Chapter 7
Samantala takot na takot ang matandang baliw na umuwi. Pagdating nito sa bahay bumalik sa normal kilos at pananalita nito.
Natutuwa ang matanda. Maraming taon na siya nag panggap na baliw sa kadahilanan upang hindi mahalata, ang kaniyang tunay katauhan.
Magaling umarte ang matanda, lahat napaniwala niya. Pero hindi niya malilimutan sa tanang buhay niya. Isang taon na lumipas na pinagbintangan ang pamilya ni Ethan na Aswang at walang pinatay ng mamamayan.
Sa pagkakataon ito mas lalo naging malaya siya gawin ang gusto niya. Walang iba kung hindi pag aralan ang itim na karunungan. Kasangkapang ang mga tao hindi niya gusto, maraming beses na siya na bigo na pumatay ng biktima.
Pero isang taon na lumipas. Nag tagumpay siya bumarang ng walang kahirap hirap. Ngunit dahil sa kumalat na mga isyu na tungkol sa Aswang. Hindi natutuwa ang matanda. Lalo na hindi magagawa ang gusto niya.
“Lalala...”
Natigilan ang matanda na marinig ang napakagandang tinig. Hindi niya alam kung saan ito nagmula at kung sino ang may-ari ng boses.
“Lalala...”
Ang kaninang pagpapanggap ng matanda na tila takot na takot. Hindi mapigilan ng matanda na manginig ang buong katawan, nag sitayuan ang balahibo.
Sobrang bigat ng pakiramdam. Pamilyar siya sa pakiramdam na ito. Minsan na niya na galit ang may mas malalim na kaalaman sa itim na karunungan.
Nagtataka siya kung may nakaaway ba siya na mangbabarang. Pinag isipan ng mabuti at pilit na malaala ngunit wala.
“Nanana...”
Napalingon ang matanda na bumukas ang bintana. Ang bahay ng matanda ay gawa purong kawayan maliban sa haligi nito.
Nanginginig ang labi ng matanda habang nanglalaki ang mata. Hindi niya matanggap ang pinaniniwalaan ng karamihan na patay.
Ngayon lang napagtanto ang kaniyang pagkakamali. Siya ang pumatay sa ina ni Ethan na isang mangbabarang. Dahil sa biglaan pagkamatay at ayaw ni Ethan tanggapin ang kaalam.
Naniniwala siya walang pinagmanahan ng kakayahan. Sinubukan niya patayin ang batang si Adlaw sa tuwing mag punta ang matanda. Minsan tinatakot niya o binabato pero walang takot ang bata. Nararamdaman niya ang masamang presensya nito.
“Hindi maaari patay ka na?!”
Paatras ang matanda hanggang sa bumagsak na una ang pang upo. Hindi lubos akalain na mangyari ito sa kaniya.
Habang tumatagal dahan-dahan na lumapit ang nakikitang niya bata, mas lalo lumalakas ang sigaw nito na parang baliw.
“Huwag Kang lumapit!”
Huminto ang bata nakikita niya, biglang ito tumawa ng napakalakas kahit takpan pa ng matanda ang tenga. Pero narinig niya ito sa kaniyang isipan.
“Hihimatayin ako sa takot. O d-diyos ko!”
Napapikit ng mariin ang matanda. Lumipas ang limang minuto huminto ang tawa. Sa kaniyang pag mulat wala ng bata. Ang tanging nasa isip ng matanda. Si Adlaw muling nagbalik upang maghiganti sa kanila.
Pero paano niya nagawa muling magbalik sa mundo ng mga buhay.
“Ako si Veron, hindi ako makakapayag na magpadala ng takot. Kailangan ko mag hanap ng Solusyon.”
Ang tanging nasa isip ni Veron kung ang batang si Adlaw ang tagapagmana ng mangbabarang.
Kinaumagahan bumungad sa barrio ang masamang balita. May isa o dalawa ang namatay sa bawat pamilya. Nakaramdam ng takot ang lahat. Ang tanging itinuro ng lahat kasalanan ito ng Aswang.
Ang bawat biktima ay walang puso at mata. Putol ang kamay at paa. Karamihan ang biktima may kinalaman sa pag sunog sa batang si Adlaw.
Hindi na nila alam ang gagawin. Nagtataka ang karamihan buong araw hindi nagpakita ang matandang baliw. Lalo na kung may patayan o pagbintangan ay palagi ito nandoon.
Inilibing ang mga bangkay ng madalian, kahit ang pari ay hindi makapalag. Gusto ng pari bago ilibing ay magdasal muna para sa mga namatay.
Ang takot ang bumalot sa barrio. May ilang na sa kanila ang gusto lumipat sa kabilang barrio. Pero hindi ganun kadali lalo na kumalat ang chismis kahit umaga umaatake ang Aswang.
Hindi nila alam kung ano ang ginawa nilang mali sa mga Aswang. Napapaisip ang karamihan dumagdag pa ang mga insekto na biglang rumami.
Ayon sa tao may kaalaman sa lihim na karunungan. Ang dahilan na pag dami ng insekto sa barrio ay kagagawan ng isang mangbabarang.
“Tiya Norah matatapos pa ba ito?”
Napalingon si Norah sa kaniyang Suki na bumibili ng kaniyang paninda.
“Hindi ko alam Suki. Pero sa tingin ko ang may gawa naghihiganti. Wala nakakaalam kung kailan matatapos ang sakuna ng barrio.”
Hindi makasagot ang babae. Umalis ito matapos makuha ang binili na isda. Tahimik nagmamasid si Norah sa paligid.
Walang nakakaalam ng kahit sino ang tunay na may pakanan kung hindi si Norah. Ang hinala niya hindi lang ang Mangbabarang at Aswang may gawa ng sakuna may halong sumpa na ito.
Napalingon si Norah na mapansin ang pag pasok ni Tasing. Halata sa mukha nito ang sugat, nangliit ang tingin niya na may napansin na anino sa likod ni Tasing.
“Anino?” mahinang sambit, “Magandang araw
Kapitan!” napakunoot noo si Norah may anino rin nakasusunod sa kapitan.
Hindi pinansin si Norah ng kapitan, abala lang ito sa pagbili sa suki nito. Napa buntong hininga hininga. Ang bigat ng pakiramdam niya.
Napatalon ang lahat na biglang dumating ang matanda baliw habang nagsisigaw sa takot.
“Mamamatay tayo lahat lalo na ang pumatay sa kaniya!” paulit-ulit na sambit nito.
Na takot ang karamihan kahit pinaniniwalaan nilang baliw ang matanda. May parte sa kanila, naniniwala sa mga sinasabi ng matanda.
“Nanana...”
Natigilan ang lahat na marinig ang boses na yun. Saglit lang ingay na yun pero malaki ang naging epekto lalo na nag sitayuan ang balahibo sa buong katawan.
Nanumbalik ang lahat sa pag ingay. May kaniya kaniya pananaw, pero ang nakakapagta tahimik sa gilid si Tasing. Halata sa mukha ni Tasing ang takot na katulad sa matandang baliw.
Naglalakad ang dalawa na parang wala sa sarili. Hindi napansin ng katabi dahil abala sa pag chismis.
May nagmamadali umuwi kahit hapon pa. Sa takot na ma biktima ng Aswang at lalo na ang mga insekto na bigla na lang lilitaw nakakadiri.
Araw-araw may namamatay at nakakadiri ang bawat daan may maraming patay na palaka kaya Minsan hirap ang iba lumayo ng bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro