Chapter 8
Pang apat na araw na sakuna sa barrio marami ang lumipat sa kabilang barrio, pero konti ang bilang na nagtagumpay. Hindi na alam ang gagawin ng barangay captain lalo na tag hirap ang kanilang barrio.
Patuloy na lumaganap ang iba't ibang klase ng insekto na naging sanhi ng maubos ng mga pananim. Nagsimula lumaganap ang sakit sa barrio dahil sa gutom at init ng panahon.
Kung dati rati halos ang simbahan walang tao na pumunta para mag dasal sa panginoon. Ngunit nagbago ang takbo ng panahon. Araw-araw sumasamba ang mga tao upang ipadasal ang kanilang kaligtasan.
Ngunit hindi nag pa talo ang kasamahan na tumatak sa barrio lalo na sa mga taong may kasalanan. Natapos ang misa lumabas ng simbahan ang Barangay Captain Kasama ang pamilya at malapit sa kaniya na mga tanod.
Masaya ang kwentuhan na tila ang bawat Segundo ay mahalaga. Kitang-kita sa mata ng Barangay Captain ang halo-halong emosyon.
Huminto ang barangay captain sa hindi malamang dahilan, kusa umaagos ang luha nito. Nagtataka ang kapamilya ngunit napaatras silang lahat na bigla bumagsak ang mga patay na uwak na ikinatumaba ng barangay captain.
Hindi mapigilan ng captain lang sumigaw. Sobrang lagkit na likido ang dumanpi sa kaniyang mukha. Hinawakan niya ang mukha saka tiningnan.
Nanginginig ang tuhod na napagtanto dugo pala ito ng tao. Bumagsak ang magkabilang tuhod ng Kapitan.
Akmang lalapitan ang pamilya ng kapitan pero. “Huwag kayo lumapit!” na iiyak na ang pamilya ng kapitan lalo na ang asawa nito.
Nakatingin lang ang mga tao na mula sa malayo sa kaniyang direksyon. Na agaw ang atensyon ng lahat na bigla nagsisigaw ang mga tanod sa subrang sakit.
Nagtataka sila sa apat ngunit hindi na mapigilan masuka ng apat na tanod ng uod, ipis, salagubang at ibang pang insekto ang iniluwa niya kasama ang dugo. Napahagulgol ang apat sa sobrang sakit na nararamdaman at dahil sa pandidiri.
Kitang-kita ng lahat na may gumagalaw sa balat ng apat na patungo sa leeg hanggang bigla na butas ang leeg at lumabas doon alupihan na naging sanhi ng pagkamatay.
“Diyos ko!” sigaw ng asawa ng kapitan.
Hindi nila napansin ang kapitan na walang buhay na ito nang agaw ang atensyon ng lahat. Kasabay naman mabilis pumayat ang katawan ng Kapitan hanggan sa wala na ito natira na dugo na naging sanhi ng pagkamatay.
Lumapit ang asawa ng kapitan para hawakan ang bangkay pero hindi niya natuloy. Maraming insekto ang lumabas sa bibig, tenga at mata ng walang buhay na kapitan.
Sa labas ng pintuan ng simbahan kasalukuyan nakatayo ang pari habang nakatingin sa mga namatay. Nanginginig ang magkabilang tuhod na hindi namalayan naka ihi na pala ito sa sobrang takot.
Sa hindi kalayuan sa simbahan kung saan maraming puno na hindi pansin ng Kahit sino. Nakatayo ang pigura ng isang bata. Naglaho sa kawalan matapos masaksihan ang kamatayan nila.
Sa ika-limang araw napagpasyahan ng bagong barangay captain na huwag agad ipalibing ang bangkay ng dating kapitan. Samantala ang mga tanod namatay ipinalibig dahil patuloy pa rin ang mga insekto na Kumain ng katawan ng apat.
Pagsapit ng hapon wala ng tao makikita sa daan sa kahit saan man. Maliban sa matandang baliw na kasalukuyan naglalakad pauwi.
Nararamdaman ng matanda na may sumusunod sa kaniya. Hindi niya mapigilan ang sarili na mag isip ng negatibo lalo na sa nangyari ngayon.
Huminto ang matanda sa ilalim ng puno para magpahinga. Mabuti na lang may dala siyang bote na may lamang tubig.
Nakatingala sa kalangitan na dahan-dahan na bumalot ang dilim.
“Tiyak may nangyari ngayong gabi. Kung dati-rati natutuwa ako sa oras na ito. Ginagawa ko pahirapan ang aking biktima sa pagbibigay ng malalang karamdaman bago mamatay. Isa na don ang Ama ng dakilang chismosa na si Tasing,” patawang sambit nito.
Ang hindi alam ng matanda nakikinig ang magkapatid na Aswang. Ang magkapatid na Aswang agad sumugod sa matanda pero walang kahirap hirap na iwasan. Nagpalitan ng atake sa isa't isa hindi nagtagal mas lamang ang magkapatid na Aswang.
Hindi namalayan ng dalawa habang nagpalitan ng atake, binato ng matanda ang insekto sa bunganga ng dalawa na kaagad naman nalunok ito.
Walang magawa ang matanda matapos masugatan ang tagilid nito. Walang awa na pinagtulungan ng dalawa ang matanda hanggan sa nawalang ito ng buhay. Ninakaw ang puso pinaghatian ng dalawa kainin ito.
Ang magkapatid na Aswang walang iba kung hindi si Tasing at Tasya na matagal na palihim na pumapatay sa barrio. Kahit noong nabubuhay pa ang batang si Adlaw. Minsan na rin ito tinakot ni Tasing sa pamamagitan ng ingay.
Tuwang-tuwa ang magkapatid na Aswang. Ang hindi nila alam sa hindi kalayuan may pigura ng isang bata. Mabagal ang pag sambit ng bawat kataga.
Napahiyaw ang magkapatid na bigla sumakit ang kanilang tiyan. Parang may kumagat sa kanilang lamang loob sa loob na kung ano man. Sa kisap mata bumagsak na walang buhay ang dalawa na puno ng insekto na sobrang dami na lumabas mula sa mga sugat. Bumalik sa normal ang anyo ng dalawa pero agnas na bangkay.
Ang pigura ng isang bata naglaho matapos masaksihan ang kamatayan ng tatlo. Kinaumagahan natagpuan ang bangkay ng tatlo. Nabahala ang Kapitan lalo na ang bagong mga tanod.
Naniniwala sila malapit na matapos ang paghihirap ng barrio. Natuklasan ng lahat ang tunay na dahilan ng sakuna sa likod nito. Sa tulong ni Norah. Naghihiganti ang may gawa, isang batang lalaki ayon sa kaniyang nakita sa tawas.
Sigurado na sila ang batang naghihiganti ang kaluluwa ni Adlaw. Pero paano niya ito nagawa kung matagal ng patay. Palaisipan sa kanila kung bakit.
Sa ika-anim na araw himala walang nangyari masama. Napapansin ng karamihan na dahan-dahan na kumunti ang bilang ng mga insekto. Wala ng patay na palaka ang nagkalat sa daan. Wala ng boses na bigla bigla mag ingay.
Sa ika-pitong araw tuluyan ng nawala ang peste sa pananim. Matahimik ang barrio pero nanatili pa rin ang takot na bumalik sa kanilang puso.
Marami ang nag balak na ituloy ang plano na lumipat, pero na unahan sila ng takot. Baka nag abang lang ang naghihiganti sa daan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro