Alien 58:
Alien 58:
Marie's P.O.V
Ang saya-saya ko ngayon. SUPER HAPPY. Masaya ako dahil kasama ko na ang mahal kong alien. At hindi lang yan, uuwi na din ang pamilya ko dito.
So nandito na sila sa bahay at exactly 2:00P.M in the afternoon and since umaga pa ngayon, pumunta ako sa kusina para magluto kaso pagbangon ko sa kama, nawala na si V sa tabi ko.
But suddenly, may nasinghot akong mabango na bagay sa kusina. Sinundan ko ang baho na yun at nakita ko si V na nagluluto ng carbonara. Nakita niya ako kaya ngumiti siya at lumapit sa'kin tsaka hinalikan ako sa noo, ilong tsaka sa lips. Napangiti ako sa ginawa niya at hinalikan ko din siya sa cheeks.
Binalik na niya ang kanyang ginawa sa pagluluto ng carbonara. At nung tapos na siya, tri-nansfer niya ito sa malaking bowl at nilapag sa mesa. Umupo na kami sa silya at nagumpisa ng kumain. Sakto lang naman ang lasa at sakto lang din ang pagtimpla. Pwede na siya maging chef. Chef sa buhay ko. Charot.
"By the way V, uuwi na pamilya ko dito", sabi ko sa kanya.
"Alam ko yan. 2:00P.M nga sila uuwi dito eh haha", sabi niya sabay pakita sa kanyang rectangular smile.
Nakakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit alam niya yun? Bakit---ay teka, may naalala ako. Alien nga pala to and he can read my mind.
"Ah okay", sabi ko nalang at pinagpatuloy ang pagkain.
"Marie", tawag niya sa pangalan ko. Gosh, I missed his deep voice. Ang tagal ko ng hindi nakarinig sa boses niyang mas malalim pa sa dagat. Tsaka, ang sarap pakinggan nun ah.
"Hm?", ako at tumingin sa kanya na nakataas ang kilay.
Nakakunot lang ang noo ko nung bigla siyang nag pout sa'kin at tumingin sa labi ko. Teka, why is he looking me in that way? May problema ba tong alien na to?
"O, bat ka ganyan makatingin sa'kin?", tanong ko.
"Malungkot ako", sabi niya.
Kung malungkot siya, bakit hindi naging kulay asul yung buhok niya kundi black pa din ito?
"Bakit naman?", tanong ko sabay subo sa carbonara.
"Hindi kasi natin ipinagpatuloy ang moments natin kagabi. Diba sabi mo 'sa bahay nalang natin ipagpatuloy' kaso nung nakarating na tayo dito, bigla ka nalang humiga sa kama at natulog", sabi niya.
Uminit ang buong mukha ko sa sinabi niya. Eh kasi naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Leshe talaga tong alien na'to.
Tinawanan lang niya ako while ako sinamaan siya ng tingin at hinampas gamit ang kutsara.
"V naman. Mamaya na yang mga bagay na yan. Kasal muna bago ganyan", sabi ko.
"Eh di magpapakasal na tayo ngayon para magawa na natin yung masarap thingy", sabi niya at kinindatan ako na ikinapula pa ng mukha ko.
And again, hinampas ko na naman siya gamit ang kutsara but this time, medyo malakas na yun kaya napapaaray siya pero tumawa pa din siya.
"G-gago ka! Ipagpatuloy na nga natin tong pag kain natin. Leshe ka ah!", inis kong sabi sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
Tinawanan lang niya ako at hinalikan sa pisngi. Tae ka talaga V, you really made my day complete kahit ganyan ka.
Mia's P.O.V
Nandito ako ngayon sa mall. Hindi ako nag bo-bonding kundi may pinabili sa'kin si Inay kaya inutusan niya ako.
Pagkatapos kong binili yung pinabili sa'kin, agad akong dumiretso sa C.R dahil kanina pa ako gustong umihi. At ayun nga, pumasok na ako sa isang cubicle at umihi na. Pagkatapos yan, syempre fi-nlash ko yung anidoro. Nakakahiya naman kung hindi diba?
At pagkakalabas ko sa CR, nagulat ako nung may biglang nagtakip sa bibig ko at hinila akong ewan.
Gusto kong sumigaw kaso hindi ko kaya kasi ang higpit ng pagkakahawak niya sa'kin. Tinapakan ko ang paa niya at agad akong tumakbo kaso nahuli na naman niya ako.
"BITAWAN MO AKO!", sigaw ko.
Mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa mga kamay ko at napasigaw ako nung bigla niya akong binuhat at tinakbo sa ewan. Basta ang alam ko lang ay nandito na ako sa parking lot.
Sh1t naman. Sana may powers ako para mapigilan ko ang lalaking to.
Nagulat ako nung biglang lumutang ang lalaking sa ere. Hala, hindi kaya totoo yung sinabi ko kanina?! May magic na ba ako?! Waaaah.
Pero, tumingin ako sa likod at may nakita akong lalaking nakahood na nakatingin lang sa lalaking lumutang. Blurred yung paningin ko kaya mas nilapitan ko pa ito ng konting steps but still, blurred pa din ang paningin ko.
Tumingin ako ulit sa lalaking lumutang sa ere kaso nawala na siya dun. Hinanap ko yung lalaki baka nakatakas yun at kikidnapin na naman ako. Pero wala akong nakitang lalaki.
Tumingin ako ulit sa lalaking nakahoodie kaso nawala na din siya dun. Wow ha! Parang ilang minuto lang ako pumikit, nawala na siya? Wow! Magic!
"Okay ka lang?", sabi ng lalaking nasa harapan ko. Napatalon ako nung nasa harapan na niya ako. Grabe talaga tong lalaking to, kanina 7 inches away lang kami tapos ngayon, magkakaharap na kami. Astig ah?
"Ah oo. Haha, s-salamat kung ikaw yung nagpalutang sa lalaking kidnapper sa ere. Sa totoo lang, may powers ka? Kung oo, bigyan mo naman ako o", sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang ngisi niya kaso hindi padin niya tinangga yung hoodie na nakapatong sa ulo niya.
"Sure. Kahit yung puso ko pa ang ibibigay sa'yo", sabi niya at dahan-dahan niyang tinanggal ang hoodie niya.
Nung nakita ko na ang mukha niya, para akong na glue dito sa ere. Kasing laki ng tarsier ang mga mata ko nung nakita ko na siya.
"Mia, I miss you", sabi niya at bigla niya akong niyakap.
Nung bumitaw na siya sa pagkayakap sa'kin, pinahid niya ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. Tae naman, umiyak pala ako? Tama. Umiyak nga ako. Umiyak dahil sa saya.
"I-I miss you d-din", sabi ko.
Atlast, he's finally back. The man este alien who made my day complete in the tompak ganern planet.
"Mia, hindi ko na talaga alam ang nararamdaman ko. Kasi noong nakilala kaagad kita, minahal na kita kaagad pero nung nagtagal na, Damn, ayoko na! Ayoko ng magmahal ng iba!", sabi niya.
Pumula ang pisngi ko sa sinabi niya pero ngumiti lang ako. Ano ba! Pinapakilig niya ako eh. Tae naman.
"Corny mo J ah. Haha", sabi ko at pahinang tinulak siya.
Ngumiti lang siya sa'kin at niyakap ako ulit. Gosh. His smiles, his eyes, his voice, his laugh, his warmth and his existence. I missed it all alot. And now he is back, I swear hindi ko na siya pababalikin sa planeta niya. Joke lang. haha.
"Alam mo Mia, sa dinami-daming BOOK sa mundo, isa lang ang hindi ko maintindihan", sabi niya na nakayakap pa din sa'kin.
"Hm? Ano yun?", tanong ko sa kanya.
"Syempre yung ti-BOOK ng puso ko sa'yo.", sabi niya.
Naks naman! Kahit anong gawin niya, pinapakilig pa din niya ako.
"Grabe ka. Alam mo ba din na dalawang beses lang kita gustong makasama?", sabi ko sa kanya.
"Dalawang beses? Bakit dalawa?", tanong niya.
Ngumiti ako at niyakap siya. Aba. Gusto kong yumakap sa kanya eh. Miss ko na kaya tong alien na to.
"Oo, dalawa. NGAYON AT MAGPAKAILANMAN", sabi ko sa kanya na ikinapula ng pisngi niya.
Yayks! Ang cute niya kanina. Ahahah! My gosh! Sana pinicturan ko siya sa mukha niyang yun. Cute-cute eh!
"Waah. Mia naman eh! Pinapakilig mo ako!", sabi niya at hinampas ako.
Gosh naman. Para siyang bakla diyan haha. Tiningnan ko ang relo ko at nagulat nalang ako nung alas 2:00 na sa hapon. Waah. Ang bilis naman sa oras, kaya nagmamadali akong lumakad para umuwi na.
"Uy teka, san ka pupunta? Sama ako sa'yo! Wag mo akong iiwan", sabi niya.
"Sorry. Nagmamadali kasi ako eh", sabi ko sa kanya. "Pasensya na talaga", dagdag ko.
Pero imbis na malungkot siya, ngumiti lang siya ng malapad.
"Nagmamadali ka? Ah sus. Okay lang yan. Sasama nalang ako sa'yo", sabi niya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Seriously!? Sasama siya sa'kin?! Naku po! Wag uy! Nandoon mama ko. Baka mapapagalitan pa ako at baka maisip niya na boyfriend ko siya.
"Naku J, wag nalang. Baka maisip pa ni mama na--
"Na boyfriend mo ako? Okay nga yun eh. Para wala ng aagaw sa'yo ahaha. Tara na! Ako ang bahala sa mama mo. For sure, matatanggap niya ako bilang boyfriend mo na", sabi niya na ikinapula na naman ng pisngi ko.
Urgh! Gago talaga tong alien na to. Ang sarap niyang halikan este batukan. Ewan! Kinikilig ako kahit ang corny sa mga pinagsabi niya.
Wala kong magawa kundi sinama ko nalang siya. Sumakay na kasi kami ng taxi pauwi eh. Leshe.
Pero gosh. Buti nalang at bumalik ka talaga. I'm so damn happy right now. Kahit ngiti mo lang, kompleto na kaagad ang mundo ko. Thanks for coming back, J. :)
Marie's P.O.V
Nandito na si Mama at papa sa aming bahay. Ipinakilala ko sa kanila si V at sinabihan ko din sila na alien siya. I know it's so very stupid but ayaw talaga nilang maniwala sa'kin.
"Seriously? Na inlove ang anak ko sa alieng kagaya mo?", tanong ni papa.
"Hindi. Ako po yung na inlove sa kanya. Hindi naman ako ganun ka ALIEN talaga, sabi ng doctor, Half alien half tao na po ako. 10% alien, 90% tao. And hindi ako kagaya ng ibang lalaki na paasa. I know na malandi man ang mga mata ko, pero stick to one ang puso ko sa anak niyo", sabi ni V.
Nagulat ako nung pumalakpak si Mama at Papa at tumingin sa'kin.
"Grabe ang boyfriend mo nak, ibang klase siya! Gusto ko na siya!", sabi ni papa at tumawa. Pati na din si mama hanggang sa kaming lahat ay nagtawanan.
"Haha sige ah. Tanggap na kita bilang boyfriend ng anak ko, pero aasahan namin na hindi mo talaga siya sasaktan. Pag sasaktan mo siya, itatapon talaga kita pabalik sa planeta niyo at hinding-hindi mo na makikita ang anak ko", sabi ni papa.
"Papa. Grabe ka ah", sabi ko sa kay Papa.
Grabe na kasi si papa eh. Tinakot niya si alien ko. Ganito talaga ang mga magulang no? OVER PROTECTIVE.
"Haha sureness naman po tay! Germs po ako at 100percent po akong patay na patay sa anak niyo. Totoo po yan, walang halong joke. Handa ko pong tatanggapin ang kanyang good side pati na din yung kanyang stupid side." sabi ni V.
Waah! Ang dami niyang mga corny banats! Sa karami ng banats niya, wala tuloy akong maisip na babagay sa kanya kundi AKO. Charot. Hahaha.
"Sure ka? Handa mong tanggapin ang stupid side ng anak ko? Baka mahilo ka pa niyan haha", sabi ni Mama.
Waah! Mama naman eh! Ang grabe mo sa'kin. Ang grabe niyo sa'kin. Para na akong ewan dito na ayaw makinig sa mga usapan niyo dahil palagi niyo akong binulas. Di joke lang.
"Mahilo? Ah sus. Okay lang na mahilo ako, basta kay Marie lang iikot ang mundo ko at sa kanya ako mababagsak", sabi ni V at talagang kinindatan pa ako.
Biglang tumayo si papa at niyakap si V. Haha grabe. Ang cute nilang dalawa.
"I love you na este like pala. Haha tama ka talaga. Iba na ibang klase ka na lalaki. Haha ang dami mong alam sa mga banats na yan. Paturo naman o?", sabi ni papa.
"Sureness naman po tay!", sabi ni V.
But before na umalis si V at si papa, tiningnan muna ako ni V at kinindatan. At talagang nag thumbs up pa siya nun. Haha timang talaga.
Hay nako. How I wish we could be like this.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro