ALIEN 60:
Alien 60:
Marie's P.O.V
"GISING NAAAAA!", sigaw ni JH.
"Ano ba! Pwede ka namang hindi sumigaw ah!", inis na sabi sa kanya ni S.
"Ay ganun? Sige. Take 2...ehem...GISING NA", paguulit ni JH pero this time, bumulong siya.
"Gago", sabi ni S at hinampas si JH.
Tumawa lang si JH at ngumisi. Gumising na silang lahat at agad kaming dumiretso sa kusina para mag almusal.
"Woah. Anong klaseng almusal to?", tanong ni JM sabay turo sa mga pagkain sa mesa.
"Almusal na masarap", sagot ni JK.
Sinamaan ni JM ng tingin si JK at binatukan. Binatukan din ni JK si JM at ang dalawa mismo ang nag batukan sa isa't isa.
"Yang isa ay pancake, yung isa naman ay french roll at itong isa ay carbonara", sabi ni V at ngumiti.
Napangiti din ako dahil sa kulay yellow na pink na buhok niya. Makikita mo talaga sa mukha niya na ang saya niya. Ang saya niya dahil magkasama na kaming lahat.
"Wow galing. Kung ganun, tara na at kakain na tayo. Pagkatapos nating kumain, mag si-swimming tayo ulit but this time, sa pool na", sabi ko.
"YEEEEY!", siglang sabi nilang lahat at agad na kumain.
Napangiti tuloy ako at kumain na din. Ako yung unang natapos kumain at agad akong dumiretso sa kwarto ni Mia para maghanda ng mga gamit ko.
Nagulat ako nung biglang bumukas ang pintuan at nabungad ko ang isang alien na isip bata, manyak pero sweet, childish, parang ewan.
"May swimsuit ka?", tanong niya.
Tumango ako at pinakita sa kanya nung swimsuit noon. Yung binigay niya sa'kin sa tompak ganern planet.
"Ikaw may swimuit ka na ba?", tanong ko na ikinatawa niya.
"Haha lol ka. Mag trucks lang naman ako eh haha. Gusto mo magsuot ako ng swimsuit? Pili lang, two piece or one piece?", tanong niya na ikinatawa ko ng lubos.
"Hahaha baliw. Mag pack ka na nga lang ng mga pagkain natin", utos ko sa kanya.
"Walang magic word?", tanong niya na nakapout.
"PLEASE", ako.
"Ayown. Hahaha sige", sabi niya. Akmang lalabas na sana siya pero bigla siyang huminto sabay sabing..
"Wait, may nakalimutan ako", sabi niya.
"Ano?", tanong ko sa kanya.
Nagulat nalang ako at hinampas siya nung bigla niya akong hinalikan pero tumawa lang siya. Gago talaga ang alien na yun. Napakatimang talaga. Malamang, alien nga diba? Aish.
Pagkatapos naming naghanda lahat, umalis na kami sa bahay at sumakay na sa kotse nina Mia. Si J yung magda-drive sa kotse papunta sa pool.
"Waah excited na ako!", sigaw ni JM.
"Malamang, marami kayang chicks doon", sabi naman ni RM.
"Lol. Hindi naman chicks ang habol ko eh", sabi ni Jm at hinampas si RM.
"Eh, ano? Sa pagkakaalam ko, tuwing pupunta tayo sa pool, yung mga sexy chicks ang habol mo eh", sabi ni RM.
"Hindi nga chicks ang habol ko. Nagbabagong buhay na kaya ako", sabi ni Jm at talagang nag pogi sign pa.
"Hindi na chicks ang hahabulin mo kundi manok na talaga?", epal ni JK na ikinatawa naming lahat.
Hinampas siya ni JM at sinamaan siya ng tingin. "TSe! Manok ka diyan. Gusto mong kunin ko yang ilong mo?", sabi ni JM.
"Inaano ka ng ilong ko ha?!", tanong din ni JK at siningkitan ng mata si JM. Siningkitan din ni JM ng mata si JK at naghampasay ang dalawa.
"Jusme. Maliit na nga ang kanilang mata, mas pinaliitan pa ito lalo", biglang sabi ni S na ikinatawa naming lahat.
Mia's P.O.V
Buong byahe namin papuntang pool, nakatitig lang ako ni J.
Walang nagbago sa kanya. Gwapo parin siya, maputi, mataas, cute, etc. Parang nasa kanya na ang lahat? He's almost perfect. ALMOST.
"Ehem. Baka matunaw ang driver natin Mia ah?", biglang sabi ni Marie na ikinatawa nilang dalawa ni V.
"Haha okay lang. Ganyan talaga ang mga gwapo eh, pinagtitigan", sabi ni J at kumindat sa'kin.
Urgh! Napakafeelingero talaga sa elyen na to. Nangingigil ako sa kanya. Ang sarap niyang halikan este sapakin pala.
Maya-maya pa ay nandito na kami sa pool. Agad namang nag parking si J sa parking lot at bumaba na kami.
Naunang lumakad ang lahat except sa amin ni J na inilock pa namin yung mga pinto sa sasakyan.
"Bakit hindi ka sumabay sa kanila?", tanong ni J sa'kin.
"Dahil gusto kong sumabay sa'yo", sagot niya na ikinapula ng mukha niya. Ahahaha ang cute niya. Mukha siyang tomato.
"By the way, musta ka na nung iniwan ka sa lalaking mahal mo?", tanong ni J sa'kin.
Ayoko man gustong pagusapan namin ang nangyari noon. Pero imbis na hindi ko sasagutin yung tanong niya, sinagot ko nalang.
"Hindi ako okay. Para kong tinusok ng maraming kustilyo. Basta, ang gulo. Hindi ako masaya sa buhay ko noon", sabi ko.
Hinawakan ni J ang mga kamay ko at ngumiti sa'kin.
"Okay lang. Past is past naman din yun. Kung hindi ka na masaya sa buhay mo noon, bakit hindi mo nalang subukan ang buhay mo na kasama ako ngayon para mas maging masaya ka pa?", sabi niya na ikinapula ng mukha ko.
Gosh. 'Tong alien na'to, hindi talaga mauubusan ng mga corny banats. Tuwing maguusap kami, may banat pa talaga. Palagi nalang siyang may mga corny banats na nakakapagkilig sa'kin. Lagi nalang.
Na speechless ako sa sinabi niya. Nagulat nalang ako nung bigla siyang tumawa at kinurot ang mga pisngi ko. Kaya ayun, hinampas ko siya.
"Mia, seryosong tanong. May pag-asa ba ako?", tanong niya sa'kin na mas ikinapula pa ng mukha ko.
Oo J. Meron talaga. Pero I have this feeling na takot na akong magmahal dahil ayoko ng masaktan ulit.
Hindi ko alam kung sasagutin ko pa ba ang tanong niya o iiwasan ko lang. Pero ang manhid ko naman masyado pag iiwasan ko ang tanong niya diba?
"I'll give you time to think about it. Pero dapat mamaya, may sagot ka na ah?", sabi niya at hinalikan ang noo ko.
Tumango lang ako at lumakad na kami papunta sa mga aliens.
"Uy Mia! Ligo na tayo?", tanong ni Marie sa'kin.
Eh? Ligo kaagad? Ang aga pa ah?
"Ay. Haha mamaya na ako, susunod lang ako. Una lang kayo", sabi ko at ngitian sila.
Tumango lang si Marie at nagbihis na. While ako dito, iniisip ko pa din kung ano ang maaaring isasagot ko sa tanong ni J. Ang hirap kasi eh.
MAY PAGASA naman siya pero baka iiwan niya lang ako soon at masasaktan na naman ako. Ayoko na. Ayoko na kasing masaktan.
Have you ever been in love? Horrible isn't it? It makes you so vulnerable. It opens your chest and it opens you heart. And it means that someone can get inside you and mess up. Ayoko ng ganyanan. Gusto ko, yung walang iwanan.
"Lalim ng iniisip natin ngayon ah? May problema ba?", tanong ni JH sa'kin at umupo sa tabi ko.
Ngumiti lang ako at umiiling-iling. Ayokong may makakaalam sa problema ko.
"Ay alam ko na. Nagdadalawang isip ka no kung may pagasa pa ba si J sa'yo o wala?", tanong ni JH sa'kin na ikinalaki ng mata ko. How did he know?!
"B-bat alam mo?!", gulat na tanong ko sa kanya. Ngisian lang niya ako at ginulo ang buhok ko.
"Baka nakalimutan mo na alien ako and aliens can read minds", sabi niya at ngumisi sa'kin.
Ay tae, oo nga pala.
Napaginhawa nalang ako at yumuko.
"Sige na. Sabihin mo sa'kin. Baka matulungan ko yang problema mo", sabi niya.
"Yun na nga. Nagdadalawang isip ako kung ano ang isasagot ko sa tanong ni J.", sabi ko.
"Sa desisyon mo, ano yung tunay na isasagot mo?", tanong niya.
Ano nga ba ang isasagot ko? Hayst.
"Isasagot ko? 'Oo' sana kaso takot akong magmahal. Takot akong magmahal kasi kung magmahal ako, alam kong iiwanan na naman nila ako. Ayokong maiwan. Ayokong masaktan", sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang si JH sa'kin at tinap yung ulo ko. Nagmukha na tuloy akong bata dito.
"Alam mo? Kung ano yang final answer mo, yun na yun at wala ng makakabago nun kundi ang sarili mo lang. Tsaka, mabait naman yan si J eh hindi kagaya sa boyfriend mo noon na mangiiwan. Don't believe those who tell you they love you, believe those who show you they do.", sabi ni JH sa'kin.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Love expert pala tong si JH? Wow ha.
"Don't ever think about it na love expert ako, kaya ako nagiging ganito it's because na experienced ko na din ito NOON. But don't worry, past na yun. Forget the past and think the future.", sabi niya.
Grabe. ANg daming alam ni JH sa mga pag-ibig. I like him na. Gusto ko na siya yung advicer ko sa mga pag-ibig haha.
"Here's a piece of advice para sa'yo ah? LET GO when you're hurting too much, GIVE UP when love isn't enough, and MOVE ON when things aren't like before. And its certain there's someone out there who will love you even more", sabi ni JH na nakatingin sa kay J.
Pati din ako, habang pinakinggan ang mga advice ni JH, nakatingin lang ako ni J. And lahat ng sinabi ni JH ay tama.
Hindi ko alam na may mga luha na palang tumulo sa gilid ng mga mata. Pinahid naman yun ni JH at ngitian ko. Niyakap ko si JH at doon na ako umiyak ng lubos.
"Salamat ng marami JH, lahat ng mga advice mo ay nakakagaan ng loob at nakakalambot ng puso. Salamat talaga", sabi ko sa kanya.
Tinatapik-tapik niya ang balikat ko sabay sabing.."Wala lang yun, basta wag mo ding kalimutan na mahalin mo din ang sarili mo. Just find someone who wants you as you want them. Just like J. Find a deserving man", sabi ni JH.
Humiwalay na ako ng yakap sa kay JH at ngitian ko siya.
"Salamat talaga ng marami JH. I'll try my best to talk to J. Even though na I don't have the right words to explain it to him, I'll find a way na ma explain ko talaga sa kanya", sabi ko.
Tumango si JH at ngitian ako.
"Sige na, tinawag na ako nina S at RM eh. Dapat maligo ka na din dahil kanina pa naghihintay si Marie sa'yo", sabi ni JH.
"Sige. Pakisabi nalang ni Marie na papunta na ako. Magbibihis lang ako", sabi ko at pumunta na sa CR para magbihis.
Sinuot ko yung swimsuit na kagaya ni Marie. Ayoko kasing mag one piece or two piece eh. Nakakahiya naman. Simple lang naman, short lang at see through na damit. Yun lang. Pagkatapos nun ay lumabas na ako.
Marie's P.O.V
"MIAAA!", sigaw ko nung makita ko si Mia na papunta sa way namin.
"HI! Sorry kung ang tagal ko, may iniisip lang", sabi niya at ngumiti sa'kin.
"Ah sus. Okay lang yan. Pero bakit hindi mo sinuot yung swimsuit mong one piece? Ang sexy mo pa naman nun!", sabi ko na nakapout.
"Haha ah sus. Bahala na yun, mas okay pa nga tong swimsuit ko ngayon eh. Haha. Simplicity is beauty kasi", sabi niya.
"Haha may point ka din naman", sabi ko.
"Go JH! Go JH! Hahaha!", sabi ng mga aliens.
Anong meron?
"Tara doon tayo", sabi ko at hinila si Mia papunta sa mga aliens.
Nakita ko na sumayaw sina JH at JM. Lumapit ako kay V at nagtanong kung anong meron. Sagot naman ni V ay nag showdown raw ang dalawa.
Tumawa kaming lahat nung sinayaw ni JH yung 'Touch my Body' by sistar. Haha, ang saya ng araw ko ngayon promise.
"Hahaha go JM! go JM!", sigaw naman nilang lahat. Pati nga ako napasigaw din, pati na din si Mia.
Sinayaw ni JM yung 'Up and Down' by ExiD. Pero ang mas nakakatawa ay nung chorus part dahil nadulas si JM kaya ayun, nahulog siya sa pool na ikinatawa naming lahat.
"HAHAHAHAHAHAHA", tawa naming lahat.
"AND THE WINNER IS..JH KABAYO!", sigaw ng emcee na si S.
"Hahaha wuhoo! Ang gwapo ko talaga!", sabi ni JH at talagang nag pogi sign pa.
Nagulat ako nung may nag hila sa waist line ko kaya ayun, nahulog din ako sa pool. Tumingin ako sa naghila sa'kin pero yun pala, si V lang kaya pinaghampas-hampas ko siya.
Nakita ko din na hinila ni J si Mia at tumakbo sila papuntang ewan.
"Marie, nakapagdecisyon na ako, magpapakasal na tayo bukas", sabi ni V na ikinagulat ko. WHAT? AS IN BUKAS NA?!
"A-ano!? T-teka lang..HUY!" ako.
Bigla kasing tumayo si V at kinuha yung red small square box at binuksan niya ito.
A ring. A wedding ring.
"HALA PROPOSE! WAAAAAH!", sigaw ni JM na ikinasigaw din ng lahat.
Lahat nag sigawan at naghiyawan. Letseng alien. Sa public pa naman talaga siya mag propose?! Jusme! Hindi ko pa naman nasabi ito nina Mama at Papa.
"Marie, mahal ko, asawa ko, o ano pang mga pangalan na itatawag ko sa'yo, will you marry me and be my lifetime partner always?", tanong ni V.
Jusko Lord!
Mia's P.O.V
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni J basta ang alam ko lang is nandito kami sa lugar na kung saan walang tao.
"B-bakit mo ako dinala dito J?", tanong ko.
"Because I want to have an alone time na kasama kita. Gusto ko na moments lang natin to ngayon. Walang iba kundi tayong dalawa lang. Ayokong may iisturbo sa'tin. Gusto ko, ATING moment lang", sabi niya.
Bumilis ng tibok ang puso ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya?
"Oh and by the way, you didn't answer my question a while ago", sabi niya na nakasmirk pa. Argh. Stupid question.
"A-ano kasi eh, sa totoo lang, may sagot naman ako kaso ang problema, I don't know how to explain it to you. Parang 'the words are jumbling inside my head' basta. Ang gulo", sabi ko.
Ngumiti lang siya at hinawakan ang mga kamay ko. "Wag kang mag-alala. Basta ikaw, Handa kong intindihan ang mga salita na hindi ko maintindihan. Basta ikaw, ikaw lamang", sabi niya.
Woah. That gives me shivers though. But anyways, guminhawa nalang ako ng ilalim at yumuko.
"OO ang sagot. Pero, sa totoo lang, t-takot na kasi akong magmahal dahil baka sakaling, iiwanan mo ako soon o baka sakaling sasaktan mo ako. J, ayokong maiwan at lalong-lalo na yung pinaka-ayaw ko, Yung masaktan. Atsaka alam mo naman na duwag ako diba? DUwag ako lalong-lalo na when it comes to LOVE, nagiging duwag ako dahil....basta! Ang gulo na sa isip ko", sabi ko.
Bigla akong niyakap ni J at hinalikan ang ulo ko at hinahaplos-haplos yung buhok ko.
"Alam mo? Gusto kong magmahal ng DUWAG at TAKOT. Duwag na iiwan ako, at TAKOT na mawala ako. Kaya nga mahal kita eh. Kadalasan sa pag-ibig, takot magmahal, dahil takot din silang masaktan. Nakakatakot din umasa pero di ba mas nakakatakot yung wala na ang mahal mo kung kelan handa mo nang harapin ang lahat ng takot mo?", sabi ni J.
Napatitig ako sa kaniyang mga mata. Pero sa sinabi niya, naalala ko na naman si Michael. Aish! Dapat kalimutan mo na ang tukmol na yun! Sinaktan ka niya eh. Lintek.
Lintek na pag-ibig talaga.
"Mia, wala kang trust sa'kin?", tanong ni J sa'kin.
Agad akong humarap sa kanya at hinampas siya. "Syempre meron no!", agad na sabi ko.
"Kung sasabihin ko sa'yo na 'PANGAKO, mamahalin kita at hindi kita iiwan', maniniwala ka ba sa'kin", tanong ni J sa'kin.
"S-syempre, maniwala ako", sabi ko. "Pero promises are meant to be broken diba?", tanong ko na ikinatawa niya. What's funny?
"We all make promises that we say we'll keep, pero sa'kin? Kung ano ang i papangako ko, yun talaga ang gagawin ko", sabi niya.
Napangiti ako sa sinabi niya at pahina siyang tinulak.
"Mia, I'll promise to love you forever and for the rest of my life and that is what I'm gonna do. And I will never ever break that promise. Ever", sabi niya.
Pumula ang pisngi ko sa sinabi niya ay napakagat labi ako tuloy. Tae naman, gusto ko sanang sumigaw pero I can't kasi ang daming tao.
"Really? You love me?", tanong ko sa kanya.
"Yes. very much", sagot niya.
"Prove it, scream it to the world", sabi ko sa kanya na ikinangisi niya.
"I love you", bulong niya sa'kin. Napatawa ako.
"I said scream it to the world, why did you whisper it to me?", tanong ko.
"Because you are my world", sabi niya at hinalikan ako. Sa labi.
And that's it, para akong nakuryente sa sinabi niya. DAMN YOU ALIEN! Alam mo talaga kung ano ang nagpapakilig sa'kin.
After he kissed me, niyakap niya ako. Niyakap ko din siya ng mahigpit.
"Thank you. Thank you for letting me to love you again and to be part of your life", sabi niya sa'kin.
"You're welcome", sabi ko at ngumiti ako sa kanya.
After sa momemts namin, bumalik na kami sa place ng mga aliens.
Nakita ko na nakaluhod si V na may red small square box na hawak niya at may sing-sing ito. Hala! Nag propose na siya?! Waaah!
"Yes V, I will marry you and I will let you be part of my life as long as you'll keep your promises", sabi ni Marie na ikinahiyaw ng lahat.
"I'll keep my promise. And I will never break that promise", sabi ni V at niyakap si Marie.
Tumingin ako kay J na nakamsirk na sa'kin. What's with that smirk?
"SOmeday, Ikaw at ako, magiging ganyan din gaya nila", sabi ni J at tinuro sina V at Marie.
"Lul. I hope that day never comes", biro ko.
But seriously, I hope that day will come. Soon.
WHat a perfect scene.
And what a perfect love story we have.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro