Chapter Twenty
Ilang segundo nang mahigpit na yakap ni Elanher si Mirabelle. Nang maamoy niya ang pamilyar na bango nito ay tila lalo siyang nadagdagan ng lakas ng katawan.
"Teka, sandali," pilit na umaklas sa pagkakayakap niya ang dalaga. "Ano'ng nangyari. Saan ako nanggaling?" Nagtatakang tanong nito.
Napakamot sa ulo si Elanher at napatingin kay Keili pero nagkibit-balikat lang ito.
"There was an emergency. Kailangan kitang itago sandali sa aking dimensyon." Umupo siya sa kama at pinatabi sa kanya si Mirabelle pero hindi ito sumunod bagkus ay lumayo sa kanya.
Elanher remembered that they were not in a formal relationship yet, and he couldn't force her. Naikuyom niya ang kamao at muling nagsalita. "Do you like my dimension? I can bring you there again if you want, anytime."
Namula ang mukha ni Mirabelle at napayuko. "It was beautiful. The place screamed fantasy, but I was bored being alone. Isa pa, natakot ako doon sa hayop na hindi ko maintindihan kung ano."
Natampal ni Elanher ang noo. He suddenly remembered that all his contract beasts were inside his dimension. But they were harmless as they were like him. Kilala ng mga ito si Mirabelle at alam ng mga itong mahalaga sa kanya ang dalaga kaya hindi ng mga ito sa saktan ang dalaga.
His dimension is like a whole new universe. There is a wide expanse of forestry, different bodies of water and a special waterfall that emits rainbow light that gave spiritual powers. Ngunit kahit kayang magbigay ng kapangyarihan ng dimensyon niya, ay hindi pa rin iyon magagamit ni Elanher dahil ang kailangan niya ngayon ay katas ng kasalungat na kasarian.
"I'm sorry kung natakot kita, Mirabelle. Pero hindi sila masama dahil mga alaga ko sila. Come here." Inilahad niya ang palad para ayain itong umupo sa tabi niya pero bago ito sumunod ay tumingin muna ito kay Keili at Xavier.
"Go ahead," Xavier said.
"Lalabas lang muna kami. Mamaya na tayo mag-usap," ang sabi naman ni Keili. Inakbayan nito ang kasintahan saka inayang lumabas pero bago ito makarating sa pinto ay nilingon nito si Elanher at pinandilatan ng mata. "Don't do anything stupid. And Claire," tawag nito sa alaga. "Sumigaw ka if you need help."
Elanher rolled his eyes and when he heard that last sentence, he picked up a pillow and threw it at Keili. "Fuck! What do you think of me? Get out!"
Mabilis na naglaho ang dalawa bago pa man ito matamaan ng unan. Nang wala na ang mga ito ay biglang tumahimik ang kuwarto. Tila biglang nawalan ng lakas ng loob si Elanher na kausapin si Mirabelle.
Nabasag lang ang katahimikan nang si Mirabelle ang unang nagsalita. Nakatayo pa rin ito ilang metro ang layo sa kanya.
"Ano'ng nangyari? Bakit bigla mo akong ipinasok sa dimension mo? Ang huling naaalala ko bago ako pumasok ay parang may dumating na tila kaaway mo. May nangyari ba? Ayos ka lang ba?" may pag-aalala na tanong nito. Now, Elanher could see that Mirabelle truly cared for him.
Inilahad ni Elanher ang palad kay Mirabelle upang paupuin ito sa tabi niya. Sa una ay nagdalawang-isip ang dalaga kung tatanggapin ang palad niya pero hindi nagtagal ay tinanggap nito iyon. Biglang nag-init ang katawan ni Elanher nang maramdaman ang malambot na palad nito. Tumikhim siya upang alisin ang bikig sa lalamunan at upang pigilan ang alagang unti-unting nagigising dahil sa simpleng paglapat ng balat nila.
He likes the way Mirabelle's soft hand touching his. It feels incredible and it made him want to forget Keili's warning and just ponce on the woman. Pero alam niyang hindi puwede kaya labis ang pagpigil niya sa sarili. Bagkus ay pinagsalikod niya ang kanilang daliri saka marahan iyong pinisil at nagsalita.
"Just an asshole wanting to ruin what is mine. Ang akala siguro niya ay kaya niya akong labanan. Wala namang silbi ang kapangyarihan niya laban sa kapangyarihan ko."
"Is he your enemy?"
Tumango si Elanher at umikot saka hinarap ang dalaga pagkatapos ay tinitigan ito nang matiim. "Belle, paano kung maraming tao ang mag-iinteres sa 'yo? Paano kung kukunin ka nila sa akin? Sasama ka ba sa kanila?"
Puno nang hindi kasiguraduhan ang boses ni Elanher at alam niyang nababasa iyon ng dalaga. Ayaw niya itong pag-aalahanin kaya ngayon pa lang ay gusto na niyang umpisahan ang pagsasabi dito tungkol sa tunay nitong katauhan. Hindi na rin niya maaaring patagalin ang orb sa loob niya dahil malapit na iyong mahinog. Kailangan na niya ng isang babaeng magdadala niyon upang maibalik ang rurok ng kanyang kapangyarihan.
"Bakit naman ako sasama sa kanila? Hindi ko sila kilala." Nginitian siya ng dalaga. "Dahil ba gusto nilang kunin sa akin ang negosyong pinamana sa akin ng pamilya ko?"
Umiling si Elanher. "Think far ahead. Hindi lang dahil doon kaya maraming may gustong kumuha sa 'yo."
"Why are you worried? Nandyan ka naman? Malakas ka 'di ba? Alam kong kaya mo akong protektahan."
Elanher raised his hand and cupped Mirabelle's face and softly rubbed his thumb against her jaw. "My powers are limited. Madali akong manghina dito sa mundo n'yo hangga't hindi ko nakukuha ang tamang katas na kailangan ko. Naaalala mo ang dahilan kung bakit ako nandito, hindi ba?"
Biglang dumilim ang mukha ni Mirabelle at hindi ito nakasagot. She pouted her lips as he looked at Elanher with squinted eyes. There was a trace of anger and dissapointed in them.
Ngumisi si Elanher at hinawakan ito sa beywang saka mabilis at swabeng binuhat ito hanggang makaupo sa kanyang kandungan.
"Elanher, ano'ng gagawin mo? Bitiwan mo ako, ano ba?" nagpupumiglas na ani ni Mirabelle. Namumula ang nag-iinit nitong mukha. Kung saan-saan dumadako ang tingin nito at hindi kayang salubungin ang mata niya.
Pero hinigpitan ni Elanher ang pagkakahawak sa beywang nito habang ang isang kamay ay humawak sa baba nito upang magkasalubong ang tingin nila. Sumeryoso ang kanyang mukha. "I like you," diretsa niyang sabi at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. "Hindi ko alam kung paano, pero ikaw ang nag-iisang babae na kumiliti sa puso ko. Ikaw ang dahilan kung bakit gusto kong mas lumakas pa. Ikaw ang dahilan kung bakit nakaramdam ako ng takot na hindi ko naramdaman sa tanang buhay ko. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng saysay ang pakikipaglaban ko. At ikaw ang nag-iisang taong poprotektahan ko."
Yumuko si Elanher at isinubsob ang mukha sa leeg nito dahil kahit siya ay nakaramdam ng kaba sa paglalahad niya ng kanyang nararamdaman. Magkadikit ang katawan nila kaya ramdam ni Elanher ang mabilis na tibok ng puso nito.
Ilang segundong hindi nakasagot si Mirabelle. Ramdam din ni Elanher na tila tuod ito at hindi makakilos. Hinayaan niya itong namnamin ang mga sinabi niya. Pagkaraan ay saka ito nagsalita.
"Hindi ko alam kung paano, pero nahulog na rin ang loob ko sa 'yo, Elanher. Ilang buwan pa lang tayong nagkakilala, at alam kong maikli ang panahon na iyon para magustuhan ka, pero sigurado ako sa nararamdamn ko para sa 'yo. Siguro dahil malakas ka? Makapangyarihan ka? At sa tuwing kasama kita ay ramdam na ramdam ko na ligtas ako. Kahit alam kong iba ka, hindi ako natatakot." Niyakap siya pabalik ng dalaga.
Elanher remained silent and just sniffed Mirabelle's scent. Sinubukan niyang pakalmahin ang naghuhurumentadong puso bago magsalita. "Hindi kita hahayaang masaktan, Belle. Gagawin ko ang lahat para protektahan ka."
Inangat niya ang mukha at nagkatitigan sila ng dalaga. Matiim ang kanyang titig. Ang kanyang mata, sa sobrang tuwa ay bumalik sa dating berdeng kulay at tila may apoy na nagsasayawan doon. Ganoon din ang kaharap. Bakas na bakas ang tuwa sa mga mata nito. Ikinawit ni Mirabelle ang braso sa kanyang leeg at umayos nang pagkakaupo sa kanyang hita pero nagkasalubong ang kilay nito nang may maramdaman na may tumutusok sa puwetan nito. Nang ma-realize nito kung ano ang naupuan ay biglang nanlaki ang mata nito.
"Elanher!"
Nakagat ni Elanher ang ibabang labi at mahinang napatawa. "I'm sorry, baby. I can't help it. You just confessed that you like me. My junior just reacted out of happiness."
Akmang aalis sa pagkakakandong si Mirabelle pero hindi niya ito hinayaan. "No, baby. Just stay, please..." namumungay ang matang pakiusap niya. Nanatili sa pagkakayakap sa beywang ni Mirabelle ang braso niya.
"Paano naman kung manghina ka ulit? Maghahanap ka pa rin ng ibang babae?" nagtatampong tanong nito.
Humiga si Elanher kasama ang katawan ni Mirabelle, na ngayon ay kanyang kasintahan. "Why should I? I have you," nakakaloko ang ngising aniya. Mahina niyang pinisil ang beywang nito.
Mirabelle swatted his hand and glared at him. "No. I'm not ready," mahinang bulong nito saka nag-iwas ng tingin.
Kinabig niya ang batok nito upang magkaharap sila saka dinampian ng halik sa labi. "I know. At nakahanda akong maghintay."
"Pero paano babalik ang kapangyarihan mo?"
"May nahanap na na solusyon si Xavier."
"Talaga? Ano?"
"Your blood. Papayag ka ba kung sakaling kukuha kami ng dugo mo?"
Note.
sorry sa late update.
wala munag papapa. Lets wait hahahaha
Next chapter ay kay Keili at Xavier muna. hehe. kung okay sa inyo ang BL ay continue lang, pero kung hindi ay skip niyo na lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro