Chapter 19
Kai's P.O.V
"Animal kayo", sabi ni Jacob. "Giatay mo, peste, umalis nga kayo diyan!"
Nagkatinginan lamang kami ni Aldrin at hinarap si Jacob.
"WALANG JOWA", asar namin na ikina-inis niya lalo.
"Atleast masarap", sabi naman ni Jacob. "Pero seryoso, putang-ina niyo. Una na ako! Peste", dagdag neto at umalis na.
Tiningnan ko lamang si Aldrin na ngayon ay nagwawalis sa sahig. Cleaners kasi siya ngayon tapos syempre since jowa ko na ang peste na'to, kailangan na kaming sabay sa pag-uwi.
Ay hindi. Si kuya pala ang nagsabi na DAPAT sabay kami mismo. Napaka over-protective sa badjao na'yun pero mahal ko din naman.
"Ano gusto mo na callsign natin?", biglang tanong ni Aldrin na ikinakunot lamang sa noo ko.
Oo nga, ano nga ba?
"Brad", sabi ko na ikinaface-palm niya lang. O bakit?
"Jowa mo'ko tas tatawagin mo akong brad? Baliw ka talaga sa'kin eh", nakangising sabi niya. Inismiran ko siya. Hangin sa hinayupak.
"Eh ano ba gusto mo?", tanong ko naman. Tiningnan niya lamang ako. Yung tipong nakipag staring contest siya sa'kin.
"Ikaw", sabi niya tas ngumisi. "Charot. Babe nalang", dagdag niya. Agad akong umakto na parang nasusuka.
"Babe? Seryoso? Ang common! Tsaka tang-ina pang 1 week lang 'yan oy!", sabi ko. Humagalpak naman ng tawa si Aldrin.
"Tang-ina mo din. Eh ano ba kasi?", tanong naman niya. Ayun o! Minura ako pabalik. Gago.
"O edi mag tang-inahan tayo! Pang long lasting talaga 'yan", sabi ko. "Akalain mo tuwing tatawagin natin ang isa't isa sasabihin natin 'Hoy tang-ina I love you!' o diba? ang sweet", dagdag ko. Nakita ko na naglumpasay na si Aldrin sa sahig kaya maski ako napatawa nalang din.
"Tang-ina mo talaga", sabi niya tas sumeryoso ang mukha niya. "Seryoso, anong callsign na'tin?", tanong niya.
Seriously, does callsign really matters when it comes to relationships? Kailangan ba talagang present ang tang-inang bagay na 'yan? May deadline ba 'yan? Mamamatay ba tayo pag wala 'yan?
"Kai? What now? Any words?", tanong ni Aldrin ulit sa'kin. Ngitian ko lamang siya at hinawakan ang kamay niya. Okay, I'll explain this in a nice way.
"Y'know what? Walang call-sign nalang. Eh kasi naman you don't really need a callsign just to prove that you are loyal to someone. Bakit? Nakadepende ba 'yung pagmamahalan sa callsign? Kung magca-callsign ba tayo, tatagal na ba ang ating relasyon?", sabi ko.
Nakatulala lamang sa'kin si Aldrin. Maya-maya palang ay ningitan lamang ako sa timang.
"Okay. Sabi mo eh. Pero bat parang galit ka yata? Nagtatanong lang naman eh. Attitude ka sis?", sabi niya. Napataas ako sa aking kilay sa sinabi niya tsaka ngisihan siya.
"Joke lang heheh. Labyu", sabi neto at hinalikan ako sa pisngi.
Medyo nagulat din ako sa ginawa niya. Eh syempre naman! First time ko kaya 'tong nagkajowa sa lalake. Tang-ina pareho kaming lalake.
Ay mali. May taler naman ako so consider pala akong babae. Wala nga lang melons, tss.
Nung tapos na si Aldrin sa pagwawalis ay akmang kukunin ko sana ang bag ko kaso naunahan ako sa gago.
"Ep! Ako mismo ang magdadala sa bag mo. Mabigat pa naman 'to delikado na't mahirapan ka. Ayokong mapagod ka at ako mismo ang papagod sa'yo", sabi niya. Tiningnan ko siya pero ngisihan lamang ako sa manyak. Inis ko siyang binatukan kaya agad naman niyang nabitawan ang bag ko.
"Peste ka talaga eh. Sinagot ba kita para maging yaya ko? Jinowa mo ba ako para maging amo mo ako? May dalawang kamay ako uy! Sasayang lamang ito kung hindi ko ito gagamitin", sabi ko. Kinati niya yung batok niya tsaka tumango lamang.
"O sige. Tang-ina, gusto ko lang naman maging gentlemen eh", sabi niya. Napairap lamang ako sa sinabi niya. Parang bata eh.
"Babe, you can be gentlemen as the time you want but sometimes, kailangan din naming dalhin ang aming mga gamit. Yes, sinagot kita, but it doesn't mean na porket sinagot kita, pwede mo ng dalhin ang mga mabigat na gamit ko. I am not like the other girls out there na hayahay ang buhay nila with their bf's. I am different and I am me. Always remember that", sabi ko at kinuha na ang kaniyang kamay. "Tara na. Wag kang magpa-cute diyan. Upakan ko mukha mo eh", dagdag ko at lumabas na kami.
Saktong paglabas namin sa room ay nakita namin si Kuya na may ka text. Paniguradong girlfriend na naman niya 'yan. Syempre anlandi-landi masyado eh.
"Hoy gurang!", tawag ko sa kaniya. Lumingon naman ito sa akin pero inirapan lang ako sa peste. Sabi ko na barbie eh!
"Tara na at uuwi na tayo. Pakilala mo 'yang animal kay mama ah?", sabi ni Kuya at pumasok na sa kotse.
Akmang papasok sana ako sa kotse kaso bigla akong hinila ni Aldrin at sinara niya ang pinto sa sasakyan.
"Buang ka ba? Ba't mo sinara?", tanong ko.
Binuksan niya ulit yung pinto at ngisihan lamang ako. "Pasok ka, binibini", dagdag niya. Napatigil ako sa ginawa niya at nung na gets ko na ang kaniyang ginawa, binigyan lamang ko siya ng mahinang batok.
Gusto niya pala akong pagbuksan ng pinto. Tang-ina ang gentlemen naman. Lumambot bigla ang puso ko dre.
"O? Ngumingiti ka yatang mag-isa ah? Yieee kinilig", sabi niya sabay kiliti pa talaga sa gilid ko.
"Hoy! Wag kayong maglandian dito sa sasakyan ko. Mamaya muna 'yan. Tiisin niyo muna hanggang sa makarating tayo doon", sabi ni Kuya sabay irap sa'kin sa rear view mirror.
Napairap nalang din ako at tumingin na sa labas ng bintana. Maya-maya palang ay naramdaman ko ang kamay ni Aldrin na nakapatong na sa kamay ko.
And he just freaking intertwined our fingers and kissed it.
"Tang-ina naman sabing mamaya na eh! Itatapon ko talaga kayo palabas", sabi ni Kuya.
"Tumahimik ka diyan kwanggol! Wag ka ngang distorbo! Mind your own business and we mind ours", sabi ko.
"Ay wao ha? Nagkajowa nga lang ang attitude na. Hmph! Balakajan", sabi ni Kuya. Napailing-iling lamang ako sa usapan namin.
Sus! Selos lang yun eh dahil wala siyang kalandian sa sasakyan. Tss.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro