Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ang Bubble Gum sa Takong ni Raice

***

"BABY, if you're going to hit on me now, how would you do that?" wala sa sariling tanong ni Jeremy.

Naningkit ang mata ni Raice sa nobyo ng dalawang taon. Abala siya sa pagtitipa ng keyboard dahil sa trabaho at nakadapa naman si Jeremy sa kanilang kama habang nilalaro si Ponchita, ang alaga nitong pusa. Pero dahil sa biglang tanong, napahinto siya sa ginagawa.

"Ha? Bakit naman ako ang lalapit sa 'yo? Siraulo ka ba? Hindi ba't ikaw ang lumapit sa 'kin?"

"Kunwari lang." Jeremy rolled his eyes like a sulking kid.

Pinagkrus ni Raice ang kaniyang mga braso at tinaasan ng kilay si Jeremy. Tumataas-baba naman ang kilay ng binata sa kaniya, naghihintay ng sagot.

"Ano na naman ba'ng pumasok sa isip mo at kung ano-ano na naman yata ang itatanong mo sa 'kin?"

"Kunwari nga lang. Dali na kasi, baby! I want to know your answer."

"Hoy, Jeremy, huwag mo 'kong idaan sa pagpapa-cute mo. May trabaho pa 'ko."

Humiga nang maayos si Jeremy at hinawakan si Ponchita sa ere. "Ponchy, 'di na 'ko love ng Mommy Raice mo, pa'no na 'yan?" Nagtunog pa ito na parang isang bata.

"Naku, naku, naku! Ang arte ng tatay mo, Ponchita. Sabihin mo nga ay maghanap siya ng trabaho sa halip na nakahilata lang."

"Baby, naman. Isa lang? Tapos babalik na 'ko ulit sa paghahanap. Nagpapahinga lang naman ako, e." Sumimangot si Jeremy sa kaniya buhat ang pagtatampo.

"Kung makapagsabi ka ng pahinga, parang ikaw ang nasa gitna ng trabaho ngayon, a? Feeling ko, ako 'yong may work ngayon, 'by. Pero para matahimik ka na at bago ka pa magpasundo kina San Pedro . . . "

"Yieeee! Ang lakas ko talaga sa baby ko!" Jeremy cheered.

Nilaro pa niya ang munting mga paa ni Ponchita na mukhang nayayamot na. Tumalon pa ito paalis kay Jeremy at mukhang nag-iwan ng kalmot kaya napangiwi si Jeremy at hinawakan ang palad.

Raice rolled her eyes at him. Pinatong niya ang braso sa mesa at napahalumbaba. May mga bagay talaga na hindi nagbabago sa bahay na 'yon.

Napaisip siya kung ano ang sasabihin niya kung lalandiin niya si Jeremy. Taimtim niyang inisip ang mga naging biruan nila ng kaniyang mga matatalik na kaibigan. They were notorious for being makalat. She would at least have a clue on some weird pick up lines.

Magkakasama na silang anim mula pa noong kolehiyo hanggang sa ngayon na magkakatrabaho na sila. Si Raice ang pinakamatanda sa grupo at may pinakamahabang relasyon.

Naroroon din si Joelle na kababata niyang galing ibang bansa. May boyfriend itong nasa Australia habang kasalukuyan nasa Pilipinas at nagtatrabaho.

No boyfriend since birth naman si Cassandra, ang pinakabata sa grupo at crush ng bayan. Sigurosta ang dalaga at inaalam amg baho ng magtatangkang lalandi sa kaniya, pisikal man na uri ng baho o lihim na baho ng pagkatao.

Pinakabongga naman si Endee, ang fashionista ng grupo at may listahan ng mga crush niya bawat buwan. May balita pa nga na iba-iba ang naging kasintahan nito sa loob ng isang buwan.

Mahilig naman si Soledad sa pagkukulay ng kaniyang buhok at may kasintahan na Bisaya. Si Soledad din ang pinakamayaman sa grupo dahil maraming kliyente mula sa ibang bansa.

Pinaka-artistic naman si Louise na marunong mag-Bisaya at may jowa mula sa probinsiya niya. Madalas siyang nale-late dahil laging busy ang buhay.

Hence, the name of their circle — KALAT GANG — Kaibigan Ang Laging Asahan, Takbuhan, Gabay At NapakaGanda.

"Ito . . . may naisip na 'ko."

Naupo nang maayos si Jeremy at nakinig nang mabuti sa nobya niya. "Do you want to go home with me? I have two cats at home."

"Ha? Iisa lang naman ang pusa dito sa . . . " Agad sumabog sa tawa si Jeremy. Halos kapusin pa ito ng hangin at inuubo-ubo pa. "Tangina! Gusto ko 'yon!"

Nangangasim ang mukha ni Raice na tumalikod sa nobya nang makapagpokus sa trabaho. "Sapatusin kita. Ang slowmo."

"Grabe! Ikaw nga 'tong may nalalaman na kalokohan. Dali na! Halika na rito ay aalagaan ko lahat ng pusa."

Inabot ni Raice ang kaniyang tsinelas at binato sa nobyo na hindi pa rin humihinto sa pagtawa. Makalipas ang ilang sandali, kumalma na siya at bumangon sa kama. Binaba rin ni Jeremy si Ponchita sa kama.

"Gusto mo ng makakain? Nagugutom na 'ko, baby."

"Ano ba'ng kakainin mo?"

"Ikaw?" nakangisi niyang tanong.

"Umayos ka, Jeremy. Nasa gitna ako ng trabaho. May meeting pa 'ko mamaya sa office."

"Kalma, baby! Kapag natapos ka na sa work, saka kita papapakin."

Inabot ni Raice ang kapares ng kaniyang tsinelas at saka binato sa direksiyon ni Jeremy na nagsimula na naman tumawa nang malakas. "Buwisit ka! Ano'ng akala mo sa 'kin? Manok?"

Humahalakhak pa rin na lumabas si Jeremy at hinarap ni Raice ang kaniyang laptop. Kahit na nasa iisang bahay sila, madalas ay nag-aasal bata ang kaniyang nobyo. At sa halip na maghanap ito ng trabaho para makatulong sa bahay, mas madalas itong nakahilata na siyang pinagmumulan ng kanilang pagtatalo.

Hindi naman ganoon si Jeremy dati. Sa katunayan, napakasipag niya bago natapos ang kontrata niya sa dating kompanya. Naging masipag sa paghahanap ng trabaho pero matapos ang ilang buwan na nahinto sa bahay, parang nawala at nagbago ang Jeremy na hinahangaan niya.

Naputol ang kaniyang pag-iisip nang tumunog ang smartphone sa kama. Lumapit pa roon si Ponchita na animo'y itutulak upang mahulog sa kama.

Cats . . . She thought.

Kung hindi lang siya abala sa trabaho, baka nakabili na siya ng aso. She was more of a dog person than a cat.

Nangunot ang noo ni Raice nang makita na smartphone nga iyon ni Jeremy. Hindi iyon nakalilimutan ng binata at parang kadugtong ng buhay kung dalahin. Kaya para maiwan nito ngayon ay lubhang nakapapanibago.

Pababayaan na sana iyon ni Raice nang biglang magsunod-sunod ang tunog ng telepono. Walang tumatawag pero umaapaw ang mensahe. Ang masama pa nito, pulos pangalan ng babae ang bumabaha sa notification!

Kinikilabutan si Raice. Kung ano-ano agad na bagay ang bumagabag sa kaniyang isipan.

Was Jeremy cheating on her? Niloloko na ba siya ng nobyo?

Madaling nabuksan ni Raice ang smartphone. Isang swipe lang, bukas na. Kaya hindi niya maalis sa isipan na ganoon kadali lang pala nuya makukuha ngunit hindi niya kailanman ginawa.

Wala, e . . . Binigay ni Raice ang buong tiwala niya kay Jeremy.

Nanlaki ang mga mata at halos malaglag ang panga sa nakita. It was a dating app and her boyfriend had very revealing and sexual photos. Wala na itong supt na pang-taas at halos ibaba pa ang maong na pantalon. Ang ibang larawan pa ay punong-puno ng filter na nagpapa-cute sa makakikita nito.

But what really got her eyes were the lines: 'Hi, I'm Jeremy! You can call me Jem-Jem, willing to eat your pempem.'

Nanginginig man ang mga kamay, pilit nilakasan ni Raice and kaniyang loob. Ito lamang ang pagkakataon niya na masilip ang phone ni Jeremy. Ito lang ang pagkakataon na binitiwan ng nobyo ang phone niya.

Hindi niya kailanman pinagdudahan si Jeremy dahil lagi silang magkasama. At sa kaniyang pagkakaalam, naglalaro lamang ito sa smartphone. Malaki ang kaniyang tiwala sa kasintahan . . . ngunit mukhang masiyado siyang napalagay ang kaniyang loob.

Bukod sa larawan, napakarami pang mensahe na pinadadala kung kani-kanino. Mga tao na kailanman ay hindi niya nakilala o nakabanggaan sa kalsada. Mapababae o mapalalaki, walang sinanto si Jeremy.

"Tang'na mo, Jeremy! Lintik ka!" hiyaw ni Raice saka hinagis ang smartphone sa sahig. Hindi naman iyon nabasag pero nagkaroon ng crack ang screen.

Pandidiri. Pagkadisgusto. Nakapangingilabot. Halo-halo na ang nararamdaman ni Raice at hindi maipapaliwanag gamit ang iisang ekspresiyon lamang.

Wala siyang ideya na niloloko na pala siya ni Jeremy. Wala siyang ideya na dapat pala ay matagal na niyang pinagdududahan ang kasintahan — dating kasintahan.

Sa sobrang inis niya, kinuha niya ang maleta na ginamit ni Jeremy noong lumipat ito sa bahay niya at binagsak sa harap ng kama. Panahon na umalis siya sa bahay ng mga magulang at hiniling na magsama na sila.

How could she be so stupid? The signs were all there!

Si Jeremy ang lalaki sa kanilang dalawa pero sa halip na magbago o mag-improve, mas pinili nitong tumigil sa bahay niya na parang walang kinabukasan. Parang pinasa na ni Jeremy sa kaniya ang lahat ng responsibilidad, mapapera man o hindi.

Nabulag siya dahil mahal niya si Jeremy.  Nagpakatanga siya. At wala siyang ibang masisi kung hindi ang sarili lamang.

Walang babala na nagpakita ang isang malaswang mensahe sa kaniyang screen. Kung may ikapupula pa ang mukha niya sa galit, nasisigurado na niya na sasabog na talaga siya.

At nang marinig niya ang pagbubukas ng pinto, alam niyang kailangan niyang harapin ang demonyo na papalapit sa kaniyang kinatatayuan.

"Baby! Bumili ako ng bulalo. 'Lika na!" pagtawag ni Jeremy hanggang makarating sa silid. "Ba—"

Natigilan si Jeremy nang makita ang hawak ni Raice. Parang tigre ito na lalapain siya. At kapag nahuli, hihimayin at dudurugin nang pinong-pino.

"Ba—"

"Huwag mo 'kong ma-baby-baby, Jeremy." Pilit nagtitimpi si Raice.

"R-Raice, magpapaliwanag ako . . . "

"Hindi na kailangan," usal ni Raice. "The photos and messages speak for themselves, Jeremy. Mapababae, mapalalaki, wala kang sinanto! Kaya pala walang nangyayari sa 'tin, iba pala ang kinakalantari mo! Napakababoy mo!"

"Raice . . . "

"Nakakahiya ka! Tandaan mo, ang panloloko at pakikipaglandian habang nasa isang relasyon ka ay hindi gamot at hindi dapat gamiting pangkamot sa anuman uri ng kati!"

"Ba—"

"Lumayas ka sa bahay 'ko. Siguraduhin mong pagbalik ko sa bahay ko, natanggal mo na lahat ng gamit mo!" galit niyang anas.

"Baby, naman!"

Akmang lalapit si Jeremy ngunit dinuro siya ng kasintahan — dating kasintahan.

"Subukan mong lumapit, tatadyakan kita!"

"Raice!"

Humakbang palapit si Jeremy at sa sobrang galit ni Raice, walang babala niyang sinipa si Jeremy sa pagitan ng hita nito — sa pinagmamalaki niyang pagkalalaki.

"Tangina!" hiyaw ni Jeremy at napaluhod pa sa sahig dahil sa sakit.

"Oo! Tangina mo talaga!" Mariin na pinahid ni Raice ang luha sa kaniyang mukha. "Siguraduhin mong nakaalis ka na at dalahin mo rin si Ponchita kapag umalis ka na!"

"Raice, naman! Kalma lang! Huwag mong idamay ang Baby Ponchi—"

"Tangina na baby mo 'yan! Lahat na lang baby mo! Lahat na lang nilalandi mong buwisit ka! At isa pa, aso ang gusto kong alaga! Kainis ka! Pag balik ko talaga, siguraduhin mong nakapag-impake ka na at walang gamit na matitira rito. Kapag may nakita talaga ako kahit brief o panty mo man na butas, susunugin ko talaga at ipapakain ko sa 'yo ang abo!"

Nagmamadaling lumabas ng kaniyang apartment si Raice, kagat-kagat ang labi. Ni hindi siya nagpalit ng damit at sapatos na para sa trabaho.

Derederetso lamang si Raice sa paglalakad sa pasilyo. Ang kaniyang paghikbi at takong lamang ang naririnig niya sa tahimik na pasilyo ng gusali. Sinasabayan ng kaniyang takong ang pagwawala ng kaniyang puso.

"Ay panty ni Jeremy!" hiway ni Raice nang biglang matanggal nang biglang matanggal ang kanang sapatos. Ni hindi niya napansin ang sinabi.

Galit na nilingon ni Raice ang kaniyang sapatos na nanatili sa sahig. Lumapit siya at inabot iyon ngunit parang kumapit sa sahig. Lalo siyang nayamot nang marinig ang boses ni Jeremy sa 'di kalayuan.

"Baby? Raice? Nas'an ka?"

Kung may posibilidad pa na igusot ang mukha niya, tiyak na iyon na ang nangyari. She was pissed and disgusted — that she was sure of.

Inabot ni Raice ang kaniyang sapatos at saka naman niya napansin na may kamay na rin na nakahawak doon. Pag-angat niya ng ulo, may hindi siya kilalang lalaki na nakahawak doon.

"Okay ka lang ba, miss?" Malalim ang boses nito at papasa bilang isang radio DJ. At isa pa,  nasisigurado niyang papasa ang hitsura ng lalaki sa kaniyang mga kaibigan dahil guwapo ito at matangkad.

"Oo!" sagot ni Raice at inagaw ang sapatos.

Nagmamadali siyang tumalikod at hindi na hinayaan pa na magtanong ang lalaki. Kailangan at gusto niya munang makahinga.

Kinuha ni Raice ang kaniyang smartphone at nagpadala ng "SOS" sa group chat nilang magkakaibigan.

***

"TAPOS . . . tapos . . . ginawa ko naman ang lahat, 'di ba? I gave him everything! I was there for him!" Patuloy sa paghikbi si Raice at sunod-sunod ang paglunok ng  soju.

Kasalukuyan, nagtagpo-tagpo ang Kalat Gang sa mansiyon ni Soledad dahil sa SOS message na pinadala ni Raice sa kanila.

Kahit na gaano sila ka-busy sa araw na iyon, basta may magpadala ng "SOS" message, alam na kaagad nila na dapat magkita-kita sila sa loob ng isang oras na may inumin at pulutan sa mansiyon ni Soledad. That was their friendship pact. At hindi bale na ma-late, basta kinakailangan na sumipot.

"Tama lang na iniwan mo siya, Madam!" pagsang-ayon ni Joelle sabay abot ng fried chicken sa pinggan.

Naka-Indian seat silang anim sa palibot ng malaking coffee table sa sala. Buhay rin ang telebisyon at may pang-heartbroken na playlist na tumutugtog bilang background noise nila na panakanakang sinasabayan nila.

"Bakit? Kailangan ba natin ng jowa para masabing successful?" tanong ni Soledad sa kanila habang kumakain ng mais con yelo.

"Ay wow! Nanggaling sa may jowa!" ani Louise.

"Right back at you, bish!"

"Kahit may jowa 'tong si Soledad, ngayon lang ako mag-agree na hindi necessity 'yon!" usal ni Cassandra.

"Bi, nasasabi mo lang 'yan dahil hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Try mo kaya!" ani Joelle.

"Kaya nga, Ate Cass! Masarap kaya!" dagdag ni Endee.

"Hoy, Endee! Dinadamayan kaya natin si Madam dito!" ani Louise at naglagay ng soju sa shotglass na binaba ni Raice sa mesa.

"Ay oo nga pala! Sorry! Nakalimutan ng maganda kong brain! Anyway, we're strong independent women kaya!" hayag ni Endee sabay ang pagpilantik ng kaniyang mga daliri sa ere. "Hayaan mo na 'yang si Jeremy! Siya ang nawalan ng best madam ever!"

"Alam mo, Endee, mas nakapapaniwala ka kung hindi tortol neck ang p-in-artner mo r'yan sa maong shorts mo at boots. Hindi ko alam kung iniisip mo ba na winter ngayon o summer, e, nasa Pilipinas ka lang naman!" litanya ni Raice na hindi na sigurado kung matatawa pa o maiiyak.

Lumapit si Endee na nanunulis ang labi at hinawakan ang mga braso ni Raice. "Madam, look into my eyes." Pinanlakihan pa nito ng mata si Raice at umuurong ang dalaga.

"Ay, iba na ba ang bet mo, Endee?" biro ni Joelle.

"Shuta ka po, Boss! Pakakalmahin ko lang itong si Madam! Like, look at her forehead na! May pa-lines over lines na! My God! Que horror!"

"Shuta ka, Endee! Manahimik ka!" Inabot ni Raice ang unan at hinagis sa kaibigan. Hindi na nagawa pang makailag ni Endee.

"Madam!" irit ni Endee.

Biglang tumunog ang smartphone ni Raice at pagtingin niya, may mensahe mula kay Jeremy.

Joelle smirked at her friend. "Let me guess, si Jeremy 'yan, 'no?"

Napakagat ng labi si Raice at binuksan ang mensahe. Parang maiiyak na muli siya sa natanggap.

'I'm sorry I fell out of love.'

Kasama ng mensahe, may larawan din ng maleta ni Jeremy at nakapatong sa ibabaw niyon si Ponchita. May isa pang larawan kung saan nakapatong ang susi ng apartment sa kaniyang kitchen counter.

Ramdam ni Raice ang pangingilid ng luha.

"La! Ano'ng 'I'm sorry I fell out of love' na katangahan 'yan? Kalbuhin ko kaya ang ba—"

"Endee!" pagsuway ni Cassandra.

"'Di! Tuloy na 'yan! Pagtulungan pa natin nang walang matira. Kulang pa ang paninipa ni Madam sa bolz niya. Dapat sinisgurado na basag na para hindi na makapagpaparami!" ani Soledad.

"Tamang behavior!" ani Endee.

"Shuta kayo. Mababaliw ako kung iiyak ba ako o tatawa sa inyo!"

"Okay lang 'yan, Madam! Basta payong maganda, red flag ang mga lalaki na J ang simula ng pangalan! Iwas sa mga lalaking J ang initial!" masiglang usal ni Endee bago nag-shot ng soju. "Namnamin mo na wala na siya sa life mo, Madam!"

"Yes, you're a free bird na, Madam!" ani Cassandra. "It's time to be genuinely happy!"

"At time na maghanap ng bagong bird! Cheers!" sabik na dagdag ni Endee at tinaas ang shotglass. Sumunod din ang iba na nagsitaasan ng kani-kanilang shotglass maliban kay Raice.

Inabot ni Raice ang unan sa sofa at binato kay Endee. "Shuta ka! Ang bibig mo!"

***

MASAKIT man ang ulo, pinilit ni Raice na lumabas ng sasakyan niya. Sa palagay niya ay umalis na si Jeremy dahil lampas bente cuatro oras na rin mula nang kaniyang palayasin ang dating nobyo.

At sa sinuwerte-suwerte niya, muli niyang natapakan ang bubblegum na natapakan kanina. At katulad kanina, nahubad sa kaniyang paa ang sapatos. Talagang saktong-sakto siya sa kaparehong lugar.

"Tangina!"

Akmang aabutin ni Raice ang sapatos pero napahilot muna ng ulo. Kahit siya ang nagpadala ng SOS sa mga kaibigan, sobra-sobra pa rin ang kaniyang ininom.

Muntik pa siyang natumba dahil iisa na lamang ang suot na sapatos nang makarinig siya ng boses.

"Okay ka lang ba, miss?"

Napatingala si Raice at laking gulat na ang lalaking nakabungguan niya kanina ang kaparehong lalaki na makikita niya sa mga oras na iyon. Dahil sa bubblegum na talagang pineperwisyo siya, may makikita pa talaga siya roon.

Talk about timing!

Nahihiyang ngumiti si Raice at kinuha ang sapatos mula sa lalaki.

"S-salamat."

Sa halip na isuot, tinanggal na lamang ni Raice ang kapareha ng sapatos. Mas pinili na walang sapin ang paa dahil kailangan pa niyang tanggalin ang bubblegum sa takong.

"Wala 'yon! Mukhang kailangangan malinisan na 'tong hallway, 'no?"

"Dapat naman talaga," aniya at naglakad na. Bukod sa lasing na siya at masakit ang ulo, malamig din ang konkretong sahig.

"'Yan ba ang bahay mo?" magalang nitong tanong. Base sa boses at tindig, mukhang empleyado ito sa opisina.

"Oo, bakit?"

"A-eh . . . Wala naman. Bagong lipat kasi ako rito. Itong katabing unit ang sa 'kin."

"Ah, okay," tipid niyang sagot at tumalikod na para buksan ang pinto.

Guwapo man ang bagong kapitbahay, pagod si Raice at gusto na niyang makapagpalit ng damit at humiga sa kama.

"A-ano . . . " Muling napalingon si Raice sa lalaki na humakbang palapit sa kaniya. "P-puwede bang makipagkilala? Total magkapitbahay tayo."

Napabuntonghinga si Raice at saka hinarap ang lalaki. Nakalimutan niya nga pala. She forgot to do the courtesy of introducing herself to her new neighbor.

"Fine. I'm Raice."

"Nice to meet you, Raice. Ako si J—"

'Red flag ang mga lalaki na J ang simula ng pangalan! Iwas sa mga lalaking J ang initial!' Biglang naalala ni Raice ang paalala ng mga kaibigan.

"B-binabawi ko pala. Huwag mo na sabihin ang pangalan mo." Agad niyang pagputol at tumalikod sa lalaki.

"P-pero . . . " Naguguluhan ang binatilyo kung may nasabi ba siyang mali

"Welcome na lang sa building. Good night!" aniya at nagmamadaling pumasok sa loob ng unit.

END.

***

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0 ©

2022

W A T T P A D

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro