Chapter 20
Kai's P.O.V
"Taena kinabahan ako", sabi ni Aldrin. Tinawanan ko lang siya.
"Ano ka ba! Di naman nangangain si mama eh. You'll be fine, I promise", sabi ko tsaka ngitian siya at hinila na. Pumasok na kami sa bahay at sumalubong kaagad si mama na nakaupo sa sofa.
"Sino yang kasama mo?", agad na tanong ni mama. Ngitian ko si mama atsaka nag-mano na. Sumunod din si Aldrin sa'kin tsaka guminhawa ng malalim.
"Good afternoon, mama! Aldrin Romo nga pala.", pagpakilala ko sa kay mama. "B-boyfriend ko nga pala.", ay bushit ba't ako nautal?
"Ha?!", gulat na tanong ni mama at talagang tumayo pa siya sa pagkaka-upo.
"Hatdog!", biglang sabat ni Kuya na galing sa kusina. Sinamaan naman ito ng tingin ni mama kaya napapeace-sign naman si kuya agad-agad.
Binalik naman ni mama ang kaniyang tingin sa'min. Tinaasan niya ng kilay si Aldrin sabay tingin nito mula ulo hangga't paa. Tas paa hangga't ulo.
"Hmm.", halatang inoobserba niya si Aldrin. Tiningnan ko si Aldrin na ngayon ay parang wala lang. Ayan, very good. Behave talaga.
"Wise choice, anak.", ngiting sabi ni mama sa'kin. Ay wao, Miya in ml ka ghorl? charot. "Welcome to the family, Aldrin!", sabi ni mama sabay yakap sa kay Aldrin. Napangiti naman ako sa kanila. Ang cute!
"Good afternoon, tita! Thank you po!", sabi naman ni Aldrin sabay ngiti ng abot tenga. Nung tumingin si Aldrin sa'kin ay kinindatan ako sa loko. Inirapan ko lang. Eh ba't ba? Kinikilig ako eh! Hayop na tukmol 'to.
"Come here mga darlings! Let's have an interview about you two.", sabi ni mama at naunang lumakad papuntang kusina. "Kyle, umalis ka diyan. Mag-uusap kami dito.", sabi ni mama sa kay Kuya na ngayon ay uminom ng gatas.
"Luh. Sali ako sa usapan! Wah! Unfair!", parang bata na sabi ni kuya. Pinandilatan naman siya ng mata ni mama na ikina-pout lamang sa tukmol.
"Wag mo akong ma cute-cute diyan. Mukha kang praning.", dagdag ni mama na ikinahagalpak lamang ng tawa namin ni Aldrin.
"Hmph!", ang tanging sabi na lamang ni Kuya at umalis na.
Umupo na kami sa mesa at nagkatinginan kaming tatlo. Guminhawa lamang si mama atsaka inumpisahan na ang paguusap namin.
"Aldrin, sa karami-raming babae sa buong mundo, why did your eyes chose Kai?", tanong ni mama. Bonggga! Q&A pala ang trip ni mama.
"It's not my eyes chose her, tita.", sagot ni Aldrin atsaka kinuha ang kamay ko. "My heart does.", dagdag nito.
Halatang kinilig naman si mama pero pinigilan niya lamang ito. Ah sus si mama! Nagpapanggap pa!
"Okay, good answer!", sabi ni mama. Teka, seryoso ba talaga ang trip nilang mag Q&A portion? "Next question, would you ever accept Kai's attitude? I mean, 'yang babae na iyan ay may pagkakalog din minsan.", sabi ni mama sabay turo pa talaga sa'kin. Pinandilatan ko ng mata ng sa mga pinagsasabi niyang kalokohan. Kaso inirapan niya lamang ako. Aba't attitude!
"Yes naman, tita! I mean, what's the point of courting her if I, myself cannot accept her attitude, diba? Whether in a good or bad condition, I chose to stay with Kai.", sagot sa tukmol na ikinapintig sa puso ko ng malakas. "It's because I love her. And I mean it.", dagdag nito.
"Hooh tang-ina mo namang bata ka! Sana all!", sigaw ni mama. Agad ko namang hinampas si mama sa pagmumura niya sa harapan namin. Napatawa lamang si mama atsaka hinampas ako.
"Eh kasi naman 'yang boyprend mo, nak! Ang galing magsalita!", sabi ni mama sabay ngiti sa kay Aldrin. "Kanina pa nanginginig ang tuhod ko dito sa kakilig!", dagdag nito na ikinahagalpak lamang ng tawa namin.
"Last question, pare.", biglang dating ni Kuya na ngayon ay nasa hagdanan. "Mapapangako mo ba sa'kin na mamahalin mo iyang letseng kapatid ko?", tanong nito na ikinalaki lamang sa mata ko.
"Aba't mas letse ka!", angal ko. Agad naman akong pinatahimik ni mama dahil sasagot na si Aldrin sa tanong.
"Promises are meant to be broken.", sabi ni Aldrin tsaka hinarap si kuya. "But I will do my best instead to love this precious diamond of yours. Hindi ko man mapapangako na hindi ko siya sasaktan dahil tayong lahat mismo ay makakaranas ng ganiyan. But I assure to myself na wala sa vocabulary ko na iiwanan ang babaeng 'to.", sagot nito. Ay weh? Di nga? Eeeeh ene be!
"Tang-ina mo, dre.", sabi ni Kuya sabay palakpak. Sumunod naman si mama sa kakapalakpak hanggang sa nagpalakpakan kaming lahat.
"I love you na, anak!", sabi ni mama sabay yakap sa kay Aldrin. "Welcome to the family, again!", dagdag nito.
"Salamat po, tita.", sabi ni Aldrin, still not letting go of my hands. Pakshet pinapawisan na mga kamay ko takte nakakahiya dre.
"Well, since it's already 6 pm, kakain na tayo.", sabi ni mama. "Dito ka nalang din mag dinner, Aldrin. Iiyak yang si Kai pag aalis ka.", dagdag ni mama na ikinakunot lamang sa noo ko. Pero totoo din naman. HAHA.
"Opo, tita. Salamat ulit!", sabi ni Aldrin. Ng tiningnan ako sa tukmol, kaagad naman niyang hinalikan ang noo ko na mas ikinabilis ng pintig sa puso ko.
"Kyle, anak! Bili ka ng coke doon, please", sabi ni mama.
"Luh! Pero gutom na ak--
"O eto.", pagputol ni mama sa pagsasalita ni kuya. "Isang litrong coke, okie? Balik ka kaagad!", dagdag nito.
Napakamot na lamang sa batok si kuya atsaka umalis na. Napangiti na lamang ako sa nangyari ngayong araw, another unforgettable day na naman. At ang saya ko mismo sa araw na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro