Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Five

Tumayo si Elanher mula sa kanyang paglining at sinulyapan ang tulog pa rin na si Elenara. Wala pa rin siyang saplot pero hindi iyon problema sa kanya. With his thoughts, his clothes appeared and it wrapped up his body. It was his black robe with red lining on the sides and gold crest on the right chest. Inside he was wearing his slightly formal attire and a black pants.

Nais niyang pumunta sa kanyang dimensyon upang doon kontrolin ang pagdaloy ng katas sa kanyang dugo para walang makaistorbo sa kanya. Hindi sapat ang barrier na ginawa niya dahil may awra siyang nararamdaman na siyang nakakaistorbo sa kanya. Hindi niya ramdam na isa itong kaaway kaya hinayaan niya ito. Pero ang awra na ito ay ramdam niya nang nasa tabi niya ang mortal kanina.

Hindi na nagsayang ng oras si Elanher at biglang nag-ilaw ang marka, na hugis ahas na may pakpak, sa kanyang noo. Sa isang iglap ay bigla siyang naging alikabok at naglaho. He was inside his dimension.

Elanher can control his dimension to move. It was also full of spiritual powers that could help him balance the juices he drank. At the same, it can also replenish and develop lost sperm cells, but not fast enough when he absorbs women's cells.

Matapos masiguro na maayos ang pakiramdam ay lumabas si Elanher ng dimensyon at nang makitang tulog pa rin si Elenara ay iniwan niya ito saka lumabas ng kuwarto. Umaga na kaya alam niyang gising na mula sa pamamahinga ang mortal. Kailangan niya itong makausap.

Natagpuan niya ito sa kusina na nagluluto pero hindi niya mawari kung ano dahil estranghero sa kanya ang amoy ng pagkain. May katabi itong isang babae rin na mortal batay sa mahabang buhok nito pero hindi mamukhaan ni  Elanher dahil nakatalikod ito sa kanya. He walked up to them slowly and soundlessly with his arms crossed against his chest.

"Siya na ba ang babaeng iaalay mo sa akin, mortal?" Nakataas ang kilay na tanong niya. Huminto siya sa likuran ng babaeng mahaba ang buhok pero ang mata ay nakatuon sa maputi at makinis na batok ng mortal dahil nakapuyod nang mataas ang buhok nito.

"Arghh!!!" Biglang sigaw ng babaeng mahaba ang buhok sa harapan ni Elanher kaya mabilis na napaatras ang hari ng mga Engkantado.

"Bakit ka sumisigaw?" Naiinis na tanong ni Elanher pero nangunot ang noo niya nang maamoy niya ang katawang lupa nito. Hindi siya nagkakamali na hindi na preska ang amoy na nakukuha niya rito. Isa itong Amepta.

"Iaaalay?" biglang tanong ng mortal at nilingon ako sa natatawang mukha. Sumulyap ito sa babaeng katabi nito na tila hindi pa rin makarekober sa pagkasindak. "Oo, siya nga. Type mo?"

Umangat ang isang kilay ni Elanher at ibinaba ang kanyang mga braso sa magkabilang gilid. Akmang hahawakan niya sa balikat ang babae upang iharap ito sa kanya pero naunahan siya nito at umikot ito upang magkaharap sila.

"Type mo ako— woah!!! Ang pogi!"

Tumili ang babae na ikinarindi ng tainga ni Elanher. Mabilis  siyang umatras na tila hangin sa bilis at sa isang iglap ay dalawang metro na ang layo niya sa babae.

"Isang Amepta? Isang Amepta ang iaalay mo sa akin, mortal?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Elanher sa mortal na ngayon ay hawak na ang tiyan sa kakatawa. Nagkasalubong ang kanyang kilay at nakaramdam ng inis. "Iniinsulto mo ba ang pagiging Heralm ko?"

Mangiyak-ngiyak ang mortal sa kakatawa. Kahit noong nagsalita ito ay nanginginig pa rin ang balikat nito sa hindi mapigilang halakhak.

Patuloy sa pagdilim ang mukha ni Elanher at ilang segundo ang lumipas ay biglang nagdilim ang paligid at kumidlat na sinundan nang matinding kulog.

"Inuulit ko, mortal. Siya ba ang iaalay mo sa akin? Isang amoy lupa na Amepta?" Malamig pa rin ang boses at madilim ang mukha na tanong ni Elanher. Unti-unti siyang naglakad patungo sa tabi ng mortal at hindi pinansin ang Amepta na halos hindi na maisara ang bunganga sa labis na gulat.

"Teka, sandali!" Agad na pigil ng mortal kay Elanher at iniharang ang dalawang palad upang hindi siya makalapit dito. " Ano'ng Amepta ang pinagsasasabi mo? At bakit mortal pa rin ang tawag mo sa akin? Hindi ba binigay ko na sa inyo ang pangalan ko kagabi?" sansala nito. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa nang mapansin ang suot niya.

"Saan mo kinuha ang damit mo? Anong klaseng fashion 'yan? Magko-cosplay ka?" Nakaangat ang isang kilay na dagdag tanong nito.

Hindi pinansin ni Elanher ang huling sinabi ng mortal. Tumigil siya sa paglapit dito at nanatili sa kinatatayuan na madilim pa rin ang mukha. "Tinatanong kita kung siya na ba ang iaalay mo sa akin. Hindi ba sinabi ko na rin sa 'yo na hanapan mo ako ng babae na magbibigay ng katas sa akin? Nakalimutan mo rin ba ang matinding habilin ko sa 'yo kagabi, ha, hamak na mortal?"

Nawala ang ngiti sa mukha ng mortal at nabalot iyon ng iritasyon.

"Sandali nga lang ho, mister." Humakbang ito at tinawid ang pagitan nila hanggang halos isang dangkal na lang ang layo nila sa isa't isa. Itinuro siya nito gamit pa rin ang panandok. "Sino ka para utusan ako sa sarili kong pamamahay? Pinagbigyan ko na kayo ng weirdo mong kasama kahapon hoping na aalis kayo ngayon, pero ini-insist mo pa rin ang gusto mo? Hindi ako papayag," matigas na turan nito.

Tumaas ang sulok ng labi ni Elanher at yumuko upang magpantay ang mukha nila ng mortal. "Huwag mo'ng subukan ang pasensya ko sa 'yo, mortal. Hindi mo alam kung ano ang kaya kung gawin sa 'yo." Tumuwid siya ng tayo at nagkalayo ang mukha nilang dalawa ng mortal. "Ano'ng gusto mo? Sarili mo ang iaalay mo sa akin, huh? Mukha ka lang inosente pero sa kaloob-looban ay pinagnanasaan mo rin ako, hindi ba?" Kinindatan pa niya ito saka matamis na ngumiti lalo na nang makitang nanlaki ang mata nito sa gulat. Mukhang tama siya nang naiisip.

Tuluyan nang nawala ang inis na nararamdaman ni Elanher dahil may nakukuha siyang kasiyahan sa pananakot niya sa mortal. Isa pa, ramdam niya na ang awra nito ay kinakalma ang pagkatao niya.

"Ano? Hindi 'no!? Hindi ako interesado sa weirdo na katulad mo!" Tinalikuran siya ng mortal at bumalik sa niluluto pero hindi ito tinigilan ni Elanher at tumabi rito.

"Hindi ko maintindihan ang ibang salita mo, mortal. Pero nababasa ko ang mukha mo na interesado ka sa akin. Huwag kang mag-alala. Bibigyan kita ng panahon na makapaghanda dahil baka hindi mo kakayanin ang ahas ko. Hmm..." bulong ni Elanher sa tainga ng mortal.

Akma sana niyang didilaan ang tainga nito pero biglang umiwas ang mortal at itinutok sa kanya ang bagay na ginagamit nito sa panghalo ng niluluto nito.

"Subukan mo lang lumapit at sasandukin kita. Lumabas ka na sa pamamahay ko bago pa ako magpatawag ng pulis."

Humalakhak si Elanher dahil sa pagbabanta ng mortal. His shoulders shaking in laughter that fills the entire kitchen. The mortal stared at him blankly, and Elanher find her cute.

"Ano, mortal? Hindi ba tawa ko pa lang nahahalina ka na? 'Yan ba ang sinasabi mong hindi ka interesado?"

"Iha! Sino ba ang lalaking 'yan? Bakit ka nagpatuloy ng estranghero sa mansyon? Paano kapag malaman ito ni Keili? Malalagot ka sa butler na 'yon!"

Umangat ang kilay ni Elanher nang biglang sumabad sa kanila ang Amepta na tila ngayon lang yata nagising aa pagkagulat. Pero hindi iyon ang umagaw sa pansin niya kundi ang pangalan na binanggit nito. Hmm...

"Hindi niya malalaman. Mahigit isang buwan pa bago siya bumalik."

"Amepta," tawag ni Elanher sa atensyon ng matanda.

"Hindi Amepta ang pangalan ko at mayordoma ako sa pamamahay na 'to kaya desisyon ko kung paalisin ka dito o hindi!" Biglang baling sa kanya ng Amepta. Mukhang lumabas ang tunay nitong ugali. 

"Tama si Manang Teresa. Mas mabuting umalis na kayo rito dahil hindi naman namin kayo kaano-ano para patuluyin dito."

Nanatili ang ngisi sa labi ni Elanher bago tumayo nang tuwid. "Hindi ako aalis hangga't hindi mo nagagawa ang sinasabi ko, mortal. Aalis ako kung gusto ko dahil pagmamay-ari ko ang lugar na ito." Inabot ni Elanher ang palad ng mortal at masuyong hinagkan pero mabilis iyong binawi ng babae.

"Paanong naging sa 'yo kung pinamana 'to sa akin ng Abuelo ko, aber?" Nakapameywang na talak ng mortal. Muli na naman itong sinakop ng inis.

Natutuwa si Elanher sa pabago-bagong reaksyon ng mortal pero hindi niya alam kung bakit.

"Oo nga, iha. Mabuti pa ay palayasin mo na ang lalaking 'yan at baka kung ano pa ang gawin sa atin," suhestiyon ni Manang Teresa.

"May problema ba rito, Miss Mirabelle?"

Tumingin si Elanher sa pintuan at nakita ang apat na lakaking mortal na may dala-dalang mga itak at iba pang armas.

"Kami na ang bahala sa kanya, Miss Mirabelle. Siguradong babahag ang buntot niyan sa aming apat."

Isang nakakalokong ngisi ang isinukli ni Elanher sa nagsalitang mortal.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mahina ang nag-iisa."



Inside The Palace of Elenherealm

"Sigurado ka sa iyong balita, kawal?"

"Walang kasinungalingan ang aking ibinalita, mahal na tagapagbantay. Nagpaplano ang kaharian ng Here Buruka na lumusob sa palasyo. Sa mga sandaling ito habang tayo ay nag-uusap ay nasa labas na sila ng palasyo at sinusubukang pwersahin ang paglusob." Mahabang balita ng kawal at nanatiling nakaluhod habang nakayuko ang ulo.

Isang malakas na halakhak ang isinagot ng tagabantay ng trono bago tumayo mula sa kanyang kinauupuan sa kaliwang upuan ng kanyang Panginoon.

"Ako na ang bahala sa kanila. Isang mababa at mahinang nilalang ang sumusubok na sirain ang kapayapaan sa Elenherealm? Mukhang nagmamadali silang mamatay!" Matapos sabihin iyon ay biglang naglaho ang tagapagbantay at sa isang iglap ay nasa labas na siya ng tarangkahan ng palasyo kaharap ang ilang daang kawal at ang lider ng mga sumugod na mababang nilalang sa Elenherealm, ang mga Buruka.




Amepta- matandang babae
Amepto - matandang lalaki
Heralm- Hari na namumuno sa Elenherealm

Here- tribo

Buruka- Mangkukulam/ witches/ buruka

 Here Buruka- Tribo ng mga Buruka

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro