Chapter Nineteen
Isang oras ang lumipas bago nakabalik si Keili pero nang makita ni Elanher ang babaeng dala nito, imbes na manabik, ay lalo siyang naghina. Maganda at maalindog ang babae. Sexy at talagang kaakit-akit. Pero habang tinititigan niya ito nang matagal at maamoy ang amoy nito ay lalo siyang nasusuka at nahihilo. Tulad nang nararamdaman niya noong nasa Elanherealm pa lang siya at nire-reject ng katawan ang anumang katas na nakukuha sa kababaihan.
"Fuck! Take her out!" nanghihinang sigaw niya kay Keili. Pero hindi agad siya naintindihan ng alagad o talagang sinasadya nitong asarin siya dahil nais nitong makita siyang nahihirapan.
At hindi lang iyon, dahil sa panghihina niya ngayon ay baka biglang iluwa ng kanyang dimensyon si Mirabelle at makita siya na may ibang babaeng kausap.
"What do you mean to take her out? Didn't you ask me to bring you a woman to fuck?" may panunudyo sa boses ni Keili. Hindi nito alintana kahit nahihirapan na siya.
Matalim na tingin ang ipinukol dito ni Elanher. Kapag nagkaroon siya ng lakas ay hindi niya patatahimikin si Keili hangga't hindi niya ito napaghihigantian. Elanher clearly knew that Keili was fucking him up, so he didn't repeat his words and slumped back on the bed.
Matapos ihatid ni Keili ang babae sa labas ay agad itong bumalik sa kuwarto niya na seryoso na ang mukha. It looked like he was done joking with him, and he went back for a serious talk.
"Elanher, what is wrong with you? I thought you could fuck women in this realm? Why are you rejecting them again?" Umupo ito sa sofa hindi kalayuan sa kama at kinuha ang cellphone nito na biglang tumunog.
"Fuck! Kung alam ko ang sagot, eh 'di sana ay hindi ka na nag-abalang maghanap ng babae!" nayayamot na asik niya. He didn't have any idea what was the cause of his giddiness and vomiting. Hindi naman ito nangyari sa kanya kahit ilang araw pa silang nagtalik ng kambal.
"Stop being a dickhead and don't point that anger at me," Keili said. "Nag-text si Xavier. Mukhang may ideya siya sa nararamdaman mo. He is on his way here, and he's bringing some medication to temporarily restore your energy. Pasalamat ka at hindi mo na kailangang gumamit ng babae para lang bumalik ang enerhiya mo. Dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ni Mirabelle kapag nalaman niya na nambabae ka na naman."
"That..." Hindi niya maituloy sng sasabihin. Alam niyang pareho sila nang nararamdaman ni Mirabelle. At ayaw niya itong pagtaksilan.
Marahas na nagpakawala ng hangin si Elanher at kahit nahihilo ay pinilit niyang bumangon saka sumandal sa headboard ng kama. "I wonder who was that someone," pag-iiba niya sa usapan.
Gustong-gusto na niyang ilabas mula sa dimensyon si Mirabelle pero hindi niya magawa dahil hinang-hina pa siya. Ayaw niyang makita siya ng babae sa ganitong kalagayan. He knew he missed his sweetheart so much! Just thinking about it made him irritated.
"Who are you talking about?" Nakita ni Keili ang iritasyon sa mata niya at umangat ang isang kilay nito.
"The woman who saved that asshole!"
Umupo si Keili sa pang-isahang sofa hindi kalayuan sa kama at kampanteng sumandal bago sumagot. There was a hint of ridicule in his low and magnetic voice. "As I'd told you, you knew her. Pero kapag magaling ka na at handang makipaglaban ay sasabihin ko sa 'yo."
Nakasimangot at naninigkit ang matang tiningnan niya ang alagad. "The hell? I'm not an invalid. I can fight. Ako ang pinakamalakas sa Elenherealm, tandaan mo 'yan."
"Pinakamalakas? Not unless you are not stuck in that bed and become vegetative," Keili said. He got up from the chair and walked towards the door. Nang buksan niya iyon ay bumungad ang boyfriend nito na si Xavier.
"Hi, babe," bati nito saka niyapos ito sa beywang at hinalikan sa labi.
Xavier smiled at Keili after the kiss before hugging him lightly.
Habang naglalambingan ang dalawa ay dumilim naman ang mukha ni Elanher. Wala siyang pakialam sa kasarian o kung sino man ang nagugustuhan ni Keili, dahil suportado niya ang tauhan sa desisyon nito. Pero ang maglampungan ito sa harap niya ngayon, iyon ang hindi niya matanggap dahil lalo siyang nananabik na makita si Mirabelle.
"Can you two stop feeding dog food? I am a patient here. Huwag niyo nang dagdagan ang panghihina ko," nang-aasar na ani ni Elanher para kunin ang atensyon ng dalawa.
Kaagad namang bumitaw sa isa't isa sina Keili at Xavier at sabay na lumapit sa kanya. Xavier's long and golden hair shone brightly up close. Ngayon lang napansin ni Elanher na medyo patulis ang tainga nito, ibig sabihin isa itong mataas na uri ng eiecektro. Katulad niya ay isa rin itong dugong-bughaw.
Xavier lifted both arms gracefully, crossed them in front of his chest, and bent his knees for a greeting. Dahil hindi kaya ni Elanher ang umupo man lang ay tango ang naging sagot niya sa pagbati ni Xavier.
"Ang sabi ni Keili ay may paraan ka para manumbalik ang lakas ko kahit hindi ako nakakakuha ng katas sa isang babae. Kung anuman iyon ay sabihin mo na at huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa," diretsang turan niya.
Tinanguan ni Keili si Xavier at pinaupo ito sa upuan malapit sa kama. Ikinumpas ni Xavier ang kanang palad at biglang may liwanag na lumabas mula roon kasunod ang isang maliit na box na kasinglaki ng kaha ng posporo. Kinuha iyon ni Xavier at inilapag sa mesa saka binuksan upang ipakita sa kanila ang laman. "This is a kind of pill that can restore energy and vitality for a short period of time. This is made from the rhizome of a samsara plant, which was difficult to obtain in this realm. Pero sinusigurado ko sa 'yo na babalik sa dati ang lakas at kapangyarihan mo pero mayroon lang side effects."
"Ano?" magkapanabay na tanong nina Elanher at Keili. Kaagd namang pinandilatan ng mata ni Elanher si Keili pero wala sa kanya ang atensyon nito kundi kay Xavier.
"You will get horny. Ang samsara plant ay kabilang sa pamilya ng ginseng na nagpapataas ng libido ng lalaki, pero dahil engkanto ka, hindi ko alam kung gagana ba sa 'yo ang side effects."
Tumaas ang kilay ni Elanher. The use of this pill was good, but the side effects made him worry. Kung gagana sa kanya ang side effects, at magiging malibog siya lagi, paano na lang si Mirabelle? Kaya ba ng konsensya na makipag-sex sa ibang babae kahit alam niyang nagkakagustuhan sila ng dalaga? Kahit ganoon pa man ay hindi nagdalawang-isip si Elanher na tanggapin ang tableta na ginawa ni Xavier. It was better than being in bed like a dead fish.
"How long will this pill last?"
"Two days. Kapag mawala ang epekto ng gamot, babalik ka sa kung ano man ang nararamdaman mo ngayon."
Nangunot ang noo ni Elanher sa narinig. Alam niya kung anong klaseng halaman ang samsara, at lalong mahirap kunin ang rhizome o ang ugat nito dahil kapag na-damage iyon ay mawawalan iyon ng epekto. Kaya hindi siya makapaniwala na kahit mahirap itong i-harvest, ay hindi ganoon kahaba ang epekto nito.
"Do you still have a lot?"
Umiling si Xavier. "This was my last one. Marami sa kauri ko ang nangailangan noong bago pa lang kami dito sa mundo ng mga mortal. I have no more pills. Sa Elenherealm ko pa nagawa ang gamot na ito."
Tila lalong nanghina si Elanher sa narinig. "May iba ka pa bang alternatibo?"
Tumango si Xavier saka tumingala muna kay Keili bago siya sinagot. "The golden dragon's blood. One CC is enough and can restore strength for at least seventy-two hours. A dragon's blood can help restore power, not only for you or other engkantos. Even mortals can use this dragon's blood to make them stronger than other humans."
"Kaya ang suhestiyon ko sa 'yo," biglang sabad ni Keili. "Hangga't maari ay suyuin mo na si Mirabelle, nang sa gayon kung may nais mang kumuha sa kanya ay may lakas ka para protektahan siya."
Natahimik si Elanher saka walang pangingiyeming nilunok ang tableta na galing kay Xavier. Napakabilis ng epekto niyon dahil segundo lang ay bumalik na ang lakas niya. Mabilis siyang bumaba sa kama at tumayo sa gilid niyon. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa, at mula sa kanyang dimensyon ay nilabas niya si Mirabelle. The woman appeared right in front of him and Elanher pulled her for a tight hug because he missed her so much.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro