Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Alien 7:


Marie's P.O.V

Kinabukasan

Lag-lag panga naman ako nung nakita ko ang mga aliens na super mahimbing pa talaga ang kanilang pagtulog. Si RM ay nakanganga pa, si J naman, ayun tulo laway, si S naman ay parang wala lang normal lang ang posisyon niya, si JM naman, ayun ang cute niya, nakahug pa nga sa unan eh, si JH? Ayun, lakas makahilik. Si JK? Normal lang din kaya lumabas nalang muna ako para magpahangin.

Wews, for the first time ako naunang nagising sa kanilang lahat. Ang sarap tuloy sa pakiramdam.

"Magandang umaga."

Muntik na akong mapasigaw sa gulat ng nakita ko si V na nakasandal na pala sa bubong. Sino ba kasi ang hindi magugulat kung bigla-bigla nalang susulpot 'tong kumag na'to sa likod mo na parang slendrina, aber.

"Ano ginawa mo diyan?", agad na tanong niya.

"Nagpahangin lang.", sagot ko na ikinakunot-noo niya lamang.

"Mahangin naman dun sa kwarto ah.", sabi nito bago tumabi sa'kin.

"Fresh air gusto ko.", kibit-balikat kong sagot.

"Fresh naman dun ah.", sabi niya. Leche. Ang kulit talaga sa hinayupak na'to. At dahil ang kulit niya, binatukan ko na.

"Aray naman."

"Ayieeee! Gusto ko din mabatukan!", biglang sulpot ni JH na ngayon ay nangchichismis na naman.

Kaaga-aga pa tapos ang lalaki-laki na ng bunganga sa putragis na'to. Mas malaki pa ata sa ilong ni JK.

"JH, bat ba ang hilig mong sumigaw? Ang aga-aga pa, oh! Dinidisturbo mo ang mga kapitbahay natin.", sabi ni V. Ayan, pinapagalitan ka na sa prinsipe.

"Ha?Anong kapitbahay?", tanong naman ni JH. Hindi niya alam? Hindi ba uso ang kapitbahay sa planeta nila?

"Tch, hindi mo 'yon alam? Yung ano...uhm... ano nga iyon?", tanong din ni V sakin. Akala ko alam din niya ngunit hindi din pala. Abnormal 'tong mga 'to.

"Kapitbahay. Yung bahay na tabi sa atin. Ayon oh.", sabi ko tsaka tinuro ang bahay na malapit lang sa amin. Tumatango-tango lang din naman sila na parang aso.

"Ehh, ano sa english yun?", tanong ni JH. Aba'y nagtanong pa nga sa english eh hindi niya nga alam ang ibig-sabihin eh. Hahaha kaloka 'tong mga 'to.

"Uhm..english ng kapitbahay? Holdhouse siguro", sagot ni V. At dahil sa sagot niyang palpak, agad naman akong humagalpak ng tawa.

"NYAHAHAHAHAHAHA!"

"Ha? Bakit? Anong nakakatawa sa sagot ko? Tama naman yun diba?", seryoso niyang tanong kaya napatawa na naman ako ulit. Huminto na ako sa pagtawa noong naging kulay puti ang buhok nilang dalawa ni JH. Parang mga lolo lang.

"'Neighbor' kasi ang english ng kapitbahay, V", sagot ko na ikinatangi din naman kaagad ni V.

"Ah, ayon. Neighbor pala. Akala ko holdhouse eh kasi nga kapit-bahay. Kapit, hold. Bahay, house. Tsk.", sabi ni V atsaka niya sinabunutan ang sarili niyang sarili. Baliw, amp.

"Neighbor? Bat nasali ang tunog sa kabayo diyan?", epal ni JH na ikinatawa lang din naman namin ni V. Mga buang 'tong dalawang 'to.

"Bumaba na nga tayo! Gising na ata sila.", sabi ni V atsaka ito naunang bumaba na ikinasunod naman din namin.

Pagkarating kaagad namin sa baba ay nakita ko na pinagiikutan naman nila si JM. Anong meron? Naglalaro ba 'tong mga 'to?

"Happy Birthday pala JM!", sigaw ni JK sabay yakap sa kay JM. Ah, birthday pala.

"Salamat!", pasalamat naman ni JM sa kay JK. Awieee, ang cute nilang tingnan. Pero wait, may birthdays din pala ang mga alien?

"Oy, Marie! Greet ka din sakin oh!", sabi ni JM sabay nag-pout pa talaga. Ningitian ko naman siya bago ko man ginulo ang kaniyang fluffy hair.

"Happy, Happy Birthday! Sorry ngayon lang! Hindi ko kasi alam na birthday mo pala eh.", sabi ko atsaka siya ningitian ng matamis.

"Yehey! Okay lang atleast nag greet kana sakin!", sabi niya at talagang pumalakpak pa. Putek, ang cute.

"Kain na us! The delicious foods are now ready. Kasing delicious ko, syempre.", sabi ni J bago pa man ito naunang pumasok sa kusina.

"Mas delicious ako.", angal naman ni V. Oh ayan, mag-iingay na naman 'tong mga 'to.

"Ew. Mas delicious ako.", sabi naman ni JK.

"Yucks! Ako ang mas delicious here.", angal din ni JH.

"Tsk, tahimik!", angal din naman ni JM tsaka ito ngumisi. "Birthday ko ngayon kaya ako mismo ang mas pinaka super delisyoso. Ang aangal, mawawalan ng pwet.", sabi nito na ikinangiwi lamang ng iba.

"Ang hangin mo pero sige pagbigyan.", irap naman ni J atsaka ito umupo sa upuan. Umupo naman din kami at nagsimula ng kumain.

"Grabe, wala talagang makakaabot sa luto ni J. Ang sarap eh! Masarap pa sa yummy!", sabi ni JK na nakapikit pa talaga ang kaniyang mga mata.

"Oo nga.", sabi ko naman na ikinalingon nilang lahat sa'kin. Luh, bakit?

"Ano tingin-tingin niyo diyan?", tanong ko sa kanila. Nakatitig kasi silang lahat sa'kin eh. Para bang may dumi ata sa mukha ko.

"Wala lang. Ganda mo kasi eh.", sabi naman ni S at talagang kinindatan pa niya ako. Hoy, putek na S 'to! Parang tanga.

"Landi mo, gago. Tapusin mo na nga iyang pagkain mo. Tusukin ko 'yan ng sampong tinidor eh", biglang sabi ni V na ikinatawa naman naming lahat. Isa pa 'to hahaha cute-cute eh sarap pisilin hanggang sa mawalan ng mukha hahahaha!

Nung natapos na kaming kumain ay dumiretso kaagad ang mga alien sa sala habang ako naman ay dumiretso sa sink para syempre manghugas.

Nung natapos na akong nanghugas ay sumali na din ako sa kanila.

"Bat tahimik lahat?", tanong ni JH.

"Dahil hindi maingay?", pilosopong sagot ni JK.

Sinamaan lamang ng tingin ni JH si JK at binatukan ito.

"Guys! May ideya ako!", sabi ni V with matching tumayo effect pa talaga sa harapan namin. "Laro tayo!", dagdag nito.

"Sige, anong laro?", tanong naman ni JM.

"Magbigay lamang ng word na may "BLE" sa hulihan.", sabi ni V.

"Sige ako mauna. Kissable!", sagot ni RM at nagpalakpakan naman kami. As expected sa genius namin!

"Kung may kissable, syempre may huggable!", pacool na sagot naman ni S.

"Ano ba naman yan! Patungo na yan sa sexable eh!", sagot ni JM na ikinahagalpak ng tawa naming lahat. Sexable laptrip!

"Ang bastos niyo! Umayos nga kayo diyan! Basta sa'kin yung kiddilets na chewable.", sabi ni JH na ikinatawa na naman naming lahat. Haha takte. Ang sakit na ng tiyan ko dito.

"Hm? Ano pa kaya?", sabi ni J habang nagiisip pa. Aba! Ang dami pa kaya!

"Bilisan mo! Sipain kita diyan eh.", asar ni JM kaya agad naman siyang nakatanggap ng monstrous look ni J. Kaya ayun, napa peace sign tuloy hahaha!

"Bahala na nga kayo diyan! Basta basketball sa'kin!", sagot ni J na mas ikinahagalpak pa namin. Say what?!

"Abnuy ka talaga. "BLE" ang sinabi ko hindi "BALL"", sabi ni V atsaka ito sinabunutan ang buhok niya.

"Ay sus! Same-same lang 'yon! Walang basagan ng trip hahahaha!", sabi ni J sabay kamot din sa ulo. Parang abnuy lang hahahaha.

"Kung may basketball, syempre may volleyball!", sabi ni JM. Buang!

"Oy ako din! Soccerball!", sagot naman ni JK.

"Fishball! O ha? Magutom sana kayo!", sabi ni JH.

"Squidball! Kala mo ikaw lang marunong?", sigaw ni S kaya kitang-kita namin yung gums niya. Ahaha! Ang cute.

"Kainis! Syempre di magpapatalo ang kwekwek!", sabi ni V na ikinahagalpak naman ng tawa naming lahat.

"Tempura! Hinahamon niyo talaga ako.", sabi ni JH.

"Friedegg. Sus, basic.", sagot naman ni J sabay tawa. Lecheng tawa na yan. May naglilinis ba sa bintana? Hahaha!

"Virginia hotdog lang sakalam!", sabi ni JM.

Anong laro na ba toh? Kanina sa sports sila nag-iingayan pero ngayon nasa pagkain na! Haha! Mga loko talaga to eh.

"Chicharon ni barbielat.", sabi ni V na ikinahagalpak na naman ng tawa sa lahat. Nasali pa nga si barbielat.

"Chicharon ni mang juan 'yon, hoy. Barbielat ka diyan.", sabi naman ni RM na ikinataas lamang sa kilay ni V. Aba'y umaattitude. Hahahaha!

"Hahaha! Tahimik na kayo, please. Sakit na ng tiyan ko sa kakatawa dito mga letsugas kayo!", epal ko habang tumatawa pa din. Eh sa masaya eh! Hahahaha ba't ba.

Maya-maya'y pa lamag ay hindi namin namalayan na gabi na pala. Haha, ang saya kasi namin eh. Sobra.

Timecheck: 10:50P.M

Si J lang yung nasa kusina para mag bake ng cake habang kaming pito naman ay nandito lang sa guest room. Gusto ko sanang tumulong eh pero pinaalis ako ni J. Hmph! Bahala siya dun. Haha.

"Alam niyo guys, konting tawa ko nalang kanina maiihi na talaga ako sa pants ko.", sabi ni JM.

"Haha nagmumukha kang timang.",sabi ni JK at hinampas si JM.

"Bat ba ang hilig mong manghampas ng alien?! Oh eto din sayo!", sabi ni JM at binatukan din si JK.

"Aray ha! Mas masakit pa nga yung sa'yo eh!", sabi ni JK sabay kamot sa ulo niya.

"Mas masakit pa nga yung iniwan ka sa taong mahal mo eh.", epal ni V kaya agad naman kaming napapa "oohhhhhh" sa sinabi niya.

"May pinaghuhugutan, dre?", tanong ni RM na ikinangisi lamang ni V. Timang talaga tong alien na'to.

"Joke lang!", sabi ni V atsaka ako kinindatan. Omg, stop! Ang gwapo mo, promise.

"Guys! Cake is ready na!", sigaw ni J kaya agad naman kaming nagsingtakbuhan sa kusina at nabungad kaagad namin ang napakagandang cake at talagang minions pa yung design. Hahaha! Alam ko na kung bakit minions, eh.

"Nang-iinsulto ka ba sa'kin?", tanong ni JM sa kay J na ikinatawa lamang naming lahat.

"Blow the cake!", sigaw naman ni JH.

"Ah ganon? Cake na pala ang ibo-blow? Hindi na kandila?", pilosopong tanong naman ni S.

"Kandila pala? Akala ko kasi...hehehehe.", sabi ni JM atsaka ito ngumisi ng parang manyak.

"Bastos kang batang ka.", sabi ni J na ikinapeace-sign lamang ni JM.

"Teka muna, kanta muna kayo ng 'happy birthday song' pero in ngongo version bago ko man i-blow ang candle.", request ni JM na ikinalaki naman ng mata namin and at the same time, tumawa din.

"Ginagago mo ba kami?!", hindi makapaniwalang tanong ni S.

"Kanta ka nga nalang! Ah 1, ah 2, ah 1,2,3, go!", sabi ni JM at kumanta naman kami. IN NGONGO version. As what he wishes.

Hami mirthney no you! *clap3x*

Hami mirthney no you! *clap3x*

Hami mirthney, hami mirthney, hami mirthney no you! *clap3x*

"Mely good! Malakmakan!", sabi ni JM na ikinahagalpak naman ng tawa naming lahat.

"Blow the candle!", sigaw ni JK at RM.

"Wag kayong maingay! Nagwish pa ako.", sabi ni JM at pumikit ulit. Gagi to hahahaha.

Nung inimulat na ni JM ang cute niyang mga mata ay nag blow na siya sa candle. Pumalakpak naman kaming lahat at kitang-kita namin ang pagiging masaya ni JM at sa iba din.

"Ano ang masasabi mo ngayon, JM?", tanong naman ni J.

"Today is my birthday!", masayang sagot ni JM na ikinaface-palm lamang nila. "Haha! Joke lang. SALAMAT SA INYO GUYSEU!", dagdag ni JM atsaka ito pumalakpak.

"GRRRROUP HUG!", sigaw ni JH at nag group hug din naman kami.

Pagkatapos ng mga moments na yun ay kumain na kami ng cake. Nagpinahiran pa nga sila ng icing sa mukha eh. Haha, ang cute nila. Yung iba naman ay tapos ng kumain kaya nandun na kaagad sila sa sala.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso naman kaagad kami sa Guest Room para ihatid ang mga inaantok na alien. Ayan, super kulit kasi!

"Marie! Dito ka nalang din matutulog kasama kami. May dalawang extra na kama o! Pleaseeuu!", sabi ni JM at talagang nakapout pa siya sa lagay na yan ah. Eh syempre ano paba ang magagawa ko sa mga pacute-cute nayan? Tumango na lamang ako.

Humiga na kami ni V sa dalawang extra bed at natulog na din.

As in napuyat talaga kami ngayong araw. Especially sa birthday boy na si JM na malapit ng maihi sa pants niya. Kawawa pero sayang eh hahahaha. Nag-antay pa naman ako na makaihi talaga siya hahaha charot!

Best moment in my life na kasama ko ang mga alien. <3 Sana'y palaging ganito para always happy ang bahay!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro