Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nine

Nang magkaroon ng malay si Mirabelle ay nakangising pagmumukha ng kamag-anakan niya ang kaagad na bumungad sa kanya. Nilukob siya ng makamundong takot. Eto na nga ba ang sinasabi niya kaya ayaw niyang lumabas. Kapag nakuha siya ng kamag-anakan niyang pinagkaitan ng mana ng kanyang abuelo ay siguradong hindi siya makakabalik sa hacienda ng buhay.

"A-anong gagawin ni'yo sa akin? Pakawalan ni'yo 'ko..." pakiusap ni Mirabelle habang sinusubukang makawala sa pagkakatali sa upuan. Subalit kahit ano'ng gawin niya ay hindi siya makawala dahil napakahigpit niyon at halos hindi na siya makahinga. "Tiyo..."

Halakhakan na puno ng pangungutya ang sagot na narinig ni Mirabelle. Ang tiyuhin niyang kapatid ng kanyang ama ang namumuno sa pagkaka-kidnap sa kanya. Ito ang nag-iisang tiyuhin niya na gahaman sa salapi. Ito rin ang ilang beses nang nagtangka sa buhay niya.

Walang alam si Mirabelle tungkol sa kanyang ina, wala ring sinasabi ang kanyang abuelo tungkol dito. Basta ang alam niya, itong tiyuhin niya at ang limang anak nito ang laging nanggugulo sa kanya tungkol sa pamamahala sa Hacienda.

"Mirabelle," tawag ni Jovito, ang kanyang pinsan, panganay na anak ni Tiyo Jovan. Tatlumpung taong gulang na ito pero wala pa ring trabaho dahil asa sa magulang. "Ibigay mo na kung ano ang gusto ni Daddy. Sign the agreement that you are transferring the ownership of the Hacienda over to us!"

Nakagat ni Mirabelle ang labi at tahimik na lumuha. Kahit ano'ng pakiusap ang gagawin niya sa mga ito ay hindi siya ng mga ito pakikinggan hangga't hindi niya naibibigay sa mga ito ang pamumuno sa Hacienda.

Hindi patitinag si Mirabelle. Pinangako niya sa abuelo na aalagaan niyang mabuti ang Hacienda at hindi ito mapapasakamay ng ganid niyang kamag-anak.

"Hindi puwede. Alam niyo kung ano ang mahigpit na habilin ni Lolo," matigas ang loob na turan niya. Matagal na niyang pinoprotektahan ang Hacienda kaya hindi siya magpapadala sa pananakot ng mga ito.

"C'mon, Mirabelle! Bakit ba napakadamot mo? Pamilya mo kami. May karapatan kami sa kung anuman ang kikitain ng Hacienda!"

"You are right, Maylin!" sang-ayon ng pangatlong pinsan niya na babae rin, si Joana. Bumaling ito sa ama. "Daddy, ano pang hinihintay mo? Ituloy mo na ang pagpapahirap sa kanya kung patuloy pa rin siya sa pagmamatigas!" utos nito sa ama.

Sa lahat ng magkakapatid, itong si Joanna ang kontrabida. Mirabelle was even thinking that she was the instigator of all this threatening her.

Nangalit ang ngipin ni Mirabelle. Sa totoo lang, hindi siya marunong magalit at ayaw niyang manakit ng tao, pero sa patuloy na pangha-harrass sa kanya ng kamag-anak niya hindi niya mapigilang kasuklaman ang mga ito.

"Ilang beses ko ba sabihin sa inyo na hindi puwede ang gusto— arghh!!!" Matinis na napasigaw si Mirabelle nang bigla siyang kinuryente ng kanyang tiyuhin.

"Tumigil ka na, Mirabelle! Kung ayaw mong masaktan pa, pirmahan mo na ang dokumento!" galit na sigaw ng kanyang tiyuhin. Madilim ang mukha nitong tila demonyo na nakahanda siyang lapangin.

Patuloy sa pagluha si Mirabelle habang nanginginig ang katawan sa patuloy na pangunguryente ng kanyang tiyuhin.

"Sige, patayin niyo na lang ako kung iyon ang gusto niyo. Sa tingin niyo makukuha niyo sa akin ang pamamalakad ng Hacienda kung papatayin niyo ako?" Patuloy sa pagmamatigas si Mirabelle. Tuluyan nang nawala ang takot niya kung ano pang klaseng pananakit ang gagawin sa kanya ng Tiyuhin.

Lumapit ang asawa nito na kinasusuklaman niya rin. Wala itong katiting na relasyon sa Hacienda pero ito ang nangunguna na kunin iyon kay Mirabelle. She held Mirabelle's face and squeezed it hard.

"Sa tingin mo hindi ka namin kayang patayin para wala nang problema ang pagkuha ng Hacienda sa 'yo? Nagkakamali ka kung iniisip mo 'yun, iha. We are just letting you out easily out of pity dahil pamangkin ka ng asawa ko."

Mirabelle squinted her eyes hard as her face was getting squeezed tight. The electrocuting had already stopped, but she felt like her jaw would fall off her face soon. Nagpatuloy sa pagbuhos ang kanyang luha.

"Kung iyon ang ikakaligaya ni'yo, sige gawin ni'yo. Patayin ni'yo na ako!" sigaw niya nang pakawalan siya ng kanyang tiyahin.

Muling malakas na halakhakan ang namayani sa buong bodega, na hindi niya maintindihan kung ano ang naroon. Basta ang nakikita niya lang sa isang sulok ay mga sako-sakong bigas na nakaimbak, pero mayroon pang ibang bagay na natatakpan ng kulay itim na tela.

"Gladly, Mirabelle. Kung iyan ang hinihingi mo, pagbibigyan kita!" Lumapit sa kanya si Jovito na may hawak na baril saka iyon itinutok sa kanya.

Binalot ng takot ang mukha ni Mirabelle. Ang kanyang luha at sipon ay naghalo. She looked like a mess, but she didn't care about it.

"Teka, Kuya. Hindi ba't parang napakadali naman yata kung basta mo na lang siya babarilin?" Biglang sumabad ang bunso na si Nathara.

Nasindak si Mirabelle sa narinig. Hindi niya napansin na pati ang sampung taong gulang na bunsong anak ng tiyuhin ay naroroon din. May hawak-hawak itong lollipop habang kaswal na sinasabi ang katagang binitawan. Tila ba normal lang para sa edad nito ang pumatay ng tao.

Ano'ng klaseng pamilya ba ang kaharap ko? Kamag-anak ko ba talaga sila?

"What does our little girl suggest then?" tanong dito ni Jovito.

"Bakit hindi mo putulin ang mga daliri niya isa-isa? Total wala naman 'yang silbi dahil ayaw niyang pumirma, 'di ba?"

Halos mawalan ng ulirat si Mirabelle sa narinig. Tama ba ang naririnig niyang kabrutalan mula sa bunsong pinsan niya?

"Sure thing, sis," nakangising sang-ayon ni Jovito. May kinuha itong pliers at nang bumalik sa harapan ni Mirabelle ay nakahanda na ito upang sundin ang utos ng kapatid. "Come here, little cousin." Hinawakan nito ang daliri ni Mirabelle at iniumang doon ang pliers.

Mariing naikuyom ni Mirabelle ang kamao upang itago ang daliri pero hindi siya nagtagumpay dahil hinawakan siya sa magkabilang balikat nina Maylin at ng kanyang tiyahin.

Nakaupo siya sa upuan at ang braso at paa ay nakatali upang hindi siya makatakas. At upang maibuka niya ang kamao ay muli siyang kinuryente ng kanyang tiyuhin. Her body shuddered as electric currents flowed inside her body, restricting her every movement. Kahit lupaypay na ang katawan niya, kahit hinang-hina na siya ay hindi siya tinigilan ng kanyang tiyuhin sa pagkuryente habang si Jovito ay hawak na ang daliri niya at nakatutok ang pliers dito.

***

"Nasaan si Mirabelle?" Agad na tanong ni Elanher nang makabalik sa Hacienda. Kahit nakainom siya ng katas mula sa dalawang babaeng nakaulayaw niya kanina ay mainit pa rin ang ulo niya sa pang-iiwan sa kanya ng dalaga. Dala pa rin niya ang inis hanggang sa pag-uwi kaya't si Mirabelle ang agad na hinanap niya.

"Hindi ko alam, panginoon. Hindi ba kayo ang magkasama kanina?" Si Elenara ang sumalubong sa kanya. May pagtataka na makikita sa mukha nito. Nakaupo ito sa sofa habamg nanonood ng TV na kinahiligan nito nitong mga nakaraang araw.

Pagak na napatawa si Elanher at pabagsak na umupo sa sofa katapat nito. "Pagkatapos niya akong iwan, pagtataguan niya ako?" Naiinis na usal niya at sinandal ang likod. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng kahungkagan samantalang wala naman dapat siyang pakialam kung ano ang gustong gawin ng babae.

"Excuse me po," tawag pansin sa kanila ng mayordoma.

"Bakit?" naiinis na tanong ni Elanher. Ni hindi niya ito nilingon.

"Naulinigan ko po kasi ang sinabi niyong kasama niyo si Maam Mirabelle. Pero bakit hindi pa rin siya nakauwi?" Binalot ng pagkabahala ang mukha ng mayordoma.

"Amepta, wala akong alam kung nasaan ang amo mo. Iniwan niya akong mag-isa. Bakit ko pag-aksayahan ng oras hanapin ang babaeng 'yon kung saan man siya sumuot?" Tumayo si Elanher at akmang maglalakad papalayo nang mabilis siyang pinigilan ng mayordoma sa braso. Agad niya iyong ipiniksi.

"Wala kang karapatang hawakan ako, kutong-lupa!"

Lumuhod sa sahig ang mayordoma. "Sir, sandali. Pakiusap. Hanapin niyo po si Maam Mirabelle. Baka kung ano na po ang nangyayari sa kanya."

Nagsalubong ang kilay ni Elanher habang nakatungo sa lumuluhod na Amepta. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagmamakaawa nito para lang hanapin niya si Mirabelle.

"Bakit ko nga hahanapin ang taong ayaw naman magpakita? Umalis siyang mag-isa, bumalik siyang mag-isa!" Iniwanan ni Elanher ang matanda at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sir, sandale!!!" Malakas na sigaw nitong muli at muling naagaw ang pansin ni Elanher.

Madilim ang mukhang tumigil siya sa paglalakad at galit na nilingon ito. "Gusto mo bang masaktan, mortal?" Nakapameywang at madilim ang mukhang tanong niya.

Muling lumuhod ang mayordoma at puno ng luha na nakiusap sa kanya.

"Hindi, sir. Pero nakikiusap ako. Hanapin niyo si Mirabelle at baka may masamang nangyari sa kanya."

"Bakit naman may mangyayaring masama sa kanya?" sabad ni Elenara. "Ang sabi ng aking panginoon ay umalis siyang mag-isa. Malay ba namin kung may kinatagpo siyang iba?"

Matigas na umiling ang matanda habang patuloy sa pagluhod. "Hindi. Hindi magagawa ni Maam Mirabelle iyon. Walang sinuman ang nakakabihag sa puso niya para lumabas siya at sumama sa mga ito.

Malakas ang kutob ko na nakuha si Mirabelle ng kanyang mga ganid na kamag-anak. Baka sinasaktan na siya ngayon ng mga ito." Tumingala sa kanya ang mayordoma. "Nakikiusap ako, Sir. Hanapin mo si Mirabelle."

"Ano?! Nawawala si Mirabelle?"

Sabay-sabay na lumingon ang tatlo sa pintuan kung saan nanggaling ang boses. Nang mapagsino ito ni Elanher ay tumaas lang ang kilay niya.

"Sir Keili!" ani ng mayordoma.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro