Chapter Eighteen
"Huh!" Madilim ang mukhang asik ni Elanher nang marinig ang sinabi ni Elhellcurt. Hindi siya nagpatinag sa malakas na awra na pinakita nito.
"May sayad ka na ba sa utak dahil sa sobrang tagal mong nabilanggo? Ano'ng gintong dragon ang pinagsasabi mo? Matagal nang ubos ang dragon sa kahit na anong kaharian!"
There is no way that Elanher will tell ElHellcurt the truth about the last descendant of the golden dragon. Hindi puwedeng mapasakamay ng hilaw na kapatid si Mirabelle.
"Kung nandito ka para maghanap ng gulo, ay ibibigay ko sa 'yo!" Inilabas ni Elanher ang halberd. Hindi siya natatakot na harapin ang pinuno ng itim na engkanto dahil alam niyang mas mataas ang level ng kapangyarihan niya kumpara rito. Lalo pa ngayon na punong-puno siya ng enerhiya mula sa katas na ilang araw niyang nakuha sa magkambal na Farrah at Ferrah.
"At mukhang kahit ang heralm ng Elanherealm ay may napupusuan at pinoprotektahan na rin." ElHellcurt gave a mocking laugh before a dark light flashed on his right palm. There was a small warp of air above it and suddenly, a weapon appeared in his hand. It was a double-edged saber, and it was covered in black miasma. This weapon is called Elmitta, a soul-eating saber. Kung sinuman ang masugatan ng talim ng sabre ay malalason at unti-unting mamamatay habang hinihigop ang kaluluwa nito papasok sa loob ng espada. Sa pagtaas ng level ng kapangyarihan ni ElHellcurt ay lalong tumatalim ang sabre at kaya nitong lasunin kahit pa ang engkanto na nasa ispiritwal na level. "Sigurado kang kaya mong lumaban sa akin, Elanher? Sa hina ng kapangyarihan mo ay sigurado akong hindi ka tatagal sa akin ng limang minuto."
"Kung gusto mong lumaban, lumaban ka na. 'Wag nang madami pang satsat! Iniistorbo mo ang katahimikan ko!" Madilim pa rin ang mukha ni Elanher habang matalim na nakatingin kay ElHellcurt. "Ibabalik kita sa lungga mo kung saan ka nababagay!" Malakas na pinukpok ni Elanher ang hawak na Elhalbedier at may malakas na enerhiya na lumabas doon. That powerful energy spread out in a circle until it reached the woods and trees were cut in half. Pero hindi naapektuhan ang mansyon dahil sa makapangyarihang harang na nakapalibot dito.
"Hanggang ngayon ay kayabangan pa rin ang pinapairal mo!" Itinaas ni ElHellcurt ang Elmitta at may lumabas sa dulo niyon na tila kidlat. Bukod sa lason ng Elmitta ay nakakatawag din ng kidlat ang sabre nito.
Hindi na hinintay ni Elanher na makaipon ng enerhiya si ElHellcurt at siya ang unang umatake. Hawak ang Elhalbedier ay mataas siyang lumipad at ilang segundong nanatili sa himpapawid bago bumulusok pababa sentro sa kinatatayuan ni ElHellcurt habang nakatutok ang lumiliwanag na dulo ng kanyang sandata rito.
Nanatili sa kinatatayuan si ElHellcurt at napapalibutan ng liwanag ang buong pagkatao nito habang nakatutok din ang sandata, na kumikidlat sa dulo, kay Elanher. Limang segundo bago ang pagtatagpo ng sandata nila ay bigla itong lumipad at sinalubong ang bumubulusok na si Elanher.
Ngumisi ang hari ng mga Heralm. "Hindi porke't malakas ay mayabang, mahal kong kapatid! Mahina ka lang talaga at walang binatbat sa kapangyarihan ko!"
"Tingnan natin kung sino sa atin ang mahina, Elanher!" sigaw ni ElHellcurt at malakas na hinampas ang hawak na Elmitta sa Elhalbedier ni Elanher.
Pero isang segundo bago magtagpo ang sandata nila ay biglang naglaho si Elanher at sa isang kislap ay nasa likuran na ito ni Elhellcurt. He sliced the halberd down, and it made an arc of light directing ElHellcurt's back. Pero mabilis na nakaiwas ang hari ng itim na engkanto kaya imbis na likod nito ang matamaan ay braso nito ang nasugatan. Black blood seeped out on his robes and he stepped back five steps, distancing away from Elanher.
"So slow." Tumikwas ang labi ni Elanher nang makita ang sugatang si ElHellcurt. Kung ang sandata nito ay may lason gano'n din kay Elanher. Pero hindi iyon alam ni ElHellcurt. Ang lason ng Elhalbedier ay hindi agad-agad malalaman dahil halos tatlong araw bago pa iyon umepekto, pero ang biktima ay hindi na mabubuhay pa pagkatapos niyon. Not unless an antidote made from Elanher's blood is taken, then the victim will be saved.
"You are courting death!" ElHellcurt bellowed at the top of his lungs. He ignored his wound and charged directly at him.
Sinalubong ni Elanher ang papalapit na hilaw na kapatid. Nasa gitna pa sila ng himpapawid pero sa lakas ng kapangyarihan nila, sa bawat hampas ng sandata, ay nagsipulasan ang mga ibon na nagpapahinga sa puno. When the Elhalbedier and Elmitta clashed again, ripples of powerful energy blanketed the surroundings and the booming sound echoed throughout the whole forest like fireworks on New Year's Eve.
In less than a minute, they exchanged hundreds of moves, and it was clear who got the upper hand.
"Sumuko ka na, Hellcurt. Kahit kailan ay hindi ka mananalo sa akin," dumadagundong ang boses ni Elanher at halos yumanig ang paligid.
"Hahaha! Ikaw? Susukuan ko? Mangarap ka, Elanher! Humanda ka at ikaw ang isusunod ko sa ama mo sa ElVhalla!" The saber lets out a sinister dark energy, and it hums as it flies towards Elanher, striking him.
Pero nang marinig ni Elanher na binanggit ni Hellcurt ang kanyang ama ay tila lalo siyang naging malakas. Iyon ay dahil nilamon ng galit ang buong pagkatao niya. Sa kaalaman ng lahat ng taga Elanherealm isang malaking pagkakamali ang pagkakabanggit sa kanyang ama. Iyon ay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ni Elanher ang nangyari rito. Mahal na mahal niya ang magulang pero isang mabigat na sakripisyo ang ginawa ng mga ito para iligtas siya at ang kaharian ng Elenherealm. Ilang daang libong taon man ang nakalipas ay malalim pa rin iyong nakaukit sa puso ni Elanher.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa halberd. Ibinuhos niya doon ang buong lakas hanggang magbago ang hitsura niya at bumalik sa tunay niyang anyo. His long white hair fluttered widely in the wind, dancing like angry gales. Ang kaliwa niyang kamay ay nangintab na parang ginto. It's his golden fist!
Kahit ang nanonood sa patag na si Keili ay hindi makapaniwala na gagamitin ito ni Elanher kay ElHellcurt. Mukhang tatapusin na nito ang laban nang mabilisan. Ang ikinakabahala lang ni Keili ay ang paggamit ni Elanher ng kapangyarihan nito. If his power depletes so fast without defeating his opponent, there's a chance that Hellcurt will kill him.
"Sinusubukan mo talaga ang pasensya ko, Hellcurt!" Isinangga ni Elanher ang gintong kamao sa papalapit na sabre ni ElHellcurt upang pigilan iyon na matamaan ang katawan niya. His golden fist can resist poison. While his other hand that was holding the halberd sliced towards ElHellcurt's chest in a quick move, giving ElHellcurt no time to dodge, and he was struck. Black blood trickled from his wound, but Hellcurt didn't give up as his empty hand created a black fireball and pushed it towards Elanher.
Elanher swiftly created a golden shield with a shape like a turtle shell and wrapped himself inside it. Tinago niya ang halberd at ibinuka ang palad. Mula roon ay may munting gintong liwanag na lumabas na tila alikabok kaya hindi iyon nakikita ni ElHellcurt. Those golden specks of dust float in the wind and scattered into thousands of pieces. Habang abala si ElHellcurt sa pag-atake sa kanya ng itim na liwanag ay hindi nito napansin ang munting liwanag na nagkalat sa palibot nito at pumasok iyon sa lahat ng butas ng katawan na pwedeng pasukan. His nose, his eyes and his mouth. Elanher opened his demon purple eye, his iris turned purple, and scanned the specks of golden light. Nang hindi na niya makita ni isa niyon ay ngumisi siya saka binasag ang golden shield na nakaharang sa katawan niya at lumikha ng ispiritwal na bola ng liwanag upang kalabanin ang itim na bolang apoy. The two powerful forces met, and the fireball exploded, creating a mushroom of smoke.
Bago sumabog iyon ay nakalayo na si Elanher sa dating pwesto at tumayo sa kinatatayuan ni Keili. When the smoke cleared they could see a battered ElHellcurt. Punit-punit ang damit nito at umaagos ang dugo mula sa mata, bunganga at ilong. Iyon ay sanhi ng kanyang munting gintong liwanag.
Nang sumabog ang dalawang enerhiya ay hindi kaagad nakaalis si ElHellcurt dahil hindi makakilos ang katawan nito. The golden specks of light prevented him from moving, making his body numb.
"Sinabi ko na sa 'yo, Hellcurt. Kahit kailan ay hindi ka mananalo sa akin. Ngayon, ihanda mo ang sarili mo dahil ikaw ang dadalhin ko kay Elyama!" Walang emosyon ang boses ni Elanher habang naglalakad ito papalapit kay ElHellcurt. His halberd appeared in his hand and its end was glowing. Itinutok niya iyon kay ElHellcurt. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa magulang ko!"
"Ha! Hanggang ngayon ay wala ka pa ring kamuwang-muwang sa nangyari, Elanher! Kung sa tingin mo ay mapapatay mo ako ng ganun-ganun lang ay hindi iyon mangyayari. Ikaw ang mamamatay at kukunin ko sa 'yo ang gintong dragon!"
When ElHellcurt finished talking, a figure clad in black suddenly swooped in and took ElHellcurt away. Kaagad na naglaho ang mga ito. Elanher gritted his teeth for the wasted opportunity. Nilingon niya si Keili. "Alam mo ba kung sino ang tumulong sa kanya? She looked like she was a woman!"
Ngumisi si Keili at tinulungan siya nang bigla siyang nawalan ng lakas. Bumalik ang anyo niya sa kung ano ang ayos niya sa mundo ng mga mortal. Black hair, pale lips, but still handsome features.
"You know her. But now is not yet the time to interrogate. You need supplements."
Dinala siya ni Keili sa kuwartong inuukupa niya sa mansyon. Matapos siyang ilapag sa kama ay nagtanong ito. "How many?"
"One is enough. Gusto ko lang bumalik ang lakas ko upang maipagpatuloy ko ang pakikipag-usap kay Mirabelle."
"Where is she? Will she be alright with you bringing a woman here? She likes you, you know," nakangising turan nito.
Napapikit si Elanher. "Tsk! Hurry up and go. I need essence, then I can go coax a dragon. She is inside my dimension. Sigurado akong nagtataka na 'yon dun."
"Bakit hindi na lang siya ang kunin mo? Nang sa ganu'n ay bumalik na ang buong kapangyarihan mo."
"Are you out of your mind? Papayag kang pipilitin ko ang sarili ko sa alaga mo nang hindi man lang siya nakapaghanda?" Kung may lakas pang natitira si Elanher ay binatukan na niya si Keili.
Napatawa si Keili. "Of course not! Dahil uutusan ko pa siya na pahihirapan ka bago mo siya makuha."
Elanher rolled his eyes. "Shut up and go."
"Did you tell her about herself?"
Umiling siya. "Hindi pa ito ang tamang oras."
Sumeryoso ang mukha ni Keili. "You need to do it soon. Habang humihina ang kapangyarihan mo ay lumalakas naman ang kalaban mo. At sigurado ako kapag nagkalat na ang impormasyon tungkol sa gintong dragon ay hindi lang si ElHellcurt ang makakalaban mo."
Tumahimik si Elanher at sumeryoso din ang mukha. "I know. Just fetch me a woman because I need essence!"
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Keili at mabilis na naglaho saka iniwan ang nanghihinang si Elanher. Hindi niya rin kayang pumasok sa sariling dimension dahil wala na siyang lakas.
"Fuck! Why am I missing her?!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro