Alien 9:
Marie's P.O.V
Nasa palagitnaan ako sa pagtulog nung may biglang gumugusot-gusot sa mukha ko kaya tinaboy ko iyon pero hindi parin huminto yung may gumusot sa mukha ko.
"Hm? Ano ba?!", inis kong tanong without looking kung sino yung gumugusot-gusot sa mukha ko.
"Tulog mantika ka talaga. Gising ka na mahal at kakain na tayo. Tanghali na o", rinig kong sabi ni V kaya agad naman akong napabalikwas ng bangon at agad na tumingin sa orasan ko sa gilid.
Tae. Sobrang pagod ko yata kahapon. Tsaka first time ko itong gumising ng napakatagal. Grabe talaga.
Sabay kaming pumasok ni V sa kusina at nakita ko kaagad ang anim na alien doon na kumakain na.
"Tagal mong gumising, Marie ah?", sabi ni JM at talagang humagalpak pa sa pagtawa. Ngitian ko lang siya at umupo na.
"Nasarapan ka ba sa panaginip mo?", tanong naman ni JH sabay tawa kaya nakitawa nalang din ako.
"Haha hindi. Napagod lang talaga ako kahapon", sabi ko at nagumpisa ng kumain. Tumango lang sina JH at JM at nagpatuloy na sa pagkain.
"Napagod ka ba sa kakapicture sa aking gwapong mukha?", tanong naman ni JM at talagang nagpogi-points pa pero bigla siyang binatukan ni JK at sinamaan ng tingin.
"Yabang mo talagang unanong ka. You got no jams kaya ako mismo yung gwapo", sabi ni JK na ikinangiwi lang ni JM sa kaniya. Mga kaloka talaga tong dalawang 'to.
"Ako yung gwapo dito, period", sabi naman ni RM na ikinatawa ko lang. Grabe naman tong mga to. Pag-awayan pa naman ang kagwapuhan nila eh gwapo naman silang lahat. Pero syempre, si V talaga yung original. Haha. Di joke.
"Para walang away. Ako yung pinakaoriginal na gwapo dito", sabi naman ni S na ikinasama ng tingin ni RM sa kaniya. Mga ulol talaga.
"Mga bibwit. Kung wala ang kagwapuhan ko, syempre wala din kayo kaya ako mismo yung pinakaoriginalest na gwapo dito", sabi ni J na ikinahiyaw nilang anim. Gago. May word ba na 'originalest?' haha. At dahil ang ingay nila, napaface-palm nalang ako at umiiling-iling.
Pagkatapos naming kumain ay nilagay na namin yung mga plato sa sink. Akmang manghuhugas na sana ako kaso bigla akong pinigilan ni J at siya nalang raw yung manghuhugas kaya tumango nalang ako at dumiretso na kami sa guest room para doon magpatuloy sa pagchika.
"Bakit mag-isa ka lang dito Marie? Nasan ba pamilya mo?", tanong ni RM sa'kin.
"Nasa ibang bansa kasi ang pamilya ko. Nagta-trabaho doon para magkapera kami", sagot ko na ikinatango lang ni RM.
"Ah, kaya pala mag-isa ka lang dito?", tanong ni JK na ikinatango ko lang at yumuko na. Speaking of family, nami-miss ko na sila tuloy. Ang tagal na kasi naming hindi nagvi-video call eh. Pati na nga din si Mia, hindi na nago-online.
"Marie, umiiyak ka?", biglang tanong ni JM sa'kin na ikinalingon ko sa kaniya.
"Hindi no. Nage-emote lang", sagot ko at tumawa kaya tumawa din sila.
"Hindi mo ba nami-miss ang mga love ones mo?", tanong ni S sa'kin na ikinalingon ko sa kaniya.
"Na miss ko naman sila. Sobra pa nga eh", sabi ko na ikinatango lang ni S at ngumiti lang siya sa'kin.
"Kung miss mo sila, malamang miss ka na din sa mga yun", sabi ni S na ikinatango ko lang at ngumiti din sa kaniya. After that, kinain kami sa tahimik ulit pero biglang binasag ni JK yung tahimik dahil bigla nalang siyang sumigaw.
"MARIE! BAT NAMULA KA?!", sigaw ni JK na tanong sa'kin kaya agad naman akong napalingon sa kaniya na nakakunot lang ang aking noo.
"N-namula?", tanong ko at agad ng tumayo at humarap sa salamin. Tama nga siya, namula nga ako. Bat ba ako namula? Sa pagkakaalam ko, pupula lang tong mukha ko kung kikiligin ako pero hindi naman ako kinilig.
Uupo na sana ako kaso bigla akong na out of balance kaya muntik na akong mahulog. Buti nalang at nandiyan si V at sinalo ako. Thanks to him.
"Anong nangyari sayo Marie?", nag-alalang tanong ni V sa'kin at pinaupo niya ako sa kama. Walang sagot ang lumabas sa aking bibig kundi tiningnan ko lang si V at umiiling-iling lang.
"Lasing ka?", agad na tanong ni JM na ikinatawa ko. Sinamaan lang siya ng tingin ni V at binatukan ito.
"Palagi ka nalang bang magbibiro, ha?", tanong ni V sa kay JM kaya agad namang napa-peace sign si JM at ngumisi lang.
"Joke lang naman yun", sabi ni JM at talagang ngumisi pa na parang boang.
"Joke? Nakakatawa yun? Ha? Nakakatawa yun? Sira-ulo ka pala eh", sabi ni V na ikinahagalpak ng tawa nila except me. Well, gusto ko namang tumawa din kaso hindi ko kaya kasi feeling ko kung tatawa ako, gusto kong sumuka.
Suddenly, biglang bumukas yung pinto at hindi ko nakita kung sino yun dahil bigla-bigla nalang dumilim ang mga paningin ko.
[Hours later]
Inimulat ko na ang aking mga mata at nilibot ang paningin ko. Muntik na akong ma heart-attack nung biglang sumulpot si S sa tabi ko.
"D-did I scared you? Sorry. Nandito lang naman ako para papakainin ka. Inutusan kasi ako ni V eh kaya eto, ramen. Kumain ka", sabi ni S sabay bigay sa'kin ng ramen. Ngitian ko lang siya at nagpasalamat na.
Nagsimula na akong kumain pero nung napansin ko si S na nakatingin pa din sa'kin, huminto ako sa pag kain at hinarap siya.
"Okay na ako. Pwede ka ng makakaalis", ngiting sabi ko kay S sabay inom ng tubig pero umiiling-iling lang siya.
"Dito muna ako. Ano ba kasi ang nangyari sa'yo kanina at nahimatay ka pa talaga?", tanong ni S sa'kin.
"Teka lang, ano nga yung ulam natin kanina?", tanong ko kay S pero tumingin lang siya sa ibabaw at nagiisip.
"Ewan pero sa pagkakaalam ko, seafood yun", sagot naman niya. Leshe. Kaya pala ako nagkaganito dahil sa seafood. Ngayon ko lang nalaman na allergic na pala ako sa mga seafoods.
"Siguro nagkaganito ako dahil sa seafoods. Allergic kasi ako sa mga yan eh", sabi ko na ikinatango lang niya.
Nung tapos na akong kumain ay tatayo na sana ako para itapon tong empty cup kaso pinahiga lang ako ni S at siya nalang raw yung tatapon kaya ngitian ko lang siya at nagpasalamat. May bait naman palang tinatago si S eh, cold nga lang.
Pipikit na sana ako kaso biglang bumukas yung pintuan at nakita ko si JM na pumasok. Ano kaya ang gagawin niya dito?
"Uy, hi Marie! Okay ka na?", tanong niya na ikina-shrugged ko lang. To be honest, hindi ko din alam kung okay na ba ako o hindi pa.
"Siguro? Haha. By the way, anong ginagawa mo dito?", tanong ko sa kaniya pero umupo lang siya sa kama at ngisian ako.
"Babantayin ka", sagot niya.
"H-ha? Hindi! O-okay la--
"Joke lang. Hahaha, nandito lang ako para magpapalamig", sabi niya at humiga na sa kama at pinikit na niya ang kaniyang mata. Magpapalamig raw pero bakit natulog? Lol.
"Marie , may joke ako", biglang sabi niya. Ay, akala ko natulog. Gising pala ang buang.
"Ano?", walang gana kong tanong sa kaniya.
"Ano ang opposite sa Singapore?", tanong niya na ikinakunot lang sa noo ko. Opposite sa singapore?
"Ha? Anong klaseng tanong yan?", tanong ko sa kaniya.
"Basta sagutin mo nalang. Ano ang opposite sa Singapore?", pagtatanong niya ulit.
Ano ba naman to. Hindi naman ako si google para pagtanungin ng mga mahirap na tanong. Tsaka oo, valedictorian naman ako pero it doesn't mean na masagot ko lahat ang tanong, diba? Haha. Baka kalokohan lang to.
"Hindi ko alam. Spill it", sabi ko pero tiningnan niya lang ako at ngumisi. Bat kaya ngumisi ang jamless minion na'to? Di joke.
"Edi SingaRICH", sagot niya.
Ay takteng palaka. SingaPOOR pala ang ibig sabihin niya instead of Singapore. Sabi ko pa nga eh, kalokohan lang. Tss.
"Kahit kailan ulol ka talaga. Eh eto, may joke din ako sa'yo. Ano ulit ang opposite sa Singapore?", tanong ko sa kaniya at tumingin naman siya sa ibabaw at nagiisip.
"Meron pa pala? Haha. Takte hindi ko alam. Ano yun?", tanong niya.
"Edi DANCEapore", sagot ko at humagalpak ng tawa.
"Ay tae. Haha oo nga no? Hahaha! Tatanungin ko ulit si JK sa tanong na yan", sabi ni JM at lumabas na pero rinig ko pa din ang tawa niya sa labas.
Humiga nalang ako sa kama at pinikit na ang aking mga mata pero bigla na namang may bumukas ulit sa pintuan kaya inis kong tiningnan kung sino yun.
"ALRIGHT! ARE YOU READY TO PARTY?! DJ, JH IS HERE TO RAKARAKABOOM THE STAGE! ON A COUNT OF THREE, LET THE PARTY BEGINS. AH 1, AH 2, AH 1,2,3 UH! SHOT! SHOT! SHOT! SHO--AAAAHHHHHH! MULTO!", sigaw ni JH na ikinatakip ng tenga ko. Letse. Napakatinik naman sa boses sa alien na'to!
"Anong multo ba yang pinagsasabi mo?! Si Marie ako uy! Multo ka diyan. Tsaka pwede ba? Wag ka ngang maingay! Matutulog ako dito!", inis kong sabi sa kaniya. Eh kasi naman nagdala kasi siya ng kaldero at kutsara eh at talagang pinaghampas-hampas pa niya ito.
"Ay letseng buang. Ikaw lang pala yan Marie? Tsaka pasensya na po, akala ko kasi walang tao dito eh. Pwuahaha! Sorry to disturb you're sleep. I won't do it again. Sleepwell! Bye!", sabi ni JH at lumabas na. Akala ko may sasabihin, gumawa lang pala ng ingay. Ammp.
And again, pinikit ko na ang aking mga mata at natulog na.
---
"And I see your true colors, shining through"
Nagising ako dahil sa gandang boses na yun.
"I see your true colors, and that's why I love you"
At dahil nadistract ako sa magandang boses na yun, agad akong bumangon at tiningnan kong sino yung kumanta.
"So don't be afraid, till let them show your true colors, true colors are beautiful"
Napangiti ako nung nalaman ko na si V lang pala yung kumanta. Takte naman. Ang ganda ng boses! Parang gusto kong matulog ulit pero hindi na ako makatulog eh. Hinahaplos-haplos kasi niya ang buhok ko habang kumakanta siya. Parang bata lang eh no?
"Like a Rainbow"
Pinisil ko lang ang mukha niya at ngumiti sa kaniya.
"Okay kana?"tanong niya sa'kin na ikinatango ko lang. Oo, magaling na ako dahil sa kanta at sa boses niyang maganda. Galing naman.
"Mabuti naman. Do you like the song that I sang to you?", tanong niya sa'kin pero hindi ako nagsalita.
"Uy. Magsalita ka", sabi niya sabay tumawa. Pagtripan nga ang alien na'to. Haha. Nagkunwari akong nagserious face at tiningnan siya.
"I don't like your song", seryosong sabi ko sa kaniya na ikinagulat niya. Yumuko siya at naging kulay blue yung buhok niya.
"P-pangit ba yung kanta at boses ko? Pinaghirapan ko yun para sa'yo eh", sabi niya habang nakayuko. Takte! Ang cute niya talaga.
"Ulol ka. I don't like your song because I LOVE IT!", sabi ko na ikinatingin niya sa'kin at ngitian ako gamit ang kaniyang rectangular smile.
"Ikaw talagang babaitang ka, ginulat mo ako dun ah! Akala mo ayaw mo sa kanta", sabi niya na ikinatawa ko lang.
"Haha, gusto ko yung boses mo no! Pati na din yung kanta. Actually, para ngang pang ANGHEL yung boses mo", sabi ko, emphasizing the ANGHEL na ikinangiti niya lalo. Nangingigil na talaga ako sa alien na'to. Cute-cute eh.
"Waaah! Thank you! The best ka talaga mahal ko", sabi niya at niyakap niya ako.
"Basta ikaw", bulong kong sabi at ngumiti.
"Tara na at bumaba na tayo para kakain ng sabay-sabay", sabi niya at tinulungan akong tumayo. Swerte ko talaga sa alien na'to, caring na, gentlemen pa. Tapos cute na, hot pa. Hahaha.
Hindi ko namalayan yung oras na 9:30 na pala sa gabi. Grabe. Ang tagal ko talagang gumising.
Nung nasa kusina na kami ay tahimik lang kaming kumain pero biglang umubo si JH. Akala namin may sasabihin siya pero yun pala, nabulunan lang. Kaya yung pito mismo ay humagalpak ng tawa.
"Ayan! Patay gutom ka kasi", sabi ni RM sabay hagalpak na tawa. Sinamaan lang siya ng tingin ni JH at nagpatuloy na sa pagkain.
Nung tapos na kaming kumain ay si J na yung nanghugas sa mga plato kaya dumiretso nalang ako sa kwarto ko at humiga na sa kama. Biglang bumukas yung pintuan at nakita ko si V na pumasok at talagang nakangisi pa. Ano kaya ang ngingisi-ngisi niya diyan?
"V, may girlfriend na ba ang mga kaibigan mo?", biglang tanong ko sa kaniya. Ewan ko lang kung bakit sa karaming tanong sa buong mundo, ganiyan pa talaga ang natanong ko sa kaniya.
Kumunot lang yung noo at humiga sa kama.
"Bakit mo naman natanong?", tanong niya at talagang nakatitig pa sa aking mga mata. Shemay! Yung mata niya! Amp!
"Wala lang. Curios kasi ako eh tsaka gusto ko din makilala ang kanilang girlfriend", sabi ko at ngitian siya. Ngitian din niya ako at hinawakan niya ang pisngi ko.
"Makakapunta ka rin sa planeta namin SOON", sabi niya at hinalikan ako sa noo. Napangiti ako sa kaniya at humiga na sa kama.
"Wala ba akong goodnight kiss?", biglang tanong niya na ikinalingon ko sa kaniya. At dahil ang kulit niya, nilapitan ko nalang siya at hinalikan din sa pisngi.
"Goodnight mahal ko"sabi niya.
"Goodnight din V"response ko at natulog na kami.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro