Alien 3:
Marie's P.O.V
Napansin ko na may gumugusot-gusot sa mga pisngi ko kaya inis ko namang sinampal yun pero ang ending is nasampal ko mismo ang mukha ko.
Napatayo naman kaagad ako ng dahil sa sakit at doon nakita ang isang alien na nakangiti lamang sa harapan ko.
"Magandang umaga!", siglang bati pa talaga nito sabay ngiti. Aba't nagawa pa niyang ngumiti ah! Dinidistorbo kaya niya ang tulog ko!
"Good morning din sa'yo. Kanina ka pa ba nagising?", tanong ko sa kanya habang tinatanggal ko naman ang mga muta ko.
"Yup!", masayang sagot niya. "Halika na! Nagluluto na ako ng ulam para sa ating dalawa!", siglang sabi niya atsaka ako hinila papuntang kusina.
Kagandang-umaga pero nagiging garter na ako.
Pagkadating naman namin sa kusina ay naamoy ko kaagad ang bagong luto ng corned beef. Putek, as in sobrang bango talaga!
"Tikman mo o, ang sarap niyan promise! Tinikman ko na kasi eh.", siglang sabi niya at talagang sinubuan pa niya ako.
Ay putek ang sweet naman sa sinubuan. Pero totoo, sinubuan niya talaga ako eh. Nabigla nga ako, animal.
I chewed the foods inside my mouth and swallowed it. Suddenly, the satisfying flavor and the good smell aroma of it filled my nose. Hindi naman sana ito Jollibee ngunit nalanghap ko talaga ang sarap sa corned beef!
Grabe! Ang talented naman sa alien na'to! Mas magaling pa nga siya sa'kin eh!
"Masarap?", tanong niya.
"Super! Putek nagugutom na ako. Kain na tayo!", pag-aya ko sa kaniya. Eh ba't ba? Nagugutom ako sa sobrang sarap eh.
Nagnining-ning naman ang mga mata niya habang umuupo siya sa upuan at nagsimula na kaming kumain.
Pagkatapos naman naming kumain ay dumiretso kaagad ako sa sink para huhugasin kaagad ang mga plato habang si V naman ay dumiretso lamang sa sala at nanonood ng T.V. Hayahay ng buhay niya no?
Pagkatapos kong hinugasan yung mga plato ay agad akong pumunta sa kwarto para kukunin ang tuwalya ko then straight kaagad sa C.R para maligo. It's so mainit na kasi eh.
Ng matapos na akong naligo ay agad naman akong nagpalit ng panlakad na damit. Lalakad kasi ako ngayon para bibili ng damit para sa alien na'to. And yes, bibilhan ko din siya ng brief.
Lumabas na ako sa kwarto at akmang iikutin ko na sana ang doorknob sa sala kaso may narinig akong boses sa likod.
"Marie?", tanong ni V. Uy infairness! Alam na niya ang pronunciation ng pangalan ko. 'Malie' lang kasi noon eh. Wala. Share ko lang. "Saan ka pupunta? May lakad ka?", pasunod na tanong nito.
"Um, may bibilhin lang. May gusto kang pasalubong?", tanong ko din.
"Pasama!", masayang sabi niya. Anong pasama?
"Ah, hindi kasi pwede dahil--
"Sige naaaaa pleaseee! Alam ko namang pwede eh! Sige naaa!", sabi nito. Take note, lumuhod pa talaga siya sa sahig habang naka 'please' gestures ang mga kamay niya.
Oh God, why did you gave me this adorable alien? This is such illegal.
At dahil napilit niya talaga ako ay wala akong choice kundi ang isasama siya. Kaagad din naman siyang tumayo at nagtatalon-talon na parang bata. Nakita ko naman ang buhok niya na nagiging kulay yellow kaya hindi ko din mapigilan ang mga ngiti ko.
Lord, sorry but I just can't also stop smiling whenever I saw him smiling too. It's just so cute.
"Yehey! Isasama mo na ako?", tanong niya.
"Oo. Pero diyan ka lang muna, may kukunin lang ako saglit.", sabi ko atsaka nagmamadaling kumaripas ng takbo sa kwarto ko sabay kuha ng sumbrero kong kulay black at bumalik ulit sa sala.
Pinasuot ko naman sa kaniya yung sumbrero na kulay black atsaka siya tiningnan ng maayos.
The black cap really fitted to him. As in super duper bagay talaga sa kaniya. And I love it.
Nasa labas na kami ngayon sa gate para maghihintay ng jeep papunta sa mga malalapit na mall. Maya-maya naman ay may jeep na paparating kaya agad ko naman itong pinara. Pero bago kami sumakay ay may binulong muna ako sa alien.
"V, babala ko lang sa'yo ah? Wag na wag mong hubarin iyang sumbrero na nasa ulo mo. Kapag ginawa mo yun, lagot ka talaga sakin.", sabi ko at talagang pinaglakihan ko pa siya ng mata. Syempre para surely safe.
"S-s-sige.", nauutal niyang sagot at nakita ko naman ang buhok niyang naging kulay violet sa ilalim. Natakot ba siya sa'kin? Hahaha. Sorry.
Pumasok na kami sa jeep at umupo na kami sa upuan. Syempre magkatabi kami. Mahirap na't may magawang kalokohan ang alien na'to sa mga pasajero. Lagot talaga ako.
Maya-maya pa ay nandito na kami sa mall kaya agad naman akong pumara at bumaba na kami sa jeep. Tiningnan ko ang alien at napansin ko ang kaniyang nagniningning na mata habang nakatitig siya sa mga ilaw dito. Napatawa na lamang ako bigla sa itsura niya.
Colorful kasi ang mga ilaw dito. Tapos idagdag mo pa yung fountain na magpapalit-palit ang mga colors. Ang ganda talaga dito.
"Meron kaming ganyan sa planeta namin!", sabi niya sabay turo sa isang colorful fountain. At talagang sumigaw pa siya ah!
"Hoy shh! Tumahimik ka! Wag kang sumigaw!", pinagalitan ko siya.
Napatawa naman ako dahil kaagad naman din niyang tinakpan ang kaniyang bibig at talagang lumaki pa ang kaniyang mga mata. I saw his hair na nagiging color violet ito dahil nabigla siya. His face was really epic!
"B-bawal ba s-sumigaw dito?", mahinang tanong niya sa'kin kaya na ikinatango ko lamang para matapos na ito.
Pumasok naman kami sa mall at napansin ko na huhubarin na sana ng alien ang kaniyang sombrero kaya agad ko naman siyang hinampas.
"Ano ba ang trip mo? Diba sabi ko wag mong tanggalin 'yan?", sabi ko sa kanya ngunit nakanguso lang siya. Mukhang pato amp.
"Pero makati eh!", Sabi niya. Makati? Anong makati? May kuto ba ang alien na'to?
Kaya ayun, lumabas ulit kami at pumunta sa gilid ng mall. Tinanggal niya yung sombrero niya at kinati yung makati na part. Ay ewan, basta! Yun na yun!
"Tapos na!", sabi niya sabay ngiti sa'kin. Napansin ko naman yung buhok niya na nagiging kulay dilaw kaya hindi ko naman maiwasan ang mapangiti din.
Pumasok na kami ulit sa mall at dumiretso sa panlalake na kagamitan. Binilhan ko siya ng mga damit, brief, at iba pang mga kagamitan na panlalake.
Grabe ang mga effort ko sa pambibili ng mga damit dito habang ang alien naman ay sunod lang ng sunod sa likod ko. Parang buntot ko lang eh no?
Pumunta na kaagad kami sa counter para matapos na ang araw na'to at binayaran ko naman din. Ginamit ko nalang ang perang inipon ko since gr 1 since di naman talaga ako mahilig gumastos. Well, ngayon lang.
"Thank you for shopping maam!", sabi nung sales lady. Tinanguan at ningitian ko lamang ito at umalis na kami. Akmang lalabas na sana kami ngunit...
"Marie! Tingnan mo o! Kawawa yung ibon! Binitay! Tulungan natin!", sabi ni V sabay turo sa isang ibon na nakalutang sa--putek. Stuffed toy lang pala ang animal!
"Ano ka ba naman! Hindi naman 'yan totoong ibon eh! Stuffed toy 'yan!", sabi ko na ikinakunot-noo niya lamang.
"Ano yung Stopped choy?", tanong niya. Napahagalpak naman ako ng tawa sa sinabi niya. Hahahaha gaga stopped choy yawa.
Napaginhawa na lamang ako ng malalim at nilapitan yung cashier para bilhin yung stopped choy, hahahahaha!
"Miss? Ilan yan?", tanong ko sabay turo sa stuffed toy a.k.a stopped choy na tinuturo ni V kanina.
"Ay yung flappy bird ba? Free lang yan miss! Last day na kasi ngayon sa free-day stuffed toys namin eh, hehe. Kukunin niyo po ba?", tanong nung sales lady na ikinatango ko lang din naman. Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa alien na kung saan TITIG na TITIG talaga siya sa stopped choy. Hahahaha!
Binigay naman sa akin ng sales lady ang stopped--este stuffed toy kaya nagpasalamat ulit ako at umalis na kami doon.
Lumabas na kami sa mall at tiningnan ko yung alien na titig na titig pa din ngayon sa stuffed toy na dala ko.
"Gusto mo?", tanong ko na ikinatango din naman niya ngunit kaagad ko din namang binawi ito. "Luh, asa ka!", pang-aasar ko sa kaniya.
Ngunit nabigla naman ako nung umiyak ito ng malakas. As in malakas talaga ang pag-iyak niya! Pambata na malakas yung iyak!
"Hoy aba'y gaga tumahimik ka! Joke lang naman eh!", sabi ko atsaka dali-daling kinuha yung panyo na nasa bulsa ko at pinahiran ang luha niya. "O, eto. Sa'yo na si flappy bird ah? Sa'yo na yan. Ingatan mo 'yan ah? Shhh tahan na. Ampots naman.", sabi ko sabay bigay naman kaagad sa kaniya ng stuffed toy.
Letseng iyak yun. Mapapahiya ako dito eh.
"Aweee, sweet naman nila!"
"Oo nga eh. Gusto ko ng magkajowa tuloy."
"Ako nalang kasi jowain mo."
"Ew."
Putek pinagchismisan pa nga.
Dali-dali na lamang kaming umalis sa lugar na'yun at dumiretso na pauwi. Ng nakarating na kami sa bahay ay agad naman akong napaupo sa sofa habang si V naman ay busy'ng-busy sa kakalaro ng kaniyang stuffed toy. Grabe! Hindi man lang napagod!
--
Timecheck: 6:20P.M
Gabi na at dapat maligo na si V.
"Maligo kana, V!", sabi ko. Tumango lamang siya at tumayo kaagad then dumiretso sa banyo.
Hahay, ang tanga niya. Nakalimutan niyang kumuha ng tuwalya. Kaya ako nalang mismo ang nagkuha ng towel at pumasok kaagad sa banyo ngunit nagulat naman ako sa nakita ko.
Dang this alien! I can't believe na macho pala ang alien na'to. And wait, is that six pack abs? Oh my golly pandesal! Nakakasala na talaga ako. Tae!
"H-hala! Umalis ka! Maliligo ako!", pagtaboy ng alien sa'kin. Aba'y pinaalis ako. C.r mo 'to? Char. Ew landi mo self. Yucks!
"S-sorry! Naiwan mo kasi 'tong towel mo eh! Sorry talaga! Sorry!", sabi ko sabay hagis sa kaniya ng towel na ikinalabas ko din naman kaagad. Sorry ha dahil nakita ko ang pandesal mo! Bwesit na tae!
Leche naman o! Bakit ganon? Ang init ng pisngi ko putek! Tsaka ang bilis ng kabog ng puso ko! Feeling ko tatalon na yata to eh. Kainis!
Pero ang choosy naman niya! Bawal ba mag-enjoy? Charot.
Maya-maya pa lamang ay umikot na yung doorknob sa banyo kaya kitang-kita ko naman ang alien na kakalabas lamang sa banyo. Basa yung buhok niya at nakatabon naman ng tuwalya ang lower part nito. Tsaka...tsaka...yung pandesal--oh my gosh! Ang init! Tae!
"Tapos na ako!", masiglang sabi ng alien at talagang nadala pa niyang ngumiti. Ngumingiti-ngiti pa talaga ang tukmol habang ako dito ay mamamatay na sa kahiya. Galing.
"O-oo sige! Kunin mo ang damit mo na nasa cabinet then magbihis k-kana.", sabi ko. Igit naman! At talagang nauutal pa ako ah?
Tumango naman siya at kaagad ng dumiretso sa kwarto. Maya-maya pa lamang ay bumaba na ang alien at talagang fresh na fresh at nakabihis na ito.
"Okay. Magluluto muna ako ng pandesal--este ulam para mamaya.", sabi ko at kaagad ng umalis. Putek, anong pandesal? amp.
Nung tapos na akong nagluto ay agad ko namang tinawag si V ngunit hindi ito nakinig kaya pinuntahan ko na lamang siya sa sala at nakita ko na nanonood pa rin siya ng T.V.
"V, tara na at kakain na tayo.", sabi ko pero hindi pa rin siya nakinig. Tiningnan niya lamang ako atsaka ngumisi ito. Ano kaya ang trip sa alieng ito?
"Pilitin mo muna ako.", sabi niya. Leche ka talagang alien ka. Walang epek ang cuteness ko! Anue ba! Sana nga lang effective toh sa kanya.
Putek. Forgive me Lord for I have sinned.
"Sige naaa pleaseee! Kakain na tayooo!", sabi ko in an awkward-disgusting-cute tone. Take note, nakapikit pa talaga ang mga mata ko diyan so nagmumukha lamang akong timang.
"Ang cute mo din pala! Hahahaha okay!", sabi nito at tumayo na din. Napairap na lamang ako at sumunod na din sa kaniya papuntang kusina.
Nandito na kaming dalawa sa kusina, tahimik lang sa pag-kain ng mga pagkain.
All of a sudden, I felt uncomfortable ng tahimik lang kami kaya I decided to break the silence.
"V, may kaibigan kaba sa planeta niyo?", tanong ko sabay subo ng isang kutsarang kanin.
"Meron naman.", sabi niya sabay inom din ng tubig. That caught my attention. Hindi pala loner ang isang 'to.
"Ah, mabuti naman! So, ano naman ang mga pangalan nila?", tanong ko ulit.
"Sila sina JK, JM, S, J, JH, at RM.", sagot ni V na ikinalaglag panga ko lamang. Tinawanan niya lamang ako and--oh that laugh. It's so heart-warming. But seriously?! Pangalan pa ba ang mga yun?
Sabagay, mga alien din naman sila.
"Okay, So describe mo sila.", sabi ko sa kaniya.
"Si JK at JM ay yung pinakaclosest friend ko. Si J naman ay yung parang ina namin. Si JH yung clown namin. Si S naman ay umm...basta puro 'swag' lang alam dun. At si RM naman, tinatawag namin siya as 'KING OF DESTROYER' namin.", sabi niya. Natawa naman ako sa last. King of Destroyer? Amp.
Tumango-tango lang ako dito at pinagpatuloy lamang ang pag-kain. I have this feeling na parang gusto ko silang makita at makilala. Baka kasi mabait din eh. Kagaya sa alien na ito.
Napansin ko na nagiging kulay asul na naman ang buhok ni V. Iiyak na naman siguro ito.
"Okay ka lang ba?", tanong ko sa kaniya. At hindi nga ako nagkamali kundi umiyak talaga siya.
"Miss ko na *sniff* kasi *sniff* sila.", sabi niya at talagang pinahiran pa niya ang kaniyang mga precious tears. Ano ba naman 'to! Makiki-iyak nga din! Char.
"So ano plano mo? Babalikan mo na ba sila?", tanong ko. Eh syempre ako na naman ang magiging malungkot kapag wala na ang alien na'to. Back to normal life na kasi eh.
Atsaka nag-enjoy na din kaya ako na makasama ang alien na'to.
"Mamaya na kapag gusto mo ng sumama.", sabi niya. Awee, sweet naman neto.
Ay, anong sweet? Anong nakakasweet nun? Baliw.
"Hahaha sige.", yun na lang ang nasabi ko. Syempre interesado din kaya ako kung ano man ang nandoon.
Maya-maya'y tapos na kaming kumain kaya agad ko namang hinugasan ang mga plato habang nililinis naman ni V ang mesa. Nung tapos na akong nanghugas ay tapos na din siya sa paglilinis kaya niyaya niya kaagad ako na manood daw ng telebisyon. Syempre sinamahan ko na.
Ang movie na pinanood namin ngayon ay yung may mga kilig moments. Tch, hindi naman ako interesado sa mga 'yan pero bigla-bigla na lang din akong kinilig eh. Ewan ko nga lang kung bakit samantalang grabe naman ang kilig sa alien na'to. Mukha siyang timang tuloy. Hahaha ang cute!
Hours have been passed and I've noticed na nakatulog na pala ang alien kaya ginising ko ulit siya para matutulot na kami sa kwarto ngunit ayaw gumising ang halimparot na ito. Eh kung sipain ko kaya 'to.
"Hoy alien gumising ka nga! Doon tayo sa kwarto matutulog. Wag dito.", sabi ko.
Inimulat naman niya ang kaniyang mga beautiful eyes at kaagad din naman siyang tumayo ngunit pagtayo niya ay napahiga siya ulit sa sofa.
Lasing ba 'to?
"V naman! Halika nga dito at tutulungan kita. Bakit pa kasi ang bigat mo!", sabi ko at tinutulungan siya para makalakad ng maayos. Mukhang lasing ang engot eh hindi naman ito umiinom!
Tinulungan ko siyang tumayo patungo sa kwarto at nung nasa kwarto na, bigla naman akong nadulas kaya na out of balance kaming dalawa.
Kaya ayun in the end, napahiga kaming dalawa sa kama. And he's body just literally dropped on top of me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro