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro