Chapter 6
Chapter 6
Masaya ang pamumuhay ni Adlaw sa feeling ng kinikilalang niya Lolo Gabriel. Kahit masakit man ang nangyari nagpakatagtag siya upang ipagpatuloy ang layunin mabuhay.
Sa tuwing mag tungo si Lolo Gabriel sa alinman barrio. Kahit anong pilit ni Lolo Gabriel ay hindi na muli siya tatapak. Noong huli niya dalaw sa Barrio pinanggalingan niya. Narinig niya mismo sa mga kababarrio na masaya sila namatay ang pamilya nila.
Masakit man isipin ngunit wala siyang magagawa. Ang tanging nakita niya may pag alala sa kaniyang ang tindera sa palengke isda. Nakalimutan niya pangalan pero nasisiguro niya mabuti ang kalooban nito.
Umalis ang kinikilalang niyang Lolo. Na iwan si Adlaw sa bahay habang nakatingala sa kalangitan. Naririnig niya ang bulong ng hangin pero hindi na niya pinansin.
Sa pag aakala baka epekto na ito ng biglaan pagkalungkot niya. Hindi niya maiwasan mag iyak ng hindi namalayan. Ayaw niya sumama sa barrio o bayan man sa kadahilanan makikita niya ang masasayang pamilya.
Ang inggit niya sa loob ay dahan-dahan nabubuhay na naging sanhi na mas lalo siya na saktan. Takot na siya lumapit sa kahit sino.
Ngunit lumipas ang maraming oras na hindi umuwi ang matanda hanggan sa umabot ng gabi. Hindi mapakali ang bata.
Napagpasyahan na mag tungo sa Barrio pinagmulan niya. Sa pagkakaalam niya doon patungo ang kaniyang Lolo kung hindi nakauwi ng maaga.
Hindi pa man siya umabot ng barrio. Narinig niya ang usapan ng dalawang babae.
“Kawawa ang matanda inatake sa puso.“
“Sinong matanda ba yun mare?”
“Si Lolo Gabriel. Ang bait ng matanda na yun, sayang Patay na siya.”
“Ano ba Kasi nangyari?”
“Sabi nila nagkasagustan sila ni kapitan.”
Hindi makakilos si Adlaw na malaman ang buong katotohanan. Ngunit hindi siya naniniwala kaya nagmamadali siya tumakbo at hindi pinansin ang dalawang babae na patuloy nag uusap.
Pagkarating niya sa pinangyarihan. Labis ang kaniyang kalungkutan na marinig mismo sa bibig ni Aling Tasing. Walang kabuhay buhay na umalis si Adlaw sa Barrio nang malaman niya ipinilibing agad ito ng kapaitan.
Umagos ang luha na bunga ng hinanakit sinabayan na pag buhos ng ulan. Parang baliw ang bata na paulit-ulit sinambit ang katagan “Maghihiganti ako, uubusin ko kayo, pangako.” Mabagal ang bawat hakbang na tila na wala na ito ng pag-asa.
Nakasalubong niya ang lasing na lalaki na kamag anak ni Aleng Tasing. Huminto ang bata saka nag angat ng tingin.
Dumilim ang kaniyang paningin. Biglang nag bago pagsasalita nito ng ibang wika. Nahimatay ang lalaki sa hindi malaman dahilan.
Nagpatuloy ang batang si Adlaw sa paglalakad. Kapansin pansin ang mga mata niya na sinakop ng itim. Kahit sino man ang makakita sa kaniya ay matatakot.
Napalingon ang bata sa pinagmulan ng ingay. Huli na ang lahat bumagsak sa bata ang malaking kahoy na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Namatay si Adlaw na dala ang galit at paghihiganti na muli siyang magbabalik sa takdang panahon.
Kinabukasan ang kamag anak ni Aleng Tasing ang nagkalat na patay na ang batang ka mukha ni Adlaw. Gusto ito sunugin ng mga tao sa utos ng kapitan ngunit binalaan sila ng pari.
Kahit anong pakiusap ng pari, ayaw makinig ng tao. Masyado ng nilamon ng galit ang puso at isipan.
Walang nagawa ang pari sa takot na madamay. Itinapon ang katawan ng bata sa hukay bago sinunog.
Bago pa man umalis ang lahat sa pinangyarihan. Nakarinig sila ng tawa na mula sa kung saan. Ngunit hindi nila pinansin sa halip nag tawanan pa.
Isang taon na lumipas na mangyari ang aksidente. Ang akala ng lahat mapayapa na ang pamumuhay subalit isang gabi nag bago ang lahat. Ang barangay captain mismo ang nakakita sa kakaibang nilalang, may nakakakilabot na wangis na tila na parang palaka.
Walang magawa ang barangay captain sa pagkakataon ito. Hindi niya magawang maigalaw ang buong katawan dahil sa matinding takot ang bumalot.
Sa kabutihang palad dumating ang mga tanod, kaya nagmamadali umalis pa layo ang nilalang na yun sa kadiliman.
“Kapitan para Kang naka kita ng multo sa itsura mong yan?” sambit ng isa sa mga tanod.
Nanginginig ang labi ng barangay captain habang sinambit ang katagan “May A-Aswang...” Hindi mapakali habang paulit ulit na sinambit nito.
Kinabukasan kaniya-kaniya reklamo ang mga tao namatayan ng alagang hayop. Nag sumbong ito sa punong barangay upang ipagbigay alam at mapag-usapan kung ano ang solusyon.
Nagtataka ang karamihan kung bakit nangyari ito. Kung na patay na nila ang mag pamilyang Aswang sa kanilang Barrio. Kahit ang Numero uno na marites ng barrio ay tikom ang bibig.
Napagpasyahan ng barangay captain na gabi-gabi mag ronda ang mga tanod. Hindi na sumama ang barangay captain sa kaniyang nakita kagabi.
Habang tinahak ang daan patungo sa simbahan ng mga tanod. Nagtataka sila sa ingay na pinagmulan sa nag iisang bahay na malapit sa simbahan.
“Hindi ba Kay Aling Tasing bahay to?” mahinang sambit nito.
Hindi pa man sila nakaabot sa harapan ng simbahan. Napatalon ang apat na tanod na sumulpot ang baliw na matanda.
“Diyos ko po. Anong ginagawa niyo dito, kung pa ako sa inyo mag si uwi na Kayo!”
Akmang magtatanong ang tanod ngunit kumaripas ng takbo ang matanda. Halata sa pagmumukha nito ang takot.
“Nangyari sa isang yun?”
“Baliw nga yun. Huwag na natin pansinin.”
Natigilan ang apat na marinig ang ingay na pinagmulan sa bahay ngunit mas lalo sila na takot ang tinig ng isang bata.
Tinig na parang nakaranas ng hinanakit.
“Amoy Langis?” sabay lingon ng tanod sa bahay.
Umalis ang apat sa harapan ng simbahan sa takot na baka may masamang mangyari.
Sa kabilang banda nakatayo ang dalawang tao na hubod hubad habang ibinuhos sa katawan ang langis.
“Nararamdaman ko bumabalik na ang aking lakas, Kapatid.”
“Sang ayon ako dyan. Pero may malaki tayo problema, Kapatid,” dismayado sambit nito.
“Ano yun?” takang sambit nito.
“Hindi ko na mapipigilan ang gutom. Kahit Kumain pa ako ng Kumain, hindi ako na busog.”
Binatokan niya ang kasama.
“Tanga, huwag mo pigilan niyan. Wala naman nakakaalam na tayo ang tinutukoy nila na Aswang.”
Natigilan ang dalawa na marinig ang tawa ng isang bata. Kahit Aswang sila ay nakaramdam ng takot. Nakakakilabot na aura ang nakabalot sa boses na yun.
“Ang pamilyar ang pakiramdam na ito. Ito ang m-” hindi natuloy ng kasama na sambitin ito. Bigla ito na himatay.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro