Chapter Fourteen
"Hahahahaha!"
Malakas na halakhak ng Heralm ng Itim na Engkanto ang pumailinlang sa kagubatan nang makita ang nakabukas na lagusan patungo sa mundo ng mga mortal. Tama nga ang sinabi ng kanyang alagad na si Elenara. Patay na ang Sentaura na nagbabantay sa lagusan kaya malaya siyang makakalabas. At dahil wala pang nakakaalam sa nangyari ay wala pang ibang nagbabantay sa lagusan. Isinumpa si ElHelcurt,ang Heralm ng itim na Engkanto, ni Elanher na hindi makalabas sa kaharian ng Elanherealm dahil sa pamiminsala nito sa mga mortal ilang libong taon na ang nakakalipas.
"Pero sino ang mag-aakala na muli na naman akong makakatapak dito?"
Iba-iba ang patutunguhan ng lagusan depende kung saan gustong pumunta ng mga taga Elanherealm. And with ElHelcurt's plan, he went straight to the only ally he knew of. The Witch of the North, ElPia. Dito niya matatagpuan ang nilalang na halimaw kung tawagin sa mundo ng mga mortal, ang mga Beldame. Isang uri ng Burukan pero mas matalino at mas makapangyarihan keysa sa Burukan ng Elanherealm. Nakilala ito ni ElHelcurt mahigit isang libong taon na ang nakakaraan. Pareho pa rin silang may kontak sa isa't isa sa pamamagitan ng itim na mahika kaya't sigurado siyang makikilala siya nito.
Ipinikit ni ElHelcurt ang mata at inipon sa kanyang palad ang enerhiya na nakukuha niya mula sa mga puno't halaman, pati na rin sa ilog na malapit sa kinaroroonan niya. Nang magmulat siya ay naging purong itim ang kanyang mata at ang enerhiyang nakuha niya ay naging kulay itim din na kasinglaki ng bola ng soccer pero ang mga puno't halaman ay nanlanta pati ang tubig sa ilog ay halos matuyot. Itinaas niya ang naipong enerhiya at itinapon sa ere at bigla iyong naging pintuan na gawa sa itim na enerhiya. Lumipad ang Heralm at pumasok doon.
"Sinasabi ko na nga ba at ikaw ang nanggugulo sa lagusan patungo sa balwarte ko. Ano ang ginagawa ng Engkantong itim dito? Paano ka nakalabas sa Elenherealm?"
"Tsk. Tsk. Tsk. Iyan ba ang isasalubong mo sa akin matapos mo akong inabandona ng ilang libong taon?" Hinawakan ni ElHelcurt ang dibdib at kunwari ay nasasaktan.
ElPia rolled her eyes so hard that they almost popped out of the socket. "Tigilan mo na ang kadramahan mo d'yan."
Magkasunod na pumasok sa kubo ang Heralm at si ElPia at kaagad na naglaho ang portal na ginawa ni ElHercurt. Umupo ito sa nag-iisang upuan na nnaroon habang si ElPia ay dumiretso sa nakasalang nitong kawa. "Hindi mo pa ako sinasagot, Heralm. Ano'ng ginagawa mo sa mga mortal?"
May kung ano'ng halaman na itinapon si ElPia sa kawa at biglang may umusok mula roon na agad nitong hinawi. Ngumisi ito nang makita kung anuman ang nakikita nito sa mahiwagang kawa.
Hindi iyon pinansin ni ElHelcurt at pinaglaruan ang isang tuyong halaman na nakapatong sa mesa. "Walang bantay ang lagusan. Patay na ang Sentaura na nagbabantay roon. Kung gusto mong bumalik sa Elenherealm ay malaya kayong makakabalik. Bukas ang aking palasyo upang tanggapin kayo."
Tumingin sa kanya si ElPia. "Hindi ka rito pumunta upang sabihin lang 'yan. Ano'ng kailangan mo?"
"Elanher. Hanapin mo siya. Nandito ang walang kuwentang 'yon sa mundo ng mga mortal bilang isang mahinang nilalang. Pagkakataon ko na upang tapusin ang buhay niya." Itinapon ng Heralm ang tuyong halaman at tumayo saka lumapit kay ElPia. "'Yon lang ang kailangan ko kaya ako bumalik dito. Huwag kang mag-alala, walang mortal na masasaktan sa gagawin kong pagpaslang sa Heralm ng puting Engkanto."
"Kung anuman ang problema niyo ng Elanher na 'yon ay huwag mo akong idamay. Ibibigay ko ang kinaroroonan niya pero bigyan mo ako ng sapat na oras para hanapin siya."
"Bakit, Elpia? Sino ang pinoprotektahan mo para itago sa akin ang kinaroroonan ni Elanher? Alam kong alam mo na kung saan siya," mariing sabi ni ElHelcurt. Sa isang iglap ay nasa harapan na ito ni ElPia at sakal-sakal ito. "Nagbago ka na. Lumambot ka. Sino ang pinoproteksyonan mo?" Suminghot si Elanher na tila isang asong ulol upang alamin kung sino ang kasamahan ng Beldame na nakatira sa kubo.
"Wala akong kasama rito. Bitiwan mo ako, ElHelcurt." Napaubo si ElPia dahil sa mahigpit nitong pagkakasakal pero pinilit niyang magsalita upang rumason sa dito. "Hindi ko agad mahanap ang Heralm ng puting Engkanto dahil kulang ako sa sangkap. Humina man si Elanher dito sa mundo ng mga mortal ay malakas pa rin ang harang na bumabalot sa kanya kaya mahihirapan akong hanapin siya. Kailangan ko ang dahon ng isang halaman na matatagpuan sa bundok ng Glaceirses. Ang halaman na tanging makakatalo sa harang na nakabalot kay Elanher." Ang bundok ng Glaceirses ay nababalot ng yelo at mga halamang kayang mamuhay sa lamig lamang ang nabubuhay dito.
Binitawan siya ng Heralm. "Hmm..." Inilagay nito ang kamao sa baba na tila nag-iisip. "Tama ka. Isang apoy ang walang kuwentang hari na 'yon kaya ang kahinaan niya ay isang bagay mula sa bundok ng Glaceirses. Dahil diyan, sige, pagbibigyan kita." Bumalik ito sa pagkakaupo.
Samantala, tahimik na nagpakawala ng maluwag na hininga si ElPia. Tama ang Heralm ng itim na Engkanto. May dalawa siyang mortal na pinoprotektahan at sa kasalukuyan ay kasama ng mga ito si Elanher. Nakikita niya sa kanyang kawa kung ano ang nangyari rito kaya't pinapunta niya ang dalawa niyang anak-anakan upang ipagamit kay Elanher. Ayaw niyang guluhin ni ElHelcurt ang kambal at si Elanher kaya gumawa siya ng dahilan at nagsinungaling kahit pa alam niyang ikakapahanak niya iyon kapag siya ay nabisto.
Kapag magtagumpay siya na mapunlaan ni Elanher kahit isa man sa kambal ay gagamitin niya iyon laban sa Heralm at kapag nagtagumpay siya ay isa siya sa magiging makapangyarihan sa Elenherealm.
***
"Saan si Elanher?" namamaos ang boses na tanong ni Mirabelle nang magising. Isang araw na ang nakalipas mula sa sandaling nagkaroon siya ng malay. Ang malibog na engkantong iyon ang kaagad na pumasok sa kanyang isip pagkagising. She just had the urge to see him. Gusto niyang nasa tabi niya ito.
"Hindi pa rin bumabalik, iha."
Natahimik si Mirabelle sa sagot ni Manang Teresa at nanlumo. Tatlong araw siyang nawalan ng malay, iyon ang sabi sa kanya ni Keili, na bumalik na pala sa mansyon. Nagpapasalamat siya rito dahil sa pagligtas nito pero ang sabi ng butler ay si Elanher ang nagligtas sa kanya.
"Sige, Manang." Yumuko si Mirabelle at tumingin sa putol na daliri at hindi maiwasang manindig ang balahibo nang maalala ang ginawa sa kanya ng pamilya ng kanyang Tiyo Jovan. Nanginig ang katawan niya at hindi niya namalayang nangilid na pala ang kanyang luha habang unti-unti siyang nilulukob ng takot. Mabilis na dumalo si Manang Teresa at pilit siyang pinakalma pero hindi pa rin humuhupa ang takot niya.
"Diyosko, mahabaging panginoon. Ano ba'ng nangyayari sa 'yong bata ka? Sandali at tatawagin ko si Keili." Natatarantang lumabas ng silid si Manang Teresa habang si Mirabelle at patuloy sa pagluha. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla-bigla na lang siyang nakaramdam ng takot, na tila ba sensitibo siya sa sakit pero sa kaloob-looban ng isip niya ay kaya niyang tikisin iyon pero hindi niya magawa. Parang may kung ano sa loob niya na nais lumabas pero hindi niya mawari kung paano.
"Mirabelle!"
Hindi namalayan ni Mirabelle na nakabalik na pala si Manang Teresa at kasunod nito si Keili. "Relax, Mirabelle. No one can harm you as long as I am here."
Nangingilid ang luha na tumingin siya kay Keili.
"Bumalik na ba si Elanher?"
Umiling si Keili at umupo sa kanyang tabi saka hinaplos ang buhok niya. "Hindi pa. I can sense that he is alright, so, don't worry about him. Walang nangyaring masama sa kanya."
Isinandal ni Mirabelle ang ulo sa balikat ni Keili. Nakahiga siya sa kama habang ang butler ay nakaupo sa gilid at nakasandal sa uluhan. Itinaas niya ang kamay kung saan ang may putol na daliri at tahimik na umiyak. Hindi niya alam kung mawawala pa ba sa isip ang nangyari sa kanya.
"Don't worry about that, Belle. Kapag bumalik si Elanher siya na ang bahala dito." Itinuro ni Keili ang naputol niyang daliri.
"Are you one of them, Keili?" Mababa ang boses na tanong niya kapagkuwan. Tumigil na rin sa wakas ang pagtulo ng kanyang luha dahil sa malumanay na paghaplos ni Keili sa buhok niya. "Isa ka rin bang engknanto tulad ni Elanher? May kapangyarihan ka rin ba?"
Mahinang tumawa si Keili pero ang kamay nito ay hindi tumigil sa paghaplos sa likod niya. "Hmm..."
"Ibig sabihin totoo pala ang mga ikinukwento mo sa akin noon? Isa ba talagang hari si Elanher?" Umupo si Mirabelle sa kama at hinarap si Keili. "Pero bakit siya nandito sa mundo namin? Kayo? At bakit kailangan niyang maghanap ng babae upang magsiping..." Sunod-sunod ang tanong ni Mirabelle pero sa huling tinuran ay humina ang kanyang boses dahil may kirot sa kanyang puso na biglang sumigid. Ang totoo ay hindi niya matanggap na may ibang babaeng kinagigiliwan si Elanher.
"Bago kita sagutin, ako muna ang sagutin mo, Belle." Tumingin sa kanya si Keili na puno ng kaseryosohan. "Ayos lang ba sa 'yo na makipagkita si Elanher sa ibang babae?"
Natigilan si Mirabelle at biglang napayuko. Hindi niya kayang tingnan sa mga mata si Keili dahil baka mabasa nito ang tunay niayang nararamdaman. "Ah... Oo naman."
"Sigurado ka? Hindi ka nasasaktan kahit pa ilang babae ang kakatagpuin niya?" pamimilit ng butler.
Muling tumingin si Mirabelle kay Keili. "Oo naman, bakit naman hindi? Buhay niya naman 'yon at hahayaan ko siya kung saan siya masaya." Mirabelle may have said that, but her throat felt the bitterness of the afterword. No. Hindi niya gusto na may ibang babaeng kinakatagpo si Elanher. Pero paano niya ba iyon sasabihin sa butler?
Tumango si Keili at tila iniwan na ang paksa tungkol kay Elanher. Mirabelle pouted her lips as if still wanting to talk about Elanher, but she couldn't raise her voice.
"To answer your previous questions, yes. Elanher is a Heralm in a world where creatures like us live. But due to an issue concerning his health, he went to the mortal realm to find someone."
"That someone is a woman, right?"
Muling tumango si Keili. "You got it. But you play a big role in it." Keili stood up from the bed and looked down at her narrowed brows. "Matulog ka na. I'm sure Elanher will return soon and nurse your wound."
Mirabelle still has a lot of questions and that includes the family who kidnapped her.
"Paano sina Tiyo at ang pamilya niya? Nahuli ba sila ng mga pulis?"
Nasa pintuan na si Keili pero huminto ito at lumingon sa kanya nang marinig ang tanong niya.
"Probably dead."
"What?" Napaawang ang kanyang labi sa pagkabigla. She panicked. "Why?"
"Huwag mo na silang isipin pa, Belle. Hindi mo sila totoong pamilya. Wala kang kamag-anak."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro