Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Kai's P.O.V

"Babe, sorry na kasi!", sabi ni Samantha atsaka hinalikan si Jacob sa pisngi. "Ang cute mo mapikon, ayieee!", dagdag nito.

"Oo na! Bwesit ka din eh!", sabi ni Jacob na ikinangiti lamang ni Samantha. "Swerte ka di kita matiis. Ang cute mong letche ka.", dagdag nito na ikinatawa lang namin.

"Maka letche sa'kin o! Sampalin kita diyan eh.", sabi ni Samantha.

"Sige, subukan mo. Suntukin din kita diyan.", sabi ni Jacob na ikinagulat naman ni Samantha. "Ng pagmamahal!", kaagad na dagdag ni Jacob kaya nakatanggap naman siya ng batok galing sa kay Samantha.

"Ano tinitingin-tingin mo diyan?", biglang tanong ni Aldrin sa'kin na ikinatingin ko naman sa kaniya. "Wag mo silang tingnan. Mas sweet pa tayo sa mga ugok na iyan.", dagdag nito na ikinangiti ko lamang.

"Tama. Tama.", pagsasang-ayon ko na ikinangiti lamang ni Aldrin sa'kin tsaka hinalikan ako sa noo.

"Ewww! Kadiri!", sabi ni Jacob. Napatingin naman kami sa kaniya kaso tinawanan lamang kami sa gago.

"Nandidiri din kami sa inyo pero di kami nagrereklamo.", pilosopong sabi ni Aldrin. "Kaya tumahimik ka diyang pandak ka kung ayaw mong pumandak lalo.", dagdag nito na ikinahagalpak ko lamang ng tawa.

"Walang personalan, ano ba!", sabat ni Jacob na ikinatawa lang naming lahat.

Next stop, movie date. Malapit na din kasing gumabi kaya nagsuggest naman si Samantha na magmo-movie nalang raw kami.

"Bili tayo popcorn!", masayang sambit ni Samantha sabay turo sa popcorn stand.

"Sus. Ako nalang kainin mo.", nakangising sagot naman ni Jacob na ikinasira naman sa mukha ni Samantha. Napatawa na lamang ako.

"Gusto mo ng popcorn?", tanong ni Aldrin sabay akbay pa talaga sa'kin. Napangisi na lamang ako atsaka tiningnan siya.

"Mas gusto kita.", nakangising sabi ko na ikinatulala lamang ni Aldrin. Maya-maya pa lamang ay tinakpan niya kaagad ang kaniyang mukha. Halatang kinilig, eh! Ang bilis naman niyang kiligin!

"Eww corny!", sabat na naman ni Jacob na ikinatingin ko kaagad sa kaniya.

"Corny ka din kanina pero hindi ako nagrereklamo.", sabi ko at talagang sinunod ko pa ang linya ni Aldrin kanina. Sinamaan lamang ako ng tingin ni Jacob habang si Samantha naman ay tawa lang ng tawa dito.

"Kaya pala meant to be kayo ni Aldrin dahil pareho din kayong peste.", sabi ni Jacob na ikinatawa ko lamang.

"Ha?", tanong ni Aldrin. At sa tanong na ito, alam ko na mismo ang isasagot sa tipaklong na'to.

"Hatdog.", sagot ni Jacob.

"Mo maliit!", kaagad namang sabi ni Aldrin sabay hagalpak ng tawa. Napatawa naman kaming tatlo habang si Jacob naman ay parang papatayin na niya si Aldrin.

"Buang ka ipapakita ko pa sa'yo tong akin eh.", sabi ni Jacob kaso ngisihan siya lamang ni Aldrin.

"Mauna muna si Samantha.", sabi ni Aldrin na ikinalaki naman sa mata ni Samantha.

Pumasok na kami sa sine at umupo sa pinakalikod para kitang-kita talaga ang panonoorin namin.

Manonood kami ngayon ng anime entitled 'I want to eat your pancreas'.

"Tae, nakakaiyak daw ang anime na ito.", sabi ni Samantha na ikinatango lamang namin.

"Shh, mag-uumpisa na.", sabi ni Aldrin kaya natahimik naman kaming apat.

Ng nag-umpisa na ang movie, hindi ko mapigilang mairita ng dahil sa ingay ng nasa tabi namin. Inis ko namang tiningnan ito at laking gulat ko na si kuya pala kasama ang kaniyang girlfriend. Napangisi naman ako sa kalokohang nagawa ko.

Patago kong kinuha ang cellphone ko atsaka tinext si Kuya.

[Kuya, ano gawa mo diyan sa bahay?], text ko sabay send.

Napapigil na lamang ako sa pagtawa ng narinig ang kaniyang malakas na ringtone na kung saan, pinatahimik siya sa mga tao.

"Sino 'yan babe?", rinig kong tanong sa girlfriend ni kuya. Napangiti na lamang ako dito tsaka nagpigil lamang sa tawa. Oh men, di ko na kaya.

"Putek nag text ang hinayupak kong kapatid. Nagtanong kung ano raw ang ginawa ko sa bahay.", rinig kong sabi niya tsaka nag type na sa kaniyang cellphone. Aba't hinayupak? Hoy! Mas hinayupak pa ang gurang na iyon!

[Nanonood lang ng tv], ang tanging reply niya. Napahagikhik naman ako dito atsaka naghanda na sa irereply ko. Nanonood ng tv ka diyan. Sampalin kita ng dahil sa kalaki ng bunganga mo eh. Ang ingay niya kasi!

[Ah sige. Ay kuya may tanong ako], reply ko. Nakangisi kong sinulyapan ang buang pero hindi na pala ito nagce-cellphone. Kaya mas lalo pa akong napangisi.

Ayaw mong mag-reply ah? Pwes, tatawagan kita.

Binalik ko ang aking mga tingin sa cellphone ko sabay press sa tawag na symbol tsaka nakangising sumulyap sa kay Kuya.

When I throw, throw, throw, throw, throw it up..
Start twerk it like miley..
Twerk it like miley..

Patago naman akong napatawa ng dahil sa ringtone niyang malakas ang volume. Kaya ang nangyari, umecho ito sa loob ng cinema at lahat ng mga mata ay nasa kaniya.

Mas natawa pa ako dahil todo umanhin siya sa nangyari habang pinagalitan naman siya sa mga tao at pinagsabihan na tahimik. Kaso napatigil ako sa pagtawa ng bigla akong hinampas ni Aldrin.

"Huy, nanonood ka ba? Ba't parang ang saya mo yata? Nakakaiyak na kaya ang scene na ito!", sabi ni Aldrin. Napakunot naman ang noo ko sabay tingin sa cine, at oo, nakakaiyak na nga ang scene. Nasa kabaong na yung babae. Aba putek ako lang yata nakangiti dito sa movie na pinanood namin. HAHAHA.

Pero di ko pa din mapigilang ngumiti dahil rinig na rinig ko pa din ang reklamo ng mga tao ng dahil sa eskandalong nagawa ni Kuya.

Well, oo, kasalanan ko naman talaga kung bakit siya nagkaganiyan. Pero mas kasalanan niya kung bakit hindi niya napahinaan ang volume at talagang.. pfft.. teka..HAHAHAHAHAHA laptrip talaga eh!

"Pesteng kapatid yun. Yare talaga 'yun sa'kin mamaya.", rinig kong sabi niya na mas ikinangisi ko lalo. Tae, kailangan ko ng ihanda ang sarili ko mamaya.

Ng matapos na ang movie ay dahan-dahan namang lumabas ang mga tao. Syempre dahan-dahan lang. Ang dilim kaya dito!

Napansin ko si Kuya na malapit sa'min kaya agad ko namang hinawakan ang mga balikat ni Aldrin atsaka yumuko.

Habang palabas kami ay may narinig pa din akong reklamo. Ang epal daw sa ringtone ni Kuya. Napakamalungkot ng tugtog doon sa movie dahil namatay yung babae tas biglang umepal yung twerk it like miley HAHAHAHAH! yawa

"Takte sabi ko na nga ba di ko nakaya eh!", sabi ni Samantha na ngayon ay namamaga pa talaga ang kaniyang mga mata.

"Akala mo ikaw lang? Yawa.", sabi naman ni Jacob at talagang pinahiran niya pa ang sip-on niyang tumutulo.

"Aba'y syempre umiyak din ako! Kahit nakakabakla pakinggan pero lintek talaga ang pancreas na Anime na 'yon.", sabi naman ni Aldrin sabay pahid sa mga luha niya. Napansin ko na dahan-dahan namang lumingon ang tatlo sa'kin at talagang nakakunot pa ang kanilang mga noo.

"O, bakit? Ba't ganiyan kayo makatingin sa'kin?", inosenteng tanong ko sa kanila.

"HINDI KA BA NAIIYAK SA SINE?!", sabay na tanong nila. Agad ko naman silang pinagsabihan na hinaan ang boses nila dahil ng tinanong nila sa'kin yun, ang laki-laki kasi ng boses tas pinagtitigan pa kami ng mga tao. Kakahiya buset.

"Ano ba! Ang O.A niyo! Wala namang nakakaiyak sa anime na iyon!", sabi ko na ikinalaki lamang sa mata nila.

"Oh my gosh.", sabi ni Samantha sabay hawak pa talaga sa ulo niya.

"Abnormal ka nga talaga.", Jacob. Aba'y gago. Parang hindi nasanay sa kaabnormalan ko noon ah?

Napatawa na lamang ako sa mga pinagsasabi nila at lumakad na kami papunta sa kotse para uuwi na.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro