Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Sa kalagitnaan ng hating gabi nagising ang batang si Adlaw sa kaniyang silid. Nakatitig sa madilim na bahagi ng silid.

Hindi nagtagal lumabas ang isang bata na kamukha mukha ni Adlaw. Nakakatakot ang kaniyang mga mata na puno ng kadiliman.

“Adlaw nandito ako,” mahinang wika nito.

Nanatiling tikom ang bibig ng batang si Adlaw ng limang minuto. “Adlaw?” ang tanging sambit ni Adlaw na walang emosyon.

“Tama ako nga. Wala ng iba bukod sa akin at magulang mo ang tunay na nagmamahal sa iyo.”

Umiiling ang kaawa-awang bata sa kaniyang sitwasyon. Tama. Palagi siya inaaway ng karamihan ng direkta. Sa halip pinaparinggan siya na masasakit na salita. Yun tipo bawat kataga ay tagos sa puso at isipan.

Simula nag ka isip ang batang si Adlaw. Kusa nagsasalita ang bata sa tuwing binalot ng kalungkutan at inggit ang kanilang puso. Salita na hindi maintindihan kung ano ang kahulugan. Ngunit nagbago ang lahat na magpakita sa kaniya ang batang kamukha niya.

Nararamdaman ni Adlaw ang mangyayari. Ngunit wala siyang magawa kung hindi i tikom ang kaniyang bibig.  Sa kadahilanan may malubhang kapalit kung lalabanan niya ang mangyayari.

“Adlaw, Adlaw malapit na iyong kamatayan. Ngunit hindi ako makakapayag na ika'y mamamatay sa kanilang mga kamay.”

Bawat kataga ng nilalang na ito ay makabuluhan na may kasamang kahulugan. Hindi alam ni Adlaw kung sino ba talaga ito.

Nangyari ang kinatatakutan ni Adlaw Ang mamatay ang kaniyang magulang. Nandoon din ang ka mukha ni Adlaw walang magawa kung hindi sabayan si Adlaw na tumakas.

Noong na hulog si Adlaw sa butas na walang malay. Sa hindi malamang dahilan maraming insekto ang nakapalibot sa kamay ng bata.

Nakatitig ang nilalang sa bata. Ngumiti na tila demonyo. Naglaho sa kadiliman na iligtas ng matanda ang bata.

Lumipas ang mga araw na Kasama ni Adlaw ang matandang si Gabriel. Palihim natuto ang bata sa itim na karunungan at mas lalo umunlad sa tulong ng kaniyang ka mukha.

Alam ng kamukha ni Adlaw na mamatay ang matandang si Gabriel matapos ito magpaalam Kay Adlaw.

Hindi niya kinakausap ang nilalang. Pakiramdam niya parang mas lalo siya naging abnormal.

Kahit kailan hindi ito napansin ng matanda na may kakaibang nilalang ang kasama ng bata.

Nag-alala ang bata kahit takot at ayaw niya mag tungo sa baryo. Sa kaniyang pag punta nalaman niya sa dalawang babae at naniniwala siya patay na ang kinikilalang Lolo nito matapos marinig ang usap-usapan sa baryo.

Umuwi ang bata na puno ng galit. Biglang umulan at hindi inaasahan nakasalubong ang lalaki na may ka ugnay Kay Tasing. Kusa nagsalita ng kataga si Adlaw naging dahilan na walang ito ng malay.

Nagpatuloy ang bata. Hindi pinapansin ang lakas ng ulan. May narinig na ingay si Adlaw, sa kaniyang pag lingon kasabay tumama sa kawawang bata na naging sanhi ng kaniyang kamatayan.

Lumipas ang limang oras lumitaw sa kadiliman ang mukha ni Adlaw. Lumapit ang nilalang na may masamang tingin Kay Adlaw. Hinawakan ang kamay ni Adlaw. Himala gumalaw ang daliri na ikinangiti ng nilalang.

“Alas?” mahinang wika ni Adlaw.

Binalot ng itim na liwanag ang mata ni Adlaw. Ang sunod na nangyari linamon  ng kadiliman ang katawan ni Adlaw hanggan sa maglaho ito.

Patawa-tawa na humiga ang batang ka mukha ni Adlaw. Kinaumagahan takot na takot ang kamag-anak ni Tasing na lalaki. Kaagad binalita sa lahat natagpuan niya patay si Adlaw.

Hindi nagdalawang isip ang mga tao sa barrio sa pangunguna ng kapitan. Kinuha nila ang bangkay saka naman dinala sa libingan ng patay.

Sinunog ang kawawang bata bago ilibing. Mali ang akala ng lahat, saksi ang tunay na Adlaw sa kanilang ginawa. Sa tulong ng Alas ni Adlaw na linlang ang paningin ng mga tao. Ang sinunog nila ay hindi isang tao, kung hindi katawan ng puno ng saging.

Lumipas ang isang tao naging dalubhasa si Adlaw sa itim na karunungan. Nakamit niya ang paging isang Mangbabarang sa tulong ng kaniyang Alas.

Nag pakalayo-layo siya sa Barrio St.Monica upang paghandaan ang kaniyang pagbabalik. Sa isang taon na lumipas hindi niya kailangan sundan ang bawat punterya niya.

Sa pamamagitan ng Alas ni Adlaw. Nalalaman ni Adlaw kung saan o anong ginawa na kaniyang papatayin.

Kahit wala siya sa Barrio St.Monica hindi malaking problema sa kaniya. Sa kagubatan na katabi ng baryo st.Monica, Nakatayo ang bata habang binuksan ang kaniyang mga garapon na puno ng iba't ibang klase ng insekto.

Bumulong siya sa hangin kasabay naglaho ang lahat ng Insekto maliban sa matabang Alupihan. Upang malaman ka agad ni Adlaw kung may kokontra sa pamamagitan ng matabang Alupihan, kung mamamatay ito.

Lumipas ang ilang araw tagumpay ang kaniyang paghihiganti. Lahat ng may kinalaman at kagustuhan patayin sila.

“Alas. Oras na para umalis dito. Kailangan ko mabuhay ng normal sa ibang baryo.”

Naglalakad ang bata habang bitbit ang sako na puno ng mga garapon. Huminto siya saka nag hukay at inilibing ang mga garapon. Upang sa kaniyang pagbabalik sa takdang panahon may magagamit siya.

“Paalam Adlaw!”

Napalingon si Adlaw. Kitang-kita niya dahan-dahan naglaho si Alas. Alam niya hindi na niya muli pang makikita ito. Sa dami naitulong sa kaniya para mapag tagumpayan ang kaniyang nais. Ang kapalit ng tagumpay ni Adlaw ang tuluyan pag laho ni Alas.

Ang inaasam na buhay ni Adlaw, muli niya mararanasan kahit hindi na niya kasama ang magulang. Mananatili sa kaniyang alala ang nakaraan.

Walang nakakaalam kung habang buhay na isang batang mangbabarang. Ang batang si Adlaw, na minsan pinagkaitan ng panahon.

Sa huling sandali lumping si Adlaw para alalahanin ang masayang araw niya sa baryo. Hindi namalayan umagos na pala ang luha.

Tapos na siya maghiganti sa mga taong may kasalanan sa kaniya. Oras na para lisanin ang baryo. Hindi niya alam kung saan baryo siya manirahan. Ngunit sigurado siya, may mag naghihintay sa kanya na magandang kinabukasan.

Tuluyan ng umalis si Adlaw na bitbit ang masamang nangyari. Itinapon ni Adlaw ang saku sa tabi- tabi saka maingat na hawak niya ang nag iisang garapon na puno itim na kung ano man bagay.

Mapapansin sa ibabaw ni Adlaw may itim na usok. Na sumisimbolo sa galit at kalungkutan ni Alas.



Wakas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro